(PART 2)
Tulad ng binitawan kong salita, bumalik ako kinabukasan. Wala parin sa sarili. Napagdesisyonan nating pag usapan ang nangyari kaharap ang dalawang bote ng alak.
Kalagitnaan ng pag iinom natin, tinanong kita.
“Bakit ka nakipagkita sa kanya?” alam mo kung sinong tinutukoy ko. Pero halatang hindi mo inaasahan ang biglaang pagtatanong ko. “I’m sorry babe , di ko kase masabi sayo kase alam kong magseselos ka. Tumawag kase sya sakin nung nakaraan sabi nya may kelangan lang daw sya ...” marami ka pang sinabi at paulit ulit na nagsosorry.
Alam ko sa sarili ko kung gaano kita kamahal. At alam ko rin kung gaano kasakit kung iiwan moko. Kaya pinaniwalaan kita. Pinakinggan ko lahat ng paliwanag mo. Kaya pagkatapos ng gabing yun naging okay tayo. Balik normal lahat ng kilos mo, mas naging malambing pa nga. Kaya kahit nahihirapan akong ibalik sa dati ang tiwala ko, sinubukan ko, pinilit ko, para sa relasyon natin.
Dumaan ang ilang araw, kitang kita ko kung paano ka bumawi. Magpapasko na rin at mag te-three year anniversary na tayo. Sobrang saya ko kase sabi mo sa inyo tayo sasalubong ng pasko at didiretso tayong tagaytay para sa anniversary natin. Nakakatuwa lang kase ikaw lahat nag asikaso. Kahit sabi ko sayong tutulungan kita pero sabi mo, ikaw na bahala.
Dumating ang araw ng pasko. Walang mapaglayan yung tuwa ko dahil sinalubong natin ung pasko kasama ang pamilya mo. Tanggap na tanggap ako sa inyo. Biniro pa nga tayo kung kelan natin balak magpakasal. Ngumiti kalang sabay sabing “malapit na”. Kinilig ako dahil alam kong may plano ka para sa kinabukasan nating dalawa.
Mga alas 3 ng umaga umalis tayo sa inyo at dumiretso ng tagaytay. Ang ganda ng hinanda mo. May pa candle light dinner kapang nalalaman. Mas lalo kong naramdaman kung gaano mo ko kamahal dahil sa mga efforts mo.
“Maramiiingg thankkk youuu babbbee” tuwang tuwang sabi ko habang yumakap sayo. Pero parang di ka mapakali. “What’s the problem babe?” I asked you. “I’m okay babe. Ang saya ko lang na nakikita kitang masaya. Dapat ganyang ngiti lang lagi ha. Mas lalo kang gumaganda ...” maiyak iyak mo pang sabi. Feeling ko tuloy mas may bonggang surprise kapa sakin dahil sa mga kinikilos mo. Pumasok sa isip ko na baka engagement ring na ibibigay mo. Yay! Wala eh, I assumed kase ang perfect ng place na napili mo. First time natin sa ganto.
Marami tayong ginawa buong araw. Marami kang pakulo. Kaya pagod na pagod ako. Pagbalik natin sa hotel room, may surpresa ka pang hinanda sakin. Your gift for our anniversary. Of course, binigay ko din yung regalo ko sayo. Simpleng relo lang na pinag iponan mo simula pa nung nakaraang taon pero di mo mabili bili dahil sa dami ng gastusin.
Magmamadaling araw na, umupo tayo sa may balcony. “Happy Anniversary babe” sincerong sabi ko. Pero hindi ka sumagot. Akala ko hindi mo narinig kase nakayuko ka, kaya inangat ko ulo mo. Pero laking gulat ko nung nakitang kong sunod sunod tumulo mga luha mo kasunod ng paulit ulit na paghingi mo ng tawad.
“Babeee, bakit ...”
Hindi ko matuloy tuloy yung sinasabi ko kase iba ang pakiramdam ko sa nangyayari.
“Kc...”
Bigla akong nanlamig sa sinasabi mo. Tinawag moko sa pangalan ko.
“Kc, sorry. Let’s break up amicably . Buntis si **** ....” nabingi ako. Paulit ulit na nagpe-play sa utak ko ang huling katagang narinig ko. Hindi ko na narinig ang kasunod na mga sinabi mo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makapagsalita. Tanging hagulgol mo lang at paghihikbi ko ang maririnig sa loob ng kwartong tinutuluyan natin.
PS: Sorry po napahaba. Sesend ko nalang po ulit yung kasunod. Pasensya narin po kung natagalan yung part 2. Hindi ko pa talaga kayang ikwento nung nakaraan. Sa mga nagtatanong po, yes okay lang po ako ngayon, humihinga pa.
KC
2015
Psychology
FEU
No comments:
Post a Comment