Tuesday, May 25, 2021

SUGAR MOMMY (PART 1)

Ako nga pala si Dilan, hindi tunay na pangalan.

Isa lang naman akong simpleng lalaki, 5 8" ang tangkad na biniyayaan ng kagandahang lalaki. Kailangan kong banggitin sapagkat jan iikot ang storya ko.
Dahil may lahi ako spanish, maputi ako, matangkad, mabango, masasabi ng mga babae na talagang papabol. Yung tipo ng lalaki na pinagtitinginan kapag nakasalubong dahil sa ang mga mata ko ay mapupungay, ang ngiti ko ay napakalambing, at ako yung kinakikiligan.
Hindi ako nagyayabang, ako yung tipo ng lalaki na kinukuha ang number kasi isang titig ko lang ay gusto na nila ako, sa madaling salita ay guapo. Laman din ako ng gym ng panahon na yun, kaya nagpuputukan mga muscles sa aking katawan.
Years ago, pumasok ako sa isang company. Nakilala ko ang boss namin na sobrang bait. Ako ang pinagha-handle niya ng mga projects. Since architecture natapos ko, ako ang makikita mo sa site na nagtitingin ng mga plano, nagpapasunod sa mga tao, at minsan nasa office para gawin ang mga utos ng Architect namin.
Wala namng problema sa naging trabaho ko. Isang araw, umuwi ang kapatid ng boss ko na galing ibang bansa. Dito rin siya nagtrabaho, sa satelite office namin at palaging pumupunta sa main office namin kung saan nandun ako. Itago na lang natin sa pangalang Marie.
Napakayaman ng family nila. Bilyones mga projects nila, daang daang mga trucks at heavy equipments, napakaraming mga building na pinapatayo nila at masasabi natin na talagang asensado ang kanilang buhay. Meron ang family nilang magagandang bahay, mga resort, sasakyan na may bulletproof, at kilala sila sa lugar na pinagtratrabahuhan ko. Sila ang itinuturong na mataas na tao sa bayan na yun.
45 years old na si maam Marie. May asawa at mga anak na rin siya. Succesful na mga anak nila. Napakayaman din niya. Dahil siya ay maganda, maraming nahuhumaling sa kanya. Hindi mo mahahalata sa edad niya sapagkat siya ay may magandang katawan, magandang ngiti, at maraming laman ang bulsa.
Noong panahon na yun ay 27 pa lamang ako. Meron akong sariling table sa office namin at meron din siya. Nung mga una, akala ko puro trabaho lang, pero palagi niya akong binibigyan ng pabor.
Pinapadalhan niya ng meryenda, mga pagkain, at gustong gusto niya ako palaging kinakausap. Ayaw din niya na umuuwi ako, gusto niya sa office nila ako matutulog sapagkat magkalapit lang ang office namin. Palagi niya akong tinatawagan, kinakamusta kung kumain na. Syempre kapatid ng boss ko ay iginagalang ko at sinasagot ng maayos.
Kapag walang tao sa office, pumwepwesto siya sa upuan niya na hindi kita sa cctv.
"Dilan, halika dito. Tingnan mo nga project proposals ko? Anung masasabi mo? Meron ba na dapat baguhin?"
Sabay hahawakan niya ako. Mejo ibaba niya tshirt nya na maikli naman tlga para ipasilip ang naglalakihan niyang dibdib.
"Maganda po maam mga proposals nyo, sigurado magugustuhan yan ng clients natin."
Bigla niya akong hihinahalikan sa bangko niya at papaupuin,at sasabihing,
"E-edit mo nga ‘to. Mukhang pagod ka sa maghapon. Ang lulusog ng mga musscles mo. Kailangan mo ng masahe habang ginagawa mo yan."
Hahawakan niya likod ko at mamasahehin, bubulong siya sa tenga ko ng,
"Dilan, ang guapo guapo mo naman."
Sa ginagawa nya, sinong lalaki ang hindi tatablan. Tumayo na lahat pati si batman at pinaginitan na ko.
Akala ko dati walang malisya. Pero napatunayan ko ang gusto niya sa gabi na eto.
Tatawag siya sa akin ng 12 ng gabi, kapag nasa tulugan na ko at nasa kabilang bahay siya.
"Kamusta ka na Dilan? Pwede ka ba na pumunta dito. Dalhin mo papeles na pinagawa ko at may ipapakiusap rin ako. May daga at ipis kasi sa kwarto ko. Puede mo ba na tanggalin."
"Yes po maam, pupunta po ako dala ang papeles."
Dahil kapatid ng boss ko, kailangan kong maging magalang.
Kinatok ko bahay nila. Binuksan niya ang pinto at laking gulat ko ang nakita ko.
Nakasuot lang siya ng top, and bottom na pangtakip at yung damit na parang kulambo na silag na silag.
"Pasensya po maam, balik na lang po ako bukas, (sabay inabot ko ang papeles),
mukhang nagpapahinga na po kayo."
"Punta ka sa kwarto ko, alisin mo muna yung iniuutos ko dun."
Ako namn ay hindi makatanggi kasi kapatid ng boss ko, so pumunta ako at malinis naman, may mga bulaklak pa sa kama niya.
"Maam, wala naman po na daga at ipis dito. Napakalinis po ng kwarto nyo."
Bigla nya akong hinila at hinalikan, naamoy ko alak sa kanyang hininga at hangang sa inilapat niya sakin ang manit niyang katawan. Naramdaman ko malalaki niyang dibdib at tinatablan na ako.
Dilan
20**
CAFA
Unknown

SUGAR MOMMY (PART 2)

Habang nauutal dahil sa pagka lasing ay nagsalita siya,

"Malungkot ang buhay ko Dilan. Pwede ba na paligayahin mo ako kahit ngayong gabi lang? Kailangan ko ng makakapag pasaya sa akin. Bibigyan kita ng maraming pera, panibagong trabaho, upang maging magkasosyo tayo sa trabaho. Ilalagay kita sa mataas na posisyon, kaya mo namang i-handle lahat kasi may potential ka."
Hinawi ko mukha ko at lumayo, ako.
"Maam alis na po ako."
Pero hinawakan niya ko at muling niyakap.
"Dito ka muna Dilan, samahan mo ko. Kwentuhan tayo. Marami na kong pera, mga pag-aari, alam mo naman yan. Ang kailangan ko ay isang lalaki na makakapag paligaya sa akin. "
Direktahan ko siyang tinanong.
"Maam, inaakit niyo po ba ako? Meron na po kayong asawa maam, baka malaman ng mister mo."
Sinabi niya eto na medyo umiiyak.
"Gusto kita Dilan. Palagi siyang wala, tsaka meron siyang kinakalaguyo. Binahay na niya, binili pa niya ng condo. Ilang beses ko siyang nahuli at hindi siya tumigil. Sabi niya prino-provide raw niya pangangailangan namin. Lahat lahat at anu pa ba hinihingi ko? Ano pa ba na mag-enjoy ako sa isang bagay. Pinagawayan na namin yan pero hindi na siya tumigil. Kaya okay lang to, parehas lang kami. Hindi mo naman sasabihin diba? Single ka naman Dilan?"
"Hindi po maam, single po ako. Matagal na rin po."
"Sa guapo mong yan single ka pa rin. Anong storya ng buhay mo?"
Kwenento ko sa kanya,
"I have a long time girlfriend, akala ko kami magkakatuluyan. Pero pinagpalit niya ko sa bestfriend ko ma'am. Nakahanda na bahay na hinuhulugan ko, singsing na pangkasal namin, pero bigla siyang umayaw. Yun pala, karelasyon na niya ang bestfriend ko at yun na mahal niya. Pero hindi ako perpekto, nung unang year namin nagkaroon ako ng babae at yun ang sinasabi niyang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Mahabang storya. Ikaw maam? Succesful ka na sa lahat, bakit hindi ka masaya?"
"Ganun siguro kapag narating mo na tagumpay, may kulang pa rin at hindi ka makokontento. Saka naghahanap ako ng lalaki na magbibigay sakin ng ligaya, at sa totoo lang, gustong gusto kita. Ibibigay ko sayo lahat , trabaho, kotse, ipapapangalan ko sayo."
Lumapit siya at niyakap ako. Muli niya akong hinalikan at nadala na ko. Ibinigay ko sa kanya matagal na niyang gusto hanggang sa mapagod kami.
Matapos mangyari iyon, maraming beses na kaming lumalabas. Pumayag na ko na mag-inuman kami palagi. Pero hindi sa bahay ng office nila. Kinuha niya mamahalin niyang sasakyan, nag-drive kami sa malayo at nag-bar, sa lugar kung saan walang nakakakilala samin.
In-enjoy namin ang magdamag kahit alam ko na mali at guilty ako kasi may asawa at anak na ang kapatid ng boss ko.
Natukso ako. Siguro, kahit bato ay lalambot sa sitwasyon na yun. At maging sino pa man na santo ay matutukso sa pangaakit niya. Inaakit ako ng kapatid ng boss ko at ano pa nga ba magagawa ko?
Nasilaw ako sa lahat ng binibigay niya. Sapatos, damit, mamahaling mga singsing, relo, alahas, gadgets, pabango. Lahat na ng gamit sa bahay ay barya lang sa kanya. Tinanggap ko ang mga yun. Ang hindi ko tinanggap ay ang mas malaki na inoofer niya, bahay at lupa na kotse ay ipinapapangalan niya saakin, handa na ang titulo.
Tinuloy ko pagtratrabaho ko sa company nila. Pag may pagkakataon ay lumalabas kami. Pinapadalhan niya ko ng pera, malaking pera kumpara sa malaki ko ng sinasahod ngayun.
Naging sugar baby ako at siya ang sugar mommy ko. Minsan kapag walang tao sa office, pumapasok kami sa tulugan dun at magmamadali para gawin ang ligaya sa isat isa.
Naisip ko na sobra na eto. Matagal ng panahon na mali ang ginagawa namin. At nagdesisyon ako na umalis na lang ng trabaho para matigil na kahibangan namin.
Nag-resign ako, at sobra siyang nagalit sakin. Huwag daw akong aalis, kasi binibigay naman niya lahat. Pero ayaw ko na. Kailangan kong itama pagkakamali, at kailangan kong ibangon ang dangal na napagiwanan ko na dahil sa babaeng maganda, mayaman, sexy pero may asawa at anak na.
Palagi pa rin siyang tumatawag pero di ko na sinasagot. Sa nilipatan ko, nagpapadala siya ng pagkain at pera pero hindi ko na tinatanggap. Sabi ko, tama na.
Hindi ko alam kung pagmamahal ba naramdaman niya sa akin or kati lang ng katawan na kailangang kamutin. Kaya para sa may mga asawa jan, ingatan niyo at mahalin mga asawa ninyo, minsan hindi man namin ginusto na matukso pero sila ang nagsisimula.
At piliin natin maging malinis sa harap ng tao, at lalo na sa harap ng Diyos na gumagabay satin. Ang mga pagkakamali ay pwedeng itama, at iyon na ang ginawa ko. Nagsimula ulit sa panibagong buhay at panibagong pag-asa ang nakikita ko ngayon.
Dilan
20**
CAFA
Unknown

CHIKO

I don't know kung saan ko ito uumpisahan.

I am not beautiful pero cute raw ako. I have 2 dimples, 5 flat ang height, short hair, maputi rin naman ako but I am not chinita.
I just wanna describe myself for the readers. So eto na nga I already working na, but feeling ko 15 years old pa rin ako and still wandering kung anong gusto kong gawin sa buhay, kung anong pangarap ko at gagawin ko sa future.
I had my first boyfriend way back college days, hindi naging maganda ang umpisa namin lalo na yung paghihiwalay namin. Because of my ex-boyfriend I got depressed and nagka-insomnia but ngayon ayos na ako after almost 2 years. Natakasan ko ang toxic na relasyon namin.
And now go back to my story, after 2 years I thought I would never fall in love again until I met this guy sa work ko.
Lets say he's the kind of guy na hinahanap ko, I mean sa mga nagiging crush ko kasi halos lahat sila may similarities.
Ayun he is chinito, matalino, tahimik siya, pero kapag nagsalita siya may laman, may takot sa Diyos, hindi siya payat kumbaga small build body type siya, mahilig mag aral, and sa age namin marami na siyang na-achieved.
Nung nakita ko siya noong una natatawa ako kasi kamukha niya yung professor ko sa calculus nung college akala ko nga mag ama sila haha.
Ayun as time goes by unti-unti ko siyang nakilala kahit sobrang napaka-private niyang tao. As in sobrang private kahit yung mga kasama namin sa work na kasabayan niya wala din masyadong alam tungkol sa personal life niya.
I don't like him before, kasi paano ko ba naman siya magugustuhan eh wala nga akong alam tungkol sa kanya masyado.
But then nung pauwi na ako nagmamadali kasi akong umuwi nakasalubong ko siya sa hallway sa labas ng office namin. Nagulat ako sa kanya. Sobrang kabog ng puso ko nun.
Tapos nag-goodnight siya samantalang ako na hindi ko na siya nasagot sa goodnight niya. Sa sobrang gulat ko nagmadali akong umalis ng office naghahabol din kasi ako ng masasakyan.
Habang pauwi ako nararamdaman ko pa rin yung kabog sa dibdib ko, tapos di na siya mawala sa isip ko, tapos kapag iniisip ko siya napapangiti ako.
After that night kapag nakikita ko siya sa office sa shift namin lagi akong nakatingin sa kanya. Kapag malapit siya at kapag kausap niya ako I felt something warm inside.
I felt different. I felt so secure and protected kapag kasama ko siya. Hindi ako kinikilig sa kanya kapag katabi ko siya but I felt so warm.
I like him at first and that simple crush turn into love. Hanggang sa nagkwentuhan kami ni mama tungkol sa trabaho ko at napansin niya na habang nagkukuwento ako sobrang saya ko lalo na kapag nabanggit ko yung lalaki at pinakita ang picture niya.
My mom asked me about him. Kung umamin na raw ba ako na may gusto ako doon sa ka-workmate ko. Then I told her no, di ko maamin eh.
I told her na hindi rin naman kase niya ako magugustuhan kasi Filipino ako at Chinese siya syempre ang gusto nun Chinese rin lalo na yung family niya.
Sabi ko hindi na ako magmamahal ulit, but then dumating siya, after my ex and I broke up I never felt this feeling again. I thought I will never fall in love again and I thought di na ako mangangarap na bumuo ng sarili kong family but God moves in a mysterious way.
I fall in love again. He gave me hope. He make me feel na dapat hindi ako matakot magmahal ulit. He inspire me to work hard for my goals. Hindi niya alam kung paano niya ako na-inspire at lumaban sa buhay.
Gusto kong sumubok, pero natatakot ako. May pag-asa kaya tayo? Mag-work kaya tayo? Kase kahit baliktarin natin ang mundo Chinese ka at Filipino ako.
Love
RegEx
2019
Unknown

TERRACOTTA IS FINDING HIS CHINA

We both don't believe in internet love, we just go along our vibes, you teach me how horoscopes works, you teach me the other side of the world is.

The three weeks feels like a century that I'm with you. You made me crazy in just one snap.
We both hate to live in the Philippines for good hon. We did silly things together like sharing unexplainable uncensored links,and sharing God's gospels.
I miss waking up 1 am in the morning, kasi sasamahan kita magpuyat since you're a call center agent (along makati). I miss checking you once i get home from Batangas to makati vise versa.
When you said that (I am worst, i am capable of being inconsiderate) then i always reply (hey i am aware, i understand, i genuinely handle you).
Since we met it made me feel complete, it made me feel nahanap ko 'yong nawawalang parte ng pagkatao ko. You made me happy like no one else could do.
My A, since you came my everyday wasn't complete. Indeed it is d@mn painful hon. You left all of a sudden, you left me hanging but you promised you'll never do that because of my heart's capacity.
We're both in old style way of love, when we value courtships, poems, and love letters.
We're so matured enough hon,we fixed and agreed to only one STRAIGHT plan.
Hon ang sakit, sobrang sakit. I want to win you right now, seriously. But i told you , I can't right now. I haven't had my college degree, you understand it right.
We both understand each other's priorities.
I love you A, together with your worst sides.
I am indeed sorry for deceiving you for who really i am, pero natanggap mo ako hindi ba?
And then this Aubrey (your bestfriend) came, she hates me. As if I'm capable of harming you.
And in just one snap i lost you.
Hon you brought my heart away from the moment you left. Hon we both don't believe in norms and philosophical beliefs, we praise and worship God together. Hon what happened (ang sakit ha).
And to Aubrey, hey we don't know each other. But Miss Aubrey i indeed love your bestfriend genuinely. Mahal na mahal ko siya mula noong nakilala ko siya hanggang ngayon.
Hey My China,
Hey, i want you to know that i love you. Yes i did lie on you but i regret it baby. Hon please talk to me , because i really don't know where to start finding you.
My Angel, please Nate is needing his Ally.
My China, please your Terracotta misses you so much!
My soulmate, my celestine.
Can you please comeback?
Hon you took a really big part of mine, when i told you na i will love you as God love His church. I mean it. Hon we'll go to Denmark pa diba. Hon let me fulfill my promises to you.
My Chinese blood won't meddle on us i promise you. I promise that I'll protect you from my family.
Hon please, i deceived you because i love you.
(SA MGA NAKAKABASA PO NITO!
SPREAD MY CONFESSION GUYS IF NANINIWALA PA RIN KAYO SA PAG IBIG!)
I'm desperate to find you my love.
Hon, if you're reading this right now. Please comeback. I love you and that's the purest truth in the world that full of lies.
Hey Ping, Angel Mae, call center Agent,Adu engineering student,21.
I am genuine and pure on my intentions to you.
God knows how i treasure you.
Hon I'm waiting.
My Jade, please comeback na.
We'll have our bible studies pa.
Our gifs cuddles.
I miss your thundercalling voice.
Crazy wife your needy husband misses you a lot!
Let's face the colorful together please? Please don’t be afraid.
When you asked me,
"Nate can you be selfish at once?"
Hon ito na po yon, i am claiming your love, please comeback in my arms.
Guys for who ever read this please help me find my wife.
PORTIA GREY
20**
Unknown

Thursday, May 20, 2021

REASSURANCE

"Saan ka galing?"

Iyan yung bungad na mensahe ko sa kanya. Hindi siya umuwi kahapon sa pag-aakalang uuwi ako sa bahay namin at doon ako matutulog. Kaso hindi natuloy kase sabi ng kapatid ko next week na raw.
"Bakit ka ba tanong ng tanong? Chinat mo na ako kanina tungkol jan" padabog niya sagot.
Nasa isip ko? Bakit? May mali ba sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman at nasaan siya kagabi kase hindi siya umuwing apartment. Umaga na siya nakauwi, wala man lang paalam o chat kung nasaan siya. Bukod sa naghihintay ako, paano kung may nangyari na pala sa kanya.
"Tinanong kita. Sineen mo lang ako. Kaya nagtatanong ako ulit." mahinahong paliwanag ko.
"Ayan ka na naman sa mga tanong mo. Akala ko ba may tiwala ka sa akin ha? Hanggang ngayon ba pinagduduhan mo pa rin ako Shai?"
"Nagtanong lang naman ako kase hindi ka umuwi kagabi, at hindi ka man lang nagsabi."
"Sabi mo matutulog ka sa mga magulang mo diba? Kaya inaya ko mga barkada ko. May mali ba dun ha? Duda ka naman? Akala mo na naman niloloko ka? Wala ka talagang tiwala, nakakaumay ka, Shai! Lahat nalang kailangan alam mo? Baka pagtae ko kailangan ko pang sabihin sayo? Pwede ba ayusin mo naman sarili mo, kase nakakapagod ka na kasama..."
" Anong sabi mo ..."
Hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin. Sa simpleng tanong ko na hindi niya masagot sagot, andami na niyang dagdag na sinabi.
~~~
We've been living together for almost five years. And you cheated on me a year ago.
Noong nalaman kong nagloko la, nangako kang magbabago na. Dahil mahal kita, pinatawad kita. Tinanggap kita. Ayoko namang bitawan ka sa isang pagkakamali lang. Ayoko namang sayangin ang ilang taon nating pagsasama dahil lang sa nalaman kong may babae ka. Ayokong magsisisi na baka kapag iniwan kita, ako lang ang masasaktan. At makahanap ka kaagad ng iba. Ayokong manghinayang
Mahal na mahal kita, to the point na noong nanghingi ka ng tawad, pinatawad kita kaagad.
Oo, pinatawad kita. But the pain and trauma inside, kahit anong gagawin ko hindi nawawala. I make myself busy whenever I overthink. Kung ano anong ginagawa ko para makalimutan ang panglolokong ginawa mo.
Pero ang hirap! Mahal kita, pero bawat tingin ko sa mga mata mo kapag magkasama tayo, minsan naiisip ko ang posisyon niyo ng babae mo nung magkasama kayo.
A lot of times na papasok ako sa banyo just to cry silently kase ayokong sisihin mo na naman ako. Aawayin mo na naman ako kase nagpapaka-praning ako. Pero di ba kasalanan mo 'to?
Why I am suffering alone? If all these sh*ts was caused by you? Gustong gusto ko ng kalimutan lahat, pero everytime na hindi ka magparamdam, everytime na hindi ko alam kung nasaan ka at wala ka sa trabaho, hindi ko maiwasang magduda.
I moved on from what you did. But please don't trigger the emotions inside me that I kept for almost a year.
I already consult a doctor tungkol dito sa pag-ooverthink ko. Kase as much as possible, gusto kong maibalik sa dati ang dating tayo. I am aware na nagiging toxic na ako, kaya gusto kong ayusin sarili ko.
Pero everytime I open up about my feelings, nagagalit ka kase wala akong tiwala sayo. As much as I want to, gusto kong magtiwala pero paano?
And what? Napapagod ka na? Hindi mo ba alam na paubos na ako, pero hindi ko naisipang mapagod. Kailanman hindi ko naisipang sumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo.
I know we can do this together, just please cooperate with me. Sabi nga nila, communication is the key. Kaya parang awa mo na makisama ka.
Shai
2021
Marketing
Unknown

PROF MO SADBOI MANIPULATIVE NA CHEATER PA

Panahon ba talaga ng mga cheaters ngayon?

Ang dami nila nagkalat eh tapos proud na proud pa na nakasira sila ng pagkatao.
Well to start off, I was in 2nd year college when I met this guy. Sobrang malalapitan siya when it comes to acads and magiging malapit ka tlga kasi yung approach niya pang tropa. After 2nd sem, I added him on facebook. Sabi ko oks naman tong si sir saka add ko lang tapos naman na yung sem. But I never thought na magiging feeling close siya. So, yung magbibigay na siya ng grades midnight ako nagpasa eh. Nagchat siya na may grade na raw ako look ko yung email. Nagbibiro pa siya sakin na bagsak daw ako lols.
Fast forward na wala ng gagawin sa subject niya, he suddenly replied to my stories. Tapos sinasabihan niya pa ako na bibigyan niya ako ng tres so ako sinakyan ko yung trip niya. Malakas din ako magbiro eh. To make the story short, yung conversation naming humaba when he told me about his past relationship, job and nag advice din then he suddenly asked me “looking daw ba ko sa jowa?” then I said, “hindi sir, kusang dumadating daw yun sabi nila.” I kept on insisting na huwag niya ako bigyan ng tres. Kahit perfect ko naman yung exam. Ayun pala nilalandi niya na ako lols. Actually, hindi ko naman siya pinapansin. Siya itong papansin sa akin at hindi ko nga siya pinapansin noon during class basta alam ko professor ko siya sa ganitong subject. So, ayun tumagal yung usapan namin hanggang sa nagka aminan ng feelings. Sa start ng relationship, natatakot pa siya kasi ghoster kami parehas. Nag aasaran kami sa pagiging ghoster namin. Tapos sinasabihan niya ako “huwag mo akong iiwan. Hindi ko kakayanin.” Inaatake siya ng anxiety niya noon kaya di na nakapagreply. Nangako siya sa friends ko na di mang iiwan ganyan at alam ng mga friends niya saka some of his former students na meron kami.
Sobrang tago at ingat pa kami noon hahaha. Sa loob ng 11 months na naging kami, hindi kami nag away. He acted so in love with me and we even exchange emails thru gmail, nagvideo call, sending sweet messages ganyan talagang mapapaniwala kang mahal ka niya e. (ew kadiri na lang pag naalala ko) Tapos neto lang nakaraan after naming magkita ng Monday, ramdam ko na yung coldness. Akala ko okay kami eh. Tapos sanay ako na ganon na we gave each other space for acads and work niya kasi not all the time hindi naman namin need mag usap. Kumbaga we’re starting this relationship na may healthy communication. Pero hindi pala may iba na pala yun. The more you gave his freedom, the more na aabusuhin niya yun. Then last night, he confessed that he cheated on me and want nya na maghiwalay kami agad. Sinabi niya na matagal silang hindi nag uusap ni girl na mismong party lang na yun sila nag usap. They flirted each other. Una sabi niya, usap lang. Tapos sumunod na message nagyakapan at dantayan na sila pero no s*x or kiss happened daw. Pilit ko siyang pinapaamin noon pero ayan sinasabi niya paulit ulit. Tapos pag gising ko kinabukasan kalmado na ako saka lang nag sink in sa akin lahat.
Noong una gusto ko pa ayusin kasi kung ganon lang naman eh pero madaling madali siya na iwanan ko. Gustong gusto niya na tapusin yung relasyon imbis na humingi siya ng tawad at sabihin na magbabago siya. As in pilit niyang sinasabi sa akin na respeto sa sarili ko kasi nag cheat na nga siya eh mayroon na akong trust issue which is mahihirapan na daw kaming dalawa. Take note, pinagmamalaki niya pang first time niyang nag cheat. Ang clownsh*t. Galing siya sa cheating before kasi yung ex niya pinagpalit siya tapos siya rin pala gagawin yon. He even told me na, “hindi ko gagawin sayo yung mag cheat kasi alam ko na magiging tingin sa akin ng mga tao ganon pala.” Pero lahat ng sinabi mo sa akin mga promises mo kinain mo lang. Okay ba panalong panalo ka na ba? Natatakot ka pa na malaglag kasi yari ka sa school pag nalaman na MARAMI KANG STUDENTS NA NILANDI HINDI LANG AKO. T*ngin* ako lang yung nagpaloko sayo SIR SADBOI MANIPULATIVE NA CHEATER. Balita ko nga rin na mahilig ka sa mga brainy na babae. Tapos lahat aawrahan mo hahahaha. And guess what sa nalaman ko rin? Hindi lang kayo that night nagkausap. 3 days na pala and for sure matagal na kayong nag uusap. Actually nakasama mo na nga nung nagpagupit ka. AKALA KO BA HINDI KO SIYA IPUPURSUE “SARILI MUNA” “CHARACTER DEVELOPMENT MUNA” “MAGSESEEK AKO NG PROFESSIONAL KASI IN DENIAL NA AKO” pero kinikilig ka pa kasi first time na may sumama sayo na BABAE magpagupit. DI KA BA LOVE NG MAMA MO NOON? HAHA babaero ih. HAHAHA ALAM KO RIN NAMAN NA IMPOSIBLENG YAKAP AT DANTAYAN LANG NO S*X OR KISS TAPOS THAT NIGHT LANG. GAGO GAWIN MO PA AKONG BOBO KA. HAHAHA. So ayun, proud cheater talaga siya parang achievement sa kanya. Good luck DOC! Graduate ka na next year pero hindi sa pagiging cheater. Kasi forever mo ng sakit yan. WALA PA LANG LUNAS YAN DOC. Sana ayan seryosohan na talaga ah? Dating to marry talaga yan? Baka izzaprank ulit yan. HAHAHA Nakakuha ka na naman ng babae dahil sa mga matatamis mong salita ayie! More bebe to come! Feeling gwapo ka e. HAHAHAHA Dami ngang nagtataka bakit kita pinatulan. Ayun lang. HAHAHA HELLO SIR SADBOI MANIPULATIVE NA CHEATER.
Ps. Kung iniisip mo hinahabol kita yun lang yon. Mga 1 hour lang pinagsisihan ko rin agad. Di ka pala kagwapuhan para habulin. Kwento mo sa 5’3 mong height lakas mo mambabae HAHAHAHA At saka I don’t need your support and andito lang ako lagi for you. Ayoko ng pangit na sumusuporta sa akin. Nalibadbaran ako sa totoo lang.
Pps. Buti na lang di tayo tumagal. Hindi naging sobrang miserable buhay ko sayo. Sayang tangos ng ilong ko, cuteness ko at 5’5 ko na height ha. Dami pa akong kwento kaso nandidiri na lang talaga ako.
WARNING!!
MAG INGAT KAYO SA MGA PROF NYO NA KUNWARI IBABAGSAK KAYO TAPOS NILALANDI NA PALA KAYO. INGAT WAG PAPALOKO LALO PAG SOBRANG FC. BAKA KAYO NA NEXT VICTIM NETO. MWAH.
Henlo Sir
Faculty of abC
2020
Pirates MNL

ARRANGED MARRIAGE

Back in the days I was younger, I always tell my friends that I am gonna marry someone whose rich and old so when he dies, I am gonna inherit his money. My friends do agrees with me. We tell this to each other when we feel exhausted by studying or to life, as a whole. This is purely a joke or just to ligthen up our feelings and I can't imagine it might really happen to me.

I am a teenager. My tita and tito is residing abroad. Tito was a US Navy but now a retiree. They have a huge age gap because my Tito is already old when he met Tita. They were engaged to marry, but not because of love.
Tita, a Filipino citizen back then was arranged to get married to Tito, which is a US citizen, in order for Tita to become a US Citizen as well. They were so called "pen pals". It is undeniable that this is an instant way to become a citizen in US. Tito have arranged papers like K1 visa or like a fiance visa in order to get my tita from the Philippines to US.
Fortunately, Tita and Tito end up together and in love.
One day, I woke up hearing my mom talking to tita on facebook video call about a rich old guy which is my tito's colleague. This rich old guy is also a US Navy but now a retiree. This rich old guy wants to marry a relative of tita.
I don't know that guy's intention but it feels like they are arranging me to get married to that guy so I will end up being a US citizen as well. Tita also added that this old guy is really rich that his house has security personnels.
I woke up because of their loud conversation and because the door from my room is open. When I finally leave my room, my mom excitingly talk about it to me and if I am okay with it. Eventhough I am still in shock, I feel like my mom thinks it is a good idea so I unhesitantly said, "Oo, okay lang."
She complemented me and told tita which is her older sister, "Oh diba mabait yang anak ko na yan. Alam nya kasi yung hirap ng buhay".
At first it is really okay to me. Its not bothering me at all. It just feels too good to be true. Later that day, tita gave me the email of the old guy and introduce myself to him. She told me that she already told the old guy my name but it'll be better if I'll introduce myself to him.
So then, I did it. I emailed him. He replied at night maybe because of time difference since he's from abroad. He seems really nice. He told me that eventhough I am only a teen, my soul speaks like a mature woman. He sent me his current pictures as well as his family pictures. He told me has 2 sons but lives far away from him so he basically lives alone.
He told me about the K1 visa or a fiance visa which my tita and tito also did back then. He also told me that we have to email each other from time to time because this will be the evidence of our relationship to be presented in the embassy when we'll file a marriage I think.
My mother agrees to this because the old guy assures us that he'll let me graduate first from college since I am already halfway there.
We exchanged messages in emails for 4 longgg days now and it bothers me big time. He is really kind, don't get me wrong, but I am not feeling good about this. I don't know if I'll continue emailing him or tell my mom that I want to refuse to this arrangement. I reply when he message me but this is just out of respect. My mom seems so fine about this. She seems happy that when she talks about this guy, he calls him as my "fiance". My mom always says that the decision is on me, but her actions are implicitly telling me to do this.
What would I do? I am scared to the fact that I am marrying a stranger old man after I graduate which will be in 2 years. I have hundreds of thoughts. Half of me says it will be okay, since my future will be secured because opportunities will be waving at me abroad and I'll have a rich husband which I am just dreaming back then.
My mom would be happy about this. But half of me wants to refuse. Would I be happy? I am indecisive. Honestly, I am in the course program that I don't really like. I failed to fight for my dream course because I need to be practical, because my mom says I should be practical.
I let this happen because it's only for 4 years. I told myself that I will only suffer for 4 years in the course I am not interested in, and it will be okay. But this marriage arrangement seems very serious now. I don't want to spend the rest of my life with someone I am not interested to. But, I don't want to dissapoint my mom.
It may be a bit unreasonable and cliche but I think it is every girl's dream to meet and end up with someone they are really in love with. You want to be with someone you are really into. I haven't experienced dating yet. I am NBSB. I also wants to feel kilig, date nights, first times, and butterflies in the stomach with the guy I have crush on or I like.
It would be a comfort to me reading your comments and advices.
I already told my bestfriend about this and hoping she will not asked nor confirm if it is really me who confessed here. I would be embarassed. My thoughts just have really gone wild, and I don't want to bother her saying the same things and reasons all over again and end up not decided at all.
Y
2nd year
Unknown

YOU ARE MY BIGGEST MISTAKE

We met in congressional meet. We both athlete. Dancer ka at taekwondo player naman ako. Magkaiba tayo ng school na nire-represent.

So eto na nga, we became friends hanggang sa naging mag on na tayo. Umabot tayo ng isang taon, sa lahat ng dance practice mo andun ako nakasuporta, taga punas ng pawis mo, taga bili ng ice tubig at pagkain. I am your number one fan love.
Pareho na tayo on training nun kaso napapabayaan ko yung training ko sa taekwondo kasi I want to support you. Gusto ko maramdaman mong andito lang ako sa lahat ng laban mo. Dumating ang araw ng laban ng sayaw nyo, that was exactly our second anniversary. Gabi ang laban nyo pinuntahan kita at may dala pa ako nun na banner para makita mo effort ko. Inabutan ako ng hating gabi kaka cheer sayo. Kahit alam kong bukas ako naman lalaban sa laro.
My team and coach are expecting na makakagold medalist ulit ako. But I failed. Alam mo yung masakit dun? Yung araw ng laban ko dun ka wala. I need your support too. Pero sabi mo pagod ka . So inintindi ko.
Lumipas ang mga araw nagiging malamig kana sakin. Wala akong makitang rason para itrato moko ng ganyan. I gave everything to you. Ginawa ko lahat, I mean ginawa ko yung best ko to hold this relationship.
One day, I caught you cheating on me. May babae ka. Humingi ka ng sorry at pinatawad kita. Babae lang yun, hindi ko hahayaan na sya lang makakasira ilang taon nating pinagsamahan.
Pero sa kabila nun nagloko ka pa ulit. Some of your friends tell me na may nangyare sa inyo nung babae. At may isang babae rin ang lumapit sa akin para sabihin na nilalandi mo sya. Niyaya mo sa kama. Nakakagagö lang.
Binigay ko lahat kahit hindi ko na kaya. Pinatawad kita ng paulit ulit kahit paubos na ako. Kulang pa ba?
Halos talikuran ko mga magulang ko masunod ka lang mahal. Tumatakas ako sa bahay mapuntahan ka lang. Pero at the end of the day kulang pa rin mga ginagawa ko to make you stay . Paulit ulit mo akong niloko. Emotionally and physically.
Isang taon na ang nakalipas simula nung iniwan mo ako pero yung trauma andito pa rin. Siguro kung hindi ako traumatized by the idea of cheating, hindi siguro ako takot magtiwala ulit. Hindi siguro ako paranoid and insecure.
Sometimes I think I'm healed. But really, I'm just numb.
Trx
2021
SeniorHigh
Unknown

Thursday, May 13, 2021

Begin Again

Way back 2013, nung nakilala ko si Anton. I am a First Year college student. He was invited by my cousin as "Ninong" to her daughter's christening.

We had a long conversation that night and I know I'm a little drunk. He got my cellphone number and I gave it to him. Months passed, I didnt get any calls nor text messages from him and I dont know why but I ignore it since we’re not really close to do that.
Morning on December of 2013 I saw him in our street, nagwawalis sa isang tapat ng bahay then dun ko lang nalaman na we're neighboors pala. Sa isip isip ko, how come na di ko siya nakikita eh we're on the same street lang naman. Pag papasok ako sa school every morning never ko siya nakita nagwalis don, this is the first time.
Since he was my cousin's kumpare, one time nagkaroon ng inuman sa pinsan ko and andun din siya. That is the second time we had our conversation, deep conversation. Family, work, life and all.
He told me na that he works overseas as an Air Conditioned Installer. (Correct me if Im wrong basta yung taga install ng aircon sa mga company ganon hahaha.) Kaya pala bigla siya nawala non, nasa abroad pala.
April of 2014 I received a call from him, he's inviting me to a dinner and I said yes naman. Why not di ba? Lalo na kung libre hehe. Ang smooth lang ng mga next happenings. Kwentuhan, tawanan, life lessons etc. So as a student dami ko natutunan sa kanya, lalo na in making decisions. Im a type of person kasi na very impulsive lalo na pag pinangungunahan ako ng emosyon ko.
Fast forward to 2015, nag-stop ako sa pag aaral. Yung part time job ko noon naging full time na. I decided to work since ang gastos ng course ko and ang mahal ng tuition. I'm not a scholar too kaya hindi na talaga namin afford ng family ko ang gastusin.
Masaya naman ako sa work ko kahit na nakakapagod sobra atleast kumikita na ko and kaya ko nang mag provide ng mga needs sa bahay especially electric and water bill. Nabibigyan ko na rin kahit papano yung bunso namin ng allowance niya sa school. Ang nasa isip ko lang kasi noon eh as long as may pera, may kinikita okay na 'ko dun.
I was so curious about Anton then, that's why I asked my cousin about him. Yes, I did a background check. And dun ko nalaman na he has a family with three kids and her wife is an overseas worker too but in a hospital.
Sobra kong na-shock. He looks very young that I didn’t noticed na he has kids na pala. Nagtuloy tuloy pa rin yung mga calls namin ni Anton, hanggang sa di ko na namamalayan nagugustuhan ko na siya.
Yung tipong gusto ko siya kasi kapag may problema ako sa bahay siya lang yung matino kong nakakausap. Nagbibigay ng advice and nakakapag pakalma sakin. Ang light lang sa feelings kapag kasama ko siya, nakakapag-rant ako, naiiyak ko lahat.
Nakikinig lang siya sakin, hindi niya ko kokontrahin hanggat hindi ako natatapos magkwento. Tsaka lang siya magbibigay ng opinyon niya after ko, and yun yung isa sa mga qualities na nagustuhan ko sakanya.
Nakipagrelasyon ako kay Anton kahit alam kong may pamilya na siya. Yes, I've been his mistress for almost 6 years. You can call me "KABÈT" "MISTRÊSS" "MAKATI" "HALIPARÖT" or whatsoever but let me finish first.
Okay, so 6 years. This is kinda fresh for me. I decided to part ways with him last March since pabalik na din siya from abroad for work. And makakasama na ulit niya wife niya.
Every year naman umaalis siya because of his 7 months contract. Nasanay na 'ko dun, magugulat na lang ako may tatawag sakin mag-aaya kumain sa labas, yun pala nakauwi na ng Pinas.
I remember back then, nung nalaman niya nagstop ako mag-aral sinabi niya sakin na bakit daw hindi ako lumapit sakanya? Pwede naman daw niya ko bigyan pang tuition. So sa isip ko, ano siya sugar daddy?
Since nung naging magkarelasyon kami never akong nanghingi sakanya, especially money. A big NO, never. Hindi ko ginusto ang pera niya. Hindi ako nagpabili ng mga kung ano-ano. Cellphone, luho pang salon etc.
Siya mismo kasi yung ginusto ko. Yung pagiging understanding, kalmado, open-minded and of course maturity. Yun ang mga qualities na minahal ko sa kanya.
We talked over a bottle of beer, tinanong ko siya kung bakit niya ko nagustuhan? At bakit siya nagpakita ng motibo na in the first place alam niya naman sa sarili niya na may asawa't anak na siya.
Hindi siya kumibo and dun na 'ko nag-start umiyak. Naisip ko, siguro nga pampalipas oras lang ako.
Kinabukasan maaga siyang tumawag sakin,
"Hindi ako nakikipag usap sa taong lasing o nakainom. Antayin mo ko makabalik sa November, aayusin ko 'to lahat." dire-diretsong sabi niya.
Pinutol ko yung sinabi niya and I said,
"NO, WAG KA NANG BUMALIK SA AKIN, PLEASE LANG. STOP."
I ended the call.
I claim it to myself na we're over. Nasa abroad na siya ngayon and wala na kaming communication.
We've been in a relationship for so long but now I realized and asked myself,
"Why?"
"Hanggang dito na lang ba ako?"
"Pagiging kabēt na lang ba role ko sa buhay?"
"Third Party?"
"Home Wrecker?"
That's why I decided to stop. Hindi ko na kaya, pagod na 'ko. We cant go out publicly, ni hindi ko masabi sa mga friends ko na may boyfriend ako.
SO YES, CHEATING IS A CHOICE.
Ang pagchi-cheat hindi lang kasalanan ng isang tao, dalawa kayong pumasok sa isang maling relasyon kaya parehas kayong may kasalanan. I felt guilty and sorry towards his family.
Hindi na kaya ng konsensya ko na gabi-gabi may nasasaktan na kapwa ko babae dahil lang sa nagmahal ako. Hindi ko na kaya na until now, iniisip pa rin ng wife niya na faithful and loyal si Anton sa kanya. Hindi ko na kaya na baka may doubt na siya sa sarili niya. Hindi ko na kayang panindigan yung maling disisyon na ginawa ko.
Im 26 and I wish I could turn back time when there is no Anton in my life. I want to restart and move on.
~~~
For the girls out there, eto lang masasabi ko sainyo PLEASE DON'T BE LIKE ME.
Wag niyo na dagdagan yung mga taong tulad ko. Nagkamali na Ako sa buhay, hayaan niyong ako na lang. Huwag niyong hayaan na gawin kayong sidechick/kabet ng taong mahal niyo.
Hindi siya masaya, promise. I learned my lesson, now I want to focus on myself and on my new career. I know my worth now. I hope you also learned from my story.
Joy
201*
Unknown
Unknown

NAPUNAN

Hi I'm Iyah, 23 years old. Nagtatatrabaho sa Valenzuela as Cashier.

May boyfriend ako for almost six years. Smooth yung naging relationship namin sa umpisa (lahat naman sa umpisa lang) tapos noong nakaabot kami ng 2 years, naumpisahan niya akong sampalin.
Noon hindi pa sadya kasi nag-sorry naman siya kaagad. Kaso hindi ko inaakala na mauulit at mauulit pala. Tapos dumating pa sa point na kinaladkad niya ako, sobrang hiya ko noon dahil ang daming tao. Pero mahal ko kaya nag-stay pa rin ako.
Ayos siya maging boyfriend kapag masaya kami. Pero kapag nag-away na, nakakatakot na. Last February, nag-away kami, simpleng dahilan ng pag-aaway at parehas kaming gutom at pagod sa trabaho. Pero umabot sa sakitan talaga yung away namin.
Dun na naman niya ko nasimulang saktan. Katulad ng sipain, hampasin, ipagtabuyan at itulak. Tapos everytime na magkasama kami, hindi niya ko binibigyan ng pansin. Hindi na siya interesado makinig sakin. Hinahanap ko yung lambing niya, yung pagsuyo niya kapag nag-aaway kami, kaso wala.
Yung dating pagpapakumbaba, yung atensiyon, yung saya kapag andiyan na ako, yung paparamdam na special ako (dahil ngayon parang ordinary nalang ako), yung effort na mapapasaya ako, lahat yan nawala na sakanya.
Tapos may kaibigan ako sa work ko, matagal ko na rin siya nakakasama mula noong nag-umpisa ako sa trabaho ko. Noong una wala lang siya sakin. Pero ngayon nararamdaman ko na siya. Yung pag-alaga niya mas nararamdaman ko, concern siya sakin. Handa siyang makinig sa lahat ng istorya ko, nageeffort siya mapasaya lang ako.
Natatakot akong mahulog nalang bigla yung loob ko sa kanya dahil lang napunan niya yung wala nung isa. Pilit kong itinatanggi na gusto ko siya pero yung puso ko nagpapatunay ng nararamdaman ko. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Yung walang kami pero parehas kaming masaya.
Nakakalimutan ko ang pinaggagawa sakin ng boyfriend ko kapag nandyan siya. Ang sama ko sa part na yun, pero kasi yung hindi niya pinaparamdam sakin, naramdaman ko na sa iba. Nakakatakot.
Kahit kailan hindi ako naghanap ng wala sa boyfriend ko, pero narealize ko lahat mula noong nasaktan niya ako ng ganun kalala physically.
Totoo pala ano? Mapapatawad natin sila dahil mahal natin. Pero bawat pagpapatawad natin sa pagkakamali nila unti-onting nababawasan yung pagmamahal natin.
Sa tuwing nakikita ko yung bf ko, nakokonsensya ako. Gusto ko na pigilan yung nararamdaman ko sa kaibigan ko, kaso hindi ko alam kung paano. Iniwasan ko pero ang hirap iwasan ng tao, lalo na kung katrabaho mo at ito na yung nagpapasaya sayo. Baka may ma-advice pa kayo dyan. Thankyou po.
Kaya sa mga lalaki dyan, please lang wag niyong babalewalain yung mga girlfriend niyo. Kahit sa simpleng kwento niya makinig kayo, simpleng lambing ibigay niyo, simpleng sorry bigkasin nyo.
Dahil once na may magpasaya ng iba dyan, talo kayo.
Iyah
2021
Unknown
Unknown

Basic (Medyo SPG)

So nabasa ko yung story ni Mae, tawang tawa ako kase may pagkakapareho kami.

So ayun na nga strict din yung parents ko. Bawal nga ako mag boyfriend eh. Tutol talaga sila sa boyfriend ko nun. Mag-aral raw muna, eh matigas ulo ko kaya nag boyfriend pa rin.
May boyfriend ako moreno, matangkad, talented at ang gwapo. First boyfriend ko siya.
Tuwing Thursday ng gabi dun natutulog yung boyfriend ko sa bahay namin. At yung papa ko walang kamalay malay. Kase meron akong sariling kwarto at kami lang dalawa ni papa sa bahay kase wala si mama nagtatrabaho sa ibang lugar.
Mga 6pm palang or kahit anong oras basta dilim na uutay na pumunta sa bahay yung boyfriend ko. Kase wala kami ng ganong oras. Nasa lola ko kami or basta tambay kung saan ni papa. Dahil may susi siya sa bahat basta nalang siya papasok. At ang taguan niya ay yung ilalim ng kama ko.
Two years na ganon yung set up namin. Nagtataka nako kase yung papa ko wala talaga kaalam alam.
Siguro hindi lang talaga kami maingay HAHAHA!
So ayun nag break din kami.
Tapos after 6 months nag request tulog daw uli sya dito sa bahay. Edi ako namang marupok sige game, mahal ko pa eh.
Edi ayun na nga dating gawi. Kaso kinabukasan nun wala trabaho si papa edi aligaga kami kinabukasan kase hindi namin alam kung pano siya makakauwi.
Tawang tawa ako kase ihing ihi na siya kaya ang ginawa ko kumuha ako ng bottled water tas sabi ko dun sya umihi haha.
BALE DUN TALAGA LAGI SYA UMIIHI KAPAG ANDITO SIYA DATI.
Nag-antay kami ng tyempo para makalabas siya sa bahay namin ng buhay.
Tapos sakto nag-CR si papa edi dahan dahan siyang lumabas sa kwarto. Kaso hindi pa pala natatapos ang problema namin kase yung aso ko nasa labas pala.
Eh hindi siya kilala nun kase nga break na kami nung nagpunta siya. Galit na galit pa naman sa lalaki yun.
Dahil takot nga ako tumahol yung aso at mabuking kami, tinakluban ko yung mata ng aso ko at yun ang smooth ng pagkakaalis ng ex ko. Pero kabado talaga ako nun hahhaha.
Ngayon wala na ako balita sa kanya pero mahal ko padin si gagõ.
Rei
2021
Unknown
Unknown