Hi I'm Iyah, 23 years old. Nagtatatrabaho sa Valenzuela as Cashier.
May boyfriend ako for almost six years. Smooth yung naging relationship namin sa umpisa (lahat naman sa umpisa lang) tapos noong nakaabot kami ng 2 years, naumpisahan niya akong sampalin.
Noon hindi pa sadya kasi nag-sorry naman siya kaagad. Kaso hindi ko inaakala na mauulit at mauulit pala. Tapos dumating pa sa point na kinaladkad niya ako, sobrang hiya ko noon dahil ang daming tao. Pero mahal ko kaya nag-stay pa rin ako.
Ayos siya maging boyfriend kapag masaya kami. Pero kapag nag-away na, nakakatakot na. Last February, nag-away kami, simpleng dahilan ng pag-aaway at parehas kaming gutom at pagod sa trabaho. Pero umabot sa sakitan talaga yung away namin.
Dun na naman niya ko nasimulang saktan. Katulad ng sipain, hampasin, ipagtabuyan at itulak. Tapos everytime na magkasama kami, hindi niya ko binibigyan ng pansin. Hindi na siya interesado makinig sakin. Hinahanap ko yung lambing niya, yung pagsuyo niya kapag nag-aaway kami, kaso wala.
Yung dating pagpapakumbaba, yung atensiyon, yung saya kapag andiyan na ako, yung paparamdam na special ako (dahil ngayon parang ordinary nalang ako), yung effort na mapapasaya ako, lahat yan nawala na sakanya.
Tapos may kaibigan ako sa work ko, matagal ko na rin siya nakakasama mula noong nag-umpisa ako sa trabaho ko. Noong una wala lang siya sakin. Pero ngayon nararamdaman ko na siya. Yung pag-alaga niya mas nararamdaman ko, concern siya sakin. Handa siyang makinig sa lahat ng istorya ko, nageeffort siya mapasaya lang ako.
Natatakot akong mahulog nalang bigla yung loob ko sa kanya dahil lang napunan niya yung wala nung isa. Pilit kong itinatanggi na gusto ko siya pero yung puso ko nagpapatunay ng nararamdaman ko. Sobrang saya ko kapag kasama ko siya. Yung walang kami pero parehas kaming masaya.
Nakakalimutan ko ang pinaggagawa sakin ng boyfriend ko kapag nandyan siya. Ang sama ko sa part na yun, pero kasi yung hindi niya pinaparamdam sakin, naramdaman ko na sa iba. Nakakatakot.
Kahit kailan hindi ako naghanap ng wala sa boyfriend ko, pero narealize ko lahat mula noong nasaktan niya ako ng ganun kalala physically.
Totoo pala ano? Mapapatawad natin sila dahil mahal natin. Pero bawat pagpapatawad natin sa pagkakamali nila unti-onting nababawasan yung pagmamahal natin.
Sa tuwing nakikita ko yung bf ko, nakokonsensya ako. Gusto ko na pigilan yung nararamdaman ko sa kaibigan ko, kaso hindi ko alam kung paano. Iniwasan ko pero ang hirap iwasan ng tao, lalo na kung katrabaho mo at ito na yung nagpapasaya sayo. Baka may ma-advice pa kayo dyan. Thankyou po.
Kaya sa mga lalaki dyan, please lang wag niyong babalewalain yung mga girlfriend niyo. Kahit sa simpleng kwento niya makinig kayo, simpleng lambing ibigay niyo, simpleng sorry bigkasin nyo.
Dahil once na may magpasaya ng iba dyan, talo kayo.
Iyah
2021
Unknown
Unknown
No comments:
Post a Comment