Thursday, August 6, 2015

Revenge: Part 2

"Hi. Naaalala nyo pa ako? Yung lalaking ""Gago"", ""Tarantado"", ""Walang Balls"" at kung ano ano pa? Teka tatawa muna ako. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Grabe yung mga comment nyo. Yes binasa ko lahat, halos 2k+ comments para malaman ang saloobin nyo. May mga nainis, nagalit at nagtanggol sakin pero pinaka marami ang nag mura. Hahahaha. Gusto ko lang ipaalam na ipinost ko to sa ibat ibang confession schools. Sa Adu, Perpetual, basta halos lahat. At konti lang ang na post. Ginawa ko to last month, pero ngayon lang napost dito. Hindi ako pinaniwalaan sa Perpetual. Dahil ata sa mala nobela/libro kong pagkukwento.
Well gusto kong sabihen na hindi yon totoo. Hahaha well most of it is true as in 95%. Kung paano kami nag kita, nag away, nag ligawan at nagkaibigan. Ang hindi totoo eh ang last part. Ganto ang totoong nangyari.

Habang nasa loob kami ng Dunkin' Donut eh sobrang tahimik. Walang tao dahil inarkila ko ang buong lugar sa buong araw. Ang tumutunog lang eh ang cellphone ko na may lamang video na ginawa ko na puno ng selfies namin at lugar na pinuntahan namin. Napaluha sya. Dahil narinig nya yung ginawa kong speech na ""Salamat sa lahat, Sa adventure, sa experience at karangalan"" Natapos ang video at iyak na sya ng iyak. ""Ano to iiwan mo na ba ako? Leche ka masamang biro yan Bi"". Ngumiti ako noon at sinabing ""Naaalala mo yung araw na ipinahiya mo ako sa harap ng maraming tao at pinagmukhang masama sa harap ni Dean?"" *SMILES* at sinabing ""Ayun ang pinaka masayang sandali ng buhay ko. Syempre nung panahong yon eh nagalit ako at nag tangkang mag higanti pero mula ng nag sorry ka, minahal na kita"" napaluha narin ako. ""Hindi ko maipapaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang kasama kita, kahit ano pa ang ginagawa natin. Napapangiti ako sa bawat galaw mo. At totoo iiwan na kita. Salamat sa lahat, sa lahat lahat"" Humahagulgol nyang sinabing ""Wag Bi pls"" sabay yakap sakin. Nilayo ko sya at sinabing ""Ayoko nang maging boyfriend mo"", at habang nakatitig sakanya. Lumuhod ako sa isang tuhod, nilabas ang singsing na ibinigay ni Erpat kay Ermat noon, at sinabing ""Dahil gusto ko nang maging asawa mo"" Tumingin ako sakanya ng naluluha at sinabing ""Baby? Will you marry me?"" Hindi sya sumagot. Nakita ko lang ang saya sa mata nya at tumango sya. Tumayo ako para tumalon at ipaalam sa mundo na magkakaasawa na ako pero pinigilan nya ako ng yakap nya at binulong ""Mahal na mahal kita"".

Ngayon eh masaya na kaming naninirahan sa isang bubong na may isang anak. Nagfa franchise ng isang maliit na Dunkin' Donut at nagmamahalan araw araw. Isa na akong author dahil hindi nag work ang engineering saken. Pero nagpapasalamat parin ako sa blessings. Nasakanya parin
ang Listahan nya ng pautang/Diary nya. At araw araw nya saken pinababasa kung anong sinusulat nya rito. At napapangiti ako sa bawat pahina na nakikita ko, dahil sa bawat pagsulat nya sa bawat araw, eh kasama na ako.

Pasensya na kung 'medyo' naloko ko kayo. Sobrang dami pa nga naming masasayang sandali eh. Pero hindi ko mailalagay lahat. Pasensya kung nagalit kayo, isa yon sa goal ko, dahil ibig sabihin non eh naniniwala kayo sa Tunay na pagmamahal. Gusto ko lang sabihin na wag tayong padalos dalos na magka relasyon dahil darating at darating yan sa tamang panahon. Kagaya sakin na isa lang palang disguise ang pagaaway namin noon para maging daan sa malupit na pagmamahalan ngayon. Maniwala lang tayo. May magmamahal din sayo. Hanggang dito na lang.

Sent: 06/12/15

PS: Pasensya nadin at na disappoint kayo dahil hindi ako si Timo. But trust me inaabangan din namin sya ng asawa ko. Hihi"

baBEBIbobu
2012
Alumni
Not from FEU

No comments:

Post a Comment