Tuesday, November 3, 2020

BREADWINNER TO BASURA (REALQUICK)

Hi. Ako po si Jen, 18 years old. Nakatira somewhere in Manila. Hindi po ako magaling magkwento pero wala na akong mapagsasabihan nito. Lumaki po akong masasabing school-centered talaga. Graduated akong veledictorian sa elementary at with honors nung junior high. Graduated din po akong With Highest Honors nung senior high. Growing up, sawang sawa na pakinggan ng mga kapatid ko ang compliment sa akin ni mama. Kesyo ang talino ko daw, laman sya ng stage at nakikilala daw sya ng ibang tao dahil saken. Sobrang proud na proud sya. Pero saken ay wala lang iyon dahil never nya ako prinessure sa acads. Nag eenjoy lang ako sa pag aaral and at the same time, nagkaka honor. Pero nagbago lahat simula noong tumigil ako ngayong college. Nahihirapan akong makipagsabayan sa iba dahil liblib sa lugar namin at mahina ang signal. Enrolled ako sa isang kilalang university sa manila pero nalockdown dito sa Laguna dahil dito kami nagbakasyon buong pamilya. At dahil online class, sinubukan kong mag aral kahit malayo ako sa school. Pero first day palang sobrang hirap na ako. Sobrang bagal ng wifi na kahit isang activity wala akong naipasa at hindi rin nakapag take ng midterm exam noong biyernes. Naiisip ko na kung babagsak din naman ako ay ititigil ko na nga lang agad. Napagdesisyunan kong magsabi na sa Admin at pumayag naman ito kase optional naman daw ang pag aaral sa ngayon. Masaya ako until sinabi ko ito kay mama. Halos mapaiyak ako sa sinabi nya na "Nakakahiya ka! kung ayaw mo mag aral edi magtrabaho ka nalang para may silbi ka saken!". Grabe, ayaw ko man sya sagutin pero pinagtanggol ko sarili ko kase una sa lahat, 18 palang ako. Bawal pa nga pumasok ng department store ang below 21 e. Pero wala, pag hindi ka pala maipagmamalaki, tingin nila sayo basura.

Jen

2020

College of Engineering


No comments:

Post a Comment