Preschool teacher ako and since pandemic, house to house ang learning system sa school namin but with the approval of IATF.
Isa si Lisa sa mga estudyante ko. May tito siyang pogi. Siyempre pa cute ako everytime schedule ko sa kanya, engineer si pogi at super bait. Minsan pinapameryenda ako after ng klase o kaya pinapabaunan ako ng fruits. Kaya crush ko talaga siya.
Since house to house ang klase, madalas ako magbigay ng assignments lalo na kapag weekends. So, there's this one time, nagbigay ako ng assignment sa filipino about writing letter Kk. Monday, schedule ko ulit kay Lisa. Kinuha ko ang assignment notebook to check kung nagawa ba. Namula ako sa aking nakita dahil may kulang na titik sa instruction na naisulat ko. "Isulat ng wasto ang malaki at maliit na titi Kk" . Kulang ng 'k' sa titik, napahiya ako saking sarili pero agad akong nabuhayan dahil naalala ko di pala si pogi ang tumutulong sa kanya sa mga assignments, yung lola niya. But then, halos himatayin ako nung sabihin ni Lisa, "Uncle pogi helped me in my assignments, did i do it right teacher?" Speechless ako.
After ng klase balak kong umalis agad dahil di ko kayang makita si pogi. Plano kong dumaan sa hagdan sa may likod para di nila ako makita, pero bago pa ako lumabas ng pinto pumasok na si pogi at ang sarap ng ngiti. Hiyang-hiya talaga ako. Halos 1 month din bago kami nag eye to eye contact. Lesson learned 

Sa ngayon, kami na ni pogi at madalas namin yun pagtawanan kapag naaalala namin 

(kuwento ko kung paano kami naging kung maipost ito
)

Eros
2011
CSU
Cagayanvalley
No comments:
Post a Comment