Siguro naranasan na din to ng karamihan. Pero suki ako ng tindahan ng itlog sa isang palengke dito sa Novaliches. Linggo linggo bumibili ako ng isang tray ng itlog dun sa lalaking lagi kong binibilhan para ikonsumo namin. Tapos may isang beses naman na bumili ako ng isda at nadaanan ko yung tindahan ng lalaki na walang naka display na itlog kaya sabi ko baka naubusan lang sila ng stocks.
Pero nung bibili na ako ng itlog, wala parin naka display. E bibili na sana ako kaya nagtanong nalang ako sa lalaki.
“Kuya,may itlog pa?”
Pero busy sa paghuhugas ng pinggan yung lalaki kaya nilakasan ko boses ko.
“KUYA,MAY ITLOG KAYO?”. Sa lakas ng boses ko narinig ng mga dumadaan yung tanong ko pati yung katabi nilang pwesto.
Sabi pa nga ng iba, “Oy! May bibili ng itlog mo”. Yung iba naman ang sabi e,“Oy! May gustong kumain ng itlog mo”. Hayp na yan napahamak pa yung dignidad ko HAHAHA
Medyo awkward yun kasi lalaki din ako, kung pwede lang magpalamon sa lupa, nagpalamon na ako nun sa hiya


SoulKing
2020
BS-Education
PCP
No comments:
Post a Comment