Showing posts with label McDo Serye. Show all posts
Showing posts with label McDo Serye. Show all posts

Thursday, May 13, 2021

MCDO SERYE (Part 5)

Bago ako magsimula, shout out muna sa nag-tag sa mga managers ko. Tama nga sila wala kayong kwenta ka-bonding. Alam na tuloy nila 'yung kasunod na mga parts. Buti hindi ako pinagalitan at buti konti lang ang may alam. Hay nako! Hindi sana masarap ang inyong mga ulam.

But anyway, here's the next part. Shut up nalang sa mga kaibigan kong taga-McDonalds P**** na may alam neto. Wag kayong spoiler at kahit anong mangyayari huwag kayong aamin na ako ang sender neto.
So ayun na nga, napapansin na namin yung closeness ni Angel at ni Junior. Pero buong akala ng lahat tinuturuan lang ni Junior si Angel dahil crew chief nga si Junior. Lahat ng station alam ni Junior kaya hindi nakakagulat kung isa siya sa nagtuturo kay Angel.
Kaming dalawa naman ni John, hindi na nagpapansinan. Hindi ko alam kung worth it ba yung pag-sacrifice ko ng friendship dahil lang sa babae.
Pero dahil dakilang competitive kami parehas ni John, walang nagpapatalo sa amin kahit na magkasiraan pa. Hindi na rin kami sabay umuuwi ni John. Nag-uunahan kase kaming maghatid kay Angel.
At dumaan ang friday-payday. Alam naming disaster ang shift na'to. Aware kaming lahat dahil pinaalala naman ng managers namin kaya kumain na ako agad bago pumasok kase matik break-out na naman kaming lahat.
Tulad ng inaasahan marami ngang costumers. So counter, sa drive-thru, lalo na sa MDS (delivery). Hindi kami magkanda ugaga sa mga orders. Call dito, call doon. Dahil nga nagpapabida kami at hindi kami okay ni John, isama mo na rin si Junior, medyo naging awkward ang shift.
Kung dati, nakakapagod na masaya ngayon nakakapagod na lang. Nawalan ako ng ganang kumilos. At halatang nawawalan din ng ganang kumilos si John.
Wala rin yung inspiration namin dahil si Angel nilagay sa drive-thru cashier. Nasa bandang likod yun, at hindi talaga makikita at makausap ng mga taga-kitchen.
Kalagitnaan, biglang sumigaw si ma'am.
" Mark John Junior !!! Ano ba? Bat puro waiting na lang mga orders? Ang babagal niyo yata ngayon?"
Halatang nagagalit na yung managers namin. Tumulong na sila sa counters pero wala pa ring nangyayari dahil wala naman silang mase-serve dahil tambak mismo sa kitchen palang.
Kahit anong bilis ko tinatamad talaga ako. May oras na naubos na ni John ang mga pending na orders sa kanya. Tinulungan na rin kase siya ng isang manager namin dahil nga ang daming large order ng burgers.
Pero hindi man lang ako tinulungan ni tängä noong nakaraos na siya. May huhugasan lang daw siya. Pwede naman niyang iutos yun pero siya pa talaga mismo pumuntang back sink. Panigurado, sumisilay lang yun kay Angel.
Nakakatampo pero ayokong namang masabihang kamote kaya hinayaan ko na. Tinapos ko lang yung mga naka-pending na walang katapusan.
Out na sana namin, pero pinatawag kaming dalawa ni John sa office. Hindi ko alam kung bakit pero pinapapunta kami bago mag-out.
"Mark John, ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" panimulang sermon ni ma'am.
"Wala naman po ma'am." Si John ang sumagot.
Ewan ko. Tinatamad lang din talaga ako magsalita at hindi ko rin kase alam ang isasagot. Buti nalang nagsalita si John.
"Hindi naman kayo ganyan dati. Dati kahit kayong dalawa lang nasa kitchen, hindi tayo nagkaka-problema. Pero ngayon tatlo o apat na nga kayong andun, ang bigat bigat pa rin. May problema ba kayong dalawa?"
Walang sumagot sa amin ni John. Si tängä tumahimik rin.
"Ayusin niyo yan. Mark, siya nga pala, antayin mong makapasok yung isa sa kitchen bago ka mag-out nagpaalam kase si John kanina na may emergency sa kanila kaya hindi siya pwedeng mag overtime."
Biglang uminit ulo ko sa sinabi ni ma'am nun. Pagod ka na nga mag-overtime pa. Tapos si John out is out? Ang walanghîya sasabay lang yan kay Angel.
Habang nagbibihis si John sa crew room, pumuntang ako kay manong guard at sinabing,
"Chief, padouble check ako ng mga bag ng mga mag-out pati na rin yung mga dala nilang helmet, may napapansin kase akong kakaiba sa iba."
Sa asar ko nasa isip ko noon, walang mag-out ng maaga. At wala munang sasabay kay Angel. Mag-iingat kayo paglabas mga tängä.
Mark
2021
Unknown

MCDO SERYE (Part 4)

Simula nga nung nalaman ko na medyo tinatraydor na ko netong si John. Medyo nagkailangan na rin kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam no’n.

Pagkatapos nung araw na sinumbong niya ko kay ma'am na pumuntang freezer, nagkakalabuan na kami. Nung gabing yun, hindi kami sabay umuwi. Sabi niya mauna na raw siya kase may dadaanan pa siya.
Sa tagal naming sabay na umuuwi, ngayon lang 'tong unang beses na hindi ko alam kung saan siya pupunta. Lagi kase kaming sabay at hinahatid ko siya sa bahay nila dahil nadadaanan ko lang naman bahay nila.
Nagkataon rin kase sa araw na yun at na-late yung kapalitan ko kaya hindi muna ako pwede mag-out. At himalang hindi na ako naantay ni John.
Nakakalungkot lang dahil day-off rin ni Angel sa araw na yun. Kaya wala rin akong inspirasyon.
Dumaan ang ilang araw at ganun kami ni John. Kapag magka-shift kami, parang may mga bisitang darating dahil sa sobrang seryoso namin. Halos lahat yata ng standard na tinuro sa amin, ginagawa na namin.
Hindi pa rin mawala ang kulitan sa kitchen, pero medyo nabawasan lang dahil nga nagkakailangan kami ni John. Tulad na lang kagabi, isa sa amin pinagbreak ni Junior.
Si Junior, yung crew chief na kasama namin sa night shift. Kumbaga siya yung kanang kamay ng manager, pero hindi kami takot sa kanya dahil mas maloko pa 'to sa amin. Siya pa nga ang nagturo sa amin kung saan banda pwedeng kumain, o gumawa ng kababalaghan ng hindi nakikita sa CCTV. Kaya nung natutunan namin yun, hindi talaga kami mahuhuli.
Yun nga, pina-break na ang isa sa amin. Sabi ko kay John siya na mauna at medyo busog pa ako. Himala diba? Pinauna ko siya haha. Pero sagot niya,
"Busog pa rin ako eh, kumain ako bago pumasok, ikaw muna."
"Ikaw na muna, ako na bahala jan." sagot ko pabalik na tinanggihan rin naman niya.
Mukha kaming tanga doon sa kitchen at halatang naninibago sa amin si Junior dahil lagi nga kaming nag-aagawan kung sinong unang mag-break.
Maya-maya, sumigaw si Angel.
"Break po POS 1 ..." ibig sabihin nun magbe-break na si Angel
Rinig yun ng lahat ng nasa kitchen, at kitang kita ko kung paano umaayos ng tayo si John. Bago pa ako maunahan ni John nagsalita agad ako,
"Junior! Erp break muna ko ha!"
Hindi ko na sila inantay na tumanggi pa. Inayos ko kaagad yung apron ko, at pumuntang counter para kunin yung break ko.
Halatang badtrip si John sa inasta ko, pero Angel na yun eh. Palag na palag na.
Magkasabay kaming kumain ni Angel. Syempre kwentuhan na rin. Inspired ako kumain. Binigay ko pa nga kay Angel yung balat ko ng chicken. Kahit favorite ko yun, pero dahil narinig kong favorite niya rin yun kaya binigay ko na.
Sa ilang minuto marami na kaming napagkwentuhan ni Angel. Kita ko kung paano siya ngumiti, kumain at lumunok. Feeling ko nakalutang ako habang tinitignan ko siyang kumakain.
Kalagitnaan ng break, napansin ko si John na pasimpleng sumisilip. Haha walang maggawa si tängä, bagal eh. Nung nakita ko siya, agad akong lumapit ka Angel, at hinawakan yung konting hibla ng buhok niya. May nakita kase akong isang butil ng kanin doon. Kaya pasimple kong kinuha, para na rin asarin si John.
Kitang-kita ko kung paano nagdamog pabalik si John.
Hindi pa tapos ang break namin at nag-eenjoy pa kaming mag-kwentuhan ni Angel, biglang pumasok ng crew room si Junior.
"Mark, bumalik ka muna, andaming pending orders."
Wala akong nagawa sa sinabi ni Junior, kaya bumalik kaagad ako. Crew chief yun eh.
Pagtingin ko sa pending orders tatatlo lang!!! Alam kong kayang-kaya nila yun, pero bakit pa nila ko kailangan madaliin? Dahil dun tinignan ko si John, napansin kong ang bagal niyang mag-assemble ng orders.
Gumaganti na naman yata si tängä kaya binabagalan. Pagkatapos kong gawin yung nga pending orders, naisipan kong bumalik sa crew room, para sana tignan sana kung andun pa si Angel dahil hindi ko pa siya nakikita sa may counter.
Pero pagdating ko sa may crew room laking gulat ko, dahil nagkukulitan si Junior at Angel. May pinapanuod silang video sa phone ni Angel at ang lapit nila sa isa't isa.
Kailan pa sila nagkasundong dalawa?
Mark
2021
Unknown
Unknown

MCDO SERYE (Part 3)

Hi ulit. Eto na naman ang tropa niyong si Mark na kaibigan ni John na nagkagusto rin kay Angel.

Dahil nga doon sa mga banat ko kay Angel, palagi na kaming inaasar ng mga kasama namin at mga managers namin.
Kahit 'yung restaurant manager namin nakikisali na rin. Sa sobrang tuwa ko, hindi ko napapansin na unti-onti na pala akong nawawalan ng kaibigan.
Nung nakaraan nangyari rin sakin ang nangyayari kay John. Maraming costumers at hindi kami makapag-break para kumain. Sakto rin na hindi ako masyadong nakakain bago pumasok dahil maraming ginawa sa school.
Kaya ako naman ang gumawa ng kalokohan.
"Erp! Kuha lang akong frozen fries!" sigaw ko kay John habang papunta akong freezer.
Dahil nga si John yun, at kilalang kilala na namin ang isa't isa alam niyang may tinatago ako sa bulsa.
May bitbit akong isang box ng chicken nuggets. Anim laman nun. Kaya excited na kong pumuntang freezer.
Sa gutom ko dali-dali kong kinain ang anim na pirasong chicken nuggets. Baleee konting nguya tapos lunok agad, pantawid gutom lang.
Wala akong kaalam alam na nilaglag na pala ako ni John kay maam. Habang sumasandal ako doon sa pintuan ng freezer biglang pumasok si Ma'am!
"Mark, anong nangyari jan? Hanap mo raw ako sabi ni John."
Walanghiya! Gumanti pa yata si tängä. Eh kaso sa pagkakataong to, maswerte ako. Dahil isang chicken nuggets nalang ang nasa bibig ko. Nakain ko na ang lima at saktong lulunukin ko na lang isa.
Mark
2021
Unknown
Unknown

MCDO SERYE (Part 2)

Syempre, hindi naman to maging serye kung walang Part 2. Ako to ulit, si Mark na kaibigan ni John.

Partner talaga kami ni John sa kalokohan. Pero wag ka, patay ang nightshift kapag wala kaming dalawa. So eto na nga ang kwento. Napakadaldal ko talaga.
Dahil nga binata na kami ni John, syempre nagkaka-crush na rin kami. Ang nakakapagtaka lang dahil sa dinami-dami ng babae sa store namin sa isang babae pa kami nagkagusto. Tawagin nalang natin siya sa pangalang Angel.
Naalala niyo ba nung pinapunta ko si John sa crew room at pinapainom ng tubig? Yun yung araw na napaso siya ng chicken nuggets. Tambak na ang orders pero si tängä hindi pa rin nakakabalik.
Inaantay ko pa saglit baka sakaling sobrang napaso talaga ang lalamunan niya. Pero nung lumipas ang sampung minuto na hindi pa rin siya nakabalik, aba sinundo ko na.
At ayun si John, nagpa-alaga kay Angel. Dumidiskarte pa si tängä. Palibhasa new hire pa lang si Angel kaya ayun nauutusan niya. Pinakuha lang naman niya ng tubig sa may counter, at malala pa naabutan ko nagpa-check pa ng lalamunan baka raw kase namaga.
Eto namang si Angel sumunod rin. Aba! Iba ka talaga John!
Sa asar ko dahil crush ko nga rin Angel, ayun sinumbong ko siya kay ma'am na pumetiks lang. Syempre 'di ko sinabi na napaso dahil kumain ng chicken nuggets. Walang laglagan kase mas malala pa naman ako gumawa ng kalokohan.
Bumalik rin naman siya kaagad kase sinita na ni ma'am.
Pagkabalik niya, ako naman ang dumiskarte kay Angel. Hahaha! Hindi kami tirador ng new hire ha. Nagkataon lang talaga na parehas kaming nagagandahan kay Angel.
Dahil nga baguhan pa lang si Angel, napakabait pa niya sa mga costumers.
May isang costumer na nagpapalit ng part ng chicken. Leg part kase nabigay sa kanya, at sakto namang kay Angel siya lumapit.
"Kuya, pa-thigh part daw po" mahinhing sigaw ni Angel. Boses pa lang alam kong si Angel na.
Dahil ako taga-assemble ng chicken orders, ako ang nag-assist kay Angel.
Nung inabot niya na yung order na may leg part, pasimple kong nahawakan kamay niya !!!
"Ay sorry!" diretsong sabi ko. Mukhang hindi sadya pero sadya ko talaga yun. Medyo malambot kamay niyaa, chzzzz.
Tapos pagtingin ko dun sa lagayan namin, wala palang thigh part. Hindi ko pala na-check bago ko kinuha yung order kay Angel bago palitan. Nawala kase ako sa sarili nung si Angel na nagpapalit.
Dahil wala naman akong choice, tinawag ko si Angel ulit at inabot pabalik yung order.
"Kuya, bat leg part pa ein po? Papalit daw po ng thigh part."
"Wala ng thigh part eh, gusto mo THIGH-yo nalang?"
May spark mga Erp !!! Namula agad ang cute na pisngi ni Angel. Plus point sa kakornihan ni Mark hahahaha.
Maraming nakarinig ng banat ko kaya nagsimula na silang mang-asar. Samantalang paglingon ko halos patayin na ko sa titig ni John. At alam kong hindi siya magpapatalo pagdating kay Angel.
Mark
2021
Unknown
Unknown

MCDO SERYE (Part 1)

Hi. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Mark. May kaibigan akong si John. Parehas kaming nagtatrabaho sa fastfood, kita naman sa title kung saan. Please admin, pakitago ng identity namin at baka mawalan pa kami ng trabaho ni John.

Alas-sais ng gabi pasok namin dalawa ni John. Parehas kaming nightshift dahil parehas kaming working student.
Kalagitnaan ng duty, biglang nagutom si John. Tatlo lang kami sa kitchen kaya hindi kami makapag-break. Sobrang dami rin ng orders kaya hindi talaga namin masingit ang pagkain.
Busy na ang lahat. Habang yung managers namin hindi na magkanda-ugaga sa dami ng costumers.
Etong si John nakaisip na naman ng kalokohan.
"Erp, pabantay si Ma'am” biglang sigaw niya.
Ako naman 'tong masunuring tropa, tumango lang. Masyado na naming kilala ang isa't isa kaya alam kong kalokohan na naman.
Nilingon ko si Ma'am andun pa kumakausap ng costumer sa drive-thru kaya hindi ko na siya tinignan at bumalik sa station ko.
Nung nilingon ko si John, nakita kong may hawak hawak ng dalawang pirasong chicken nuggets. Halatang mainit init pa dahil pinapatong niya sa apron niya.
Nang isubo na ni John sa bibig niya ang dalawang nuggets biglang nagsalita si ma'am sa likuran,
"John, ilang minutes daw sa nuggets?"
Sa loob ko mamatay matay na 'ko sa tawa dahil nakita ko si John na sabay nilunok ang dalawang pirasong nuggets hahaha!
Si tängä hindi makasagot habang namumula na at nangingilid na ang luha.
Buti nalang nakatalikod siya kaya nagkunwaring hindi niya narinig si ma'am.
Dahil naawa ako sa tropa kong maiyak-iyak na, ako na sumagot kay ma'am,
"3 minutes nalang po yan ma'am, may dagdag order pa ma'am?"
"Wala naman, nag-follow up lang" sabi ni ma'am sabay umalis.
Dun ko na nabuhos lahat ng tawa ko habang tinitignan ko si John hahaha. Halos hindi na makahinga si tängä. Kaya sabi ko pumunta munang crew room at uminom ng tubig.
Ilang araw ring hindi nakakakain ng maayos si John, dahil napaso ang lalamunan. At sinisisi pa ko dahil hindi ko raw binantayan si ma'am.
P.S. Like niyo nalang kung gusto niyo pa ng ibang kalokohan.
Mark
2021
Unknown
Unknown