Alam ko po hindi ito masyadong interesting kasi hindi siya about sa love kundi sa mga chismosang kapitbahay. Gusto ko lang manghingi ng mga advices kung anong dapat kong gawin o naming pamilya sa kapitbahay naming chismosa.Ganito po kasi yun, nagsimula po yung away sa pagsaway po ng magulang ko sa pagbi-videoke at pagpaparty-party nila magdamagan. As in minsan umaabot ng 12 o 1, tapos 10 po curfew samin tsaka di rin po kami makatulog maayos kasi apartment po bali nasa 2nd floor kami tas third floor po sila. Pero lahat po halos ng nakatira sa apartment tas mga katabing bahay ay chismosa kami po lagi laman ng balita. Ewan ko po di naman po kami artista, hindi rin naman kami kagandahan. Tapos yun nagtuloy-tuloy na po na parang tuwing linggo o sabado magpaparty sila parang nangaasar kaya nagreklamo si mama sa barangay kaso wala pong kwenta barangay namin kasi yung mga kagawad po chismoso rin dito bali tatay o lolo po yun ng mga chikadoras. Hanggang sa tuwing magtitipon-tipon sila sa baba, pagkwekwentuhan ang pamilya namin tas magtatawanan.
Wednesday, January 20, 2021
MGA DESPERADANG CHISMOSANG KAPITBAHAY
Hanggang sa one time narinig ni mama yung pangalan niya tapos kinompronta niya yung kapitbahay, bakit pinaguusapan siya ,tas yun ni-deny nila tas nag-away pa tapos kami pa po yung pina-barangay. Tapos yun tuloy-tuloy pa rin yung party-party nila tuwing linggo o sabado. Hanggang sa gusto ko silang paringgan rin, nasa banyo ako nun naliligo rinig na rinig yung pagkanta nila. Tapos yung kinakanta nila yung favorite song ng papa ko na rock song tas nagtatawanan pa sila, syempre bilang anak maiinis ka kasi kabastusan yun sa magulang mo tapos yun po minura ko po yung kumakanta tas sinabihan ko ng masasakit na salita.
Aam ko pong masama yun pero kasi nakakagigil na tapos pagkatapos ng araw na yun, nagsimula na silang targetin ako naman. Mayroong araw na narinig ko na “hindi bago mag-birthday niya yun” sa sentence na narinig ko na yun alam kong ako pinaguusapan nila kasi yung day na sumigaw ako sa banyo, yun yung day bago ako magbirthday. Tapos may araw po ulit na nag-away kami nung babae sa 4th floor. Sa part na ito gusto kong humingi ng advice, kasi po pagkalipas ng mga ilang linggo, napansin ko parang may mga butas kisame namin tapos napaisip ako may narinig kami nitong mga nakaraang linggo na may nagdi-drill tapos edi sinabi ko kay mama tapos sabi niya baka crack lang yan. Pero crack, perfect na bilog na butas? Pero di ko na pinansin, sabi ko sa sarili ko baka nagiging delusional lang ako tapos hanggang sa isang araw yung mga tropa naman nung anak ng chismosa na chismosa rin yung nandun sa third floor nagtatawanan nakadapa ako natulog sa sala pagkatapos kong matulog diretso ako sa ref hanap ng pagkain tapos narinig ko yung boses ng tropa niyang lalaki o jowa niya malakas kasi boses o nagparinig talaga para mang-asar sabi “dapang-dapa” tapos dun nako nagtaka. Kaya para di na ko nanghinala,isang araw ni-try kong mang-asar sa loob ng bahay namin hindi ako nagsasalita, mukha lang alam niyo yung mukha ng nangaasar para tignan ko kung may butas talaga yung kisame at nakikita nila ako, tapos nagsitawanan mga gago edi huli.
Hanggang sa tinuloy tuloy ko nga yung mga pangaasar kong ganun dun ko naconfirm na pangarap talaga nilang maging CCTV pati sa part na oras ng tulog ko tsaka ako makakarinig ng malakas na pukpok ng martilyo as in malakas na malakas parang nanggigising. Tapos yun di ko nalang po pinapansin kaso ngayon sobra sobra na. Nagtataka nga po ako parang wala silang trabaho, araw-araw nakatutok 24 oras walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang. Yun lang po.
Ano po kaya pwedeng gawin sa mga desperedang chismosa?
Tsaka po pala buong angkan po silang pamilya tas nagre-recruit po sila, di ko lang po alam kung may bayad. Pag sinabi ko naman po sa magulang ko baka sabihin delusional ako tsaka syempre rin po kung isumbong namin sila sa may-ari baka takpan agad nila yan, tas mapagsabihan pa na gawa gawa kwento eh sila nga tong araw araw may update samin. Tsaka medyo close sila sa may-ari ng bahay.
Aiz
2020
SHS
TSIS
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment