Habang nauutal dahil sa pagka lasing ay nagsalita siya,
"Malungkot ang buhay ko Dilan. Pwede ba na paligayahin mo ako kahit ngayong gabi lang? Kailangan ko ng makakapag pasaya sa akin. Bibigyan kita ng maraming pera, panibagong trabaho, upang maging magkasosyo tayo sa trabaho. Ilalagay kita sa mataas na posisyon, kaya mo namang i-handle lahat kasi may potential ka."
Hinawi ko mukha ko at lumayo, ako.
"Maam alis na po ako."
Pero hinawakan niya ko at muling niyakap.
"Dito ka muna Dilan, samahan mo ko. Kwentuhan tayo. Marami na kong pera, mga pag-aari, alam mo naman yan. Ang kailangan ko ay isang lalaki na makakapag paligaya sa akin. "
Direktahan ko siyang tinanong.
"Maam, inaakit niyo po ba ako? Meron na po kayong asawa maam, baka malaman ng mister mo."
Sinabi niya eto na medyo umiiyak.
"Gusto kita Dilan. Palagi siyang wala, tsaka meron siyang kinakalaguyo. Binahay na niya, binili pa niya ng condo. Ilang beses ko siyang nahuli at hindi siya tumigil. Sabi niya prino-provide raw niya pangangailangan namin. Lahat lahat at anu pa ba hinihingi ko? Ano pa ba na mag-enjoy ako sa isang bagay. Pinagawayan na namin yan pero hindi na siya tumigil. Kaya okay lang to, parehas lang kami. Hindi mo naman sasabihin diba? Single ka naman Dilan?"
"Hindi po maam, single po ako. Matagal na rin po."
"Sa guapo mong yan single ka pa rin. Anong storya ng buhay mo?"
Kwenento ko sa kanya,
"I have a long time girlfriend, akala ko kami magkakatuluyan. Pero pinagpalit niya ko sa bestfriend ko ma'am. Nakahanda na bahay na hinuhulugan ko, singsing na pangkasal namin, pero bigla siyang umayaw. Yun pala, karelasyon na niya ang bestfriend ko at yun na mahal niya. Pero hindi ako perpekto, nung unang year namin nagkaroon ako ng babae at yun ang sinasabi niyang dahilan kung bakit niya ako iniwan. Mahabang storya. Ikaw maam? Succesful ka na sa lahat, bakit hindi ka masaya?"
"Ganun siguro kapag narating mo na tagumpay, may kulang pa rin at hindi ka makokontento. Saka naghahanap ako ng lalaki na magbibigay sakin ng ligaya, at sa totoo lang, gustong gusto kita. Ibibigay ko sayo lahat , trabaho, kotse, ipapapangalan ko sayo."
Lumapit siya at niyakap ako. Muli niya akong hinalikan at nadala na ko. Ibinigay ko sa kanya matagal na niyang gusto hanggang sa mapagod kami.
Matapos mangyari iyon, maraming beses na kaming lumalabas. Pumayag na ko na mag-inuman kami palagi. Pero hindi sa bahay ng office nila. Kinuha niya mamahalin niyang sasakyan, nag-drive kami sa malayo at nag-bar, sa lugar kung saan walang nakakakilala samin.
In-enjoy namin ang magdamag kahit alam ko na mali at guilty ako kasi may asawa at anak na ang kapatid ng boss ko.
Natukso ako. Siguro, kahit bato ay lalambot sa sitwasyon na yun. At maging sino pa man na santo ay matutukso sa pangaakit niya. Inaakit ako ng kapatid ng boss ko at ano pa nga ba magagawa ko?
Nasilaw ako sa lahat ng binibigay niya. Sapatos, damit, mamahaling mga singsing, relo, alahas, gadgets, pabango. Lahat na ng gamit sa bahay ay barya lang sa kanya. Tinanggap ko ang mga yun. Ang hindi ko tinanggap ay ang mas malaki na inoofer niya, bahay at lupa na kotse ay ipinapapangalan niya saakin, handa na ang titulo.
Tinuloy ko pagtratrabaho ko sa company nila. Pag may pagkakataon ay lumalabas kami. Pinapadalhan niya ko ng pera, malaking pera kumpara sa malaki ko ng sinasahod ngayun.
Naging sugar baby ako at siya ang sugar mommy ko. Minsan kapag walang tao sa office, pumapasok kami sa tulugan dun at magmamadali para gawin ang ligaya sa isat isa.
Naisip ko na sobra na eto. Matagal ng panahon na mali ang ginagawa namin. At nagdesisyon ako na umalis na lang ng trabaho para matigil na kahibangan namin.
Nag-resign ako, at sobra siyang nagalit sakin. Huwag daw akong aalis, kasi binibigay naman niya lahat. Pero ayaw ko na. Kailangan kong itama pagkakamali, at kailangan kong ibangon ang dangal na napagiwanan ko na dahil sa babaeng maganda, mayaman, sexy pero may asawa at anak na.
Palagi pa rin siyang tumatawag pero di ko na sinasagot. Sa nilipatan ko, nagpapadala siya ng pagkain at pera pero hindi ko na tinatanggap. Sabi ko, tama na.
Hindi ko alam kung pagmamahal ba naramdaman niya sa akin or kati lang ng katawan na kailangang kamutin. Kaya para sa may mga asawa jan, ingatan niyo at mahalin mga asawa ninyo, minsan hindi man namin ginusto na matukso pero sila ang nagsisimula.
At piliin natin maging malinis sa harap ng tao, at lalo na sa harap ng Diyos na gumagabay satin. Ang mga pagkakamali ay pwedeng itama, at iyon na ang ginawa ko. Nagsimula ulit sa panibagong buhay at panibagong pag-asa ang nakikita ko ngayon.
Dilan
20**
CAFA
Unknown
No comments:
Post a Comment