"Hindi ko alam kung bakit ko ba gusto ishare sa inyo to. Ang haba kayo bahala kung ipopost nyo haha. Nakishare lang.
Ako'y may nakilala, tinder lang naman. Pogi sya't matangkad, sya yung tipo kong lalaki all in all, taga letran sya. Hanggang sa tumagal ang aming 'getting to know each other'. Sinubukan namin magkita. Bale 4 months na halos. At ayun na nga'y nanligaw si g*go. Hindi naman masama kung itratry ko sya, at walang masama kung maging lowkey kame sa lahat ng kakilala namin. Ako ang nag suggest nun actually ayoko muna mag kwento sa barkada ko't baka mangontra nanaman sila. Hanggang sa may nangyayari na nga saamin, sa condo nila. Hindi ko napigilan e ang pangangailangan nila ay pangangailangan ko rin naman. Sabi nya'y may kakausapin lang siya. Lumabas sya at ako'y sumunod, may kausap nya. Barkada nya ata, eto si tanga di nya man lang naisip na makikinig ako. ""Tol ang galing nya"" pabulong nya sinabi (Tarantado akala ko walang makakaalam ng tungkol saamin). ""Oo sige, di ah, di ko sya nililigawan, di ko alam balak ko tol"" (abay gag* ka ha). Bumalik at humiga nako sa kama, ayoko na makinig. Mag raround 2 na kame at ginalingan ko lalo. Tapos na at dahil sa sobrang pagod nya'y nakatulog siya. Umalis na ako, ayoko na mag paalam. Mga kinabukasan na't text siya ng text. ""Babe bat ba di ka nagpaparamdam, babustedin mo na ba ko? Ayaw mo na ba"" (Haha ul*l) pinabayaan ko sya. Ewan ko wala talaga akong pake sa kanya. Hanggang sa 1 week ko na sya hindi kinakausap habang sya'y paalala ng paalala na mahal nya ako. Tinamaan ako ng ka l*bugan. Tinext ko sya't sinabi kong pupunta ko sa condo nya. Ayun na nga't nakarating ako. Pag pasok namin ay nagtanong sya ""Ano bang problema mo? Bakit hindi ka nag paparamdam"" Hindi ko sya sinagot, hinalikan ko sya, hinubaran, nai- drag ko sya sa kama, ewan sobrang H ko't nanggigil ako. Natapos ng matagal, habang nagpapahinga'y tumagilid akong nakahiga na nakatalikod sa kanya. (Pretending na nakatulog ako) Nagulat ako't niyakap nya ako. ""Bakit? Hindi ko maintindihan kung anong ginawa mo sakin."" Pabulong nyang sinabi. Nagtataka na ko sa nangyayari! Akala ko ba gag*han lang ""Gusto ko sanang itanong sa'yo kanina kung mahal mo ba talaga ako. Hindi ko binalak maramdaman to"" Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Bakit!? G*go anong ginagawa nya sa nararamdaman ko. ""Jusko ***el mahal na mahal na kita"" nanginginig ang kanyang boses, ramdam ko naiiyak sya at hinalikan nya ko sa pisngi't may tumulong luha. Tumigil sya't natulog nalang habang yakap ako. Habang tulog sya, nag take advantage na ko at nagbihis para umuwi. Natitigan ko ang kanyang muka. Hinawakan ko ito ""Mahal na ba kita? Ayoko na lumalim pa tayo bukod sa ganito"" Hinalikan ko sya sa noo. Parang tanga bat ko ginawa yun. Habang nasa daan ako wala akong inisip kundi sya. Tapusin ko na ba? Nagdesisyon na kong tapusin. Dinelete ko ang number nya. Binlock ko sa FB, twitter, instagram. Bingo, wala na siguro. Mawawala na din.
Kinaumagahan, after 1 week, beastmode ako, Wednesday ng umaga buti ay 1:30 pa ang pasok ko nun. Nagtext sya. ""Babe"" alam ko na kung sino. "" Nag reply ako ""Who's this?"" Hindi na sya nag reply. After ko maligo wala paring reply. Binuksan ko twitter ng kaibigan ko't inistalk ko sya. Nakita ko ang mga tweet nya ""Nahihirapan na ko"" ""G*gong babae, kakaiba ka"" ""Karma ko"". Nag log out na ko ayoko na makita yung iba. Nakabihis na ko nang makatanggap ako ng text "" ***el, thanks for all those memories wt you, hindi ko magawang magalit mahal na mahal talaga kita. If you ever need me, nandito lang ako. Kailangan na kitang tigilan, nahihirapan na ko. This is such a waste of time for you to read yun lang"" Nainis ako sa sarili ko ang bobo ko. Nag wawala ako, naiyak ako binato ko ang phone ko lahat. Pag pasok ko'y maaga pa, around 11:30 pa lamang, nakaupo't nakatulala ako sa malapit sa tayuman sa loob ng campus. Sya ang laman ng utak ko. Nakita ko ang tatlong blockmate ko. Kinukulit nila ako kung anong nanyare. Lowkey nga so dinahilan ko ang parents nag away lang kame. Hindi ko inamin ang bigat na nararamdaman ko. Lowkey ang namamagitan sa amin. Kung saan nag simula. Dun din magtatapos.
To be continued."
Lowkey girl
2014
Institute of Tourism & Hotel Management (ITHM)
FEU Manila
No comments:
Post a Comment