"Halaaa ang ganda ng dress mo bibili din ako ng ganto"
"Gusto ko din ng ganyan na hair"
"magkano yan? Pag iipunan ko din yan"
" san ka papasok? Dun din ako para magkasama tayo"
Nagsimula sa mga simpleng bagay na gusto ko ang mga gusto mo din. We were bestfriends since grades school. Im not a type of friend na madamot kaya lahat ng gusto mo kahit gusto ko binibigay ko. Hindi kita kailanman pinigilan na magkaroon ng mga bagay na katulad ng sa akin kasi naisip ko na yun siguro ang dahilan kung bakit tayo close. Na baka parehas kasi tayo ng mga gusto kaya naging mag beshie tayo. Im very much willing to share to you all the things that I have pero bakit ganun? Bakit pati sa lalaking mamahalin ko? Simula pa lang lahat kinuwento ko sayo kung pano ako nahulog sa kanya. Ikaw ang kasa-kasama ko sa bawat saya at sa lungkot na naranasan ko nung minahal ko siya. You was there to comfort me kapag nagkakalabuan kami kaya ansakit sa part ko na nakuha mo pa din itago sakin na may relasyon na pala kayo. Masakit na parang wala lang sayo na nasasaktan ako. Isa ka sa mga taong pinagkakatiwalaan ko pero nakuha mo pa din akong lokohin.
To you my bestfriend, Pasensya kana nung nagalit ako nung nalaman ko na may relasyon na pala kayo. Tao lang din naman ako nasasaktan. Gusto ko lang malaman mo na pinatawad na kita kahit hindi ka humingi ng kahit isang sorry. Pinatawad kita hindi dahil nakalimutan ko na lahat ng sakit kundi dahil gusto kong makalaya. Ipag papa sa diyos ko na lang ang lahat. Sana maging masaya ang relasyon niyo.
And to the man I loved, Maybe I'm still hurting pero alam kong makakaya ko. Diyos na ang bahala sayo sa pang gagago mo sakin. Sana alagaan mo ang bestfriend ko. Sobrang sakit ng ginawa mo na hanggang ngayon natatakot na akong magmahal ulit. Maraming salamat sa masasaya at sa mga aral na naibahagi mo sa akin.
Hindi man madaling magpatawad. Palagi sana natin gawin. Mahirap magpatawad sa mga taong hindi naman hinihingi ang kapatawaran natin pero mas mahirap mabuhay sa sakit at galit. Hindi mabubura ng pagpapatawad ang sakit pero bibigyan ka neto ng panibagong pagkakataon para mag simula ulit.
Ps: Okay na kaming tatlo ngayon. Pinilit kong ibalik ang samahan namin ng bestfriend ko. Nagmahal lang din siya at biktima lang din ng mapaglarong tadhana.
Cassandra
2020-2021
HUMSS
La salle
No comments:
Post a Comment