Tuesday, November 3, 2020

BALANG ARAW

 "Diba ganun naman? Hindi kayo nagkakatuluyan ng taong gusto mo."

- Fidel (100 Tula Para Kay Stella)

      I can still clearly remember everything like it was just yesterday. The year was 2009, 1st day high. Sobrang exited ako na pumasok. Well sino ba naman ang hindi? Madami ang nagcoconsider na high school ang pinaka masaya at pinaka memorable na parte ng buhay ng tao. 

       Pagpasok ko ng classroom, wala pang masyadong mga studyante tapos puro mga babae pa ang nasa loob kaya medyo awkward kase ako lang ang lalaki. Pero dahil namana ko ang ugali ng tatay ko na masyadong feeling close, nakipag kilala ako sa kanila and everything went well naman.  Maya maya pa dumami na kami sa room hanggang sa dumating ang adviser namin. 

       Umupo ako sa tabing bintana para presko sa pakiramdam dahil hindi naman ako maabot ng electric fan na parang anumang oras mahuhulog na sa sahig. Panandalian akong napasilip sa bintana noong sandaling yon ng may makita akong isang napakagandang babae na naglalakad papalapit. Mahangin sa labas noon kaya nag fl-fly away ang mahaba na medyo kulot nyang buhok na kulay burgundy (yung gaya nung sa pangkulay ng buhok na tig 25php sa palengke) pero mukhang natural ang kulay ng sa kanya. Naka shoulder bag siya na kulay pink tapos napakaputi ng uniform nya, daig pa ang sa commercial ng ariel at tide. Akala ko sa pelikula lang nangyayari to pero nung mga sandali na yon, sh*t naging slow motion talaga ang paligid. With matching dry leaves falling from the trees pa kaya napaka surreal. Tapos napatingin siya sakin at ngumiti. Napakaganda ng ngiti nya kaya napatulala ako habang abot tenga ang ngiti. Right at that very moment, I knew that I like her. 

        Pagpasok niya ng room agad siyang nagpakilala. Rose pala ang pangalan nya, bagay na bagay sa kanya dahil kasing ganda nya ang isang namumukadkad na rosas. Tapos humanap na siya ng mauupuan. Tyempo naman na bakante ang upuan sa tabi ko dahil yung kaibigan ko nung elementary na kaklase ko din ngayon ay late kaya ipinagtabi ko sana siya ng upuan. Pero bahala na siya, lalaki naman yun kaya pwede siya maupo dun sa mga upuan sa likod na walang sandalan at sulatan. Napatingin siya sa kinauupuan ko, siguradong sigurado na ako na tatabi siya sakin ng biglang mag alok ng upuan yung isa kong kaklaseng babae sa likuran ko. Akala nyo sakin sya tatabi ano? Akala ko din eh. But then the rest as they say is history. 

        Despite my relatively young age during those times at dahil na din nasa puberty stage na ako, naaalala ko na lagi akong sinasabihan ni lolo na kapag may nagustuhan na akong babae, kaibiganin ko daw muna. Napaka gandang foundation daw kase ng friendship sa isang relasyon. 

Kaya naman yun ang naging pilosopiya ko pagdating sa pag-ibig. 

         So kinaibigan ko si Rose. Lagi ko siya kinakausap/kinukwentuhan. Nung una halatang nahihiya siya kase syempre lalaki ako pero hindi nagtagal naging close na kami. Lagi magkatabi sa klase, sabay kumain sa canteen, nagtutulungan pag di alam ang sagod sa tanong ng teacher namin, sabay umuwi, tapos pag gabi na lagi kami magka txt. Kapag may lakad ang tropa, hindi sumasama ang isa samin pag di kasama ang isa. Habang tumatagal, lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya. Ako naman na isang gag*, walang kamalay malay na dahil sa sobrang pagiging close namin bestfriend na pala ang turing nya sakin. Nagulat na lang ako isang araw sinabi nya sakin na magmula ngayon ako na ang bestfriend nya. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Sabi nga sa kanta ng Eraserheads, "ang lahat ng pangarap ko'y bigla lang natunaw. " 

        Dahil naging bestfriend ko siya, unti unti akong nawalan ng chance na makapag tapat sa kanya. Natorpe at natakot din ako na baka hanggang kaibigan lang ang tingin nya sakin. Ayaw kong sumugal dahil kapag natalo ako, hindi na nga naging kami, baka mawala pa siya ng tuluyan sa akin. Mas pinili ko na maging parte siya ng buhay ko, kahit hindi sa paraan na pinapangarap ko. 

       Nakakatawa lang kase buong high school life ko hindi ako nagka girlfriend dahil kay Rose. Kahit may mga nagkakagusto sakin, hindi ko pinapansin. Sa buong apat na taon na yon kase umaasa ako na baka isang araw magising siya sa katotohanan na mahal nya pala ako, na ako ang tamang lalaki para sa kanya. Kase ako naman talaga yon. Pero wala. Hindi nangyari yon. Grumaduate kami ng walang kami. Ni hindi ko nagawang makapagtapat sa kanya.

        Nung mag college na ako nagkaroon naman ako ng girlfriend. But this time, hindi ko siya kaibigan nung simula. Alam nyo yon? Parang right from the start to be in a relationship na yung goal namin. Kaya ayun, we didn't age well together. Tumagal kami ng ilang taon pero on and off kase relasyon namin. Nagkabalikan kami nung nag tatrabaho na kami pero eventually naghiway din. Doon ko napagtanto na tama nga talaga yung sinasabi sakin ng lolo ko before.

       Then college graduation came, nagkaroon kami ng mini reunion ng batch namin noong highschool. Nagkita ulit kami ni Rose for the 1st time after 4 years. Sa manila na kase siya nag aral. Nagkakwentuhan kami tapos noong medyo nakainom na nagka real talk-an. Sinabi nya sakin na gusto nya din pala ako, na hinihintay nya ako na mag tapat sa kanya. Na kahit may boyfriend siya nung mga panahon na yon, kung nag confess lang sana ako hihiwalayan nya yon para sa akin. Kaya daw nya ako binestfriend eh para mas lalo siyang mapalapit sakin,  hoping that I will like her back. At kagaya ko, dahil magkaibigan kami natatakot siya na sabihin sakin ang lahat dahil ayaw nya na mawala ang lahat na meron kami. It is just bittersweet to know that all this time yung taong pinapangarap ko ako din pala ang pangarap. 

       Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat. Mga bagay na napakatagal ko ng gustong sabihin sa kanya. Mga salitang dapat matagal ko ng sinabi sa kanya. Tinanong ko siya kung baka pupwede pa. At ito ang eksaktong kataga na sinambit nya sa akin, mga salitang kahit kailan ay hinding hindi ko malilimutan. 

"Alam mo ba kaugaling kaugali mo yung bf ko. Actually sinabi ko noon sa sarili ko na kung hindi ka magiging akin, gusto ko ang magiging bf ko ay yung taong katulad mo. Para pakiramdam ko, tayo pa din ang nagkatuluyan. Kaya nung nakilala ko siya hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon. Sobrang mahal na mahal namin ang isa't isa. Sorry, pero hindi na pupwede"

Wala na akong ibang nasabi kundi "kapag kinasal na kayo ako ang kunin mo na best man ah?" at nagtawanan kami habang umaagos ang luha sa mga mata. 

       Hanggang ngayon, sila pa din nung bf nya. Dapat sana ako yung bf nya eh. Pero I am genuinely happy for her. I really do. Up until now we are still best friends and she will forever have a special place in my heart.

       Honestly, hindi ko alam kung dapat ko pa bang panghawakan yung paniniwala ko na importante ang friendship pagdating sa relationship matapos ang nangyari samin. Kase hindi naman maitatanggi ang benefit ng pagiging magkaibigan na dahil kilala nyo na ang isat isa, mas magiging matibay ang pagsasama ninyo. You know what to expect and how to handle those expectations. Mas pure ang pagmamahal na maibibigay natin. Oh Baka siguro dapat ko na baguhin ang perspective ko? Baka siguro hindi talaga ideal na maging magkaibigan kayo ng taong gusto mo dahil magkakaroon ng takot na baka masira, masayang ang lahat ng pinagsamahan ninyo. Na kahit gusto nyo naman ang isa't isa, mas mangingibabaw ang idea na kaibigan mo siya. It's been years already pero hanggang ngayon di ko pa din masagot yang mga katanungan na yan. 

       Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay: na sana balang araw makatuluyan ko ang taong gusto ko.

Fidel in real life

2017

College of Education

Others


No comments:

Post a Comment