Thursday, August 6, 2015

MASAKIT PAG PINASOK

"Naintriga kayo sa title no? Ganun talaga dahil masakit talaga... pag hinayaan mo na manyari ang hindi dapat ginawa at hindi dapat sinimulan. Bilang panimula, sorry girls pero may girlfriend ako. Aaminin ko, gwapo ako at may mga nagkakagusto sakin (nalalaman ko sa mga kaklase ko na crush na pala ako ni ganito). Yung girlfriend ko naman, taga-UST, Science course, pero sa tingin ng iba, hindi daw siya kagandahan. Ayaw sa kanya ng mga babaeng nagkakagusto sakin. Pero para sa akin, siya na yung pinakagusto kong mahalin na dadalhin ko sa altar.

Magpapasko na. December 2014. Eto na yung plot twist. May kaklase ako. Maganda. Morena. Matalino. Yun yung mga qualities na nakikita sa kanya. Hindi ko nalang namalayan, nakakusap ko na sya dahil sa mga mutual friends namin. Minsan kumain kami sa food court magkasama. Nababanggit ko naman na may girlfriend ako sa kanya at ako naman si gago, ineentertain ko parin pag naguusap kami. So ayun nung nasa foodcourt kami ng FIT (8th floor) kinalabit nya ko nung bumibili kami sa Scrumpy. Sabi nya ""*name ko* pwede ba tayo magdate?"" Nagulat ako dahil simpleng kaibigan lang talaga na kasabay ko maglunch ang turing ko sa kanya. Pero dahil tinutukso din nya ko dahil di daw ako game sa mga party, concerts, inuman (di kasi ako palainom), nasabi ko nalang ""Sige pero may girlfriend ako eh."" ""Hindi naman natin sasabihin sa kanya eh"" sabi nya.

Pumayag ako. Nagkita kami sa 4pm sa MOA. So ayun libot-libot, hanggang sa gumabi na mga 7pm. May fireworks sa bay area kaya dun kami tumambay. Nung fireworks na, niyakap nya ko sa likod. Something na memorable sakin dahil ganun din ako yakapin ng girlfriend ko pag nilalambing nya ko. ""Pwede bang ganito nalang everyday?"" sabi nya. Sabi ko ""Wag dahil may gf ako."" Umalis, tumakbo, nagmamadali akong pumunta ng CR. Hindi ko matanggap na yung kaibigan kong yun, may pagtingin na sakin. Ayoko magpanggap pero nagustuhan ko yung yakap na yun. Nagtext sya sakin ng ilang beses. Nagsosorry. Nagmamakaawa na bumalik ako dun sa bay area dahil takot sya ng umuuwi pag gabi. Umandar nanaman pagkagago ko. Bumalik ako. ""Ihahatid nalang kita sa sakayan."" sabi ko.

Nung nasa sakayan na, hinawakan nya ko ng mahigpit sa braso. ""Bakit ba hindi pwede? Wala naman makakaalam kundi mo sasabihin eh."" yung nakakagagong sinabi nya. ""Alam mo na sagot ko dyan."" sabi ko. Nakasakay na sya tapos ako naiwan sa sakayan ng FX. Di ko nalang namalayan may luha na sa mga mata ko. Hindi ko masikmura na may nagawa akong kagaguhan sa GF ko. Tinawagan ko GF ko nung medyo 9pm na. Nagstay ako sa bay-area.

Me: ""Mahal may kasalanan ako sayo.""
GF: ""Ano yun? Gusto mo ba ng ice cream? May dala kami ni mama galing The Fort eh. Wag mo na isipin yun. Di naman malala diba?""
Me: ""Nagtaksil ako. Malala. Kaklase ko.""
GF: ""Punta ka samin! Pag-usapan natin yan! Sabihin mo lahat! Gago ka!""

Pumunta ako sa kanila. Umiyak ako. Sinabi ko lahat, pangalan, oras at saan kami nagkita, pati yung pagyakap at paghatid. Muntik na ko hiwalayan ng GF ko pero naisip din nya na hindi kami tatagal ng ganito kung hindi naging sobra yung pagiging honest ko sa kanya. Pinatawad nya ko after 1 week. Sakto sa monthsary namin.

Balita dun sa haliparot? Ayun. Kaklase ko parin sya sa isang subject. Sumusulyap-sulyap siya sakin pag may klase pero hindi na nya ko gustong lapitan. Pareho din na ayaw ko din sya lapitan ni makita nga ayaw din. Pag may group work, di ako nakikigrupo sa kanya kahit inassign na ng prof, lumilipat parin ako kahit nagagalit sakin yung prof.

Kaya sa mga lalake dyan na pinagsasabay-sabay yung mga babae, pero may GF na talaga, magisip-isip na kayo kung ano magiging kapalaran nyo pag tinuloy nyo pa yan. Swerte lang ako dahil nabiyayaan ako ng GF na ganito kalambing at nagpapatawad. Pero yung sa inyo, ganun din kaya?"

Baskin Robbins
2012
FEU Institute of Technology (FIT)
FEU Manila

No comments:

Post a Comment