Hi! I am a modular student Gr.12, I just wanna share my experiences on answering my modules while working. Payo lang din.
Naguumpisa ang work ko ng 11am (minsan 10:30 am) matatapos ng 10 pm (minsan 9 pasado, maaga aga), maswerte ka na kapag natapos ka ng maaga kasi madadagdagan ang oras para makapag aral. I can say na sobrang hirap yung tipong sa tuwing matatapos yung work ko hinihiling ko na sana magstop yung oras para naman makapagpahinga ako, kasi 11hrs nakaupo ka nakaharap sa pc to do your works, yung mata mo humihingi na ng pahinga, yung likod mo nanghihihingi na ng malambot na higaan, yung puwetan mo namamanhid na tapos minsan late ka na makakain or di na makakakain kasi sobrang busy sa work. Pero yung oras na ipapahinga ko inilalalaan ko sa pagsasagot ng modules kasi kailangan umabot sa deadline pero ako always na lang akong late ng one week sa pasahan. Malaki ang pasasalamat ko sa mga teachers ko now kasi kahit two weeks na yung araw para makapagsagot still they accepted my answers kahit late.
Mahirap minsan di ko na kinakaya, umiiyak na ko hindi dahil di ko na nasasagutan yung mga modules ko kundi dahil gusto ko na magpahinga. Siguro ito yung proplema ng karamihan sa istudyante, yung pahinga. Oo lahat tayong istudyante ngayon ay nahihirapan pero sana wag nyong maisipan na magsuicide, isipin mo modules ang tatapos sa buhay mo di ba nakakapanghinayang? Di ko rin masisisi yung mga nakikita kong post na nagsuicide daw dahil sa modules dahil malay ko ba baka iba pala yung rason kung bakit humantong sila sa ganon? naging reason lang ay modules.
Kaya to my co-students if di nyo na kaya, magpahinga kayo pero wag habang buhay. Rest, need natin yan. Okay lang kung hindi nyo matapos ang modules nyo, okay lang kung wala kayong sagot sa oras na ng pasahan, pwede kayong magsabi sa mga teachers nyo na kung ayos lang bang malate or kung di nyo naman maintindihan mag ask kayo ng tulong sa mga teachers nyo. Di naman nakakahiyang magtanong right? Ako aminado akong di ako nagtatanong sa mga teachers ko kahit di ko magets yung mga lessons pero sa mga kaklase or sa mga kakilala ko nag a-ask ako about sa ganto or ganyan. Kahit di ko pa rin magets go pa rin sagot pa rin ako kahit malayo na yung sagot ko. Kapag di ko na kaya tinutulog ko or nanonood ako ng kung ano yung sa tingin ko na magpapasaya sakin kasi sometimes you need to take a break sa mga ginagawa natin. Don't stress yourself do something that can make you forget about your sadness.
Kasi kapag yung problema mo pinroblema mo parang dumodoble yung hirap to solve it. Tsaka sabi nga sa church namin "if you have a problem, dont mind it. That's not your only fight but fight with God. God is the one who will fight with you,because fighting with God will never lose but win", means always trust to God,because God has a beautiful plan for your life.
"don't be afraid, just believe." -mark 5:36
"I am the light of world. Whoever follows me will not walk in Darkness but will have the Light of life" - John 8:12
an-nown
2020-2021
ABM
Others
No comments:
Post a Comment