"Hello! Admin sana po ma-post to kasi eto na lang ang emotional dumpsite ko. I read confessions here because it helps me. Agraphobic po kasi ako. Means- fear of sexual abuse.
Siguro kaya meron ako nito ayon sa Psychologist ko kasi I was raped last two years ago. Takot akong magkaroon ng close contact sa guys. Kahit gay. Pero, I have a boyfriend. Mag sseven months na kami this coming September and I was really happy with him. He respected me at doon ko unti unting nakalimutan na Agraphobic pala ako. Never pa kaming nag kiss kasi nung tinry niya akong halikan, nagwala ako at nagkulong sa kwarto ko. Sabi nila, I'm already insane. Pero naniniwala ako na hindi ako baliw.
So nung last week ng May, nasa bahay niya kami. Kasama namin yung tropa niya at tropa ko. Dahil nga alam niyang Agraphobic ako nagpasama pa kami sa friend ko sa loob ng room niya. We were talking ng biglang nagpaalam friend ko kasi she has to take a call. Kinabahan na ako nun at pinagpawisan. Oo hindi ako tanga, syempre ikaw ba namang may bf for almost seven months di ka pa nakikiss sa tingin mo ok lang sakanya yun? Regarding na alam niyang narape ako. Syempre he has his own needs as a guy. Konti konti na siyang nagkakaroon ng close contact sakin noon. I flinched. Natatakot ako. Baka maulit eh. Pero, he looked into my eyes at sinabi niyang mahal na mahal niya ako.
He kissed me for the very first time in months we've been together. At doon ako lalong natakot, na hinayaan ko siya. Sa takot ko dahil ang haras ng bawat halik niya at feeling ko di ako makahinga eh tinulak ko siya at sumigaw pero dahil malakas ang tugtog noon walang nakarinig sakin.
F*ck.
Walang nakarinig sa iyak ko.
Sa sigaw ko.
Sa paghingi ko ng tulong.
Sa pag makakaawa ko.
Wala. Walang nakarinig. And once again, after two years. I was raped again. By my boyfriend.
Iyak ako ng iyak after. Nakatulala lang ako noon at napatingin sa kama na puro dugo ang bedsheet. At ang bf ko na nakahiga at parang sarap na sarap pa siya. Nakatanggap din ako ng ilang sugat at pasa mula sakanya. And I was really scared.
Nag flashback nanaman yung nangyari sakin dati at doon ko narealize na ang baboy ko na. Nakakadiri. Nakakasuka.
Hiniwalayan ko ang bf ko nun at tinry kong umamin sa friends ko pero tumawa lang sila at sinabihan pa ako ng ""Grabe be nasarapan ka naman yata"" And I decided to kill myself.
Dapat ngayon, patay na ako. Kaso naalala ko ang pamilya ko. Si god. Sila yung lakas ko. Yung tumulong sakin two years ago. So why not try to ask for help again right? Lumapit ako kila mama at nagalit sila pero di nila kinaya na naulit sakin yung dati. Pinakulong namin yung ex bf ko at nachismis kami sa ibang blocks at courses. Thank god di kumalat sa FEU.
Lahat ng insulto natanggap ko. Kesyo pa-virgin effect pa daw ako. Pabebe. Kesyo nasarapan naman daw.
At ang pinaka masakit sa lahat? Sinabi nilang ""Rape is stupid. Like you.""
You know what's stupid? Mocking rape as if it was a freaking joke and it's stupid because you're mocking rape victims who usually kill themselves kasi di na nila kaya ang panlalait at pambubully niyo.
Buti na lang nandito si God. He prevented me from killing myself. And now, ang masasabi ko lang wala tayong karapatan husgahan ang iba lalo na't di naman tayo ang nakaranas. Sige, try mong ma-rape ng 2 beses. Tignan ko kung makatawa ka pa. Joke pala ahh"
ms.nobody
20**
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila
No comments:
Post a Comment