December 18, 2020. Another normal day for the both of us. As usual friday, our favorite day kase kinabukasan day off natin parehas, rest day as well as babe time. Pero this week medyo iba kase you requested for a leave last wednesday kaya medyo nakapagpahinga ka.
We are both working in Metro Manila but your apartment is somewhere in Cavite. Kaya every friday i always go home in Cavite instead in Paranaque where i lived. As i said this day is another normal day but it is quite different. You're like not interested to see me than the usual friday night na sinusundo moko para sabay tayo umuwi or tinawagan moko kung san na ko. You just texted me "ingat ka papunta" as a reply sa sinabi kong "medyo late ako , OT one hour" .
I thought it was just my mood swings or you know, hormones kaya nag iinarte ako ng ganun. May nararamdaman akong kakaiba but i managed to discard my negative thoughts. Things went well and i reach your apartment around 8pm. Nakakagulat lang kase hindi moko sinalubong ng yakap tulad ng parati mong ginagawa pagkapasok ko sa apartment mo.
Hindi ko nalang pinansin, kase nakikita ko namang busy ka sa pagluluto ng dinner natin. Nginitian mo naman ako as a sign na napansin mo presence ko.
Tulad ng nakagawian , inayos ko mga gamit mo bago ako magpahinga. Napansin kong medyo makalat ang apartment. Pati yung polo mo na ginamit mo nung wednesday nung sinabi mong nakipagkita ka sa kaibigan mo, nakakalat pa sa higaan. Stress ka yata sobra sa trabaho.
Pagkatapos kong maglinis, umupo na ko sa kama. Nag sscroll sa social media habang iniintay na matapos kang magluto. Habang nanunuod ako ng videos sa tiktok biglang tumunog yung phone mo, and out of curiosity binuksan ko messenger mo para sana tignan kung sinong nag message dun. ( normal sating magbukas ng phone ng isa't isa , we even have passwords sa mga social media accounts natin, sadyang hindi lang natin binubuksan kase may tiwala tayo sa isa't isa -- it is just for emergency purposes).
But that night made me questioned myself , tama ba na pinagkatiwalaan kita? The moment i saw your ex message you saying " thanks for the time last wednesday, nag enjoy ako sobra" with stolen pic of yours , nanghina ako. Kusang bumuo ang mga luha sa mata ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin at gagawin. I open the picture and i observe how genuine your smile while you are eating, wearing your favorite polo na niregalo ko sayo. You even sent me a selfie last wednesday saying "ang ganda talaga ng polo na binigay mo sakin babe , nakakadagdag pogi points". Natuwa pa ako kase realtalk, bagay sayo pero hindi pala para sakin ang pag aayos mo.
Wala sa isip nareplyan ko yung message ng "hahaha". Ewan ko kung san ako natatawa, sa message mo o sa sarili ko kase i never expect this to happen. Alam mong selosa ako , kaya pinapakita mo sakin na wala akong dapat ikakaselos. Lalong lalo na sa ex. Binlock mo pa nga sya sa facebook para hindi na makapagmessage sayo.
Nagtyping na ex mo, pero bago pa sya magreply nilagay ko sya sa ignored message. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yun, basta ang nasa isip ko ayoko munang malaman mo ngayon na nag message sya. Ayoko ring idelete kase nasa usapan din natin yun na pwedeng magbasa ng messages sa isa't isa pero hindi pwedeng mangealam/magdedelete.
Naluha ako. Pero ayokong masira tayo dahil lang sa pangyayaring yun. Mag te-three year anniversarry na tayo sa pasko, sa susunod na lingo na yun tapos mag aaway pa tayo? Kahit naiiyak ako, nilakasan ko loob ko. Lumapit ako sayo at niyakap ka ng nakatalikod. Ayokong humarap sayo kase alam kong mapapansin mong namumula mata ko. Niyakap kita at hindi nga ako nagkamali, napansin mong may kakaiba sakin.
You asked me "what's wrong?".
"Can i go home today, parang gusto ko munang mapag isa" mahinang sagot ko.
Halatang gulat ka kaya nilingon moko agad at hinawakan mukha ko sabay tanong "Why? Okay ka lang ba? Anyari, tell me. I am willing to listen, nasigawan ka na naman ba ng boss mo? "
Tumulo luha ko. Tumalikod ako sabay sabing " Please just for today gusto ko munang mapag isa, babalik ako bukas ng gabi"
KC
2015
Psychology
FEU
No comments:
Post a Comment