Share ko lang po yung feelings ko para sa isang ARTIST. She's an artist and the cutest art I saw.
Same school and course kami. 2nd yr sya at 5th yr naman ako. Since parehas kami ng major at senior nya ako, tuwing magkikita kami ay ngumingiti sya at ganon din naman ako.
Nung time na yon, dahil freshmen sila, nagchachat sakin yung kaibigan nya pag may tanong about sa program, etc. (Org Officer po kasi ako). Hanggang sa medyo humaba yung usapan. Dun ko na nasabi na ang ganda nung lagi nyang kasama (yung ARTIST). Dahil dito, madami na syang magagandang bagay na nakwento about sa ARTIST. Sinabi pa nya na parehas daw kami ng way ng pagchachat. At hindi pa daw yon nag kakajowa (sarap sa ears). Ichat ko na daw, sabi nya. Lumakas loob ko dahil sa kaibigan nya.
Nung una nahihiya ako, pero di rin naglaon ay chinat ko na din. Di naman ako nabigo dahil nagrereply naman sya. Agad agad ay nalaman nya na gusto ko sya. Di naman sya nagalit or umiwas agad kaya masaya ako, at aaminin ko na umasa ako. Marupok e. Masaya syang kausap, may sense ika nga. Tapos bago matulog may goodnight pa, dahilan para kiligin ako. Hahaha. May times na nagsesend sya sakin ng drawings nya na napakagaganda (sing ganda nya). At dahil malakas ang tama ko drinawing ko sya, kahit hindi kamukha pinakita ko pa din. No comment ang bata hahahahaha. Di nya lang siguro sinabi pero nagagalit dahil sa ginawa ko sa mukha nya hahaha. Sorry.
Dumating yung araw na may program sa school (Engineering Night). Nauna ako sa school dahil ako magaasikaso ng attendance. Excited na akong makita sya, alam ko kasing mas maganda sya sa gabing yon. Halos buong gabi ay nakatingin ako sa kanya. Palipat lipat sya ng upuan kaya nahirapan ako para makita sya. Maya maya kasi ay magpapapicture pa ako sa kanya hahaha, di naman ako nabigo dito. Birthday nya din kasi, minyday ko na agad hahaha kahit diko jowa. Yieehh. Masaya ako nung gabing yon. Sobrang saya.
Lumipas ang mga araw, habang magkachat kami, naulit ko na gusto ko sya. Pero sabi nya na ingat daw ang puso, baka daw kasi asa lang ako ng asa e wala naman palang aasahan.
Shakiiit. Umaasa lang pala ako sa wala.
Sabay pa sa undas.
Mula non minsan na lang sya nagchachat. Pero nagkekwento pa din sya. Pag inis na inis na sya sa iba nyang kaklase hahaha. Etc.
Pero mula nung ECQ medyo dumalas ulit ang pagchachat namin. Masaya dahil kung pano kami dati magusap e ganon pa din ngayon. Pero masakit dahil ‘kuya’ ang tawag nya sa akin. May times na natuturuan ko sya sa ibang subjects nya. Sarap sa feeling promise. Saklap lang pag yung iba e nalimutan ko na kaya diko sya maturuan.
Dahil nga ECQ, medyo naadik ako sa ML. Mataas na kasi rank nya kaya nagpapataas din ako para makaduo sya. Saklap lang dahil mahina ang signal sa lugar nila. Medyo naiinggit sya. Minsan ML lang yung topic namin. At least kachat ko sya. Yieehh
Hanggang dito na lang po muna. Salamat sa pagbabasa ng kwento kong para sa kanya.
Follower din po sya ng page na to kaya sana mabasa nya. Hahaha.
Hoy sa tingin ko mahal ka na ng KUYA mo. Penge namang chance. Hihihi
Ps: This story was written last May 2020
PHARSA YO
2020
BSCE
Unknown
No comments:
Post a Comment