Wednesday, January 27, 2021

YOU'RE FREE WHILE I'M NOT

Nagsimula ang lahat nung highschool tayo. Yung panahong masasaya pa ang lahat. Panahon na akala natin ay walang makakasira sating dalawa. Lahat ng mga pangarap ko ay kasama ka. Plinano ko nang lahat ng mangyayari sa buhay ko kasama ka kasi ikaw gusto ko makasama sa pagtanda.

Nagsenior high tayo, nag kaiba ang paaralan natin. Nag aalangan ka sa gusto mong kunin na strand pero sinuportahan kita sa kung anong gusto mo. Habang ako ay nag aaral, di mawala sayo ang pagiging selosa mo. Pero di mo lang alam na ang pagtingin ko'y tanging sayo lang.. Lagi kitang binibigyan ng assurance na sayo lang ako. Nagpupursige ako sa aking pag aaral dahil may pangarap akong gusto kong matupad. Habang ika'y nagtatanong na kung ano ba ang kukunin mo sa kolehiyo. Kasama mo ako sa iyong kalungkutan. Lahat ng paghihirap mo ikaw ay aking dinamayan.
Pero nag bago ang lahat nung ika'y humingi ng pagitan. Na kailangan mong huminga para sa iyong isipan. Nirespeto ko ang gusto mo. Sinabi mo na babalik ang lahat makalipas ang isang buwan. Nag intay ako ng lampas sa isang buwan, para lang malaman na ikaw pala'y sumasaya na sa iba ng di ko alam. Umamin ka sakin na di mo yun sinasadya. Pero bakit naman ganun pinag intay mo ako sa wala? Anlakas mo pang mag I Love You habang may iba ka na palang jowa. Sinabi ko naman sayo na sabihin mo lang sakin kung di na ako at kaya ko naman magpalaya.
Pinalaya kita para maging masaya kayong dalawa. Kinausap ko pa yung bago mo na sana ingatan ka nya. Na kung di na niya ang iyong ugali ay ibalik ka nya. Dahil pinaubaya kita sa kanya para maging masaya ka.
Ngayon, medyo matagal na panahon na din ang lumipas. Pero yung sakit nandito pa din at di ko mailabas. Akala ko kaya kong tanggapin ang lahat ng sakit para lang maging masaya ka. Pero hindi pala. Ngayon masaya ka na kasama mo sya, habang nandito akong nag iisa. Pero wag kang mag alala, dadating din ang panahon na kaya ko ng maging masaya kahit ako lang mag isa.
Ligalig
2017
Unknown
Unknown

PARA

Share ko lang. Last December lang to nangyari but until now kinikilig pa din ako at natutuwa hahahahahahaha

I was on my way back home nang alukin ako ng isang jeepney driver ng sakay because that time wala na talagang dumadaang pampasaherong jeep dahil nga medyo hapon-hapon na. He asked me kung taga-saan ako hindi agad ako nakasagot kasi medyo alanganin pa ako non kay kuya pero I know him, familiar s'ya sakin kasi nakikita ko s'yang bumabyahe with his jeep sa lugar namin. Hindi ko lang alam pangalan niya. So I told him na taga-*** ako then sabi n'ya, "Sumabay ka na sa 'kin papauwi na din naman ako. Madadaanan ko din yung sa inyo." Noong una kinabahan talaga ako kay kuya kasi we don't know each other personally pero wala rin naman akong nagawa kasi baka gabihin pa ako lalo kung maghihintay pa ako doon sa sakayan.
Along the way, nakaupo ako sa tabi ng driver seat. Tahimik lang kami non walang nagsasalita sa amin and ako nakikiramdam sa paligid at binabantayan ko talaga kung tamang daan pa ba yung tinatahak namin and as in habang tumatakbo ang jeep nakahawak ako sa bukasan ng pinto ng jeep (yeah I'm paranoid i know hahahahaha) then he turned to me and asked me, "Hindi ba anak ka ni ***?" I just nodded at him kasi talagang tensyonado ako. Then he added, "kumpadre ko yun, lagi ko yun nakakasama sa ***" that time nakaginhawa talaga ako goodness! Masyado akong nag-iisip ng mga kung ano-ano hahahahahaha
So ayon he started talking about him and my father at mga kwentong barbero and some other things Hahahahahahha sa totoo lang ang daling pakisamahan ni kuya kasi andaldal niya pala and pala-tawa.
As our way goes long nagtanong ulit s'ya sakin about my social status like my age and if I already have a boyfriend. Mariin ko pong itinatanggi na wala ako non charot! So si Kuya naman agad niyang binida anak niya hahahahahaha sabi pa n'ya, "Iyong anak ko 2nd year college, hanggang ngayon nga wala pang pinapakilalang girlfriend sa amin ng mama n'ya masyado kasi yun tutok sa pag-aaral n'ya pero sinabihan ko naman na okay lang sa amin na magka-girlfriend s'ya basta h'wag n'ya pababayaan pag-aaral n'ya. Ewan ko ba sa batang iyon bakla ata."
That time napalakas talaga ang tawa ko kay kuya HAHAHAHAHAHAHAHA grabe ka ha. Then i replied to him, " Hindi naman po siguro, baka lang po mas priority n'ya lang studies n'ya kasi gusto niyang maipagmalaki niyo s'ya."
He turned to me and smiled then he said, "Gusto mo ba ipakilala kita kay ***? Gwapo 'yun mana sa'kin."
Dios ko Lord! Na-speechless talaga ako kay kuya HAHAHAHAHHAHAHA aba'y anak niya ibinugaw na sa akin HAHAHAHAHAHHAHA Hay kuya kung alam mo lang I'm all free and single! Chos! So ayon tango-tango na lang ako kasi hindi ko na talaga alam ang sasabihin hahahahahaha
Hanggang sa makauwi ako I even tried to pay him for the ride pero ayaw n'yang tanggapin bumawi na lang daw ako sa kanya kapag naipakilala niya na sa'kin anak niya HAHAHAHAHAHAHA so ako naman ngumiti nalanh sa kanya at nagpasalamat.
Hi kuya! Salamat po sa libreng sakay at sa mga kwento mo. Totoo nga yung kasabihan nila na Drivers are sweet lovers kasi nalaman ko kung gaano mo kamahal ang pamilya mo. In just a short time, I enjoyed the ride with you po and thank you dahil nakauwi ako ng ligtas dahil sa inyo❤
Juanna
UNKNOWN
UNKNOWN
UNKNOWN

FORGIVENESS WILL SET YOU FREE

"Halaaa ang ganda ng dress mo bibili din ako ng ganto"

"Gusto ko din ng ganyan na hair"
"magkano yan? Pag iipunan ko din yan"
" san ka papasok? Dun din ako para magkasama tayo"
Nagsimula sa mga simpleng bagay na gusto ko ang mga gusto mo din. We were bestfriends since grades school. Im not a type of friend na madamot kaya lahat ng gusto mo kahit gusto ko binibigay ko. Hindi kita kailanman pinigilan na magkaroon ng mga bagay na katulad ng sa akin kasi naisip ko na yun siguro ang dahilan kung bakit tayo close. Na baka parehas kasi tayo ng mga gusto kaya naging mag beshie tayo. Im very much willing to share to you all the things that I have pero bakit ganun? Bakit pati sa lalaking mamahalin ko? Simula pa lang lahat kinuwento ko sayo kung pano ako nahulog sa kanya. Ikaw ang kasa-kasama ko sa bawat saya at sa lungkot na naranasan ko nung minahal ko siya. You was there to comfort me kapag nagkakalabuan kami kaya ansakit sa part ko na nakuha mo pa din itago sakin na may relasyon na pala kayo. Masakit na parang wala lang sayo na nasasaktan ako. Isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pero nakuha mo pa din akong lokohin.
To you my bestfriend, Pasensya kana nung nagalit ako nung nalaman ko na may relasyon na pala kayo. Tao lang din naman ako nasasaktan. Gusto ko lang malaman mo na pinatawad na kita kahit hindi ka humingi ng kahit isang sorry. Pinatawad kita hindi dahil nakalimutan ko na lahat ng sakit kundi dahil gusto kong makalaya. Ipag papa sa diyos ko na lang ang lahat. Sana maging masaya ang relasyon niyo.
And to the man I loved, Maybe I'm still hurting pero alam kong makakaya ko. Diyos na ang bahala sayo sa pang gagago mo sakin. Sana alagaan mo ang bestfriend ko. Sobrang sakit ng ginawa mo na hanggang ngayon natatakot na akong magmahal ulit. Maraming salamat sa masasaya at sa mga aral na naibahagi mo sa akin.
Hindi man madaling magpatawad. Palagi sana natin gawin. Mahirap magpatawad sa mga taong hindi naman hinihingi ang kapatawaran natin pero mas mahirap mabuhay sa sakit at galit. Hindi mabubura ng pagpapatawad ang sakit pero bibigyan ka neto ng panibagong pagkakataon para mag simula ulit.
Ps: Okay na kaming tatlo ngayon. Pinilit kong ibalik ang samahan namin ng bestfriend ko. Nagmahal lang din siya at biktima lang din ng mapaglarong tadhana.
Cassandra
2020-2021
HUMSS
La salle

KAIBIGAN "DAW"

I just wanna share my story to you.And I know naman na magiging lesson din ito sa ibang tao na kagaya ko.I hope na ma-post po ito to give awareness. Pakitago na lang ako sa pangalang Emerald.

I have this former best friend na palaging ako ang takbuhan sa mga financial problems dahil madali akong malapitan. Hindi naman kasi ako madamot.So, palagi siya humihiram sa akin at dahil nga generous at matulungin ako pinapahiram ko. Dumating sa point na kahit gamit ko hindi sinasaoli. Because I'm shy to tell her na kukunin ko na yun pinabayaan ko.
Years had passed, ganon pa din hihiram ng pera, hindi isasauli. Pinababayaan ko na lang muna. Kasi baka naman magbayad.Pero hindi. One time ibinenta ko sa kanya yung phone ko na nagamit na. Ibinigay ko na sa kanya ng 900.bNahulugan naman niya noong una, kaso noong katagalan na hindi na niya binayaran. Hinayaan ko na lang ulit.
Last wednesday, humihiram siya, hindi ko pinahiram dahil alam ko na gawain niya. Sasabihin niya manghihiram siya pero hindi naman babayaran. Nakakadala kasi. Magpapahiram naman ako kung nagbabayad siya ng kusa. Gusto ko naman talaga magpahiram dahil alam kong mahalaga yung paggagamitan kaso nga dahil sa nadala na ako hindi ko na lang pinahiram. Mukha ngang nagalit pa sa akin kasi nag-post pa.
I asked myself and my other friends. I asked them if okay lang ba na tumanggi, for them okay lang naman as long as hindi talaga marunong magsaoli.
And I realized na tama lang ginawa ko.
The reason why I shared this story to give awareness especially sa mga taong kagaya ko na generous pero inaabuso. I just wanna tell you na you should avoid that kind of people kasi toxic ang kagaya niyan. We don't need that kind of friendship.Na lalapit lang sa'yo if they need you.Learn to get rid of them in your life kasi hindi sila nakatutulong for you to grow.Hahatakin ka nila pababa.
AMETHYST
2020
BSED
BULACAN STATE UNIVERSITY

I ALWAYS PRAY TO GOD NA SANA WALANG MAGBABAGO

Last night I was with my boyfriend. Dun kasi ako natulog sakanila. And while he was watching a movie habang ni-wrap niya ako sa mga bisig niya, I suddenly felt the feeling of saying "I love you" to him. So bigla akong nagsalita habang nakapikit at nakayakap din sakanya, I said; "I love you, *insert ng call sign namin* ". Then he replied, "I love you too, *insert ng call sign namin*" sabay hinalikan niya ako sa noo. Alam niyo yung pakiramdam na the moment your man did that to you, sobrang nase-secured ka? Yung lahat ng mga problema mo sa buhay eh biglang makakalimutan mo muna ng sandali? Sobrang nakaka overwhelmed sa feeling as a woman.

After niya ginawa yun, bigla akong nagsalita ulit. Sabi ko, "Sana hindi ka magsasawa sakin" sabay napatawa ako ng mahina. Then he said, "Bakit naman ako magsasawa sayo e mahal na mahal kita tapos mahal na mahal mo din ako". Char lande ng lola niyo hahaha! Edi ayun, kilig kilig din sa part ko tas sabi ko "Eh kasi may times na bigla akong nang-aaway especially if approaching yung mens ko, bigla bigla nagbabago yung mood ko kahit di ko naman sinasadya". Sagot nya lang was,"Oo, okay lang yun. Normal lang yung ganun. Naiintindihan ko naman atsyaka sa ganung stage mo lang naman ikaw nagkaka ganon. Pag wala kang dalaw, hindi ka naman pala away at moody" sabay hinahaplos niya din buhok ko tas kiss sa forehead. Wala langgg, I just wanted to share this kasi kahit sa ganung paraan lang na actions eh ramdam na ramdam ko kung gaano nya ako kamahal and I am just very blessed to have him. Kaya lagi kong sinasamahan ng dasal na sana walang magbabago sa relasyon namin. At kung may magbabago man, yun ay yung changing for the better. ☺️
So ayun mga bes, sa mga walang jowa dyan, magtiwala lang kayo at darating din yung para sainyo. Always trust God's perfect timing. Lahat tayo ay deserve mahalin at pahalagahin. Just pray and ask for the right partner for you. ☺️
P.S: He's my first boyfriend po. Tho may mga naka fling ako noon at mga naka date, pero sakanya ako nagmahal ng totoo dahil sakanya ko lang nahanap yung mga bagay na pinagdasal ko kay God. 😊
Thank you for reading, ka-USF! ❤️
Cee
2021
BSBA
Unknown

Wednesday, January 20, 2021

THE VOW (PART 2)

LAST

Counting down to the last few days before Christmas and that’s the day you’ll come home, Love. Few days before the Christmas should look like an easy peasy, compared the four years that I’ve waited for you to come into my life. But why does it feels like its so hard to wait?
I am asking you everyday if you’ll be home the next day or next week and yet, you can’t give me a sure answer. Love, its been a long time since the tragedy but why cant you come home? I wanted to see you before I leave and I wanted to give you my gifts personally.
By the way, I just finished designing our future house including the floor plan and exteriors. This is quite special for me because it will be one of my Christmas presents for you. Can’t wait to see your reaction as I’ll give you my handwritten vow that we are planning to get it framed after the wedding, my unsent love letters since our day 1, my pictures so you can keep me inside your wallet or in your back pocket, the socks with beer design because for you, alak is life and the watch that will remind you of the present time. You were having a hard time guessing those as you can hear me wrapping it all during our last night’s call. You were asking for clues; I told you that it is only me who can make these stuff (because you wont let no one to design your house except for your wife di ba?) and those are the things that you like to see hanging in your room (my vow, my photographs, my designs, my letters). Remember an old agreement that before our wedding, I have to design our house since I’ll be one left there for 24/7. (Funny how can I give up my career just to be your house wife)
Love, I want you to come home. I wanted to see you for the last time. I wanna sing you my fave Ben & Ben songs, Pagtingin, Araw-araw, Sa Susunod na Habang Buhay, because you are my real life Ben & Ben songs. I am still hoping that seeing you will make me change my mind because you are the only one who keeps me from holding on to this life.
I can still remember the day when I found out the doctor’s diagnosis; that is the same day that I confessed because life is too short to waste my time hiding these feelings. Then all of my sadness turned to happiness when you also said those words “mahal rin kita, matagal na; mahal na kita kahit noon pa nung sugapa ka pa sa alak”. Love, you said we’ll get second opinion from the best doctors in manila. You supported me in my decisions to not let anyone know this except for us two. You convinced me to start my treatments next year in exchange for a secret wedding; that before I start my medications, well fly to your hometown and get eloped. You made me feel that I am never alone, that we are in this together.
I was the one who’s sick but you are the one who became so dependent to me. You got hooked in the way I would handle things. You can go anywhere you want, drink any time or any day, go anywhere without the need to update me, do things that you want and you won’t hear anything or a single rant from me. I just want you to send me a message every night that you come home safe. Sabi nga ng tropa, I am the greatest “sana all” ng mga jowa.
But life would test us in so many ways. In your absence, I became too comfortable with my “friends”. You always become jealous and grumpy. Then, someone took an advantage of something I’ve been reserving for my whole life. After this tragedy, you start keeping your problems to yourself. Akala ba dalawa na tayo ngayon? Na hindi ka na magisa sa buhay kase kasama mo na ako ngayon? With the way I see it, kaya mo na yata. Kaya mo na wala ako. I told you my plans, that I wanted to leave and never return. You were crying, and said na hindi mo pa kaya na mawala ako. But love, paano naman ako? Can’t you see that I became so selfless and always willing to be compromised? Love, I just need you to come home now. I need your comfort that everything will be fine again. I need your hug that makes me feel safe and secured. It’s been months since that tragedy and I may look fine and back in my normal self but you don’t know how hard it is to fight my fears, deal with my nightmares every night, suffer in my depression and have to accept and fix myself again. Its been months but why am I still hoping for you to come home?
Love, I have to see you before this Christmas. I must see you for the last time. I want to set you free before I leave. Make me change my mind. I don’t want to leave you because I know life has been too hard on you but what about me?
I just pray that you would be able to forgive everyone including yourself. I hope that y’all will all move on, time will heal all things. I do pray that one day, you’ll be able meet someone who’ll cross any distance for you, prioritize you, understand you and love you the way I did. I do pray for your happiness even if it no longer includes me. Love, promise me that you’ll endure the pain of letting me go. Maybe in the next lifetime, we’ll find each other and make things right. I love you so much and I have fulfilled my promise to love you until the last day of my life.
Ellisse
2015
Anon
DLSU

THE VOW (PART 1)

Love, today is one of the most unexpected days that we have never imagined. Today will be (supposedly) one of the best days of our life.

But before I start, I want to look back on how it all started.
Its the usual story of two random strangers who met and became friends. We like to annoy each other, spend time laughing in our corny jokes, drink with our friends, share life problems and dilemmas, have everyday late night talks and think about our ideal future relationship.
Surprisingly, we were slowly and secretly falling for each other. Can you still remember our tropa’s joke during inuman “ligawan mo na kase”. But knowing me, ligaw is not for me. So I confessed. I confessed without expecting anything in return. I confessed because that’s how I feel. To my surprise, you also confessed that you were secretly inlove with me for a long time. And that’s when we became official.
Our relationship were smooth sailing at first. Then pandemic came, LDR happened. In your absence, I became too comfortable to them and you get jealous all the time.
One day you asked to break up with me and I cried and ask why.
You said “tigil na natin tong pagiging magjowa kase gusto na kita pakasalan”.
You always have that annoying way to surprise people.
Love, our relationship were not that like seen in the movies with too romantic and extravagant story, but it was something anchored in the strong foundation of friendship. We are contented with what we can offer and did not ask for something more. Despite the distance, we can still feel the love and care for each other.
With that, I want you to remember these promises for you:
I vow to constantly trust and choose you, to always love and forgive, to accept your flaws without regrets. I vow to always remind you to drive safe, to patiently wait for you to come home everyday and to cook your favorite food when you are tired from work. I vow to always listen on how did your day went, to be the one to say “tara shot?” when you feel stressed and to make you coffee the morning after when your hangover starts to kick in. I vow to be a good wife and a good mother to our future children, to be the light and guide of this future family and to cherish all of these until the last day of my life.
I can’t wait to say this vow to you at the church where you grew up. I can’t wait to walk in the aisle and stand in front of the altar with you. I love you so much; that in a million lifetime, I will always choose to be with you.
But for now, I want to choose myself. I needed time to think and fix myself. It’s been months since the tragedy but it just feels like yesterday, that tragedy that caused me forget the girl you’ve love for the longest time. I’m sorry love, but I can’t be with you anymore.
If I’ll be gone, I hope you will forgive everyone, including yourself. Y’all heal and accept everything; and when that time comes, I want you to love again. I want you to find someone to marry, to eat street foods with, to spend nights at home watching movies, to travel and see the world, to build a home outside the city and far from the crowd and to have twins that we’ve been wanting for so long. I want you to continue your life and fulfill our plans (turned to be only your plans because sadly, I had to leave).
My heart is full of shame, guilt, regret, and despair, and I don’t want you to see more of my suffering. I want you to be happy, love. Because that’s what you have taught me. Please know that I love you so much and it will always be you even in the next lifetime I’ll have.
Elisse
2015
Unknown
DLSU

EXPERIENCE

My first experience of cigarette was really awful. But to think that it's cool then, I kept trying till I make it a weeks after. I enjoy playing with the smoke most specially when I'm in public, just to be cool tho.

I wrote this letter just to tell all the kids nowadays that I've encountered each day. Hopefully this letter will reach you, or you'll reach this I hope. In my old days I remember I have the power to refuse but I don't. Cause in my eyes it's really fun. Sinabayan pa ng puyat tapos yosi maya maya.
It started in one stick, just only one. I used all my ninja technique to hide it at my parents and relatives. But it seems like I can't hide it forever. I got scolded by my mother and father the first time they knew it. But since they already knew it there's no reason to hide it. Pero di ako nagpapakita manigarilyo sa harap nila up until now . Nahihiya parin ako kahit alam na. Although nakikita nila ko.
I started at one and now I can deal with one pack or more. At first I can't feel any. But now I regret it. It's true that curiosity kills a cat. I can't feel comfortable every morning. I easily got faint, and my cough will be here for a years. My teeth got destroyed. My lungs is aching sometimes.
It is hard to quit when you're addicted, you must quit while you can. I'm still young, I know. But it's going to be insane. I am still looking on how I can escape the game I started. It's not easy, I tell you that. It feels like that it's flame melted my cardio away.
I warned you guys although I didn't feel any serious condition for now but it will lead soon to a critical one. So please stop smoking while you can make it.
Don't criticise my grammar, I'm not a pro.
Reckless Eyes
2018
BSA
UE

IKAW PARIN ANG PIPILIIN SA SUSUNOD NA HABANG BUHAY

So yuff, Good day USF! Iibahin to typing style ko baka makilala ng mga magagaling kong former classmate.

As you can see, based sa title magcoconfess ako. Yuff, Kung tinatanong nyo Y dito, I cant afford to loose our friendship. The bond that we had and the memories we build.
I've been into you since day one. Yep, you're cute plus you are smart. No wonder ilan kaming mgs nagkakagusto sayo.
Fast forward, last year nagbreak kayo ng girlfriend mo. Sakin ka nagsasabi non, na nasasaktan ka na, na you've been crying every night kasi sobrang nahihirapan ka to the point na hiniling mo na sana wag nalang kayong magkita. As a Friend mahirap yung makita kang ganon kasi kaibigan kita. Masakit din para sa akin na makita kang ganun. Kaso hindi pala ako nasasaktan dahil lang kaibigan kita. Nasasaktan ako kasi andito parin yung feelings ko sayo before. Na kung ako sana yung kasama mo hindi ka na masasaktan ng ganon. Na kung ako yung nasa posisyon nya, I wont let you feel hurt.
I respect you, hindi ako nagpakita ng sign basta nakinig lang ako sa lahat ng rants mo, nakinig lang ako sa lahat ng sakit na nararamdaman mo na habang pinapakinggan ko, sya namang baon sa dibdib ko. Masakit, sobrang hirap mong tingnang nasasaktan.
Nung alam ko sa sarili kong okay ka na, pinilit kong iwasan ka, layuan ka. Kaso mahirap din pala lalo na kung nasa iisang lugar lang kayo. Nilayo ko yung narardaman ko pero hindi nalang yung sarili ko kaso habang tumatagal lalong lumalalim, lalong tumatagal lalong sumasakit lalo na kung alam mong wala talagang pag asang magkagusto siya sayo.
Then pandemic happens, nawalan ng pasok, inisip ko na hindi kita makikita. Inisip ko na kapag hindi na kita makikita mawawala na, but I was wrong.
Hindi ko inexpect na sa halos isang taong Quarantine, hindi kita nakikita, hindi din kita kinakausap, gusto pa rin kita. Na mahal pa rin kita.
Sabi ni Tob sa He's into Her, hayaan lang daw iexpress yung feelings para mawala. Kaso hindi pwede e. Ayokong mawala yung friendship natin once na malaman mo. Natatakot akong ma Reject mo. Natatakot ako kasi baka once na malaman mo lumayo ka.
You once told me na sana all kaklase ako. Gusto ko sanang sabihin na You always have me, na you still have me. Kaso wag nalang.
And yep, If you're reading this kahit alam kong imposible, sobrang gusto kita. Sobrang mahal kita. Hindi ko alam paano sasabihin sa'yo kaya pinadaan ko dito.
I am silently wishing na sana ako naman. I always prayed for your safety, as well as your family.
Salamat pa din kay tadhana kasi pinagkrus nya landas natin.
Sana ikaw na sa susunod na habang buhay. Hanggang dito nalang siguro muna lahat ng mga kathang isip ko.
Tres.
2020
STEM
SSHS

GHOSTER

Hi, kung mapopost man ito thank you so much kasi wala talaga ako mapagsabihan ng nararamdaman ko.

Ako yong babae na loyal, faithful, stick to one pag in a relationship. As in hindi talaga ako tumitingin sa iba lalo na pag inlove ako. Nagka boyfriend ako last year na tawagin na lang nating Greg. He was my classmate when we were grade 10. Actually di ko sya napapansin noon kasi may crush ako don sa isa naming kaklase and naging kami.
Ayun tulad ng ibang relasyon, nagkalabuan kami and naghiwalay. Tapos dun naman umeksena si Greg. We became friends and nagkaaminan kami. Matagal din syang nanligaw sakin kasi nag aalangan pa ako dahil bawal pa ako magboyfriend noon. So dahil mahal ko, sinagot ko na.
He was sweet back then, he lend me his jacket, held my hand infront on our friends and he always treat me like a baby. Masaya kami pero selosa talaga ako kasi madaming malapit na babae sa kanya to the point na nagagalit ako kahit kaibigan lang nya yon pero ayon sinusuyo naman nya ako. Alam ko na mali ako pero di ko maiwasan. Yun lagi ang pinag aawayan namin.
Nagsosorry naman sya at pinapatawad ko naman lagi. Ganun naman diba pag mahal mo? Nagiging marupok ka, papatawarin mo at bibigyan ng madaming chances. Pero dumating yong araw na di na nya ako kinakausap kung hindi ako ang unang mag aapproach sa kanya. Nararamdaman ko na may mali kasi hindi naman sya ganon. Then I texted him na kung ayaw na ba nya and he replied yes.
Pagod na daw sya.
Alam ko na ako yong dahilan kasi I was so immature. So after that, I tried to move on. Then I met Kriis, he was caring. Gusto nya manligaw and I refused, but I told him na gusto ko sya. So noong prom namin sinayaw nya ako, sobrang magical nong time na yon.
Then nagstart na yong quarantine at narealize ko na mahal ko pa pala yong ex ko kaya ayon ghinost ko sya.
ALAM KO NA ANG SAMA KO PERO KESA NAMAN PAASAHIN KO SYA MAS MASAKIT YON.
Nag adik ako non sa anime kasi wala naman din akong kachat kaya sige.. Then nagchat sakin si Greg at gusto nya makipagkita. Sinabi ko na hindi ako pwede and he told me na he want me back. I was confused and happy at the same time pero hindi ako pumayag and he accepted that.
Then dumating naman si Mel, dati kong manliligaw. Masarap sya kausap at sinabi nya na gusto nya ulit manligaw. At that time, gusto ko na din sya pero I still love my ex. Inentertain ko naman sya tapos nong narealize ko na mali yon ghinost ko din sya. Alam ko na masama yon pero natatakot ako umamin na mahal ko pa yong ex ko.
Oo nagustuhan ko naman sila pero it's not my fault na bumabalik yong feelings ko. Gusto ko na din makamove on na nang tuluyan pero di ko magawa. Its been almost a year pero bakit di ko pa rin magawa? Can you give me a tip kung paano ba mag move on? I want to change myself.
ps. Nang ghoghost lang naman ako para takasan yong judgement nila eh. Ayaw ko lang na marinig na okay sila kahit hindi naman. Mali pero di ko talaga kaya eh sorry.
Mave
2020
GAS
Others

MGA DESPERADANG CHISMOSANG KAPITBAHAY

Alam ko po hindi ito masyadong interesting kasi hindi siya about sa love kundi sa mga chismosang kapitbahay. Gusto ko lang manghingi ng mga advices kung anong dapat kong gawin o naming pamilya sa kapitbahay naming chismosa.Ganito po kasi yun, nagsimula po yung away sa pagsaway po ng magulang ko sa pagbi-videoke at pagpaparty-party nila magdamagan. As in minsan umaabot ng 12 o 1, tapos 10 po curfew samin tsaka di rin po kami makatulog maayos kasi apartment po bali nasa 2nd floor kami tas third floor po sila. Pero lahat po halos ng nakatira sa apartment tas mga katabing bahay ay chismosa kami po lagi laman ng balita. Ewan ko po di naman po kami artista, hindi rin naman kami kagandahan. Tapos yun nagtuloy-tuloy na po na parang tuwing linggo o sabado magpaparty sila parang nangaasar kaya nagreklamo si mama sa barangay kaso wala pong kwenta barangay namin kasi yung mga kagawad po chismoso rin dito bali tatay o lolo po yun ng mga chikadoras. Hanggang sa tuwing magtitipon-tipon sila sa baba, pagkwekwentuhan ang pamilya namin tas magtatawanan.

Hanggang sa one time narinig ni mama yung pangalan niya tapos kinompronta niya yung kapitbahay, bakit pinaguusapan siya ,tas yun ni-deny nila tas nag-away pa tapos kami pa po yung pina-barangay. Tapos yun tuloy-tuloy pa rin yung party-party nila tuwing linggo o sabado. Hanggang sa gusto ko silang paringgan rin, nasa banyo ako nun naliligo rinig na rinig yung pagkanta nila. Tapos yung kinakanta nila yung favorite song ng papa ko na rock song tas nagtatawanan pa sila, syempre bilang anak maiinis ka kasi kabastusan yun sa magulang mo tapos yun po minura ko po yung kumakanta tas sinabihan ko ng masasakit na salita.
Aam ko pong masama yun pero kasi nakakagigil na tapos pagkatapos ng araw na yun, nagsimula na silang targetin ako naman. Mayroong araw na narinig ko na “hindi bago mag-birthday niya yun” sa sentence na narinig ko na yun alam kong ako pinaguusapan nila kasi yung day na sumigaw ako sa banyo, yun yung day bago ako magbirthday. Tapos may araw po ulit na nag-away kami nung babae sa 4th floor. Sa part na ito gusto kong humingi ng advice, kasi po pagkalipas ng mga ilang linggo, napansin ko parang may mga butas kisame namin tapos napaisip ako may narinig kami nitong mga nakaraang linggo na may nagdi-drill tapos edi sinabi ko kay mama tapos sabi niya baka crack lang yan. Pero crack, perfect na bilog na butas? Pero di ko na pinansin, sabi ko sa sarili ko baka nagiging delusional lang ako tapos hanggang sa isang araw yung mga tropa naman nung anak ng chismosa na chismosa rin yung nandun sa third floor nagtatawanan nakadapa ako natulog sa sala pagkatapos kong matulog diretso ako sa ref hanap ng pagkain tapos narinig ko yung boses ng tropa niyang lalaki o jowa niya malakas kasi boses o nagparinig talaga para mang-asar sabi “dapang-dapa” tapos dun nako nagtaka. Kaya para di na ko nanghinala,isang araw ni-try kong mang-asar sa loob ng bahay namin hindi ako nagsasalita, mukha lang alam niyo yung mukha ng nangaasar para tignan ko kung may butas talaga yung kisame at nakikita nila ako, tapos nagsitawanan mga gago edi huli.
Hanggang sa tinuloy tuloy ko nga yung mga pangaasar kong ganun dun ko naconfirm na pangarap talaga nilang maging CCTV pati sa part na oras ng tulog ko tsaka ako makakarinig ng malakas na pukpok ng martilyo as in malakas na malakas parang nanggigising. Tapos yun di ko nalang po pinapansin kaso ngayon sobra sobra na. Nagtataka nga po ako parang wala silang trabaho, araw-araw nakatutok 24 oras walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang. Yun lang po.
Ano po kaya pwedeng gawin sa mga desperedang chismosa?
Tsaka po pala buong angkan po silang pamilya tas nagre-recruit po sila, di ko lang po alam kung may bayad. Pag sinabi ko naman po sa magulang ko baka sabihin delusional ako tsaka syempre rin po kung isumbong namin sila sa may-ari baka takpan agad nila yan, tas mapagsabihan pa na gawa gawa kwento eh sila nga tong araw araw may update samin. Tsaka medyo close sila sa may-ari ng bahay.
Aiz
2020
SHS
TSIS

CRUSH

So hi guys, I'm Nica not my real name. May gusto lang ako ishare sa inyo tungkol sa crush ko.

December 03 2020 birthday ng kapitbahay namin nun (kuya ng friend ko) may inuman syempre so ayun na nga, inaya ako ng friend ko na pumunta sa kanila. Then uminom kami konti lang naman yun. Pagkatapos namin uminom nagkaayaan na pumasok sa loob ng bahay nila, so andun kami sa sala nakikinig lang ng music.
Kumakanta kami kasi maganda yung song pero may naglipat lipat ng kanta. Parang nire-remix ganun. Then yung nagre-remix ng kanta yung bisita ng kuya nya. Pogi siya, maputi tsaka mataba. Napagkamalan ko pa ngang tomboy yun eh. Pero nung nakita ko siya parang naiba ikot ng mundo ko.
Tapos madalas na kaming nagkakatinginan non.
Natapos sila uminom bandang 2am then nagkaron ng biruan na ihahatid nya pa ko pauwi HAHAHA. Syempre lasing na sila non kaya inintindi ko na lang. Pero pag-uwi ko inistalk ko siya agad tapos in-add ko. December 04 2020 in-accept nya ko tapos nalaman nya na crush ko siya syempre kinilig ako kasi inaapproach nya ko.
Hanggang sa nagpustahan kami ng kaibigan ko na ili-libre ko siya kapag chinat ako ng crush ko. Palareact na siya sa post ko that time. And guess what? December 05 2020 nag chat siya sakin tapos sabi nya "goodmorning baby" Tas kinilig ako HAHAHA.
Akala ko nga magiging bebe ko yun eh. Pero isang araw di na ko nireplyan.
So noong hindi ako nireplyan, nagtaka ko kasi nasaktan talaga ko, alam ko naman hindi ako dapat masaktan kasi hindi naman naging kami and also three days lang naman kami nakapagusap non. So nagstart ako maging sad girl non, iyak ako sa kaibigan ko nun kasi sobrang gustong gusto ko talaga kasi siya non.
Tapos one day, yung kaibigan ko nakipag pustahan sakin. Sabi nya kapag chinat ako ulit ililibre ko daw siya syempre ako G kasi hindi naman ako icha-chat non. So nakatulog ako habang kachat ko yung kaibigan ko. Then paggising ko nagulat ako may chat sakin yung crush ko tapos nabigla talaga ko.
Nagduda ko nun kasi 2 weeks na kami hindi naguusap so tinanong ko yung kaibigan ko tapos inamin nya sakin na nagkausap sila ng crush ko. And fvck andaming sinabi dzai. Pagkatapos nun nagkausap ulit kami pero hindi ko na tinuloy kasi parang hindi naman ako gustong replyan. So ang ginawa ko na lang binlocked ko tapos iunfriend ko sa facebook.
Sakit sa puso inabot ko dun, kasi nagbigay siya ng motibo nun sakin tapos hindi pala ko gusto. Nafall ako tapos sabi nya mabait lang siya. Di naman masakit guys, sobrang sakit lang. Pighati talaga naramdaman ko nun. Naka wallpaper yun tiniktok ko pa yung picture nya dzai. Kinuwento ko pa sa mga kaibigan ko. Umay.
Kung nababasa mo man to, thank you sa pagpapakilig kahit di tayo umabot ng pasko. Magiingat ka palagi, crush pa din kita kahit hindi ako na crushback. Layo mo kasi eh see you soon, lalab.
Nica
2020
Unknown
OLFU

BRA NA PAULIT ULIT

So ganito yun. Dahil quarantine naghanap ako ng ka kafling on dating site. Dahil nga dating site naman, andun na tayo sa fact na hindi seryosohan. Call me ogags or what pero ganito nangyari. May nauto ang lolo nyo. Hahaha! May naka chat akong girl from Antipolo, 22 years old. Isang taon agwat ko sa kanya. To make the story short, naging chat mate kami.

One time, gawa nga ng bogli eh inaya ko sya mag send n*des ganun. G naman si ate mo girl. Puro ganun lang kami. Send n*des and we also do it on video call din minsan. So ito na nga, one time ka video call ko sya, sa umpisa matino naman usapan. Hanggang sa again ko syang you know, I want to see her boobies that time. Agaran naman nyang ginagawa. Almost 4 months kaming ganun. Kaya may isa akong napansin. Everytime na hinuhubad nya t-shirt nya infront of me, halos pare-parehas yung bra nya. HAHAHAHA Alam mo yun? Paulit-ulit. Halos nasaulo ko na. Minsan napapatanong na lang ako sa kanya kung "naligo ka na ba?" Or "Bakit yan ulit bra mo?" HAHAHAHA jusko! Girls, ilang beses ba inuulit ang bra? Required ba talaga na paulit-ulit?"
Marc
2020
IT
Others

KUYA MONG MARUPOK

Share ko lang po yung feelings ko para sa isang ARTIST. She's an artist and the cutest art I saw.

Same school and course kami. 2nd yr sya at 5th yr naman ako. Since parehas kami ng major at senior nya ako, tuwing magkikita kami ay ngumingiti sya at ganon din naman ako.
Nung time na yon, dahil freshmen sila, nagchachat sakin yung kaibigan nya pag may tanong about sa program, etc. (Org Officer po kasi ako). Hanggang sa medyo humaba yung usapan. Dun ko na nasabi na ang ganda nung lagi nyang kasama (yung ARTIST). Dahil dito, madami na syang magagandang bagay na nakwento about sa ARTIST. Sinabi pa nya na parehas daw kami ng way ng pagchachat. At hindi pa daw yon nag kakajowa (sarap sa ears). Ichat ko na daw, sabi nya. Lumakas loob ko dahil sa kaibigan nya.
Nung una nahihiya ako, pero di rin naglaon ay chinat ko na din. Di naman ako nabigo dahil nagrereply naman sya. Agad agad ay nalaman nya na gusto ko sya. Di naman sya nagalit or umiwas agad kaya masaya ako, at aaminin ko na umasa ako. Marupok e. Masaya syang kausap, may sense ika nga. Tapos bago matulog may goodnight pa, dahilan para kiligin ako. Hahaha. May times na nagsesend sya sakin ng drawings nya na napakagaganda (sing ganda nya). At dahil malakas ang tama ko drinawing ko sya, kahit hindi kamukha pinakita ko pa din. No comment ang bata hahahahaha. Di nya lang siguro sinabi pero nagagalit dahil sa ginawa ko sa mukha nya hahaha. Sorry.
Dumating yung araw na may program sa school (Engineering Night). Nauna ako sa school dahil ako magaasikaso ng attendance. Excited na akong makita sya, alam ko kasing mas maganda sya sa gabing yon. Halos buong gabi ay nakatingin ako sa kanya. Palipat lipat sya ng upuan kaya nahirapan ako para makita sya. Maya maya kasi ay magpapapicture pa ako sa kanya hahaha, di naman ako nabigo dito. Birthday nya din kasi, minyday ko na agad hahaha kahit diko jowa. Yieehh. Masaya ako nung gabing yon. Sobrang saya.
Lumipas ang mga araw, habang magkachat kami, naulit ko na gusto ko sya. Pero sabi nya na ingat daw ang puso, baka daw kasi asa lang ako ng asa e wala naman palang aasahan.
Shakiiit. Umaasa lang pala ako sa wala.
Sabay pa sa undas.
Mula non minsan na lang sya nagchachat. Pero nagkekwento pa din sya. Pag inis na inis na sya sa iba nyang kaklase hahaha. Etc.
Pero mula nung ECQ medyo dumalas ulit ang pagchachat namin. Masaya dahil kung pano kami dati magusap e ganon pa din ngayon. Pero masakit dahil ‘kuya’ ang tawag nya sa akin. May times na natuturuan ko sya sa ibang subjects nya. Sarap sa feeling promise. Saklap lang pag yung iba e nalimutan ko na kaya diko sya maturuan.
Dahil nga ECQ, medyo naadik ako sa ML. Mataas na kasi rank nya kaya nagpapataas din ako para makaduo sya. Saklap lang dahil mahina ang signal sa lugar nila. Medyo naiinggit sya. Minsan ML lang yung topic namin. At least kachat ko sya. Yieehh
Hanggang dito na lang po muna. Salamat sa pagbabasa ng kwento kong para sa kanya.
Follower din po sya ng page na to kaya sana mabasa nya. Hahaha.
Hoy sa tingin ko mahal ka na ng KUYA mo. Penge namang chance. Hihihi
Ps: This story was written last May 2020
PHARSA YO
2020
BSCE
Unknown

MAY NAG BAGO O MAY BAGO?

Hi. Just call me Stella not my real name gusto ko lang i share yung kwento ko.

So I have a boyfriend, working na sya samantalang ako hinihintay ko pa mga requirements ko para makapag work na din ako.
Okay naman yung relasyon na meron kami kahit na nagkakaroon kami ng problemang dalawa palagi pa din kaming masaya tipong kahit madami akong nagagawang pagkakamali at kahit galit na galit sya sakin hindi nya pa din ako natitiis at nakikipag ayos parin sya.
Hanggang sa pumasok sa eksena yung isang ka trabaho nyang nagustuhan sya. Nung una okay lang naman sakin dahil kahit nalaman ko yon wala naman nag bago. Alam kong ako parin. Kung paano nya ko itrato kung paano nya ko lambingin pag nakakagawa sya ng mali kung paano nya ko itrato parang diyamante na hindi pwedeng mabasag o magasgasan man lang .
Not until my last mistake. Hindi ko alam kung mistake ba na matatawag yun. Well uunahan ko na kayo, hindi cheating sadyang nagkamali lang talaga ako. Hindi ko nasunod yung bagay na gusto nya.
Simula non pakiramdam ko hinihintay nalang nya akong sumuko. Hinihintay nalang din nya akong mapagod dahil daw "hindi ako perfect girlfriend" kase palagi ko syang hindi nasusunod sa mga patakarang binuo nya sa isipan nya. Kapag nalabag ko, aawayin nya ko without me knowing na lumabag na pala ako sa mga gusto nya. Na ayaw nya na pala sa ginagawa ko.
And now kami pa din pero pakiramdam ko He's into that Girl na nakilala lang nya sa work nya hindi lang nya masabi saakin ng rekta pero alam ko na sya na.
For that girl, hindi ko alam kung mababasa mo to pero if ever man na maging iyo sya I hope pasayahin mo sya ng sobra Be a PERFECT GIRLFRIEND na lagi nyang dine demand sakin. Mahalin mo lang sya ng sobra. Yun lang! Godbless.
Stella
2020
IT
Others

VENT

Ang hirap samahan yung malungkot kapag malungkot ka din. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'tong kwento ko, saan ba? Paano?

I met this guy on a venting app, which i posted languages that i know and i can speak. But then he replied to my post and told me that he's a polish kaya he encouraged me to learn their language. Dun nagsimula lahat. While he's teaching me polish, he's venting too about life.
Nagkukwento siya na he lost his grandmother kaya he's very sad. May mga araw na mawawala siya pero babalik din, hanggang sa nasanay ako'ng ganon siya kaya hinahayaan ko lang. We deserve space in our lives too. Then one time, he told me na he want to die na--- like i can't explain how terrible the situation here cause I'm not good at it. But i stopped him sa abot ng aking makakaya by motivating him and comforting him, that time I'm going through something din pero hindi ako nag oopen up sakanya kasi ayokong makadagdag pa and sa tagal naming na uusap, hindi ako nag open sakanya.
As time pass by, nasasanay na kami sa isa't-isa. Parating magkausap, laging nag rarant sa isa't-isa kung ano'ng nangyayari sa araw ng bawat isa. Masaya naman, masaya din ako na andyan siya. Nasasanay na ako.
Isang araw, hindi siya nagparamdam kaya inisip ko na baka may hanash siya sa buhay nya, ayoko namang pakealaman. Hinahayaan ko lang siya kung kelan niya gusto mag open. And then dumaan ang dalawa, tatlo hanggang naging isang linggo--- dalawang linggo at mahigit wala pa rin akong natanggap na messages galing sakanya. Pero i understand kasi baka may pinagdadaanan yung tao, baka ayaw lang magpa istorbo. Pero alam nya naman na pwedeng pwede niya akong takbuhan pag nasa lowest point siya ng buhay niya.
Hanggang sa biglang may nag pop up na notification ko from Instagram, and it's a message from Jakub. He sent photos of him with his meds, and then nasundan ng voice message. Ang sabi doon ng lolo nyo habang tumatawa tawa pa na "I drugged myself with trazodone with like-- 22 tabs hahahaha that's why i ended up on a hospital and here i am messed up and didn't die again" (btw trazodone is an antidepressant medicine)
Hindi ko alam pero naiyak ako non kasi wala akong nagawa para pigilan siya. May nangyayari na palang hindi maganda sakanya nung ga nakaraang araw. Di ako nagreply 'non kasi--- ewan speechless talaga ako. Nagulat nalang ako nag ring phone ko, tumatawag siya and asking for a video call.
When i picked up the call, i saw him laying on his bed and he looks tired. Nagkuwento siya na kauuwi nya lang, pagod na pagod siya kahit buong araw siyang nakahilata. Tatawa tawa pa siya non, natatawa na din ako kasi nanonose bleed na ang ate nyo kasi english diko na ma gets sinasabi minsan hahaha.
Hanggang sa humagulgol siya. Hindi ko alam pero parang kinukurot yung puso ko kasi first time sa buong buhay ko na may umiyak na lalaki sa harapan ko kahit through video call lang and hindi ko inaasahan yun. He told me na he really wanted to end his life, pagod na siyang iignore ng kuya nya, pagod na siyang marinig yung away ng mga magulang niya, pagod na siyang mag fail sa university nila, pagod na siyang maging mahina, lalong lalo na pagod na siyang hanapin yung taong wala na sa tabi nya---- and naalala ko yung lola nya na namatay.
Sa pagkakatanda ko tatlong oras kaming nag usap, nakikinig lang ako sakanya. Iiyak siya, tatawa siya tapos minsan tahimik pero lagi niyang sinasabi na i don't have to talk kasi presence ko palang okay na sakanya, lumuluwag na pakiramdam nya. After we talked, natulala nalang ako. Like 30 minutes asa sahig lang ako ng kwarto, nakatitig sa kawalan. Diko namamalayan umiiyak na pala ako, blangko pa yung isip ko nun hanggang sa unti-unting naalala ko yung mga problema ko. Tapos dun ko namalayan na I'm going to commit suicide that day, kasi hindi ko na din talaga kaya.
Namatay din recently yung taong kakampi ko sa buhay. Napakagulo din sa bahay, napaka bayolente ng tatay namin lalo na kapag mainit ang ulo. Basta, kung iisa-isahin baka abutin tayo hanggang bukas. Napaka babaw lang siguro para sa iba ang gantong problema, tulad ko at tulad ni Jakub. But we're not all the same na kayang i handle ang situation na meron kami.
Sa ngayon, hindi ko alam kung patuloy ko lang icocomfort si Jakub o I'll just leave kasi parang hindi healthy na kasanib puwersa ko yung may negative vibe din sa buhay. Nakakatawa man, pero di ko talaga alam.
LIWANAG
2020
FIN. MAN.
OTHERS

MAHAL KITA, PERO SANA HINDI NA LANG

Grade 12 ako this year, nagka baby ako at the very young age of 16. I‘m 20 yrs old now. Way back 2016, nakilala ko yung live-in partner ko and I thought sya na yung "forever" ko and gave my self to him. Nung unang mga taon na nagsasama kami at nagbuntis ako, okay naman happy and healthy relationship kami. Sana ganun nalang lagi. Nung nasa 2 years na kami lahat nagbago. Yung dating masaya naging malungkot at masakit.

Nakilala sya noon bilang "mahilig sa babae" and tahimik. Oo mahilig kasi sya that time sa iba't ibang babae and tropa lang kami nun until we become a couple. I thought mapapatino ko sya sa pagiging mahilig sa babae nya, and nagawa ko naman until now.
So ayun, 2 yrs kami ng mag-umpisang magbago ang lahat. Naka panganak nako. Nandun yung mga time na umuuwi sya ng madaling araw na lasing na lasing at dun na nag-umpisa yung pananakit nya sakin and lagi nyang pagsama sa mga barkada nya. Hinayaan ko nalang kasi mahal ko e at may anak kami, ayokong masira yung pamilyang binuo namin.
Hanggang sa hindi na sya nagtrabaho until now almost 5 years na kami, wala asa lang sa magulang ko yung para sa anak namin. Ganun padin mas lumala yung pananakit nya and mas naging toxic yung relationship namin. Ayoko padin mag give up kasi para nga sa anak namin.
Nandun yung time na mag papasko nakipag-inuman sya sa mga barkada nya and it was 12 am na di padin sya umuuwi, and iyak ng iyak yung anak namin dahil hinahanap sya. Pinuntahan ko sya para umuwi sumama naman sya pero paguwi namin dun nyako pinagmumura at pinagbuhatan ng kamay. Sinuntok nyako sa muka at dumugo yung kanang mata ko.
Nung time nayon gustong gusto ko na makipaghiwalay, pero pag nakikita ko yung anak ko naiisip ko na ayoko kasi ayokong mawalan ng ama yung anak ko. Grade 11 ako nun and di ko alam anong gagawin ko pag pumasok ako sa school and anong palusot gagawin ko sa mga magulang ko. Kasi from the very start ang alam nila tahimik, mabait at responsable ang asawa ko dahil yun ang lagi kong sinasabi sa kanila.
At ngayong grade 12 nako, mas naging toxic na lalo. Lahat ng pananakit na pwedeng gawin ng isang lalaki nagawa na nya sakin. Nagagawa pa nya g ipagyabang yun and sabihan ako ng "nakakaawa ka, lagi ka nalang bugbog sakin diba kawawa ka naman, wala kang magawa no?" nasasaktan nyako lasing man sya o hindi.
Ang dami kong planong magaganda para sa pamilya namin pero ngayon, gusto ko nalang sya para sa anak ko pero hindi na dahil sa mahal ko sya.
Gusto ko ng kumawala, ano bang dapat kong unahin sarili ko o ikabubuti ng anak ko? 🙁 Give me advice readers. Thank you.
Mikaela
2020
ABM
SHA

TITI-K (PART 2)

Simula nung mangyari about sa assignment, madalang na ako magmeryenda sa bahay nina Lisa. Minsan nagdadahilan na lang ako ng kung anu ano para lang di kami magkita ni pogi dahil nahihiya pa din ako. But, after a month, nakamove-on na din ako, sa wakas.

Tapos na klase namin ni Lisa at pababa na ako sa may hagdan para umuwi na pero sa kalagitnaan kinulang ako ng steps kaya dumiretso ako agad sa baba, akala ko may sasalo wala pala buti na lang at mababa lang ang hagdanan. Pero bago ako makatayo may kamay na naglahad para tulungan ako, si pogi my crush. Lalo tuloy akong nahiya sa kanya kaka-move on ko lang sa assignment, eto na naman. Yumuko na lang ako nung sinabi niyang careless daw ako.
It was september noong nag fb request siya sakin, at dahil crush ko, agad agad ang confirmation. Minsan lang ito, grab the opprtunity. Since then madalas na kami magchat as a part of getting to know each other. At kapag schedule ko kay Lisa, laging may pabaon na chocolates though di ko hilig ang sweets, tinatanggap ko dahil galing sa kanya, iniipon ko ito. Sa isip ko baka simula na ito ng magandang buhay ☺️
Last month, that was November 09, schedule ko ulit kay Lisa. After ng klase, si Aunty Mel (mama ni pogi) ang nag-asikaso para sa snacks. Nalungkot ako kasi wala siya. Di man lang niya ako ininform eh kachat ko siya halos buong magdamag. Tatayo na sana ako para magpaalam ng biglang nagbrown-out. Natakot ako dahil wala si aunty at aka may something na lumabas out of nowhere. At di nga ako nagkamali dahil sa may pinto biglang may lumabas na parang mummy, sa takot ko sinipa ko. Umaray siya, nagulat ako. Nilapitan ko siya at tinanggal ko ang takip sa mukha, sumigaw ako at sumigaw din siya. Si pogi crush pala. Prank gone wrong. Imbes na takutin ako eh nasaktan tuloy siya. Tawanan na kami. Magpapaalam na sana ulit ako para umuwi na pero...
Biglang nagsalita si pogi..
"Teacher, you are so careless. Careless in writing assignments. Sa dinami dami ng makakalimutan mong letter, "K" pa talaga. Pero don't worry, favorite letter ko yun, kasi K-aw lang. Careless in your steps, sa hagdan pa talaga eh kung nabagok ka, paano na ako? At paano kita sasaluhin kung di ka naman nagpasalo? Inunahan mo ako. And careless in noticing me. Please notice me naman kahit sa pamamagitan ng chocolates lang. Pero kahit careless ka, I'm here to take care of your carelessness. Can I be your caring boyfriend?" Ayan yung exact na sinabi niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, speechless ulit ako. Kung alam niya lang na crush na crush ko siya and this is my "dream come true". Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Alam na this! He hugged me and I hugged him back. At ang saya saya ko 😍
Anyway, electrical engineer siya kaya huwag kayong ano. Kuryentehin niya daw kayo, charot 🤣
(hi T ❤️). He is reading this.
Sa ngayon, we're doing great. Mababait din mga magulang niya at mga kapatid niya. Nasa kanila ako last Christmas and this New Year eh baka sa kanila ulit ako dahil di naman ako nakauwi sa amin.
Thank you & till next time. Madami pa ako ishe-share about sa aking pagtuturo 😊
PS. Pogi din yung isang brother niya, just in case may naghahanap diyan, he is a nurse. 😊
Eros
CSU
2011
Unknown