Share ko lang po eto, sobrang bigat na po kase chos. So ayon simulan po natin sa pinakaumpisa, ako nga pala si Ash, not my real name. May nakilala po ako 4 months ago, he is Tris. Anak po sya ng may-ari ng bahay na inuupahan ng tita ko. Dko po sya kilala, taong bahay po kase ako. And then one time may binili po ako sa kanila, tapos nandon po sya. Tinanong nya po ako about doon sa WiFi kung malakas daw ba since nag oonline class ako at sa kanila kame nakikikonek. Sinagot ko naman sya, at umuwe nako. Kinabukasan nagulat ako may kumakatok sa bahay tapos tinatawag pangalan ko. Edi ayon binuksan ko, tapos bumungad sakin mukha nya. Tapos inabutan nya ako ng 1 box of donuts, tinanong ko kung bakit nya ako binigyan. Ang sabe nya dalawang box daw kase nabili nya, d naman daw nila naubos Kaya saken nalang daw po yung isang box ng donuts. So ayon po tinanggap ko since sinabe dn saken ni tita na mabait lang daw si tris. And then after that sinabe nya saken na "sige sa chat nalang replyanan mo ako ahh?". He left me shocked, kase dko naman po alam na kaibigan ko po pala yon sa fb. Then ayon po mins. passed may nagmessage saken. Tinignan ko sya nga po, at may previous message po sya na dko pinansin before.
Simula nyan nag uusap kame pero minsan lang po, hanggang sa nag aaya na po sya gumala. So dahil nga po estudyante ang lola nyo kaya may reason ako para tumanggi. So ayon last night mga around 6pm niyaya nya ako bili daw kame ng food for dinner (Sa taas lang naman namin, kaya malapit lang). So sumama po si ate mo girl, syempre wala lang saken yon. Kasi para sakin tropa ko na sya e, so go po since wala naman na ako ginagawa. And then when we are on our way nakasalubong namin mama nya nagpapahinga (pagod sa jogging). Kinabahan po ako baka ano isipin nya, pero ngumiti lang naman mama nya at tinanong kung saan daw kame pupunta. Sinabe naman nya na may bibilhin lang, tapos ngumiti mama nya. Edi nawala din kaba ko panatag na si ate mong girl non.
Fast forward hinatid pa ako ni Tris sa bahay, mga 1 hour ago may kumakatok hinahanap ako. Biglang bumungad saken mukha ng mama nya g na g bes. Tinanong nya ako kung ano ko daw ba anak nya, bakit daw kame magkasama, ano daw ba intention ko. Mga ganong tanungan, so sinagot ko naman. At guys dahil nga close minded yung mama nya di nya ko pinaniwalaan. Sinabihan pa ako na gagamitin ko lang daw anak nya, peperahan, at kung ano ano pang masasakit na salita. Pinagmalaki pa nya na professional daw anak nya, sinagot ko naman ng "Malamang matanda na yon e Kaya professional na talaga at may narating na sa buhay"
30 years old na po si Tris at graduated po ng IT. Samantalang ako 20 years old lang and still studying po 2nd year college. Pero wala po ako balak mag jowa since nbsb po ako kaya sanay akong single at tropa lang po talaga tingin ko don since mabait po sya sakin.
At eto pa guys ang kinagulat ko may nakalkal na chismis yung mama nya about sakin na wala naman katotohanan. Pero pinipilit nya na aminin ko yon edi nabadtrip din ako, ang kitid po kasi mga bes ng utak nya e. Lahat daw ng sasabihin ng ibang tao na kapwa nya chismosa papaniwalaan nya kasi yon daw nakikita nila. Issue maker lang po talaga sya, di ko po kinaya yung level ng utak nya. Sinabihan pa nya ako ng "kung matino kang babae di ka sasama sa anak ko". Parang pinapalabas nya na madumi akong babae, eh samantalang sya yung ganon.
Opo maduming babae po yon, kita mismo ng dalawang mata ko yung pangangabit nya sa isa nilang boarders. Kawawa naman asawa non niloloko at ginagago lang pero labas ako sa issue na yon. Nakakagulat lang na sasabihan nya ako ng ganon eh samantalang sya naman talaga yung maduming babae at makasalanan. Blinock ko po si Tris since ayaw ko po ng gulo at lilipat na din po kami ng mauupahan ng tita ko (now). Nakita agad siguro ni Tris na nakablock na sya sakin kaya pinuntahan po ako sa bahay at humingi ng sorry sa Kung ano man nagawa nya at kung pwede daw unblock ko na sya. Di ko po sinabe yung about sa mama nya pero nalaman nya po ata sa kapitbahay namin since grabe po bunganga ng mama nya.
Kaya pangalawang balik nya is sinabe nya saken na pinagsabihan na daw nya mama nya at nag usap na sila kaya unblock ko na daw. Last night lang po nangyare yan lahat pero until now di ko pa po sya inaunblock. Di din ako nakatulog dahil sa nangyare sobra ako nasaktan sa pang dadown ng mama nya. Tapos sasabihin nya saken na "Mahal ko lang anak ko kaya protective ako don, ayoko mapunta yon sa kung sinong babae lang lalo na sayo".
Parang bumaba tingin ko sa sarili ko pagkarinig ko non mga bes. Alam nyo yung feeling na parang gusto mo nalang magpalit ng mukha dahil sa kahihiyan. Kung pwede lang sana, kahit mukha ng aso go na ako.
Ewan mga bes sobrang gulo na ng utak ko ngayon penge po advice, kase di ko na po alam kung anong mukha pa po ihaharap sa labas e. First time ko po kasi maranasan to e, ganito pala feeling ng ma-issue nakakadepress at nakakawala ng gana mabuhay.
Ash
2020
Bs Accountancy
Others
No comments:
Post a Comment