Wednesday, January 20, 2021

TITI-K (PART 2)

Simula nung mangyari about sa assignment, madalang na ako magmeryenda sa bahay nina Lisa. Minsan nagdadahilan na lang ako ng kung anu ano para lang di kami magkita ni pogi dahil nahihiya pa din ako. But, after a month, nakamove-on na din ako, sa wakas.

Tapos na klase namin ni Lisa at pababa na ako sa may hagdan para umuwi na pero sa kalagitnaan kinulang ako ng steps kaya dumiretso ako agad sa baba, akala ko may sasalo wala pala buti na lang at mababa lang ang hagdanan. Pero bago ako makatayo may kamay na naglahad para tulungan ako, si pogi my crush. Lalo tuloy akong nahiya sa kanya kaka-move on ko lang sa assignment, eto na naman. Yumuko na lang ako nung sinabi niyang careless daw ako.
It was september noong nag fb request siya sakin, at dahil crush ko, agad agad ang confirmation. Minsan lang ito, grab the opprtunity. Since then madalas na kami magchat as a part of getting to know each other. At kapag schedule ko kay Lisa, laging may pabaon na chocolates though di ko hilig ang sweets, tinatanggap ko dahil galing sa kanya, iniipon ko ito. Sa isip ko baka simula na ito ng magandang buhay ☺️
Last month, that was November 09, schedule ko ulit kay Lisa. After ng klase, si Aunty Mel (mama ni pogi) ang nag-asikaso para sa snacks. Nalungkot ako kasi wala siya. Di man lang niya ako ininform eh kachat ko siya halos buong magdamag. Tatayo na sana ako para magpaalam ng biglang nagbrown-out. Natakot ako dahil wala si aunty at aka may something na lumabas out of nowhere. At di nga ako nagkamali dahil sa may pinto biglang may lumabas na parang mummy, sa takot ko sinipa ko. Umaray siya, nagulat ako. Nilapitan ko siya at tinanggal ko ang takip sa mukha, sumigaw ako at sumigaw din siya. Si pogi crush pala. Prank gone wrong. Imbes na takutin ako eh nasaktan tuloy siya. Tawanan na kami. Magpapaalam na sana ulit ako para umuwi na pero...
Biglang nagsalita si pogi..
"Teacher, you are so careless. Careless in writing assignments. Sa dinami dami ng makakalimutan mong letter, "K" pa talaga. Pero don't worry, favorite letter ko yun, kasi K-aw lang. Careless in your steps, sa hagdan pa talaga eh kung nabagok ka, paano na ako? At paano kita sasaluhin kung di ka naman nagpasalo? Inunahan mo ako. And careless in noticing me. Please notice me naman kahit sa pamamagitan ng chocolates lang. Pero kahit careless ka, I'm here to take care of your carelessness. Can I be your caring boyfriend?" Ayan yung exact na sinabi niya.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko, speechless ulit ako. Kung alam niya lang na crush na crush ko siya and this is my "dream come true". Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Alam na this! He hugged me and I hugged him back. At ang saya saya ko 😍
Anyway, electrical engineer siya kaya huwag kayong ano. Kuryentehin niya daw kayo, charot 🤣
(hi T ❤️). He is reading this.
Sa ngayon, we're doing great. Mababait din mga magulang niya at mga kapatid niya. Nasa kanila ako last Christmas and this New Year eh baka sa kanila ulit ako dahil di naman ako nakauwi sa amin.
Thank you & till next time. Madami pa ako ishe-share about sa aking pagtuturo 😊
PS. Pogi din yung isang brother niya, just in case may naghahanap diyan, he is a nurse. 😊
Eros
CSU
2011
Unknown

No comments:

Post a Comment