Tuesday, November 3, 2020

ISSUE

        Share ko lang po eto, sobrang bigat na po kase chos. So ayon simulan po natin sa pinakaumpisa, ako nga pala si Ash, not my real name. May nakilala po ako 4 months ago, he is Tris. Anak po sya ng may-ari ng bahay na inuupahan ng tita ko. Dko po sya kilala, taong bahay po kase ako. And then one time may binili po ako sa kanila, tapos nandon po sya. Tinanong nya po ako about doon sa WiFi kung malakas daw ba since nag oonline class ako at sa kanila kame nakikikonek. Sinagot ko naman sya, at umuwe nako. Kinabukasan nagulat ako may kumakatok sa bahay tapos tinatawag pangalan ko. Edi ayon binuksan ko, tapos bumungad sakin mukha nya. Tapos inabutan nya ako ng 1 box of donuts, tinanong ko kung bakit nya ako binigyan. Ang sabe nya dalawang box daw kase nabili nya, d naman daw nila naubos Kaya saken nalang daw po yung isang box ng donuts. So ayon po tinanggap ko since sinabe dn saken ni tita na mabait lang daw si tris. And then after that sinabe nya saken na "sige sa chat nalang replyanan mo ako ahh?". He left me shocked, kase dko naman po alam na kaibigan ko po pala yon sa fb. Then ayon po mins. passed may nagmessage saken. Tinignan ko sya nga po, at may previous message po sya na dko pinansin before.

       Simula nyan nag uusap kame pero minsan lang po, hanggang sa nag aaya na po sya gumala. So dahil nga po estudyante ang lola nyo kaya may reason ako para tumanggi. So ayon last night mga around 6pm niyaya nya ako bili daw kame ng food for dinner (Sa taas lang naman namin, kaya malapit lang). So sumama po si ate mo girl, syempre wala lang saken yon. Kasi para sakin tropa ko na sya e, so go po since wala naman na ako ginagawa. And then when we are on our way nakasalubong namin mama nya nagpapahinga (pagod sa jogging). Kinabahan po ako baka ano isipin nya, pero ngumiti lang naman mama nya at tinanong kung saan daw kame pupunta. Sinabe naman nya na may bibilhin lang, tapos ngumiti mama nya. Edi nawala din kaba ko panatag na si ate mong girl non. 

        Fast forward hinatid pa ako ni Tris sa bahay, mga 1 hour ago may kumakatok hinahanap ako.  Biglang bumungad saken mukha ng mama nya g na g bes. Tinanong nya ako kung ano ko daw ba anak nya, bakit daw kame magkasama, ano daw ba intention ko. Mga ganong tanungan, so sinagot ko naman. At guys dahil nga close minded yung mama nya di nya ko pinaniwalaan. Sinabihan pa ako na gagamitin ko lang daw anak nya, peperahan, at kung ano ano pang masasakit na salita. Pinagmalaki pa nya na professional daw anak nya, sinagot ko naman ng "Malamang matanda na yon e Kaya professional na talaga at may narating na sa buhay" 

      30 years old na po si Tris at graduated po ng IT. Samantalang ako 20 years old lang and still studying po 2nd year college. Pero wala po ako balak mag jowa since nbsb po ako kaya sanay akong single at tropa lang po talaga tingin ko don since mabait po sya sakin.

      At eto pa guys ang kinagulat ko may nakalkal na chismis yung mama nya about sakin na wala naman katotohanan. Pero pinipilit nya na aminin ko yon edi nabadtrip din ako, ang kitid po kasi mga bes ng utak nya e. Lahat daw ng sasabihin ng ibang tao na kapwa nya chismosa papaniwalaan nya kasi yon daw nakikita nila. Issue maker lang po talaga sya, di ko po kinaya yung level ng utak nya. Sinabihan pa nya ako ng "kung matino kang babae di ka sasama sa anak ko". Parang pinapalabas nya na madumi akong babae, eh samantalang sya yung ganon. 

       Opo maduming babae po yon, kita mismo ng dalawang  mata ko yung pangangabit nya sa isa nilang boarders. Kawawa naman asawa non niloloko at ginagago lang pero labas ako sa issue na yon. Nakakagulat lang na sasabihan nya ako ng ganon eh samantalang sya naman talaga yung maduming babae at makasalanan. Blinock ko po si Tris since ayaw ko po ng gulo at lilipat na din po kami ng mauupahan ng tita ko (now). Nakita agad siguro ni Tris na nakablock na sya sakin kaya pinuntahan po ako sa bahay at humingi ng sorry sa Kung ano man nagawa nya at kung pwede daw unblock ko na sya. Di ko po sinabe yung about sa mama nya pero nalaman nya po ata sa kapitbahay namin since grabe po bunganga ng mama nya.

      Kaya pangalawang balik nya is sinabe nya saken na pinagsabihan na daw nya mama nya at nag usap na sila kaya unblock ko na daw. Last night lang po nangyare yan lahat  pero until now di ko pa po sya inaunblock. Di din ako nakatulog dahil sa nangyare sobra ako nasaktan sa pang dadown ng mama nya. Tapos sasabihin nya saken na "Mahal ko lang anak ko kaya protective ako don, ayoko mapunta yon sa kung sinong babae lang lalo na sayo". 

        Parang bumaba tingin ko sa sarili ko pagkarinig ko non mga bes. Alam nyo yung feeling na parang gusto mo nalang magpalit ng mukha dahil sa kahihiyan. Kung pwede lang sana, kahit mukha ng aso go na ako. 

       Ewan mga bes sobrang gulo na ng utak ko ngayon penge po advice, kase di ko na po alam kung anong mukha pa po ihaharap sa labas e. First time ko po kasi maranasan to e, ganito pala feeling ng  ma-issue nakakadepress at nakakawala ng gana mabuhay.



Ash

2020

Bs Accountancy

Others


BUHAY KO BILANG WORKING STUDENT NGAYON

     Hi! I am a modular student Gr.12, I just wanna share my experiences on answering my modules while working. Payo lang din.

Naguumpisa ang work ko ng 11am (minsan 10:30 am) matatapos ng 10 pm (minsan 9 pasado, maaga aga), maswerte ka na kapag natapos ka ng maaga kasi madadagdagan ang oras para makapag aral. I can say na sobrang hirap yung tipong sa tuwing matatapos yung work ko hinihiling ko na sana magstop yung oras para naman makapagpahinga ako, kasi 11hrs nakaupo ka nakaharap sa pc to do your works, yung mata mo humihingi na ng pahinga, yung likod mo nanghihihingi na ng malambot na higaan, yung puwetan mo namamanhid na tapos minsan late ka na makakain or di na makakakain kasi sobrang busy sa work. Pero yung oras na ipapahinga ko inilalalaan ko sa pagsasagot  ng modules kasi kailangan umabot sa deadline pero ako always na lang akong late ng one week sa pasahan. Malaki ang pasasalamat ko sa mga teachers ko now kasi kahit two weeks na yung araw para makapagsagot still they accepted my answers kahit late. 

      Mahirap minsan di ko na kinakaya, umiiyak na ko hindi dahil di ko na nasasagutan yung mga modules ko kundi dahil gusto ko na magpahinga. Siguro ito yung proplema ng karamihan sa istudyante, yung pahinga. Oo lahat tayong istudyante ngayon ay nahihirapan pero sana wag nyong maisipan na magsuicide, isipin mo modules ang tatapos sa buhay mo di ba nakakapanghinayang? Di ko rin masisisi yung mga nakikita kong post na nagsuicide daw dahil sa modules dahil malay ko ba baka iba pala yung rason kung bakit humantong sila sa ganon? naging reason lang ay modules.

       Kaya to my co-students if di nyo na kaya, magpahinga kayo pero wag habang buhay. Rest, need natin yan. Okay lang kung hindi nyo matapos ang modules nyo, okay lang kung wala kayong sagot sa oras na ng pasahan, pwede kayong magsabi sa mga teachers nyo na kung ayos lang bang malate or kung di nyo naman maintindihan mag ask kayo ng tulong sa mga teachers nyo. Di naman nakakahiyang magtanong right? Ako aminado akong di ako nagtatanong sa mga teachers ko kahit di ko magets yung mga lessons pero sa mga kaklase or sa mga kakilala ko nag a-ask ako about sa ganto or ganyan. Kahit di ko pa rin magets go pa rin sagot pa rin ako kahit malayo na yung sagot ko. Kapag di ko na kaya tinutulog ko or nanonood ako ng kung ano yung sa tingin ko na magpapasaya sakin kasi sometimes you need to take a break sa mga ginagawa natin. Don't stress yourself do something that can make you forget about your sadness.

       Kasi kapag yung problema mo pinroblema mo parang dumodoble yung hirap to solve it. Tsaka sabi nga sa church namin "if you have a problem, dont mind it. That's not your only fight but fight with God. God is the one who will fight with you,because fighting with God will never lose but win", means always trust to God,because God has a beautiful plan for your life. 

"don't be afraid, just believe." -mark 5:36

"I am the light of world. Whoever follows me will not walk in Darkness but will have the Light of life" - John 8:12



an-nown

2020-2021

ABM 

Others 

BREADWINNER TO BASURA (REALQUICK)

Hi. Ako po si Jen, 18 years old. Nakatira somewhere in Manila. Hindi po ako magaling magkwento pero wala na akong mapagsasabihan nito. Lumaki po akong masasabing school-centered talaga. Graduated akong veledictorian sa elementary at with honors nung junior high. Graduated din po akong With Highest Honors nung senior high. Growing up, sawang sawa na pakinggan ng mga kapatid ko ang compliment sa akin ni mama. Kesyo ang talino ko daw, laman sya ng stage at nakikilala daw sya ng ibang tao dahil saken. Sobrang proud na proud sya. Pero saken ay wala lang iyon dahil never nya ako prinessure sa acads. Nag eenjoy lang ako sa pag aaral and at the same time, nagkaka honor. Pero nagbago lahat simula noong tumigil ako ngayong college. Nahihirapan akong makipagsabayan sa iba dahil liblib sa lugar namin at mahina ang signal. Enrolled ako sa isang kilalang university sa manila pero nalockdown dito sa Laguna dahil dito kami nagbakasyon buong pamilya. At dahil online class, sinubukan kong mag aral kahit malayo ako sa school. Pero first day palang sobrang hirap na ako. Sobrang bagal ng wifi na kahit isang activity wala akong naipasa at hindi rin nakapag take ng midterm exam noong biyernes. Naiisip ko na kung babagsak din naman ako ay ititigil ko na nga lang agad. Napagdesisyunan kong magsabi na sa Admin at pumayag naman ito kase optional naman daw ang pag aaral sa ngayon. Masaya ako until sinabi ko ito kay mama. Halos mapaiyak ako sa sinabi nya na "Nakakahiya ka! kung ayaw mo mag aral edi magtrabaho ka nalang para may silbi ka saken!". Grabe, ayaw ko man sya sagutin pero pinagtanggol ko sarili ko kase una sa lahat, 18 palang ako. Bawal pa nga pumasok ng department store ang below 21 e. Pero wala, pag hindi ka pala maipagmamalaki, tingin nila sayo basura.

Jen

2020

College of Engineering


BIRTHDAY, ANO 'TO SUMPA?!

Hi, just wanna tell you my story last year atsaka ngayon. May crush kasi ako last year then nagsimula kami as a friend, close naman kami. Pati sya close kay mader atsaka sa mga relatives ko. Until iba na yung naramdaman ko sakanya, parang nahuhulog na ako sakanya. But I know na wala akong pag asa. Btw, he's 23 that time and 15 lang ako last year HAHAHAHAHA. Unang una, hindi na ako umasa, pero gusto kong malaman yung reaction niya kapag umamin ako. So ang ginawa ko, nagparinig ako sakanya thru facebook.. Im pretty sure na nakikita nya kasi nagrereact sya.. Hanggang sa nagpm sya sa akin (July 2019) ang sabi nya kapatid lang daw ang turing nya sa akin. Awit mga mars, "Kapatidzoned" ako HAHAHAHAHAHAHA. that time nag iba yung pakikitungo ko sakanya vice versa. Tapos eh makulit ako, ang ginawa ko todo padin ako sa pagpaparinig.. hanggang sa dumating yung birthday ko (November 2019) 16 na ako nun (g11), ginreet nya ako sa pm pero may halong sakit. Hindi nya daw talaga kayang suklian yung love na binibigay ko. Shet, bday na bday ko nun tapos na kapatidzoned ako diba? HAHAHAHA. hanggang sa nagpakalayo na sya then hindi ko na nakikita. One month passed, may dumating na taga dito sa amin from bacolod sya... Unang tingin ko sakanya para syang si Juanito Alfonso, pilipinong pilipino mga bes HAHAHAHAHAHAHA hanggang sa inutusan ko mga pinsan ko para makilala sya.. Then I got his name and some background info. Fast forward, naging friends kami sa fb pero hanggang doon lang. I think one month lang sya sa lugar namin kasi bumisita lang daw sya sa papa nya. Then ako naman gumawa ng paraan, nagsulat ako sa isang sticky note nakalagay don is "huwag ka ng umuwi ng bacolod" which is joke joke lang. tapos sinend ko sa isa kong friend. Then gulat ako kinabukasan sinend nya pala yon doon sa crush ko na bago.. Grabe andon pa yung hiya ko, wala akong choice kung hindi humingi ng sorry sabi naman nya oks lang daw. Umuwi ata sya January (second week) then umaasa pa din ako na pupunta ulit sya sa lugar namin kaso ang sabi ng mga pinsan ko, after 2 years pa daw. Fast forward, during lockdown kinamusta nya ako (april ata yun) then after 4 months nangamusta ulit sya (august 2020) hanggang sa nakausap ko sya this september. October 4, 2020 nakaisip ng kalokohan yung isa kong kaibigan, nagpm sya kay crush.. sinabi nya na ichat daw ako ng "goodluck sa firstday ng school" kasi crush ko daw yung guy na yon. Wala na naman akong nagawa kung hindi humingi ng sorry.. Then nag usap kami, like kamustahan ganon tas nagexplain ako na hindi ko na sya crush at nung march pa yon, although hanggang ngayon crush ko pa din sya. Sinabi ko nalang na kalimutan na yon dahil matagal nakong nakamove on sakanya (kachenahan ko hahaha) tas na end din convo namin.. but he greeted me "goodluck sa first day of school" that time, kinikilig ako pero alam kong inutusan lang sya ng friend ko.. Kinabukasan chinat pa pala ng kaibigan ko si crush, iniscreenshot nya convo namin proof na hindi ko na talaga sya crush at ex crush na turing ko sakanya.. Kahit na crush ko pa din sya, mas okay na sigurong ganom isipin nya diba? Then ang reply nya ata sa kaibigan ko is parang churchmate lang ang turing nya sa akin. Btw, 17 sya then 16 ako. Mas okay age gap nmin diba? Compare sa dati... Kaso na CHURCHMATEZONED AKO.. ang malas ko lang kasi naulit na naman, malapit pa sa bday ko.. So am I born to be alone? sabi ko nga sasagot nalang ako ng modules eh

-

-

pitchyyyy

g12-tangkayyyy

palaging zoned huhu

CONFESSION NG ISANG BABAERO (An answer for one of the confessions)

To my TOTGA, 

I still know that you are fond of this pages. Reading and following stuffs like this. Alam ko isang confession sayo galing. Alam na alam ko na ikaw yun at ako tinutukoy mo. I wasnt about to post this and made me think twice upon writing this down and you know naman that this isnt my thing. Pero its the only means na mabasa at makausap ka, you blocked me and you change numbers. Kahit kaibigan mo hindi ko mapakiusapan para lang macontact ka. Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi. I took you forgranted when we were together. 


I am an asshole. I fvck random girls for fun, flirt with anyone I could flirt with samantalang ikaw wala ka ginawa kundi mahalin ako at tanggapin nang paulit ulit. 

Naalala ko pa nung una kitang niligawan. You're the most unique girl i have ever met. Wala kang kaarte arte sa katawan, one of the boys, you stand out in your class kaya nakuha mo agad ang atensyon ko. You gave me a chance na patunayan na im sincere about what im getting into. Being with you, being your boyfriend is a gift. Naalala ko pa pinakilala mo ako sa daddy mo at family mo. You are very certain sa akin. Nakakahiya ako kasi tinanggap nila ako. Welcome na welcome ako sa family niyo. Lahat ng effort mo yung ikaw nag aaral ka pa ako nagtratrabaho na every week you prepared my snacks with sticky notes on it reminding how hapyy you are to have me. Despite you being so faithful and effortful sa akin. Ano sinukli ko sayo. 


Ako ito I party every night, do one night stand with any girl i met in the bar. Wala eh mayabang ako, gwapo, im well off. I thought i have everything and i could replace you anytime I want. Yung mas maganda, mas sexy and worthy of showing off. Nagdadamit ng girly. Naalala ko pa nung dapat nasa Singapore tayo for our first anniversary pinauna kita. Kasi i told you may meeting pa ko being the head engineer sa Office, naintindihan mo work ko. Napaka understanding at thoughtful amo. So you travelled alone and waited for me. Pero what did I really do that time is I just dated someone introduced by a friend, sino ba naman akong tatangi. Model si ateng. Pero naghintay ka pa din sa Singapore. Ito pa, ilang beses mo ko nahuling may alternate phone, dun ko nilalagay lahat ng babae ko pero pinapatawad mo ko. Ilang beses nacompromise ang pagaaral mo sa mga kag*guhan ko. Ang tanga tanga ko to waste my time on fooling around. Hinding hindi ko makalimutan paano ka naging part ng buhay ko. Isa pang katangahan ko yung dinala ko babae ko sa condo mo. I thought hindi ka pa uuwi. Sobrang nasaktan kita nun muntik na magfail yung standing mo as Cum Laude dahil sa katangahan . Oo g*go ako tarant*do and i dont deserve someone like you. Pero namanage mo ng maayos ang mga bagay. Sabi ko sa sarili ko hindi na kita sasaktan ulit. You graduated in top of your class proud na proud ako sayo. Pero ito nanaman ako Kailangan ko pumuntang Taiwan to help Daddy sa negosyo namin dun. Akala ko kakayanin ko . Umiral nanaman ang kag*guhan and that so called Li*og, ang daming magaganda dun nun. Nawalan ka din ksi oras sakin. Im just so stupid not to understand you. Nagpreprepare ka sa board exam nun. Akala ko napaka talino ko for you not to find out what im doing in Taiwan. Nasaktan nanaman kita. Nabalitaan ko tumigil ka  mag aral nawalan ka ng drive mag review nun eh malapit na ang board exam mo i fled back to see you and say sorry. Pero you're a tough woman tinanggap yung apology ko pero you didnt take me back. You decided na maglet go. Nabalitan ko na lang Engineer ka na din Mahal. Proud na proud nanaman ako. Pero alam mo kung ano pinagsisihan ko nun . I knew you supposed to Top the exam but you got distracted on what i did. Sorry wala na talaga akong mukhang ihaharap sayo. I wish you well. I tried to move on without you. Dalawang taon na ang nakakalilipas iniistalk pa rin kita mahal. Ilang babae na dinate ko ilang girlfriend na dumaan sakin pero hindi ko mahanap yung pagmamahal na binigay mo. Hanggang isang araw my mom told me na you're just around the corner i took the chance na baka makita kita ulit baka love is sweeter the second time around. You reach out to me and I really love it being next to you. Pero ito nanaman ang TAWAG NG LIB*G, may nirefer sakin high class walker, ako naman si g*go pinatulan ko nanaman kasi akala ko friends na lang tayo. That night  was superb. Worth the price. But i didnt know it would cost more than anything. Nasaktan nanaman kita. Ang g*go ko talaga. Sinayang ko nanaman yung chance na binibigay mo.


Ngayon masaya ka na and masakit sa akin kasi Im not the reason of that happiness anymore. You're moving on with your life plans without me and building your dreams with someone else. I really regret every moment I wasted with some random girls instead spending it with you. The life lessons Ive learn from you are worth keeping. Yung kagwapuhan, talino at pera it doesnt mean something anymore when you have no one to share it with. Kaya sana ingatan ka niya mahal wag kana papaloko sa tulad ko. Mayabang, matatamis na salita. Hanggang umpisa lang magaling. I hope you will find happiness in him.

Im now signing off as a certified babaero. 

Hindi lahat ng engineer g*go at babaero pero maraming tulad ko. Piliin mo sino pagtitiwalan mo.

NASA HULI LAGI ANG PAGSISISI.



LALAKING SINAYANG KA

201*

Electronics Engineering

Others