Ang hirap samahan yung malungkot kapag malungkot ka din. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan 'tong kwento ko, saan ba? Paano?
I met this guy on a venting app, which i posted languages that i know and i can speak. But then he replied to my post and told me that he's a polish kaya he encouraged me to learn their language. Dun nagsimula lahat. While he's teaching me polish, he's venting too about life.
Nagkukwento siya na he lost his grandmother kaya he's very sad. May mga araw na mawawala siya pero babalik din, hanggang sa nasanay ako'ng ganon siya kaya hinahayaan ko lang. We deserve space in our lives too. Then one time, he told me na he want to die na--- like i can't explain how terrible the situation here cause I'm not good at it. But i stopped him sa abot ng aking makakaya by motivating him and comforting him, that time I'm going through something din pero hindi ako nag oopen up sakanya kasi ayokong makadagdag pa and sa tagal naming na uusap, hindi ako nag open sakanya.
As time pass by, nasasanay na kami sa isa't-isa. Parating magkausap, laging nag rarant sa isa't-isa kung ano'ng nangyayari sa araw ng bawat isa. Masaya naman, masaya din ako na andyan siya. Nasasanay na ako.
Isang araw, hindi siya nagparamdam kaya inisip ko na baka may hanash siya sa buhay nya, ayoko namang pakealaman. Hinahayaan ko lang siya kung kelan niya gusto mag open. And then dumaan ang dalawa, tatlo hanggang naging isang linggo--- dalawang linggo at mahigit wala pa rin akong natanggap na messages galing sakanya. Pero i understand kasi baka may pinagdadaanan yung tao, baka ayaw lang magpa istorbo. Pero alam nya naman na pwedeng pwede niya akong takbuhan pag nasa lowest point siya ng buhay niya.
Hanggang sa biglang may nag pop up na notification ko from Instagram, and it's a message from Jakub. He sent photos of him with his meds, and then nasundan ng voice message. Ang sabi doon ng lolo nyo habang tumatawa tawa pa na "I drugged myself with trazodone with like-- 22 tabs hahahaha that's why i ended up on a hospital and here i am messed up and didn't die again" (btw trazodone is an antidepressant medicine)
Hindi ko alam pero naiyak ako non kasi wala akong nagawa para pigilan siya. May nangyayari na palang hindi maganda sakanya nung ga nakaraang araw. Di ako nagreply 'non kasi--- ewan speechless talaga ako. Nagulat nalang ako nag ring phone ko, tumatawag siya and asking for a video call.
When i picked up the call, i saw him laying on his bed and he looks tired. Nagkuwento siya na kauuwi nya lang, pagod na pagod siya kahit buong araw siyang nakahilata. Tatawa tawa pa siya non, natatawa na din ako kasi nanonose bleed na ang ate nyo kasi english diko na ma gets sinasabi minsan hahaha.
Hanggang sa humagulgol siya. Hindi ko alam pero parang kinukurot yung puso ko kasi first time sa buong buhay ko na may umiyak na lalaki sa harapan ko kahit through video call lang and hindi ko inaasahan yun. He told me na he really wanted to end his life, pagod na siyang iignore ng kuya nya, pagod na siyang marinig yung away ng mga magulang niya, pagod na siyang mag fail sa university nila, pagod na siyang maging mahina, lalong lalo na pagod na siyang hanapin yung taong wala na sa tabi nya---- and naalala ko yung lola nya na namatay.
Sa pagkakatanda ko tatlong oras kaming nag usap, nakikinig lang ako sakanya. Iiyak siya, tatawa siya tapos minsan tahimik pero lagi niyang sinasabi na i don't have to talk kasi presence ko palang okay na sakanya, lumuluwag na pakiramdam nya. After we talked, natulala nalang ako. Like 30 minutes asa sahig lang ako ng kwarto, nakatitig sa kawalan. Diko namamalayan umiiyak na pala ako, blangko pa yung isip ko nun hanggang sa unti-unting naalala ko yung mga problema ko. Tapos dun ko namalayan na I'm going to commit suicide that day, kasi hindi ko na din talaga kaya.
Namatay din recently yung taong kakampi ko sa buhay. Napakagulo din sa bahay, napaka bayolente ng tatay namin lalo na kapag mainit ang ulo. Basta, kung iisa-isahin baka abutin tayo hanggang bukas. Napaka babaw lang siguro para sa iba ang gantong problema, tulad ko at tulad ni Jakub. But we're not all the same na kayang i handle ang situation na meron kami.
Sa ngayon, hindi ko alam kung patuloy ko lang icocomfort si Jakub o I'll just leave kasi parang hindi healthy na kasanib puwersa ko yung may negative vibe din sa buhay. Nakakatawa man, pero di ko talaga alam.
LIWANAG
2020
FIN. MAN.
OTHERS
No comments:
Post a Comment