Thursday, April 22, 2021

POLO III

(PART 3)

Nagising nalang akong wala kana. Nakatulugan na yata kita kagabi. Halos wala akong makita sa sobrang maga ng mata ko. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Pumasok ako ng cr at tinignan ang balcony, nagbabaka sakaling andun ka pa at prank lang lahat. Pero hindi kita nakita.
Kinuha ko cellphone ko at tulad ng inasahan ko, chinat moko. “Sorry, nauna na ko. Hindi ko rin kase alam kung paano ka harapin ... “ As usual long message. Dun ka mahilig. Hindi ko na tinapos basahin, wala namang magbabago.
Pareho tayong galing sa broken family, kaya pareho nating ayaw dun. Kaya nga ayaw rin nating magbaby muna dba? Kaya naiintindihan ko kung bakit sya ang pinili mo. Sa tagal nating magkasama, alam kong yan ang magiging desisyon mo. Bonus nalang na ex mo yan, at alam kong minahal mo yan bago ako. Kaya hindi na ganun kahirap sayong ipagpalit ako.
Maraming tanong ang tumatakbo sa utak ko
“bakit satin pa nangyari to?”
“bakit ka nagloko? bat moko niloko?”
“San ba ko nagkulang?”
“Kelan pa? Bakit umabot pa sa puntong magbunga pagkakamali mo?”
Pero wala. Hindi ko rin alam kung paano pa tanggapin kung sakaling sagutin mo. Durog na durog na ko. Hindi ko alam kung san ako magsisimula. Lahat ng pangarap ko, kasama ka. Pero tutuparin ko na yata lahat yun mag isa.
Lumipas ang bagong taon na wala parin ako sa sarili. Hindi na tayo nagkita simula ng gabing yun. Lahat ng gamit ko sa apartment mo nakuha ko na. May susi naman ako, at alam ko naman kung kelan ka wala sa apartment mo. Ininform mo rin ako na aalis ka na dun kase kelangan ka ng mag ina mo.
Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Sa isang iglap nagbago lahat. I started to hate Christmas break. I started to hate all men. I started to hate you but I always end up thinking how good you are nung tayo pa. Memories are killing me each day.
Hindi ko alam kung minalas ka dahil sa dinami dami ng babae, dun ka pa sa ex mo kung saan may striktong pamilya. Natali ka ng wala sa plano. Nabalitaan ko sa mga tropa mo na ikakasal kana. Miski sila nagulat sa nangyari nung cinongrats nila ako pero wala akong ideya sa engagement na sinasabi nila. Hindi pala nila alam na sa iba ka ikakasal. Hindi ka nagpost sa social media about your upcoming wedding. Friends pa pala tayo sa fb? hindi moko inunfriend. Bilang lang yata inembeta mo sa kasal mo. Biglaan eh. Curious tuloy ako kung sinu-sino sila since your friends are my friends too.
It’s been months my love. I am still recovering from the pain na iniwan mo. ECQ sucks. Holy week sucks. Ramdam na ramdam kong mag isa lang ako. Lahat ng nakikita at naririnig ko, naaalala kita. I don’t know how? when? where should i start to move on.
I keep on wishing and praying to God that He will give me more strength to endure the pain. I also pray that God will guide you everyday. Kilala kita, alam kong nasira din plano mo sa sarili mo. But everything happens for a reason. I hope someday makikita ko rin yung rason sa lahat ng to.
Please be happy my love. Hindi na ako nanggulo. Don’t make me regret for easily letting you go. Till’ we cross path again. I love you. I still do.
KC
2015
Psychology
FEU

POLO II

(PART 2)

Tulad ng binitawan kong salita, bumalik ako kinabukasan. Wala parin sa sarili. Napagdesisyonan nating pag usapan ang nangyari kaharap ang dalawang bote ng alak.
Kalagitnaan ng pag iinom natin, tinanong kita.
“Bakit ka nakipagkita sa kanya?” alam mo kung sinong tinutukoy ko. Pero halatang hindi mo inaasahan ang biglaang pagtatanong ko. “I’m sorry babe , di ko kase masabi sayo kase alam kong magseselos ka. Tumawag kase sya sakin nung nakaraan sabi nya may kelangan lang daw sya ...” marami ka pang sinabi at paulit ulit na nagsosorry.
Alam ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal. At alam ko rin kung gaano kasakit kung iiwan moko. Kaya pinaniwalaan kita. Pinakinggan ko lahat ng paliwanag mo. Kaya pagkatapos ng gabing yun naging okay tayo. Balik normal lahat ng kilos mo, mas naging malambing pa nga. Kaya kahit nahihirapan akong ibalik sa dati ang tiwala ko, sinubukan ko, pinilit ko, para sa relasyon natin.
Dumaan ang ilang araw, kitang kita ko kung paano ka bumawi. Magpapasko na rin at mag te-three year anniversary na tayo. Sobrang saya ko kase sabi mo sa inyo tayo sasalubong ng pasko at didiretso tayong tagaytay para sa anniversary natin. Nakakatuwa lang kase ikaw lahat nag asikaso. Kahit sabi ko sayong tutulungan kita pero sabi mo, ikaw na bahala.
Dumating ang araw ng pasko. Walang mapaglayan yung tuwa ko dahil sinalubong natin ung pasko kasama ang pamilya mo. Tanggap na tanggap ako sa inyo. Biniro pa nga tayo kung kelan natin balak magpakasal. Ngumiti kalang sabay sabing “malapit na”. Kinilig ako dahil alam kong may plano ka para sa kinabukasan nating dalawa.
Mga alas 3 ng umaga umalis tayo sa inyo at dumiretso ng tagaytay. Ang ganda ng hinanda mo. May pa candle light dinner kapang nalalaman. Mas lalo kong naramdaman kung gaano mo ko kamahal dahil sa mga efforts mo.
“Maramiiingg thankkk youuu babbbee” tuwang tuwang sabi ko habang yumakap sayo. Pero parang di ka mapakali. “What’s the problem babe?” I asked you. “I’m okay babe. Ang saya ko lang na nakikita kitang masaya. Dapat ganyang ngiti lang lagi ha. Mas lalo kang gumaganda ...” maiyak iyak mo pang sabi. Feeling ko tuloy mas may bonggang surprise kapa sakin dahil sa mga kinikilos mo. Pumasok sa isip ko na baka engagement ring na ibibigay mo. Yay! Wala eh, I assumed kase ang perfect ng place na napili mo. First time natin sa ganto.
Marami tayong ginawa buong araw. Marami kang pakulo. Kaya pagod na pagod ako. Pagbalik natin sa hotel room, may surpresa ka pang hinanda sakin. Your gift for our anniversary. Of course, binigay ko din yung regalo ko sayo. Simpleng relo lang na pinag iponan mo simula pa nung nakaraang taon pero di mo mabili bili dahil sa dami ng gastusin.
Magmamadaling araw na, umupo tayo sa may balcony. “Happy Anniversary babe” sincerong sabi ko. Pero hindi ka sumagot. Akala ko hindi mo narinig kase nakayuko ka, kaya inangat ko ulo mo. Pero laking gulat ko nung nakitang kong sunod sunod tumulo mga luha mo kasunod ng paulit ulit na paghingi mo ng tawad.
“Babeee, bakit ...”
Hindi ko matuloy tuloy yung sinasabi ko kase iba ang pakiramdam ko sa nangyayari.
“Kc...”
Bigla akong nanlamig sa sinasabi mo. Tinawag moko sa pangalan ko.
“Kc, sorry. Let’s break up amicably . Buntis si **** ....” nabingi ako. Paulit ulit na nagpe-play sa utak ko ang huling katagang narinig ko. Hindi ko na narinig ang kasunod na mga sinabi mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapagsalita. Tanging hagulgol mo lang at paghihikbi ko ang maririnig sa loob ng kwartong tinutuluyan natin.
PS: Sorry po napahaba. Sesend ko nalang po ulit yung kasunod. Pasensya narin po kung natagalan yung part 2. Hindi ko pa talaga kayang ikwento nung nakaraan. Sa mga nagtatanong po, yes okay lang po ako ngayon, humihinga pa.
KC
2015
Psychology
FEU

POLO

December 18, 2020. Another normal day for the both of us. As usual friday, our favorite day kase kinabukasan day off natin parehas, rest day as well as babe time. Pero this week medyo iba kase you requested for a leave last wednesday kaya medyo nakapagpahinga ka.

We are both working in Metro Manila but your apartment is somewhere in Cavite. Kaya every friday i always go home in Cavite instead in Paranaque where i lived. As i said this day is another normal day but it is quite different. You're like not interested to see me than the usual friday night na sinusundo moko para sabay tayo umuwi or tinawagan moko kung san na ko. You just texted me "ingat ka papunta" as a reply sa sinabi kong "medyo late ako , OT one hour" .
I thought it was just my mood swings or you know, hormones kaya nag iinarte ako ng ganun. May nararamdaman akong kakaiba but i managed to discard my negative thoughts. Things went well and i reach your apartment around 8pm. Nakakagulat lang kase hindi moko sinalubong ng yakap tulad ng parati mong ginagawa pagkapasok ko sa apartment mo.
Hindi ko nalang pinansin, kase nakikita ko namang busy ka sa pagluluto ng dinner natin. Nginitian mo naman ako as a sign na napansin mo presence ko.
Tulad ng nakagawian , inayos ko mga gamit mo bago ako magpahinga. Napansin kong medyo makalat ang apartment. Pati yung polo mo na ginamit mo nung wednesday nung sinabi mong nakipagkita ka sa kaibigan mo, nakakalat pa sa higaan. Stress ka yata sobra sa trabaho.
Pagkatapos kong maglinis, umupo na ko sa kama. Nag sscroll sa social media habang iniintay na matapos kang magluto. Habang nanunuod ako ng videos sa tiktok biglang tumunog yung phone mo, and out of curiosity binuksan ko messenger mo para sana tignan kung sinong nag message dun. ( normal sating magbukas ng phone ng isa't isa , we even have passwords sa mga social media accounts natin, sadyang hindi lang natin binubuksan kase may tiwala tayo sa isa't isa -- it is just for emergency purposes).
But that night made me questioned myself , tama ba na pinagkatiwalaan kita? The moment i saw your ex message you saying " thanks for the time last wednesday, nag enjoy ako sobra" with stolen pic of yours , nanghina ako. Kusang bumuo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin. I open the picture and i observe how genuine your smile while you are eating, wearing your favorite polo na niregalo ko sayo. You even sent me a selfie last wednesday saying "ang ganda talaga ng polo na binigay mo sakin babe , nakakadagdag pogi points". Natuwa pa ako kase realtalk, bagay sayo pero hindi pala para sakin ang pag aayos mo.
Wala sa isip nareplyan ko yung message ng "hahaha". Ewan ko kung san ako natatawa, sa message mo o sa sarili ko kase i never expect this to happen. Alam mong selosa ako , kaya pinapakita mo sakin na wala akong dapat ikakaselos. Lalong lalo na sa ex. Binlock mo pa nga sya sa facebook para hindi na makapagmessage sayo.
Nagtyping na ex mo, pero bago pa sya magreply nilagay ko sya sa ignored message. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, basta ang nasa isip ko ayoko munang malaman mo ngayon na nag message sya. Ayoko ring idelete kase nasa usapan din natin yun na pwedeng magbasa ng messages sa isa't isa pero hindi pwedeng mangealam/magdedelete.
Naluha ako. Pero ayokong masira tayo dahil lang sa pangyayaring yun. Mag te-three year anniversarry na tayo sa pasko, sa susunod na lingo na yun tapos mag aaway pa tayo? Kahit naiiyak ako, nilakasan ko loob ko. Lumapit ako sayo at niyakap ka ng nakatalikod. Ayokong humarap sayo kase alam kong mapapansin mong namumula mata ko. Niyakap kita at hindi nga ako nagkamali, napansin mong may kakaiba sakin.
You asked me "what's wrong?".
"Can i go home today, parang gusto ko munang mapag isa" mahinang sagot ko.
Halatang gulat ka kaya nilingon moko agad at hinawakan mukha ko sabay tanong "Why? Okay ka lang ba? Anyari, tell me. I am willing to listen, nasigawan ka na naman ba ng boss mo? "
Tumulo luha ko. Tumalikod ako sabay sabing " Please just for today gusto ko munang mapag isa, babalik ako bukas ng gabi"
KC
2015
Psychology
FEU

Monday, March 29, 2021

HEAVEN KNOWS

Ken and I are friends since first day of school. He's the one na mahilig mang-asar, mangiliti, magpatawa, annoying, but sometimes in a while, I realized he's a sweet one. I'm the opposite. Since elementary, they're making a fuss about us being a couple. Siya lang yung lalaking pumupunta sa birthday ko, graduation treat, even birthday ng kapatid ko. Sabi pa nila, naging kaliwete ako dahil ginaya ko siya noong kinder dahil wala namang kaliwete sa mga magulang ko, but I don't really remember how I ended being a left-handed. He loves math as I do, so we'd been always in one place. So much memories yet I can't spill out. Hanggang sa naghighschool kami nagkahiwalay kami ng school, and naging priority ko na ang pag-aaral. I can recall chatting with him sometime and meeting him personally... until we matured.

My friend said we're "MU", 'we were... but we didn't talk about it' I thought. He matured a lot and sometimes it's getting awkward. Hindi ko alam kung ako lang ba, pero awkward na din kaming dalawa simula nung naging girlfriend niya yung highschool friend ko. Nagkakasama pa din kami ngayon, occasionally. But I know it's getting worse when I start talking to one of our schoolmates in elem, which is his best friend. Nalibang ako that time, he's just so nice and he doesn't deserve to be hurt. But I know I'm hurting him. Since the time Ken lend his hand to dance with me ( not the time we'd been dancing since we we're partner in almost event in school), I swear to God he's the one I want to be my first boyfriend. Pero kinalimutan ko na yun nang naging girlfriend niya kaibigan ko. They didn't know about it at hindi ko sila pinapakialaman.
I just don't know what I am feeling. I still get jealous thinking you got a girl now but whenever our eyes met, they'rere telling something your mouth can't. I feel like a fool. Am I just imagining it?
I feel happy when I'm with his bestfriend, pero may isang beses na sinabi niya na binalak ni Ken na ligawan ako and damn my mind got wilder, 'what if totoo? What if he's my boyfriend now? Will I be at peace?' Only heaven knows And yes, sinasaktan ko na naman ang lalaking nandyan sa tabi ko at ang kaibigan ko. I should do nothing, just feel the pain, but Ken, if someday we will meet again, after few more years, I could still hear your heart, and everything is fine, please be sincere.
Positive
2020
unknown
unknown

FEW TIPS TO MAKE YOUR RELATIONSHIP LAST LONG:

1. Be Honest. (You need to be honest with your partner. Honesty is really important in all aspects. Pag wala ito, then don't expect na mag go-grow yung relasyon ninyo. Choose to be honest rather than lying. Di naman mahirap yun.)

2. Be Real. (If your partner really loves you, kahit ano kapa at sino kapa at kung ano pa yung mga nakaraan mo, tatanggapin ka nyan. Being real will help you bring the best in you. Wag kang mag hesitate na magpakatotoo sa partner mo. Let him/her know and see the real you. Deserve din ng partner mo yun.)
3. Be Open. (Learn to be open with your partner sa kahit anong aspeto. Mapa feelings man yan, mga iniisip mo, mga plano sa buhay and all, always choose to be open. Para aware siya at alam niya kung anong tumatakbo sa isipan mo.)
4. Be Faithful. (Eto yung kadalasan na hindi na-aapply ng isang relasyon. You may be loyal but not faithful. Pwedeng sya lang yung jowa mo pero may ka $3× ka palang iba. Nag chicheat ka pala. Dun palang, wala kanang silbi sa relasyon.)
5. Always learn to accept your indifferences. (This one is really important. You should know na yung partner mo eh hindi sa lahat ng pagkakataon ay magkapareho kayo. May mga bagay talaga na nangyayari wherein di kayo on the same spot. And dun palang, you need to respect that. Respect his/her indifferences.)
6. Learn to talk the things that you both need to improve. (Kung napapansin mong may mga bagay sa partner mo na need ng improvement, pag usapan ninyo. Maging open kayo sa isa't isa and make a deal to improve it. Kasi dun ninyo makukuha ang pagiging better sa isa't isa at sa mga sarili ninyo.)
7. Be Understanding. (You should always know na hindi sa lahat ng pagkakataon, sayo umiikot yung oras at atensyon ng partner mo. You need to accept the fact na they also need time with their self, time with their family and friends. You need to understand that personal space still matters.)
8. Learn to trust. (This one is also crucial. Dapat pag pumasok ka sa isang relasyon, handa kang magtiwala at pagkatiwalaan ang partner mo. If you've been into previous relationship wherein you got cheated, give time for yourself muna to heal. Mahalin mo muna ang sarili mo at matuto ka ulit magtiwala sa sarili mo bago ka magtiwala sa iba. Pag na achieve mo yun, then I tell you, di na mahirap para sayo ang pagkatiwalaan yung partner mo.)
9. Build dreams and goals together. (Always make sure na may dreams and goals kayo together. Plan those things and put action to it para tulungan kayong dalawa to be successful.)
10. PUT GOD AS THE CENTER OF YOUR RELATIONSHIP. (This is the most important thing that y'all need to do and to apply. Wag na wag ninyong kakalimutan na pag may God sa center ng relationship ninyo, then everything will fall at its right place.)
And the list goes on. Dagdag nalang kayo pag meron pang hindi na mention dito