Bago ako magsimula, shout out muna sa nag-tag sa mga managers ko. Tama nga sila wala kayong kwenta ka-bonding. Alam na tuloy nila 'yung kasunod na mga parts. Buti hindi ako pinagalitan at buti konti lang ang may alam. Hay nako! Hindi sana masarap ang inyong mga ulam.
But anyway, here's the next part. Shut up nalang sa mga kaibigan kong taga-McDonalds P**** na may alam neto. Wag kayong spoiler at kahit anong mangyayari huwag kayong aamin na ako ang sender neto.
So ayun na nga, napapansin na namin yung closeness ni Angel at ni Junior. Pero buong akala ng lahat tinuturuan lang ni Junior si Angel dahil crew chief nga si Junior. Lahat ng station alam ni Junior kaya hindi nakakagulat kung isa siya sa nagtuturo kay Angel.
Kaming dalawa naman ni John, hindi na nagpapansinan. Hindi ko alam kung worth it ba yung pag-sacrifice ko ng friendship dahil lang sa babae.
Pero dahil dakilang competitive kami parehas ni John, walang nagpapatalo sa amin kahit na magkasiraan pa. Hindi na rin kami sabay umuuwi ni John. Nag-uunahan kase kaming maghatid kay Angel.
At dumaan ang friday-payday. Alam naming disaster ang shift na'to. Aware kaming lahat dahil pinaalala naman ng managers namin kaya kumain na ako agad bago pumasok kase matik break-out na naman kaming lahat.
Tulad ng inaasahan marami ngang costumers. So counter, sa drive-thru, lalo na sa MDS (delivery). Hindi kami magkanda ugaga sa mga orders. Call dito, call doon. Dahil nga nagpapabida kami at hindi kami okay ni John, isama mo na rin si Junior, medyo naging awkward ang shift.
Kung dati, nakakapagod na masaya ngayon nakakapagod na lang. Nawalan ako ng ganang kumilos. At halatang nawawalan din ng ganang kumilos si John.
Wala rin yung inspiration namin dahil si Angel nilagay sa drive-thru cashier. Nasa bandang likod yun, at hindi talaga makikita at makausap ng mga taga-kitchen.
Kalagitnaan, biglang sumigaw si ma'am.
" Mark John Junior !!! Ano ba? Bat puro waiting na lang mga orders? Ang babagal niyo yata ngayon?"
Halatang nagagalit na yung managers namin. Tumulong na sila sa counters pero wala pa ring nangyayari dahil wala naman silang mase-serve dahil tambak mismo sa kitchen palang.
Kahit anong bilis ko tinatamad talaga ako. May oras na naubos na ni John ang mga pending na orders sa kanya. Tinulungan na rin kase siya ng isang manager namin dahil nga ang daming large order ng burgers.
Pero hindi man lang ako tinulungan ni tängä noong nakaraos na siya. May huhugasan lang daw siya. Pwede naman niyang iutos yun pero siya pa talaga mismo pumuntang back sink. Panigurado, sumisilay lang yun kay Angel.
Nakakatampo pero ayokong namang masabihang kamote kaya hinayaan ko na. Tinapos ko lang yung mga naka-pending na walang katapusan.
Out na sana namin, pero pinatawag kaming dalawa ni John sa office. Hindi ko alam kung bakit pero pinapapunta kami bago mag-out.
"Mark John, ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" panimulang sermon ni ma'am.
"Wala naman po ma'am." Si John ang sumagot.
Ewan ko. Tinatamad lang din talaga ako magsalita at hindi ko rin kase alam ang isasagot. Buti nalang nagsalita si John.
"Hindi naman kayo ganyan dati. Dati kahit kayong dalawa lang nasa kitchen, hindi tayo nagkaka-problema. Pero ngayon tatlo o apat na nga kayong andun, ang bigat bigat pa rin. May problema ba kayong dalawa?"
Walang sumagot sa amin ni John. Si tängä tumahimik rin.
"Ayusin niyo yan. Mark, siya nga pala, antayin mong makapasok yung isa sa kitchen bago ka mag-out nagpaalam kase si John kanina na may emergency sa kanila kaya hindi siya pwedeng mag overtime."
Biglang uminit ulo ko sa sinabi ni ma'am nun. Pagod ka na nga mag-overtime pa. Tapos si John out is out? Ang walanghîya sasabay lang yan kay Angel.
Habang nagbibihis si John sa crew room, pumuntang ako kay manong guard at sinabing,
"Chief, padouble check ako ng mga bag ng mga mag-out pati na rin yung mga dala nilang helmet, may napapansin kase akong kakaiba sa iba."
Sa asar ko nasa isip ko noon, walang mag-out ng maaga. At wala munang sasabay kay Angel. Mag-iingat kayo paglabas mga tängä.
Mark
2021
Unknown
No comments:
Post a Comment