Taong 2017 noong naghiwalay kami ng boyfriend ko dahil ang sabi nya na-fall out of love na sya sakin. Sobrang sakit dahil wala akong maisip na ginawa ko para makapagpabago ng nararamdaman niya at wala din siyang maibigay na rason kung bakit isang araw pag gising niya hindi niya na ako mahal. Dahil mahal ko siya nagmakaawa akong wag iwan. Itinaboy niya ako kahit naging nakakatawa na ako sa paningin ng iba.
Pero isang araw habang hinihintay kita palabas sa trabaho mo nakita kitang may ka-holding hands na ibang babae, dumaan kayo sa harap ko at ni sulyap ay hindi mo binigay sakin kahit alam mong nanduon ako. Para akong mamamatay sa sakit dahil akala ko ako ang may mali pero may iba ka lang pala, pinagmukha mo pa akong tanga. Napagdesisyunan ko na hinding hindi mo na ko makikitang muli.
Noong panahong sobrang broken ako, halos gabi-gabi akong umiiyak at gusto ko nalang maglaho pero nakilala ko ang K-pop.
Saktong nagcomeback ang Blackpink at sila ang pinagkaabalahan ko hanggang sa nakuha na nila ang buong atensyon ko dagdagan pa ng iKON, Got7 at EXO. Masasabi kong na-heal nila ang puso ko at sila ang nagpasaya sakin nung mga panahong lugmok na lugmok ako.
Naranasan ko umattend ng concerts at mangolekta ng merch bilang distraction sa puso kong sugatan haha!
Nagconcert ang iKON at isa ako sa maswerteng nakaabot nung panahong kumpleto pa sila at dito ko rin nakilala si Carl. Lowerbox A ang ticket na kinuha ko at may katabi akong lalaki na may kasamang batang babae na nasa 12 y/o, actually mukhang hindi siya masaya, opposite sa pinapakita ng kasama niyang bata. Syempre ako rin masaya. Tawa pa ako ng tawa kahit wala namang nakakatawa dahil sobrang excited ako.
"Matagal ka ng fan?"
Bigla nya kong tinanong kalagitnaan ng concert, syempre nagulat ang lola niyo kasi bigla niya kong kinausap kahit hindi naman kami close.
Tapos syempre sabi ko bago lang then tinanong ko din sya kung ganun din ba sya, dun ko nalaman na napilitan lang sya samahan ang kapatid nya dahil nga minor pa at kaya pala mukha lang syang napilitan.
Buong concert kinakausap niya ko dahil daw parehas kaming nasa 20's at kami lang daw ang magkakaintindihan. Kahit gusto ko mag-focus sa concert hindi ko siya ma-ignore dahil nakakahiya naman mang isnob haha. Minsan tinutukso ko rin sya lalo na pagnacricringeyhan sya sa nakikita nya sa stage.
After ng concert hiningi nya ang number ko at syempre binigay ko naman. So ayun na nga, dun na magsimula na araw-araw nya akong kinakamusta sa text, naging friends na din kami sa FB. Hanggang sa umabot na kami sa point na lumalabas na kami para kumain, sinusundo nya na ako sa work at dun ko nalang narealize na nararamdaman ko na ulit ang saya na nawala sakin simula nung naghiwalay kami ng ex ko.
Sinagot ko sya at mag t-two years na kami this year, sobrang saya at smooth ng relasyon namin. Suportado nya ko sa lahat ng kabaliwan ko kahit harap harapan kong pinagnanasaan si Jackson, Jayb, Bobby, Jinhwan at Kai. Legal kami both sides ng family, close na rin kami ng sister nya lalo na't parehas kaming baliw sa kpop. Nagpaplan na din kami ng future namin dahil parehas na din kaming stable at handa na magsettle. Sobrang perfect na sana ika nga.
Last month, bumili ako sa isang coffee shop at unexpectedly nakasabay ko sa linya ang ex ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at pakiramdam ko lumulutang ako habang umiikot ang paligid. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko pero kumirot ang puso ko, nakita ko din ang gulat sa mukha nya dahil di nya din siguro ineexpect magkikita kami.
Niyaya nya ko umupo para magcatch up at eto naman ako dahil tameme pumayag nalang ako. Nag-usap kami at humingi sya ng tawad dahil alam nyang nasaktan nya ako years ago at pinagsisihan nya daw ang nangyari.
After nung encounter namin halos hindi na ako makatulog sa gabi, nasa isip ko nalang ang pag uusap namin at kelan ko lang napagtantong mahal ko pa rin sya.
Nasasaktan ako, nalilito, kasi mahal ko ang boyfriend ko at handa akong magpakasal sa kanya pero hindi ko kayang ibigay ang buong ako. Akala ko nakamove-on na ako pero sa isang pagkikita lang namin ng ex ko bumalik lahat ng sakit at feelings ko sa kanya. Pakiramdam ko hindi ko deserve si Carl at hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Alice
2015
BSMT
EAC
No comments:
Post a Comment