Tuesday, July 20, 2021

ALAK

Ang swerte nung pamilyang kahit broken family may pagmamahal at pagmamalasakit sa isat-isa. Yung pamilyang kahit nagkamali ka tatanggapin ka buo at walang isusumbat sayo kasi ayaw ka nilang masaktan. Yung pamilyang pagkukunan mo ng lakas, magpapalakas ng loob mo at mamahalin ka ng buo. Yung pamilya kasing meron ako wala ni isa sa mga nabanggit ko.

Sa bawat araw na dumadaan wala kong narinig sa kanila kundi puro pangmamaliit at panglalait. Pwede ko na nga sabihin na nabubuhay ako sa sumbat nila e. Yung tatay ko everytime na malalasing lahat ng reason kung bakit sila naghiwalay ni mama isusumbat nya sakin kahit wala kong kinalaman. Ico-compare nya ko kay mama tapos dadagdagan nya yon at isusumbat sa akin.
"Yung utak mo puro pangarap, bobo!"
"Puro ka pangarap ng walang katuturan."
"Dun ka sa nanay mong p*ta, pvta*na!"
"Wala kang patutunguhan sa buhay."
"Tanggapin mo lahat ng sakit kasi yun yung totoo."
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para tanggapin at magsawalang-kibo sa lahat ng sinasabi nyo kasi dati tatahimik lang ako at iiyak sa isang tabi pero ngayon? Nagagawa ko ng tanggapin na parang wala lang lahat. Ni hindi ko na magawang umiyak o masaktan. Immune na siguro ako kaya sobrang manhid ko na.
Sabi nyo may anak na ko kaya dapat napupursigi ako, pero sa tuwing susubukan kong umabante, hihilahin nyo ko pabalik. Kesyo "Sinong mag-aalaga ng anak ko, ura-urada ako at di nag-iisip. Sinong inaasahan kong mag-aalaga sa anak ko, kayo?"
Sobrang hirap na maging taga salo ng kasalanang hindi ko naman ginawa. Sobrang hirap maging anak nyo. Pagod na pagod na ko mentally and emotionally.
Pero kahit tingin nyo sakin walang kwenta at pabigat. Kahit tingin nyo hindi ako mabuting anak. Hindi ko hahayang maranasan ng anak ko lahat ng hirap at bigat na naranasan ko sa inyo. Wag kayong mag-alala makakabawi din ako pero hindi na sa inyo. Magiging mabuting magulang ako sa anak ko kahit hindi yun ang nakikita nyo.
Siguro nga puro pangarap lang ako ngayon pero sa bawat hakbang ko sa buhay hindi ko kayo nakalimutang isama. Pangako isang araw may mararating din ako.
Marami pa sana kong gustong sabihin pero siguro hanggang dito na lang. Hindi rin kasi ako magaling magkwento gusto ko lang talaga ilabas yung bigat na nararamdaman ko.
Kang
2018
H.E
Others

No comments:

Post a Comment