Hi. Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Mark. May kaibigan akong si John. Parehas kaming nagtatrabaho sa fastfood, kita naman sa title kung saan. Please admin, pakitago ng identity namin at baka mawalan pa kami ng trabaho ni John.
Alas-sais ng gabi pasok namin dalawa ni John. Parehas kaming nightshift dahil parehas kaming working student.
Kalagitnaan ng duty, biglang nagutom si John. Tatlo lang kami sa kitchen kaya hindi kami makapag-break. Sobrang dami rin ng orders kaya hindi talaga namin masingit ang pagkain.
Busy na ang lahat. Habang yung managers namin hindi na magkanda-ugaga sa dami ng costumers.
Etong si John nakaisip na naman ng kalokohan.
"Erp, pabantay si Ma'am” biglang sigaw niya.
Ako naman 'tong masunuring tropa, tumango lang. Masyado na naming kilala ang isa't isa kaya alam kong kalokohan na naman.
Nilingon ko si Ma'am andun pa kumakausap ng costumer sa drive-thru kaya hindi ko na siya tinignan at bumalik sa station ko.
Nung nilingon ko si John, nakita kong may hawak hawak ng dalawang pirasong chicken nuggets. Halatang mainit init pa dahil pinapatong niya sa apron niya.
Nang isubo na ni John sa bibig niya ang dalawang nuggets biglang nagsalita si ma'am sa likuran,
"John, ilang minutes daw sa nuggets?"
Sa loob ko mamatay matay na 'ko sa tawa dahil nakita ko si John na sabay nilunok ang dalawang pirasong nuggets hahaha!
Si tängä hindi makasagot habang namumula na at nangingilid na ang luha.
Buti nalang nakatalikod siya kaya nagkunwaring hindi niya narinig si ma'am.
Dahil naawa ako sa tropa kong maiyak-iyak na, ako na sumagot kay ma'am,
"3 minutes nalang po yan ma'am, may dagdag order pa ma'am?"
"Wala naman, nag-follow up lang" sabi ni ma'am sabay umalis.
Dun ko na nabuhos lahat ng tawa ko habang tinitignan ko si John hahaha. Halos hindi na makahinga si tängä. Kaya sabi ko pumunta munang crew room at uminom ng tubig.
Ilang araw ring hindi nakakakain ng maayos si John, dahil napaso ang lalamunan. At sinisisi pa ko dahil hindi ko raw binantayan si ma'am.
P.S. Like niyo nalang kung gusto niyo pa ng ibang kalokohan.
Mark
2021
Unknown
Unknown
No comments:
Post a Comment