Saturday, September 25, 2021

BEBE

We met two years ago. It's exactly September 11, 2019 nung nakausap kita through chat. September 17, that was the first time na nagkita tayo. At first, gusto ko lang talaga ng kaibigan. Pero mapaglaro talaga ang tadhana. Haha.

After ng pagkikita na yun, nagtuloy tuloy yung pag uusap natin, hanggang sa nanligaw ka. Month of January 2020 nung sinagot kita. Grabe hiyang hiya ako non, sabe mo nga sa akin namumula ako. I hugged you the moment na sinabi kong "oo na". Natatawa pa ako sayo non, sabe mo sa'kin kung sure na ba ako haha.
Masaya naman tayo, you were my best buddy at everything. Hindi ko akalain na, matatapos din ang lahat. Month of July 2020, naipakilala kita sa family ko. Laganap pa pandemic non, pero you made it to our home kase gusto mo na rin silang makilala. Sobrang saya natin nung time na yun, pangarap natin yun eh, ang mai-legal sa kanya kanyang family. Simula noon, nakikitulog ka sa bahay mga once a month, pupunta tayo ng palengke, bibili ng lulutuin. Nung una ikaw yung nagluluto, hanggang sa natuto na ako. Kaya simula noon, pag pupunta ka sa amin, sabay tayong mamamalengke, at ako ang magluluto. Syempre ikaw ang taga tikim ng niluto ko. Gustong gusto ka ng fam ko. Hanggang sa naipakilala mo na rin ako sa fam mo, sobrang saya ko na rin non, sa wakas, kilala na nila ako haha. Naaalala ko pa mga usapan natin noon, na ako yung gusto mong mapangasawa, na gusto mo na akong pakasalan. Pero we have to wait for the right time.
Pero, kahit pala talaga gaano niyo ka gusto yung isa't isa, talagang susubukin kayo 'no? Ang dami na nating nadaanang pagsubok, ilang beses na tayong umiyak sa isa't isa, sobrang proud tayo kasi nalalagpasan natin. Until one day, September 15, bigla tayong nag hiwalay. Napagod ako. Pero alam mo yung nakakasama ng loob don? Wala kang ginawa haha. I know I shouldn't expect. Pero ang sakit lang, ilang beses kitang inilaban, ilang beses kong inilaban ang relasyon natin, ilang beses kitang kinulit, na kayanin natin, ayusin natin. Pero ngayong napagod na ako, umaasa akong makakakuha ako ng lakas galing sayo. Pero hahaha wala lang. Masyado lang siguro akong mag expect.
Nakakalungkot lang na, napagod ka ipaglaban ang relasyon niyo, na gusto mong bigyan ka naman din niya ng lakas, pero wala siyang ginawa. And, we ended that way. Siguro, hanggang dito lang talaga ang journey nating magkasama. Month of September ang pinaka favorite month of the year ko, we chatted, we met the first time. And now, we ended in the same month, the same week kung kailang nagkakakilala tayo 2 years ago. I guess, wake me up when September ends na lang?
I never thought that my most favorite month of the year would be the month of my worst heart break with my great love. Sana maging masaya na ako, sana mawala na yung bigat na nararamdaman ko. Salamat sa lahat. Sa mga nakakakilala sa akin, shh nalang kayo.
Da
2019
BSA
Others

GUILTY OF ACADEMIC DISHONESTY

Sa title pa lang, masasabi na ninyo agad kung patungkol saan itong confession ko. Pero sana bigyan ninyo ako ng kaunting oras para maibahagi ang side ko.

Halos lahat naman ata nahihirapan sa new normal or sa ganintong setup 'no? Mas lalong mahirap kapag wala kang equipment na magagamit para sa online learning. Ganito kasi yung nangyari. Sa unang linggo ng klase namin, medyo okay pa yung sitwasyon kasi nakakapagpasa pa naman ako ng mga activities and assignments on time kahit cellphone lang ang gamit ko for online class. Sa second week, medyo nahihirapan na kasi may software na kailangang gamitin para makapagpasa. Luckily, nakapagpasa naman ako, sa tulong narin ng mga kaklase ko. Sa ika-tatlong linggo, dito na ako nanlumo. Kailangan makapagpasa kami ng recorded video namin habang ini-execute yung activity o assignment na pinapagawa. Binigyan kami ng sapat na oras para magawa iyon ngunit hindi ko nagawa. Nagchat ako sa kaklase ko na magwiwithdraw nalang muna ako sa subject na iyon at babalikan nalang next semester. Naawa sa akin ang kaklase ko kaya't pinakiusapan niya akong magsubmit nalang kahit walang video. Pero kaunting oras nalang ang natitira at magsasara na yung submission bin, wala pa akong nagagawa kahit isa. Kaya napag-usapan naming kopyahin nalang ang kanyang output pero papalitan lang ng kung ano mang pwede palitan doon. So, yun nakapagpasa naman tapos wala pang isang oras na-check na agad ng teacher namin yung outputs. Hindi ko alam kung ano ang irereact sapagkat nahuli akong nangongopya ng output ng iba. Binigyan ako ng time para mag explain kaya agad agad akong nag email sa teacher namin at nagpaliwanag na nagawa ko lamang iyon dahil sa kakulangan sa gamit. Mas lalo akong nanlumo sa nabasa kong reply niya sa email ko. Ang sabi niya, bagsak na ako sa klase niya at mas mabuti pang umalis nalang sa kurso/program na kinuha ko pagkatapos ng semester. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, hindi pa ito alam ng parents ko, tanging ako at yung pinagkopyahan ko lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung anong tulong ang hihingin ko pero sana may darating bago ko maisipang sumuko nalang.
PS: Alam ko pong may magsasabing sana gumawa ako ng activities kahit sa computer shops lang. Pero wala pong malapit na computer shop sa aming lugar. Mahal din po ang pamasahe papuntang bayan, yung pera ko pangload ko lamang. Hindi ko rin magawang manghingi sa parents ko dahil medyo nahihirapan narin kami dahil sa nangyayari sa atin ngayon. Maraming salamat po.
Cheater
2021
CCS
MSU

BACK TO YOU

Naaalala ko pa rin ang mga nangyari no'ng araw yun. Nakaupo ka sa gilid, pawis na pawis kakatakbo habang hawak ang sira mong tsinelas. Iniiwasan kong maglakad sa gitna dahil baka matamaan niyo ako, pero kahit na nasa gilid na ako, natamaan pa rin ako. Agad kang lumapit, ang dungis ng itsura mo. Ayokong lumapit ka sa'kin kasi katatapos ko lang maligo nun, baka magamoy pawis ako kagaya mo.

"Ate pasensya na." 'Yan ang sabi mo sa akin.
Tiningnan kita ng masama at nagpatuloy na maglakad. Dito na kami titira ngayon sa lugar na ito kaya araw-araw kitang makikita, at summer kaya walang pasok. Buti naman at may mga naging kaibigan ako dito kaya madalas akong lumalabas para makipaglaro sakanila, malas nga lang kasi lagi kang andoon. Ang panget mo sa totoo lang.. pero nahulog ako sayo.
"Ayieee kayong dalawa ah, sumbong kita sa papa mo!" Tukso saakin ng isang bata, inirapan ko lang siya at nagpatuloy na makipaghabulan sa'yo.
Ang saya saya ko no'ng mga panahong 'yun. Masaya ako kasi palagi kitang nakikita, nakakasama, nakakatawanan. May iba na ata akong nararamdaman nun? Akala ko wala akong pagasa, ngunit sinabi mong nagugustuhan mo na rin ako. Hindi pa tayo teenager no'ng mga panahon na 'yun pero niligawan mo ako kasi gusto mo ipakita na seryoso ka sa'kin. (yawa 11 palang ako nun) Naaalala mo pa ba no'ng gabing tumakas tayo? At umupo sa bench na malapit sa bahay natin. Hindi ko alam kung anong nagtulak saakin para sabihin 'yung tatlong salita na hinihintay mo.
"Sinasagot na kita." Pabebe kong sabi sa'yo habang abala ka kakatingin sa mga bituin. Agad mo akong nilingon, "weh?" Tanong mo sa'kin. Tumango lang ako at bahagyang nabigla kasi niyakap mo ako ng mahigpit. Hinalikan mo ako sa noo habang nakayakap parin saakin. Bata pa tayo pero bakit ganito na ang nararamdaman ko para sa'yo?
Lumipas ang ilang buwan at mas naging sweet ka sa'kin. Lagi mo akong binibilhan ng ice candy, fishball, at marami pang iba. Lagi kang palihim na naghihintay sa labas ng gate namin para sunduin ako at tumambay sa paborito nating pwesto. Nagtagal din tayo ng walong buwan, ngunit isang araw umalis ka ng walang paalam sa'kin.
Nasaktan ako ng sobra, nagtanong tanong ako kung nakita ka nila o baka nakasalubong, ngunit wala ako nakuhang sagot. Nagchachat ako sa fb mo, pati kapatid mo chinachat ko na. First time ko maghost, ang bata ko pa nun.
After 2 years, nagparamdam ka. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng mga panahong 'yun. Masaya kasi bumalik ka? Malulungkot kasi may iba na akong nagugustuhan? O magagalit kasi iniwan mo ako sa ere? Pero kahit na ganon, kinausap pa rin kita. Bumalik 'yung nararamdaman ko for you, kaso ghinost mo ulit ako after 3 or 4 months of chatting. Then last year, nananahimik na ako tapos bigla ka nanaman pumasok sa buhay ko. Para saan nanaman? Ighost ulit ako? Paasahin? Saktan? Aba ewan. Hindi na kita pinansin, pero ang kulit kulit mo. Napilitan akong iblock ka.
In-unblock kita noong birthday mo para batiin ka, hanggang sa nagiging malapit nanaman ang loob ko sayo ngunit kailangan kong pigilan dahil may iba akong iniibig noong mga panahon na 'yun. Lagi kitang nakakasalubong sa labas, nasakto lang ba na andoon ka at lumabas ako? O baka tayo talaga para isa't isa? Kasi hindi lang isang beses kundi halos araw-araw na.
FF. Nagkajowa ka, masaya na ako sa buhay ko, not until nagchat ka ulit. Medyo nagkakalabuan na kami ng partner ko nun, at kayo naman wala na. Hindi kita pinatulan kahit na anong pilit mo sa'kin kasi ayokong masaktan ko yung jowa ko. Hanggang sa naghiwalay kami, at ikaw 'yung andyan para icomfort ako. Ilang buwan ka rin nasa tabi ko. Sinabi mo nun saakin na pag naheal na ako liligawan mo ako, napamahal na ulit ako sa'yo kaso bigla mo akong hindi kinausap. Nagkaroon ka ng bagong jowa, at heto nanaman ako, broken hearted ulit. Inayos ko ang sarili ko, sabi ko hindi na kita hahayaang makapasok muli sa buhay ko.
Kinain ko lang 'yung mga sinabi ko. Hinayaan na naman kitang makapasok, kaso ngayon iba na. You said that the reason why mas pinili mo 'yung babae kesa sakin is because ayaw mo akong maabala, ayaw mong makasagabal sa pag-aaral ko. But now, you're doing your best to prove sa'kin na nagbago ka na nga. Sabi mo saakin na nagsisisi ka kasi iniwan mo ako sa ere. Sabi mo rin na magumpisa tayong muli, tulad noong mga bata pa tayo. Sana magtuloy tuloy na 'to. Himbing ng tulog mo kasi humihilik na eh haha, naririnig ko sa tawag call kasi ayaw mong patayin.
Kahit anong gawin ko, sa'yo pa rin ako bumabalik eh. 'Yan din ang sabi mo sa'kin. Siguro nga ikaw na, pero kung hindi ikaw ang para sa'kin edi wag.
I know I'd go back to you. Sweet dreams my baby.
Rain
2021
Others
Others

SABAW

This happened year 2018, exam day. Sa dinarami raming sabaw at lutang experience ko ito ang isa sa pinakahindi ko malimutan. Last AM subject is General Math, so pagtapos kong i-take iyong exam na 'yon sobrang lutang na 'ko iniisip ko kung tama ba ang pagkakacompute at ang mga naging sagot ko, medyo nanginginig din ako that time dahil sa gutom. Agad kong kinuha ang ginawa kong reviewer na nakasulat sa yellow paper upang i-check ang ilan sa mga sagot lalo na sa part ng pag coding keme at habang tinitignan ko iyon ay siya ring paglakad ko papuntang cr upang maghugas ng kamay at mag ayos ng sarili.

Dalawang classroom lang ang pagitan ng layo ng CR mula sa akin at dahil kabisado ko naman ang hallway naglakad ako ng nakatingin sa hawak kong reviewer at hindi sa daan. Nang marating ko na ang banyo ay napatulala ako ng ilang segundo habang nakaharap sa salamin, walang ibang tao roon kundi ako lang kaya kiber lang sa pagtulala. Ilang saglit lang ay nag hugas at nagpatuyo na ako ng kamay.
Habang nag aayos ako ng buhok ay nakita ko sa reflection ng salamin ang isang lalaking HRM student na mukhang nabigla at natigilan sa pagpasok, kasabay ng pag tigil niya papasok ang pag tigil sa paghigop gamit ang straw sa kaniyang buko juice. Ako naman medyo iritable at nakataas na ang isang kilay habang tinatapos kong ayusin ang buhok ko dahil hindi siya umaalis at nakatayo lang sa pinto na para bang hinihintay akong umalis.
Humarap ako sa kaniya na nakasalubong ang kilay na mistulang nagtataka at para bang sinasabi ng mga mata ko na "anong ginagawa mo? fyi cr kaya 'to ng pambabae, anong tinatayo tayo mo riyan?!" At siya naman nakataas ang dalawang kilay at medyo nanlalaki ang mga mata at nagtataka rin. Habang nakatingin ako sa kaniya ay bigla akong napatingin sa pintuan at nakita ang "Men" sign na nakadikit. Sa mismong oras na iyon na napagtanto ko na ako talaga ang mali ay parang nilayasan ako ng emosyon at pakiramdam ko namula ako sa sobrang kahihiyan. Yumuko na lang ako at nag sorry. Mas lalo pang dumagdag sa kahihiyan ko noong nagmamadali na nga akong lumabas ay tsaka naman sumabit ang takong ng sapatos ko sa tiles na nakaangat ng kaunti muntikan na akong masubsob ng bongga. Mabuti na lang sa doorknob ako napakapit. HUHUHUHU tangna nakakahiya talaga halos mangiyak ngiyak ako pababa ng hagdan kasi doon lang ako natauhan na nasa 4th floor nga pala ako which is for Men's cr lang ang nasa floor na iyon at ang pambabae naman ay nasa 3rd floor.
At ngayong habang tinatype ko itong alaala na ito bumibilis tibok ng puso ko, naalala ng katawan ko yung kahihiyan na parang kanina lang nangyari.
Ikaw? Anong most memorable sabaw at kahihiyan moments mo?
elayeley
2018
BSTM
OLFU

Monday, August 9, 2021

THOUGHTS JUST NOW (SPG)

Hi. I'm Erin. Ewan, bigla ko lang naisip na mag-share ng thoughts ko dito. Para to sa mga lumalaban ng palihim. Silent battles ika nga. Kasi isa ako don.

Maraming kaganapan sa buhay ko na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Plus, dumagdag pa ang pandemic.
Sobrang laki ng pinagbago ko noon at ngayon. School ko, work ko, iniwan ko dahil sa kalagayan ko, at umuwi ako sa amin, sa probinsya.
At eto na nga, almost 3 months na rin akong nandito sa parents ko. Namiss ko rin sila. Akala ko, ito na yung chance ko para baguhin ulit lahat. Pero hindi pala. Dami kong inakalang tama. Mas lalo lang akong nagpakalunod sa lungkot. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, parang may hinahanap akong sagot na hindi ko alam saan ko makukuha kasi ang isip ko, may mali talaga.
Hanggang sa nitong nakaraang gabi lang. Nagsisimula na naman yung mood ko na parang ewan. Tapos timing din na may konting alitan si mama at papa. Napansin namin yun kasi medyo pasigaw na sila naguusap. Rinig sila kahit nasa kusina.
Tapos pumasok ako sa kwarto at doon ginawa ko yung laging dinidemand sa akin ng utak ko. Pinag-uuntog ko yung ulo ko sa dingding. Pinagsasampal ko ang mukha ko, suntok. Hanggang sa nasugat yung kilay ko sa kaliwa tapos nabibingi na ako dahil nasuntok ko yung tenga ko. Para akong nawawala sa sarili.
Napatigil ako sa pag iyak kasi nasa likod ko lang pala si mommy. Hindi ko siya napansin.
Lumapit sya sa akin. Niyakap nya ako, umiiyak na rin sya. Kumuha sya ng yelo tapos towel, tapos yung first aid kit. Umiiyak sya habang ginagamot nya ako.
Pagkatapos nun, tsaka sya nagsalita.
"Anak, labanan talaga ang buhay ngayon. Stress lang kasi kami ng papa mo, kaya ganun. Sorry, nak, pero sana hindi ganito. Kung iisipin lang ang pagod anak, sobrang pagod na rin kami. Pero hindi namin ipapakita yun sa inyo. Kakayod kami hanggang kaya namin. Pero kung makikita kitang ganyan Nak, malaking sampal sa amin yun ng papa mo. Isang kabiguan yun sa amin bilang magulang mo."
At dun ako lalong napaiyak. Nung sinabi sakin ni mama yun, parang bigla akong nagising at narealize ko na,
Sa hinaba ng panahon, naging selfish ako.
Maraming oras ang sinayang ko. Nagpakalubog ako sa lungkot. Nadaya ako ng sarili kong utak.
Kung iisipin ko, malungkot na ang mundo, dadagdag pa ako? Sa sobrang nakatuon ako sa sarili kong drama, di ko man lang nakita na sila din ay naghihirap. Pero nagpapatuloy sila.
Sobrang sakit.
Hindi dahil pagod na ako. Kung hindi naging makasarili ako. Nakikita ko, pero hindi ko naisip sila Mommy at Daddy na gumagapang na sa hirap ng buhay pero patuloy pa rin sila sa pagkayod para lang ipakita sa amin na andyan sila bilang mga magulang namin. Pero kung iisipin ko, pagod na rin sila. Kung iisipin ko, naiisip na din nila na tila pinaparusahan sila ng panahon. Imbis na maging ganito ako, dapat I-appreciate ko sila.
Kaya sa mga tulad ko, hindi ko ini-invalidate yung bigat na nararamdaman niyo. Pero sana wag nyo hahayaan na tatagal yung ganung pakiramdam sa inyo, yung magiging malungkot nalang bawat araw.
Simulan mo nang i-appreciate ang mga bagay, lalo na yung mga taong nasa paligid mo, yung mga taong parte na ng buhay mo, kumustahin mo sila, makipagusap ka sa kanila.
Kasi hindi natin hawak ang buhay natin. Tumatanda tayo, hindi bumabata. At kung may unang-una ka man na dapat mong pahalagahan, yun ay ang sarili no at mga mahal mo sa buhay kase hindi natin alam ang maaaring mangyari kinabukasan.
Erin
2018
Unknown

Friday, July 23, 2021

I THOUGHT

Hi, I'm Beng from Bulacan. Graduating student this coming August. I just want to share what I've experienced 2 weeks ago.

I came from a simple family. Sapat na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Only child ako. Parehong nagtatrabaho ang mga magulang ko. Ang tatay ko ay driver ng tryk habang ang nanay ko naman ay nag aalaga ng bata.
Madalas ako maiwan sa bahay araw-araw kahit noong hindi pa pandemic. Maayos naman kami ng mga magulang ko, were good in terms (I guess) kahit hindi magkakasama araw-araw but syempre we have arguments din but "lambing arguments" ang matatawag ko. Nagkakapikunan kami ng mama ko sa mga hugasin, sa mga gawaing bahay. We both hate kalat. Ayaw na ayaw nila na umuuwi na makalat. Kaya I always challenge myself na everyday uuwi sila dapat malinis sa bahay. Everything goes well, uuwi sila maayos sa bahay, papasok sila sa trabaho ng maaga. And I didn't expect na maeexperience ko yung mga na-experience ng ibang tao.
One time, umuwi mama ko, saying na nag-positive daw yung tatay nung inaalagaan niya na bata. And for me, I was just chill because I was confident that time na she was okay lang, na I have faith ba na she's protected. But I didn't know that yung pagiging "chill" ko would end up sa sobrang pagka-worried.
For the next swab test, she became positive. And there was a pinch inside my heart. All the memories I had with my mom came back, the way na awayin ko siya, everytime na hindi ko na-appreciate yung mga ginagawa niya for me, yung pagalit niya kasi makulit ako na I thought trip niya lang ako pagalitan, everytime na mainit ulo ko because of school works, the way she leave me a note before she go to her work. I thought were okay, but were actually not. I realized how bad I was. How I lack and deprive them ng attention ko.
I thought okay lang na ganon ang set-up namin na uuwi sila, papasok sa work and maiiwan ako tapos paulit-ulit lang na routine. I thought ayos lang na hindi nag-uusap. I thought sapat na yung nanjan sila at nandito ako. I thought okay lang na hindi ako nag-iinitiate ng usapan or kwentuhan sa kanila. Mas nakikipagbiruan pa ako sa mga kaibigan ko kaysa sa kanila. I thought ayos lang na mabibilang sa daliri kung ilan lang pictures namin together.
But its not.
And I thought that time, mama ko lang but yung papa ko din nag-positive. They even told me na they have to leave for the protocol of isolation facility. And for the whole weeks they're gone, I just realized how important yung communication no matter how hard, how hectic yung sched ng bawat member ng family 'coz this is life. We never know what will happen in the next hours, days, weeks, months or years.
We always call each other, during their stay in the facility, we tend to call each other. And one thing I observed to them was, they were really happy and kinda funny to be with. Hindi pala sila boring, its just that ako lang kasi talaga yung hindi nag-initiate na makipagbiruan sa kanila because I always reason out na I was busy sa school, inaantok na ako amd whatever excuses.
I realized and see the worth of my parents. I see and understand na hindi lang lagi aral, hindi lang laging barkada ang inaatupag, hindi laging sila nanay at tatay lang ang may responsibilty satin. Its also our responsibility to take care of them. I learned how to be intentional and make time to those people around me.
Archt
2021
Architecture
BSU

Tuesday, July 20, 2021

SMART BANNER

So ito nga, aside sa bts meal we all know naman na endorser rin ng smart yung bts dito sa atin. Nakapag redeem na ako ng bts photocards sa smart outlet pero wala pa ako ni isang smart banner na may mukha ng mga asawa ko. May nakita naman akong tindahan dito sa amin, trinay ko hingiin pero bawal daw. Edi si ate mo girl umuwing sawi. Hahaha!

Hanggang sa para akong nakakita ng lightbulb sa utak ko at naalala ang ex ko. Yung girl na ipinalit nya sa akin noong nagloko sya, sila pa rin till now. Naalala ko man yung panloloko nilang dalawa, natatawa na lang ako sa ideyang pumapasok sa utak ko.
Yun kasing ipinalit nya sa akin nagbebenta ng load sa may palengke. Retailer ba ganun. Yung lahat ng networks. Tho palagi ko nga sya nakikita noon, hindi kami nagpapansinan kasi aware naman syang nang agaw lang sya noon. Nahiya ata.
Pero this time I need to talk to her. Hindi para magkapatawaran kundi alam nyo na. Humingi ng bts smart banner. HAHAHAHAH! So ito nga, pagdating ko sa pwesto nila nagulat si girl. Sabi ko magpa-paload ako. After nya ako niloadan pangiti ngiti lang ako halata mong may pakay talaga. While sya halata mo nahihiya. Hanggang sa nagtanong ako.
"Uy may smart banner ka yung may face ng bts?" Abay tumango lang ang lola mo. Sabay sabi nya "Gusto mo? Bibigyan kita. Ayun kumuha sya hindi lang isa kundi tatlo. HAHAHAHA nag thank you ako after. That was our smooth conversation after a year of betraying me. By the way wala na sa akin yung nangyari, okay na ako. Pasalamat nga sya bts banner lang hiningi kong danyos sa kanya on breaking my heart before. Hahahaha atleast my Bts banner na ako.
Jena
2021
Others
Alabang

SELFISH

Meron na sana tayo ngayon 5 years old na anak kung hindi ako naging selfish noon.
Year 2016 nung sinabi ko sayo na buntis ako. As usual, di ka naniniwala, hindi ka pa ready sa responsibilidad mo. Mas matanda ako sayo ng isang taon at highschool lang tayo parehas neto. Mula ng sinabi ko sayo na buntis ako, naging cold ka sa akin, kaya ramdam na ramdam ko na ayaw mo sa dinadala ko. Pilit kita nilalambing at sinasabihan na pupuntahan kita sa inyo pero ayaw mo. Palagi mong reason busy ka mag ayos ng mga papeles mo, dahil nung mga panahon na to pabalik kana ulit sa italy. Masakit para sa akin na hindi mo kami kayang panindigan ng anak mo. Kita ko din naman sayo na hindi ka pa ready, at alam ko sobra kong masisira buhay mo kung ipagpapatuloy ko pag bubuntis ko. Kaya nag decide ako umuwi non sa panggasinan, pinalaglag ko anak natin. Kahit mahirap ang signal sa panggasinan nag hanap padin ako ng way makausap lang kita. Hindi ko sinabi sayo yung ginawa ko. Sinusubukan pa rin kita kausapin kung pwede tayo magkita bago ka man lang umalis ng bansa dahil sa sobrang depress ko sa ginawa ko. Gustong gusto ko humingi ng comfort sayo ng mga oras na yun pero binaliwala mo lang ako at ni hindi mo man lang din kinamusta pagbubuntis ko.
Husgahan niyo na ko kung gusto niyo, inisip ko lang ang kinabukasan namin parehas, lalo na sa kanya. Ngayon nakikita ko naman siya na masaya na sa Italy at masaya na ko doon, may bago na rin siyang girlfriend ngayon. Pero ako eto hanggang ngayon, dinudurog pa rin sa ginawa ko sa sarili kong anak. Hanggang ngayon di ko pa rin nasasabi sa kanya, at wala na ko balak pang sabihin sa kanya yun. Di bale ng ako ang magdusa dahil sa ginawa ko, dahil di ko nagawang protektahan sarili kong anak.
Freya
2015
Others
Others

ALAK

Ang swerte nung pamilyang kahit broken family may pagmamahal at pagmamalasakit sa isat-isa. Yung pamilyang kahit nagkamali ka tatanggapin ka buo at walang isusumbat sayo kasi ayaw ka nilang masaktan. Yung pamilyang pagkukunan mo ng lakas, magpapalakas ng loob mo at mamahalin ka ng buo. Yung pamilya kasing meron ako wala ni isa sa mga nabanggit ko.

Sa bawat araw na dumadaan wala kong narinig sa kanila kundi puro pangmamaliit at panglalait. Pwede ko na nga sabihin na nabubuhay ako sa sumbat nila e. Yung tatay ko everytime na malalasing lahat ng reason kung bakit sila naghiwalay ni mama isusumbat nya sakin kahit wala kong kinalaman. Ico-compare nya ko kay mama tapos dadagdagan nya yon at isusumbat sa akin.
"Yung utak mo puro pangarap, bobo!"
"Puro ka pangarap ng walang katuturan."
"Dun ka sa nanay mong p*ta, pvta*na!"
"Wala kang patutunguhan sa buhay."
"Tanggapin mo lahat ng sakit kasi yun yung totoo."
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanggapin at magsawalang-kibo sa lahat ng sinasabi nyo kasi dati tatahimik lang ako at iiyak sa isang tabi pero ngayon? Nagagawa ko ng tanggapin na parang wala lang lahat. Ni hindi ko na magawang umiyak o masaktan. Immune na siguro ako kaya sobrang manhid ko na.
Sabi nyo may anak na ko kaya dapat napupursigi ako, pero sa tuwing susubukan kong umabante, hihilahin nyo ko pabalik. Kesyo "Sinong mag-aalaga ng anak ko, ura-urada ako at di nag-iisip. Sinong inaasahan kong mag-aalaga sa anak ko, kayo?"
Sobrang hirap na maging taga salo ng kasalanang hindi ko naman ginawa. Sobrang hirap maging anak nyo. Pagod na pagod na ko mentally and emotionally.
Pero kahit tingin nyo sakin walang kwenta at pabigat. Kahit tingin nyo hindi ako mabuting anak. Hindi ko hahayang maranasan ng anak ko lahat ng hirap at bigat na naranasan ko sa inyo. Wag kayong mag-alala makakabawi din ako pero hindi na sa inyo. Magiging mabuting magulang ako sa anak ko kahit hindi yun ang nakikita nyo.
Siguro nga puro pangarap lang ako ngayon pero sa bawat hakbang ko sa buhay hindi ko kayo nakalimutang isama. Pangako isang araw may mararating din ako.
Marami pa sana kong gustong sabihin pero siguro hanggang dito na lang. Hindi rin kasi ako magaling magkwento gusto ko lang talaga ilabas yung bigat na nararamdaman ko.
Kang
2018
H.E
Others

CAN WE BRING BACK THOSE DAYS?

Kanina, I saw this couple na nagtatalo.

Tinulak nung boy yung girlfriend niya na dahilan ng pagkaupo nito. I was about to help the girl when lola whose standing beside me uttered,
"Apo, nung kabataan ko, yung asawa ko kahit sigawan hindi niya nagawa,"
Napatingin ako sa kanya at doon sa babaeng kanina ay nakasalampak ay nakatayo na ngayon. Halatang hindi pa rin sila nagkakasundo.
Muli kong binaling ang tingin kay lola, I was curious so I asked her to tell more about her husband. Oo na, kalalaking tao chismoso ako.
"Lola, kung hindi niyo po mamasamain, paano niyo naha-handle yung relasyon na walang sigawan?"
Ngumiti lang siya, akala ko hindi niya ako sasagutin dahil nakatingin siya doon sa dalawa na patuloy pa rin sa pagtitinginan ng masama.
"Noon, kapag nagalit ang asawa ko, hindi niya ako kikibuin ng mga ilang minuto. Hindi yun aabot ng isang araw o isang oras. Isang beses tinanong ko siya kung bakit hindi niya ako sinisigawan since the day he have me at sumagot siya,"
Hindi ako nagsalita at patuloy lang na nakikinig sa kanya.
"Sabi niya, kapag raw sinigawan niya ako, parang binastos na niya ako bilang babae. Kaya sa halip na ilabas yung sama ng loob at sigawan ako, mas pinipili na lang niya na huminga ng tatlong beses na malalim at isipin na mahal ako. Ganon ang tunay na lalaki,"
And that hits me up.
Can we bring back the 80 and 90's where love are pure, where boys can respect and girls are being respected?
Richardson
201*
Unknown

SA SAKRISTAN NA TAGA LOURDES ST.

Grade 7 ako nung simula ko siyang nagustuhan. Kakalipat ko lang nung taon na yun doon kasi taga-Palawan pa ako.

Dumaan ako sa street nila, may tindahan sa kanila at may bumili nun. Nakita ko siyang nakatingin sa akin. Sa isip ko nun napaka-cute niya, pero ayoko sa bata. Baby face kasi siya. Tsaka ko na nalaman na dalawang taon yung tanda niya sa akin.
Di ko pa siya nun nagustuhan, nagustuhan ko na siya nung pangalawang beses ko siya nakita.
Half-day lang ang pasok namin pero maaga nag sisimula, around 6 am yung start ng klase namin, medyo nagmamadali ako kaya di na ako nakapag toothbrush. Dumaan ako sa isang street bago don sa street nila. Bumili na lang ako ng mentos kasi nakakahiya baka mabaho hininga ko. Subdivision kasi yung lugar namin tapos linya linya yung mga street.
Di ko makakalimutan to kasi mala kdrama ang peg ng pangalawang pagkikita namin, napakaharot ko.
Nalaglag yun piso na barya ko kaya pinulot ko, pag tayo ko sakto may papalabas na kotse sa street na yun kaya di ako maka tawid, tapos nakita ko din siyang huminto, nagkatitigan kami nun tapos wala na, naging crush ko na siya. Nagsimula na kalandian.
Nalaman kong Sakristan siya, at sobrang devoted ng family niya sa simbahan kaya mas lalo ko syang nagustuhan at napadalas yung simba ko tuwing linggo. Dumadaan din ako sa tindahan nila tuwing umaga bago pumasok para bumili/masulyapan siya. Harot!
Months yung nakalipas at lagi ko pa rin ginagawa yun, hanggang sa siya na yung dumaan sa street namin kaso napaka-wrong timing, kasi kakatapos ko lang maglaba at nagsasampay ako nun, napaka haggard ng fes ko huhu.
Hindi ko alam kung assumera ako pero feeling ko talaga assumera ako, kasi nakikita ko siyang sumusulyap din sa akin sa simbahan at nakikita ko siya tuwing hapon hila hila yung aso niya sa street mismo namin.
Nagpapapansin ka na rin ba? Kasi, Oo napapansin kita.
Pa-college na ako ngayon, at hanggang ngayon crush ko pa rin sya, lumipat na ako sa Palawan pagka-grade 9 ko, kaya hanggang stalk nalang ako sa kanya. Nalaman ko name niya kasi medyo famous pala siya don sa school ko nun dati, sila ng kambal niya. Doon din daw kasi siya nag-aral pero lumipat din sa private. Sayang di ko naabutan.
Sa guy na di na baby face ngayon. I'll never forget u too, katulad ng isang confession sa FEU.
Magtatapos ako sa dream course ko, di ako umaasa pero babalikan kita kapag wala pa rin tayong nahahanap na iba. Wala pa rin akong nahahanap na makikita kong kasama ko sa future ngayon, at alam ko na ganon ka rin.
At pag confident na ako, lalapit na ako sayo at hindi na yung puro sulyap lang.
Liezel St
2021
Humss

ROLLER COASTER (PART 1)

Hi. Let me share my story here.

I have a Filipino-Chinese boyfriend. We first met at my cousin’s birthday. I am not a friendly type of a girl, kaya nung pinakilala ako ng mga tita ko sa sayo, I just smiled and walk away. Nagugutom na ko that time eh. And i don’t know you, tropa ka lang ng mga pinsan ko.
The following day, you added me on facebook. Maybe galing sa mga tukmol kong pinsan. But i didn’t bother to accept your friend request. Wala lang. I am too focused in my studies kaya wala akong balak mag-entertain (feeling chix ako dati ee haha).
Days passed, patuloy ka pa ring nangungulit. Nag-message request ka. Andami mo ring missed calls and text messages sa number ko. Even my cousins kinukulit ako na sumama sa mga gala niyo. Pang-blackmail nila sakin? Lahat daw libre. Not literally na wala akong choice, alam niyo lang talagang marupok ako pagdating sa pagkain.
Sa pag-aakalang marupok ako sa pagkain, napasama ako. Pero hindi nagtagal naging marupok na rin ako sayo. I fall for your priceless efforts. Unique eh, maybe because we’re from different country? Pero basta nagising na lang ako isang araw, hinahanap hanap na kita.
Days turned to weeks and weeks turned to months. Okay tayo. Pero hindi ko alam kung may tayo? For two years of being together never mo’ko tinanong ng “Will you be my girlfriend?”
Nalaman ko nalang na tayo kase pinapakilala mo na ko sa pamilya and friends mo na girlfriend mo. And when i confront you sabi mo lang sakin “In my country, once you started dating, kayo na”.
Maraming adjustments ang ginawa ko simula nung pinapasok kita sa buhay ko. Tinanggap ko yun. Kase nga magkaibang lahi tayo. Basta ba nakikitang kong mahal mo ako, mananatili ako.
Pero kalagitnaan ng relasyon natin, mag te-three year anniversary na sana tayo. Biglang humadlang pamilya mo. Eto na nga ba yung kinakatakutan ko. Hindi ako tanggap ng lolo’t lola mo. Kaya pilit na pinaghiwalay tayo.
Tinanggalan ka ng allowance. Tamang tama lang pangkain mo ang perang binibigay sayo. Naghirap ka, kitang kita ko. Pero bumilib ako sayo, kase sa kabila ng hirap pinili mo pa rin ako.
Kapalit ng pagpili mo sa akin, ay ang paghihirap ko. Bawat gala natin sagot ko. Bawat pagkaing gusto mong kainin, babayaran ko. Maarte ka sa pagkain, kaya kulang ang limang daan sayo pag lalabas tayo.
Nag-aaral lang din ako nun, kaya nahihirapan din ako. Pero nilabanan natin. Sabay tayong nagtiis, kase pinili nating makasama ang isa’t isa.
Lumipas ulit ang isang taon, buwan ng Hunyo. Graduation ko. Tuwang tuwa ako kase sa wakas medyo makaraos na tayo. Pero mismong graduation ko di ka dumalo. Kaya nagtaka ako. Sa unang pagkakataon sana makita mo ang pamilya ko. Pero mas pinili mong sumama sa barkada mo.
Bigla kang nagbago. Magfo-four year anniversary na tayo sa Agosto. Pero di ko maintindihan kung anong nangyari sayo. Makalipas ang isang linggo, kinumpronta kita sa mga kinilos mo. Pero di ko inasahan ang sagot mo.
“Let’s break up, ikakasal na ko.”
P*ta?
Pagkatapos ng lahat lahat ng sakripisyo ko, iiwan mo lang ako? Yan yung tanong na gustong gusto kong isumbat sayo. Gusto kong isumbat sayo lahat ng araw na nagutom ako para lang may makain ka. Lahat ng araw na wala akong tulog para lang maasikaso ka, kase lasing lasing ka. Yung araw na late ako sa thesis defense ko dahil t*ngin*! Inuna kita! Muntik pa kong di maka-graduate tapos eto lang maririnig ko galing sayo?
Dsr
20**
Unknown

ROLLER COASTER (PART 2)

Halos buong linggo akong hindi lumabas ng apartment dahil sa sinabi mo. Buong linggo rin tayong hindi nag-usap. Ang sakit ng ginawa mo. At ano? Ikakasal ka? Ganun ganun nalang? Apat na taon yun! Kasama kita buong kolehiyo.

Pagkatapos ng isang linggo. Pumunta ka sa apartment ko. Sinabi mong mag usap tayo. Pumayag ako basta sabihin mo lahat yung totoo. Pinaliwanag mo sa akin ang tungkol sa kasal mo.
Kagagawan lang ng lola mo.
Month of May palang pinaalam na sayo. Pero pinatapos mo lang graduation ko. Marami ka pang paliwanag. At dahil mahal kita, naintindihan ko. Sumuko ka, magpaubaya ako.
Pero may hiling ka. Samahan kitang pumuntang Baguio bago ka umuwi sa bansa niyo. Tinanong kita kung bakit at hindi ko napigilang naiyak sa sagot mo
“Kase pangarap mo yun diba? Baguio kasama jowa mo?”
Oo, pangarap ko yun pero huwag naman sana sa gantong sitwasyon. Hanggang sa huling pagkakataon pangarap ko pa rin ang inisip mo.
Masakit pero pumayag ako. Maybe? Yun na rin yung closure na kelangan nating pareho. Simula bata ako favorite place ko ang Baguio pero pagkatapos ng nangyari sa atin parang ayoko ng bumalik pa sa lugar na yun. Kase maalala ko lang kung paano tayo natapos.
Pagkatapos ng gala natin sa Baguio, umuwi kana sa inyo. Wala na rin akong contact sayo kase sabi mo kalimutan na kita. Kahit hindi ko alam saan magsisimula, sinusubukan ko.
Pero lumipas ang isang buwan, tumawag ka. Sabi mo, babalik ka ng Pilipinas.
Eh? Kung kelan nag-momove on nako.
Binalita mong hindi natuloy kasal niyo. Kaya babalikan moko. Dahil marupok ako, sige go!
Excited pa ako nung bumalik ka, sinundo pa nga kita. Nabuhayan ako ng pag-asang ituloy ang kwento nating dalawa. Hindi rin biro ang dinanas natin makasama lang ang isa’t isa di'ba? Kaya pakiramdam ko deserve natin to.
Pero nagulat ako sa ilang buwang pagbalik mo dito, napabarkada ka. Ako ba talaga ang binalikan mo o ang pagiging buhay binata mo?
Habang ako pumapasok sa bagong trabahong napasukan ko, ikaw naman walwal dito, walwal doon kasama mga barkada mo na ni isa hindi ko makasundo.
Nagkalabuan tayo. Pero pilit ko pa ring kinumbinsi ang sarili ko na baka busy lang ako kaya naghahanap ka ng mapaglibangan.
Lumipas ang ilang buwan. Ganun ka pa rin. Hanggang sa buwan ng Pebrero, pinuntahan kita sa condo mo. Susurpresahin kita dahil birthday mo. May dala pa kong tatlong lobo at regalo ko sayo. Tinext narin kita, sabi mo nasa condo ka at itutuloy mo tulog mo.
Pero nagulat ako, pagdating ko sa condo mo, walang tao!
Nasan ka?
Magulo ang kwarto. At ang kinagulat ko, bakit may mahabang buhok sa unan mo? Hindi ako natutulog dito!
At malala, kulay blonde pa, eh kulay pula buhok ko.
Dsr
20**
Unknown

ROLLER COASTER (PART 3)

Halos hindi ako makatayo sa nakita ko. Papaanong may blonde na buhok sa kwarto mo, eh kulay pula buhok ko. Walang ibang tao na pumapasok dito bukod sa kuya mo na isang buwan ng umuwi sa inyo.

Napagdesisyonan kong antayin ka sa lobby kase hindi ko kayang manatili sa kwarto mo. Birthday na birthday mo, pinagloloko moko.
Wala na kong igugulat pa nung dumaan ka sa lobby kasama babae mo. Halos maubusan na ko ng luha. Wala na kong maiyak. Na-realize ko na sobrang tanga ko talaga!
Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayo sinundan. Nag antay lang ako. Ni hindi ko alam kong anong inaantay ko. Na matapos kayo? Ewan ko.
Pero wala pang isang oras dumaan na yung babaeng kasama mo kanina. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Ganung tipo na ba gusto mo?
Wala sa sariling umakyat na ko sa condo mo. Pagkakita na pagkakita mo sakin, alam kong alam mo ng may nalaman ako. Kitang kita sa mukha ko. Sabi mo lang sorry. Di kita kayang harapin kaya nilapag ko ang mga dala kong lobo at regalo ko sayo sabay umalis na sa condo mo.
Kinagabihan, nag-text ka. Nakipagbreak ka na. Sabi mo this time totoo na. Ang kapal talaga ng mukha mo. Ikaw na nagloko ikaw pa may ganang mang iwan.
At anong sabi mo? Hindi mo na ko gusto? Kase hindi na ako yung babaeng dating minahal mo? Hindi ko alam kung saan nanggaling ang rason mo na yan.
Kahit anong rason mo, sa mga araw na yun manhid na ako. Sa sobrang sakit ng ginawa mo, wala na kong maramdaman na kahit ano. Nakipaghiwalay ka? Okay, go. Dumating na ako sa puntong ayoko ng lumaban. Ayoko ng magtanong. Ayoko ng maghabol.
Akala ko hindi ko kayanin, pero wala pang isang linggo natanggap kong wala na tayo. Ang bilis no? Kahit ako nagulat sa nararamdaman ko kase kahit konting panghihinayang, wala akong maramdaman.
Dumaan ang ilang buwan, natagpuan ko na lang ang sarili kong masaya kasama mga kaibigan ko. Naging kuntento ako sa kung anong meron ako. Sa pagkakataong to, ang sarap lang sa pakiramdam na nauuna ko na sarili ko. Kahit papaano masasabi kong mas naging magaan ang buhay ko nung tuluyang kitang ni-let go.
Ngayon, masaya na ko. Wala na rin akong balita tungkol sayo. Huling araw na nakita kita? Yun pa yung araw na harap harapan mokong niloko.
Sa huling pagkakataon nagpaliwanag ka nga pala. Sabi mo yung babaeng dinala mo sa condo mo, bayaran lang sa halagang tatlong libo. Kung di ka ba naman b*b* , sana binigay mo nalang sakin pera mo. Kahit wala nga ee, I’ll try my best para mapaligaya ka. As usual marami ka pang paliwanag, pero hindi na matatakpan lahat ng nagawa mo.
The damage has been done. And what’s done is done.
It’s all in the past now, wala akong kahit konting galit sayo. Thank you for the roller coaster ride. Dahil sayo, natuto ako. Dahil sayo, mas lalo kong na-appreciate yung lalaking mahal ko, yung present jowa ko. Dahil sayo, eto na ko. More wiser and i think mature. Salamat dahil sa tingin ko, mas naging tamang tao ako ngayon sa lalaking mahal na mahal ko.
I hope you're doing great too. Sana natagpuan mo na rin ang babaeng para sayo. 😊
Dsr
20**
Unknown

Saturday, June 26, 2021

YESTERDAY ONCE MORE

Papa, bakit di ka na nilo-love ni mama?

Sa tuwing titingin ako sa apat na taong gulang na anak ko, naalala ko itong tanong niya. Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung paano yung 10 taon na pagsasama namin eh nabago lang sa loob ng isang araw.
Di ko sinabing wala akong kasalanan. May mga pag-aaway at hindi pagkakaintindihan madalas kapag may pamilya ka na.
Sabi nga nila. Love is not perfect. It is full of struggles. You just have to pick someone who is willing to struggle with you 'till the end.
Nang minsan nagkaron ng pagtatalo between my family's side and her inakala niya na hindi ko siya pinagtanggol. Sakin naman kinausap ko yung parients ko ng maayos kasi ayoko ng palakihin yung gulo pero di ko akalain na dun din pala magsisimula magbago ang lahat.
Dun nagsimula na manlamig na siya. Yung oras na hindi kami nagpapansinan ay naging araw. Yung araw naging buwan. At ngayon magha'Heartbreak Anniversary na.
Sinubukan kong kausapin siya pero masaya na raw siya na nagagawa niya gusto niya. At nag-request pa sya na hayaan siya and to give her some privacy, which i did, thinking she would later come to her senses. But I was the one who came to a realization that...
First, a woman would give and pour all of her love as long as you treat her right.
Second, they make the house feel home. They keep the marriage together, and of course, as long as you treat her right.
If you give her pain, stress, and take them for granted. They will endure it for as long as they can. But then, everything has its end. And when they said enough. Goodbye boy.
Now, we are still under the same roof, but we are not living together. We found a way to live without each other. It is obvious that it is never gonna be the same. Our priority is our child's well-being. We don't want him to feel that he is the reason why his parents are not okay.
But kids today are clever. My 4-year old just couldn't resist to ask why me and her mom are not sweet anymore. In fact, I sleep separate from them. I have my own space. I just couldn't help but hug her when I sleep next to her. Then itataboy ka. Parang pasko sa lamig.
So boys, for boys ah not men. Men know what to do already and they wouldn't be in this situation cause they know how to treat their Queens.
Para sa boys to, hanggat maaari i-trato niyo ang babae ng tama. Kung meron na kayong kasama na, alam niyo na dapat mag-stick through anything. Siya na yon. Wala ng bawian. Wag mo i-take for granted thinking na may bukas pa. You never know what you've got 'till it's gone.
Ako, ngayon, araw araw kong hinihiling sa diyos na sana bumalik pa kami sa dati. Yes kahit YESTERDAY ONCE MORE, Lord. Kahit isang araw lang ulit. Maramdaman ko lang uli na I am her man.
Yes, I am putting effort to win back my wife but the way I see it, malabo na. Lalo na if they get independent na. Sorry boy, G ka na!
So we ignore each other.
And pretend the other person doesn't exist.
But deep down.
We both know it wasn't suppose to end like this.
AsaBoy
2016
BSBA
STI

iKON

Taong 2017 noong naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil ang sabi nya na-fall out of love na sya sakin. Sobrang sakit dahil wala akong maisip na ginawa ko para makapagpabago ng nararamdaman niya at wala din siyang maibigay na rason kung bakit isang araw pag gising niya hindi niya na ako mahal. Dahil mahal ko siya nagmakaawa akong wag iwan. Itinaboy niya ako kahit naging nakakatawa na ako sa paningin ng iba.

Pero isang araw habang hinihintay kita palabas sa trabaho mo nakita kitang may ka-holding hands na ibang babae, dumaan kayo sa harap ko at ni sulyap ay hindi mo binigay sakin kahit alam mong nanduon ako. Para akong mamamatay sa sakit dahil akala ko ako ang may mali pero may iba ka lang pala, pinagmukha mo pa akong tanga. Napagdesisyunan ko na hinding hindi mo na ko makikitang muli.
Noong panahong sobrang broken ako, halos gabi-gabi akong umiiyak at gusto ko nalang maglaho pero nakilala ko ang K-pop.
Saktong nagcomeback ang Blackpink at sila ang pinagkaabalahan ko hanggang sa nakuha na nila ang buong atensyon ko dagdagan pa ng iKON, Got7 at EXO. Masasabi kong na-heal nila ang puso ko at sila ang nagpasaya sakin nung mga panahong lugmok na lugmok ako.
Naranasan ko umattend ng concerts at mangolekta ng merch bilang distraction sa puso kong sugatan haha!
Nagconcert ang iKON at isa ako sa maswerteng nakaabot nung panahong kumpleto pa sila at dito ko rin nakilala si Carl. Lowerbox A ang ticket na kinuha ko at may katabi akong lalaki na may kasamang batang babae na nasa 12 y/o, actually mukhang hindi siya masaya, opposite sa pinapakita ng kasama niyang bata. Syempre ako rin masaya. Tawa pa ako ng tawa kahit wala namang nakakatawa dahil sobrang excited ako.
"Matagal ka ng fan?"
Bigla nya kong tinanong kalagitnaan ng concert, syempre nagulat ang lola niyo kasi bigla niya kong kinausap kahit hindi naman kami close.
Tapos syempre sabi ko bago lang then tinanong ko din sya kung ganun din ba sya, dun ko nalaman na napilitan lang sya samahan ang kapatid nya dahil nga minor pa at kaya pala mukha lang syang napilitan.
Buong concert kinakausap niya ko dahil daw parehas kaming nasa 20's at kami lang daw ang magkakaintindihan. Kahit gusto ko mag-focus sa concert hindi ko siya ma-ignore dahil nakakahiya naman mang isnob haha. Minsan tinutukso ko rin sya lalo na pagnacricringeyhan sya sa nakikita nya sa stage.
After ng concert hiningi nya ang number ko at syempre binigay ko naman. So ayun na nga, dun na magsimula na araw-araw nya akong kinakamusta sa text, naging friends na din kami sa FB. Hanggang sa umabot na kami sa point na lumalabas na kami para kumain, sinusundo nya na ako sa work at dun ko nalang narealize na nararamdaman ko na ulit ang saya na nawala sakin simula nung naghiwalay kami ng ex ko.
Sinagot ko sya at mag t-two years na kami this year, sobrang saya at smooth ng relasyon namin. Suportado nya ko sa lahat ng kabaliwan ko kahit harap harapan kong pinagnanasaan si Jackson, Jayb, Bobby, Jinhwan at Kai. Legal kami both sides ng family, close na rin kami ng sister nya lalo na't parehas kaming baliw sa kpop. Nagpaplan na din kami ng future namin dahil parehas na din kaming stable at handa na magsettle. Sobrang perfect na sana ika nga.
Last month, bumili ako sa isang coffee shop at unexpectedly nakasabay ko sa linya ang ex ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko lumulutang ako habang umiikot ang paligid. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko pero kumirot ang puso ko, nakita ko din ang gulat sa mukha nya dahil di nya din siguro ineexpect magkikita kami.
Niyaya nya ko umupo para magcatch up at eto naman ako dahil tameme pumayag nalang ako. Nag-usap kami at humingi sya ng tawad dahil alam nyang nasaktan nya ako years ago at pinagsisihan nya daw ang nangyari.
After nung encounter namin halos hindi na ako makatulog sa gabi, nasa isip ko nalang ang pag uusap namin at kelan ko lang napagtantong mahal ko pa rin sya.
Nasasaktan ako, nalilito, kasi mahal ko ang boyfriend ko at handa akong magpakasal sa kanya pero hindi ko kayang ibigay ang buong ako. Akala ko nakamove-on na ako pero sa isang pagkikita lang namin ng ex ko bumalik lahat ng sakit at feelings ko sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko deserve si Carl at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Alice
2015
BSMT
EAC

WEDDING DAY

Hi. Title palang alam nyo na kung about saan ang confession ko...

Lahat naman siguro tayo nangangarap lumakad sa altar o maghintay habang naglalakad sa aisle ang babaeng pinakamamahal mo.
A few days from now, eto na yung araw na pinaka hihintay mo. I can't even wait to see how happy you are while waiting in front of the altar. Nai-imagine ko na kung gaano kabagay yung tuxedo sayo habang abot tenga yung ngiti mo at teary eyed ka pa.
Naiisip ko rin kung mabubulol ka ba sa wedding vows dahil alam kong mahiyain ka.
Naalala mo ba nung unang beses tayong pumunta sa Quiapo Church? July 18, 2019 yun diba? Nag lalakad tayo papasok sa simbahan tapos bigla mong sinabi na,
"Alam mo pangarap ko to, yung lumakad sa altar kasama ang babaeng pinakamamahal ko".
Ang saya saya ko non...
Same day may nangyari satin at doon nabuo ang baby natin. Maraming problema ang dumating pero kinaya ko.
Unfortunately we lost our baby.
Pero inisip ko na siguro di pa talaga sya para sa atin. Maraming nagtatanong kung ano daw nagustuhan ko sayo that time dahil simple ka lang habang ako may pagka maarte sa katawan at pananamit. You are even almost 10years older sa akin but I still choose you.
Fast forward. Eto na, ito na yung pangarap mo ilang tulog nalang matutupad na yung dream wedding mo.
Hindi na imagination lahat. I know you will be so much happy with her. Ikakasal ka na sa babaeng mahal mo.
I know simula't simula siya ang mahal mo. Sobrang mali yung nangyari sa atin noon to the point na hindi ko sinigurado na may legal ka palang girlfriend at may tampuhan lang kayo nung makilala mo ako.
Few months ago lang nung nagkausap tayo. Nagalit ka dahil nalaman ng girlfriend mo yung about satin but still you're lucky kasi sobrang mahal ka niya at tinanggap ka niya.
Nag-usap kami ng maayos at in-explain ko sa kanya yung nangyari. Pinakinggan niya yun at nag-sorry sa nangyari sakin. Sabi niya sana yun na yung last na pagkakamali mo dahil itutuloy niya yung pagpapakasal niya sayo kasi mahal na mahal ka niya.
She deserves all the happiness. She deserves love and faithfulness kaya sana hindi mo siya lokohin.
I'm happy for the both of you but don't worry I'm okay too. Focus muna ako sa family at career ko, to avoid doing may past mistakes again.
Yun lang dahil pinapalaya na kita, pinalaya ko na rin yung sarili ko from my conscience. Wala ng sakit, walang bitterness.
All I have now is genuine happiness. Thank you dahil naging parte ka ng leksyon sa buhay ko. For our baby, she will forever be our little angel.
C.E.
20**
Unknown