Grade 12 ako this year, nagka baby ako at the very young age of 16. I‘m 20 yrs old now. Way back 2016, nakilala ko yung live-in partner ko and I thought sya na yung "forever" ko and gave my self to him. Nung unang mga taon na nagsasama kami at nagbuntis ako, okay naman happy and healthy relationship kami. Sana ganun nalang lagi. Nung nasa 2 years na kami lahat nagbago. Yung dating masaya naging malungkot at masakit.
Nakilala sya noon bilang "mahilig sa babae" and tahimik. Oo mahilig kasi sya that time sa iba't ibang babae and tropa lang kami nun until we become a couple. I thought mapapatino ko sya sa pagiging mahilig sa babae nya, and nagawa ko naman until now.
So ayun, 2 yrs kami ng mag-umpisang magbago ang lahat. Naka panganak nako. Nandun yung mga time na umuuwi sya ng madaling araw na lasing na lasing at dun na nag-umpisa yung pananakit nya sakin and lagi nyang pagsama sa mga barkada nya. Hinayaan ko nalang kasi mahal ko e at may anak kami, ayokong masira yung pamilyang binuo namin.
Hanggang sa hindi na sya nagtrabaho until now almost 5 years na kami, wala asa lang sa magulang ko yung para sa anak namin. Ganun padin mas lumala yung pananakit nya and mas naging toxic yung relationship namin. Ayoko padin mag give up kasi para nga sa anak namin.
Nandun yung time na mag papasko nakipag-inuman sya sa mga barkada nya and it was 12 am na di padin sya umuuwi, and iyak ng iyak yung anak namin dahil hinahanap sya. Pinuntahan ko sya para umuwi sumama naman sya pero paguwi namin dun nyako pinagmumura at pinagbuhatan ng kamay. Sinuntok nyako sa muka at dumugo yung kanang mata ko.
Nung time nayon gustong gusto ko na makipaghiwalay, pero pag nakikita ko yung anak ko naiisip ko na ayoko kasi ayokong mawalan ng ama yung anak ko. Grade 11 ako nun and di ko alam anong gagawin ko pag pumasok ako sa school and anong palusot gagawin ko sa mga magulang ko. Kasi from the very start ang alam nila tahimik, mabait at responsable ang asawa ko dahil yun ang lagi kong sinasabi sa kanila.
At ngayong grade 12 nako, mas naging toxic na lalo. Lahat ng pananakit na pwedeng gawin ng isang lalaki nagawa na nya sakin. Nagagawa pa nya g ipagyabang yun and sabihan ako ng "nakakaawa ka, lagi ka nalang bugbog sakin diba kawawa ka naman, wala kang magawa no?" nasasaktan nyako lasing man sya o hindi.
Ang dami kong planong magaganda para sa pamilya namin pero ngayon, gusto ko nalang sya para sa anak ko pero hindi na dahil sa mahal ko sya.
Gusto ko ng kumawala, ano bang dapat kong unahin sarili ko o ikabubuti ng anak ko?
Give me advice readers. Thank you.

Mikaela
2020
ABM
SHA
No comments:
Post a Comment