Way back 2013, nung nakilala ko si Anton. I am a First Year college student. He was invited by my cousin as "Ninong" to her daughter's christening.
We had a long conversation that night and I know I'm a little drunk. He got my cellphone number and I gave it to him. Months passed, I didnt get any calls nor text messages from him and I dont know why but I ignore it since we’re not really close to do that.
Morning on December of 2013 I saw him in our street, nagwawalis sa isang tapat ng bahay then dun ko lang nalaman na we're neighboors pala. Sa isip isip ko, how come na di ko siya nakikita eh we're on the same street lang naman. Pag papasok ako sa school every morning never ko siya nakita nagwalis don, this is the first time.
Since he was my cousin's kumpare, one time nagkaroon ng inuman sa pinsan ko and andun din siya. That is the second time we had our conversation, deep conversation. Family, work, life and all.
He told me na that he works overseas as an Air Conditioned Installer. (Correct me if Im wrong basta yung taga install ng aircon sa mga company ganon hahaha.) Kaya pala bigla siya nawala non, nasa abroad pala.
April of 2014 I received a call from him, he's inviting me to a dinner and I said yes naman. Why not di ba? Lalo na kung libre hehe. Ang smooth lang ng mga next happenings. Kwentuhan, tawanan, life lessons etc. So as a student dami ko natutunan sa kanya, lalo na in making decisions. Im a type of person kasi na very impulsive lalo na pag pinangungunahan ako ng emosyon ko.
Fast forward to 2015, nag-stop ako sa pag aaral. Yung part time job ko noon naging full time na. I decided to work since ang gastos ng course ko and ang mahal ng tuition. I'm not a scholar too kaya hindi na talaga namin afford ng family ko ang gastusin.
Masaya naman ako sa work ko kahit na nakakapagod sobra atleast kumikita na ko and kaya ko nang mag provide ng mga needs sa bahay especially electric and water bill. Nabibigyan ko na rin kahit papano yung bunso namin ng allowance niya sa school. Ang nasa isip ko lang kasi noon eh as long as may pera, may kinikita okay na 'ko dun.
I was so curious about Anton then, that's why I asked my cousin about him. Yes, I did a background check. And dun ko nalaman na he has a family with three kids and her wife is an overseas worker too but in a hospital.
Sobra kong na-shock. He looks very young that I didn’t noticed na he has kids na pala. Nagtuloy tuloy pa rin yung mga calls namin ni Anton, hanggang sa di ko na namamalayan nagugustuhan ko na siya.
Yung tipong gusto ko siya kasi kapag may problema ako sa bahay siya lang yung matino kong nakakausap. Nagbibigay ng advice and nakakapag pakalma sakin. Ang light lang sa feelings kapag kasama ko siya, nakakapag-rant ako, naiiyak ko lahat.
Nakikinig lang siya sakin, hindi niya ko kokontrahin hanggat hindi ako natatapos magkwento. Tsaka lang siya magbibigay ng opinyon niya after ko, and yun yung isa sa mga qualities na nagustuhan ko sakanya.
Nakipagrelasyon ako kay Anton kahit alam kong may pamilya na siya. Yes, I've been his mistress for almost 6 years. You can call me "KABÈT" "MISTRÊSS" "MAKATI" "HALIPARÖT" or whatsoever but let me finish first.
Okay, so 6 years. This is kinda fresh for me. I decided to part ways with him last March since pabalik na din siya from abroad for work. And makakasama na ulit niya wife niya.
Every year naman umaalis siya because of his 7 months contract. Nasanay na 'ko dun, magugulat na lang ako may tatawag sakin mag-aaya kumain sa labas, yun pala nakauwi na ng Pinas.
I remember back then, nung nalaman niya nagstop ako mag-aral sinabi niya sakin na bakit daw hindi ako lumapit sakanya? Pwede naman daw niya ko bigyan pang tuition. So sa isip ko, ano siya sugar daddy?
Since nung naging magkarelasyon kami never akong nanghingi sakanya, especially money. A big NO, never. Hindi ko ginusto ang pera niya. Hindi ako nagpabili ng mga kung ano-ano. Cellphone, luho pang salon etc.
Siya mismo kasi yung ginusto ko. Yung pagiging understanding, kalmado, open-minded and of course maturity. Yun ang mga qualities na minahal ko sa kanya.
We talked over a bottle of beer, tinanong ko siya kung bakit niya ko nagustuhan? At bakit siya nagpakita ng motibo na in the first place alam niya naman sa sarili niya na may asawa't anak na siya.
Hindi siya kumibo and dun na 'ko nag-start umiyak. Naisip ko, siguro nga pampalipas oras lang ako.
Kinabukasan maaga siyang tumawag sakin,
"Hindi ako nakikipag usap sa taong lasing o nakainom. Antayin mo ko makabalik sa November, aayusin ko 'to lahat." dire-diretsong sabi niya.
Pinutol ko yung sinabi niya and I said,
"NO, WAG KA NANG BUMALIK SA AKIN, PLEASE LANG. STOP."
I ended the call.
I claim it to myself na we're over. Nasa abroad na siya ngayon and wala na kaming communication.
We've been in a relationship for so long but now I realized and asked myself,
"Why?"
"Hanggang dito na lang ba ako?"
"Pagiging kabēt na lang ba role ko sa buhay?"
"Third Party?"
"Home Wrecker?"
That's why I decided to stop. Hindi ko na kaya, pagod na 'ko. We cant go out publicly, ni hindi ko masabi sa mga friends ko na may boyfriend ako.
SO YES, CHEATING IS A CHOICE.
Ang pagchi-cheat hindi lang kasalanan ng isang tao, dalawa kayong pumasok sa isang maling relasyon kaya parehas kayong may kasalanan. I felt guilty and sorry towards his family.
Hindi na kaya ng konsensya ko na gabi-gabi may nasasaktan na kapwa ko babae dahil lang sa nagmahal ako. Hindi ko na kaya na until now, iniisip pa rin ng wife niya na faithful and loyal si Anton sa kanya. Hindi ko na kaya na baka may doubt na siya sa sarili niya. Hindi ko na kayang panindigan yung maling disisyon na ginawa ko.
Im 26 and I wish I could turn back time when there is no Anton in my life. I want to restart and move on.
~~~
For the girls out there, eto lang masasabi ko sainyo PLEASE DON'T BE LIKE ME.
Wag niyo na dagdagan yung mga taong tulad ko. Nagkamali na Ako sa buhay, hayaan niyong ako na lang. Huwag niyong hayaan na gawin kayong sidechick/kabet ng taong mahal niyo.
Hindi siya masaya, promise. I learned my lesson, now I want to focus on myself and on my new career. I know my worth now. I hope you also learned from my story.
Joy
201*
Unknown
Unknown
No comments:
Post a Comment