Tuesday, July 20, 2021

ROLLER COASTER (PART 2)

Halos buong linggo akong hindi lumabas ng apartment dahil sa sinabi mo. Buong linggo rin tayong hindi nag-usap. Ang sakit ng ginawa mo. At ano? Ikakasal ka? Ganun ganun nalang? Apat na taon yun! Kasama kita buong kolehiyo.

Pagkatapos ng isang linggo. Pumunta ka sa apartment ko. Sinabi mong mag usap tayo. Pumayag ako basta sabihin mo lahat yung totoo. Pinaliwanag mo sa akin ang tungkol sa kasal mo.
Kagagawan lang ng lola mo.
Month of May palang pinaalam na sayo. Pero pinatapos mo lang graduation ko. Marami ka pang paliwanag. At dahil mahal kita, naintindihan ko. Sumuko ka, magpaubaya ako.
Pero may hiling ka. Samahan kitang pumuntang Baguio bago ka umuwi sa bansa niyo. Tinanong kita kung bakit at hindi ko napigilang naiyak sa sagot mo
“Kase pangarap mo yun diba? Baguio kasama jowa mo?”
Oo, pangarap ko yun pero huwag naman sana sa gantong sitwasyon. Hanggang sa huling pagkakataon pangarap ko pa rin ang inisip mo.
Masakit pero pumayag ako. Maybe? Yun na rin yung closure na kelangan nating pareho. Simula bata ako favorite place ko ang Baguio pero pagkatapos ng nangyari sa atin parang ayoko ng bumalik pa sa lugar na yun. Kase maalala ko lang kung paano tayo natapos.
Pagkatapos ng gala natin sa Baguio, umuwi kana sa inyo. Wala na rin akong contact sayo kase sabi mo kalimutan na kita. Kahit hindi ko alam saan magsisimula, sinusubukan ko.
Pero lumipas ang isang buwan, tumawag ka. Sabi mo, babalik ka ng Pilipinas.
Eh? Kung kelan nag-momove on nako.
Binalita mong hindi natuloy kasal niyo. Kaya babalikan moko. Dahil marupok ako, sige go!
Excited pa ako nung bumalik ka, sinundo pa nga kita. Nabuhayan ako ng pag-asang ituloy ang kwento nating dalawa. Hindi rin biro ang dinanas natin makasama lang ang isa’t isa di'ba? Kaya pakiramdam ko deserve natin to.
Pero nagulat ako sa ilang buwang pagbalik mo dito, napabarkada ka. Ako ba talaga ang binalikan mo o ang pagiging buhay binata mo?
Habang ako pumapasok sa bagong trabahong napasukan ko, ikaw naman walwal dito, walwal doon kasama mga barkada mo na ni isa hindi ko makasundo.
Nagkalabuan tayo. Pero pilit ko pa ring kinumbinsi ang sarili ko na baka busy lang ako kaya naghahanap ka ng mapaglibangan.
Lumipas ang ilang buwan. Ganun ka pa rin. Hanggang sa buwan ng Pebrero, pinuntahan kita sa condo mo. Susurpresahin kita dahil birthday mo. May dala pa kong tatlong lobo at regalo ko sayo. Tinext narin kita, sabi mo nasa condo ka at itutuloy mo tulog mo.
Pero nagulat ako, pagdating ko sa condo mo, walang tao!
Nasan ka?
Magulo ang kwarto. At ang kinagulat ko, bakit may mahabang buhok sa unan mo? Hindi ako natutulog dito!
At malala, kulay blonde pa, eh kulay pula buhok ko.
Dsr
20**
Unknown

No comments:

Post a Comment