"Saan ka galing?"
Iyan yung bungad na mensahe ko sa kanya. Hindi siya umuwi kahapon sa pag-aakalang uuwi ako sa bahay namin at doon ako matutulog. Kaso hindi natuloy kase sabi ng kapatid ko next week na raw.
"Bakit ka ba tanong ng tanong? Chinat mo na ako kanina tungkol jan" padabog niya sagot.
Nasa isip ko? Bakit? May mali ba sa tanong ko? Gusto ko lang naman malaman at nasaan siya kagabi kase hindi siya umuwing apartment. Umaga na siya nakauwi, wala man lang paalam o chat kung nasaan siya. Bukod sa naghihintay ako, paano kung may nangyari na pala sa kanya.
"Tinanong kita. Sineen mo lang ako. Kaya nagtatanong ako ulit." mahinahong paliwanag ko.
"Ayan ka na naman sa mga tanong mo. Akala ko ba may tiwala ka sa akin ha? Hanggang ngayon ba pinagduduhan mo pa rin ako Shai?"
"Nagtanong lang naman ako kase hindi ka umuwi kagabi, at hindi ka man lang nagsabi."
"Sabi mo matutulog ka sa mga magulang mo diba? Kaya inaya ko mga barkada ko. May mali ba dun ha? Duda ka naman? Akala mo na naman niloloko ka? Wala ka talagang tiwala, nakakaumay ka, Shai! Lahat nalang kailangan alam mo? Baka pagtae ko kailangan ko pang sabihin sayo? Pwede ba ayusin mo naman sarili mo, kase nakakapagod ka na kasama..."
" Anong sabi mo ..."
Hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin. Sa simpleng tanong ko na hindi niya masagot sagot, andami na niyang dagdag na sinabi.
~~~
We've been living together for almost five years. And you cheated on me a year ago.
Noong nalaman kong nagloko la, nangako kang magbabago na. Dahil mahal kita, pinatawad kita. Tinanggap kita. Ayoko namang bitawan ka sa isang pagkakamali lang. Ayoko namang sayangin ang ilang taon nating pagsasama dahil lang sa nalaman kong may babae ka. Ayokong magsisisi na baka kapag iniwan kita, ako lang ang masasaktan. At makahanap ka kaagad ng iba. Ayokong manghinayang
Mahal na mahal kita, to the point na noong nanghingi ka ng tawad, pinatawad kita kaagad.
Oo, pinatawad kita. But the pain and trauma inside, kahit anong gagawin ko hindi nawawala. I make myself busy whenever I overthink. Kung ano anong ginagawa ko para makalimutan ang panglolokong ginawa mo.
Pero ang hirap! Mahal kita, pero bawat tingin ko sa mga mata mo kapag magkasama tayo, minsan naiisip ko ang posisyon niyo ng babae mo nung magkasama kayo.
A lot of times na papasok ako sa banyo just to cry silently kase ayokong sisihin mo na naman ako. Aawayin mo na naman ako kase nagpapaka-praning ako. Pero di ba kasalanan mo 'to?
Why I am suffering alone? If all these sh*ts was caused by you? Gustong gusto ko ng kalimutan lahat, pero everytime na hindi ka magparamdam, everytime na hindi ko alam kung nasaan ka at wala ka sa trabaho, hindi ko maiwasang magduda.
I moved on from what you did. But please don't trigger the emotions inside me that I kept for almost a year.
I already consult a doctor tungkol dito sa pag-ooverthink ko. Kase as much as possible, gusto kong maibalik sa dati ang dating tayo. I am aware na nagiging toxic na ako, kaya gusto kong ayusin sarili ko.
Pero everytime I open up about my feelings, nagagalit ka kase wala akong tiwala sayo. As much as I want to, gusto kong magtiwala pero paano?
And what? Napapagod ka na? Hindi mo ba alam na paubos na ako, pero hindi ko naisipang mapagod. Kailanman hindi ko naisipang sumuko. Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo.
I know we can do this together, just please cooperate with me. Sabi nga nila, communication is the key. Kaya parang awa mo na makisama ka.
Shai
2021
Marketing
Unknown
No comments:
Post a Comment