You know what's more painful than a break up? yon yung walang tumuturing sayong kaibigan.
Tuesday, November 3, 2020
A FRIEND TO ALL, IS A FRIEND TO NONE
MAHAL PARIN KITA KAHIT MASAKIT NA
Five years ago, December 2015. I met him sa isang kasalan sa lugar nila. Wala talaga akong balak sumama that time sa mga tita at pinsan kong nagaaya kasi tinatamad ako dahil nga malamig. Pero napilit nila ako kasi minsan lang naman sila umuwi dito sa amin. Wala akong pakealam sa suot ko non. Naka jogging pants ng green at plain white shirt with jacket. At first naiilang ako kasi mukha siyang manyak nung mga panahong yun. (Gangsters??) Naka whole black e, black pants, black shirt and yung asset niyang lahat makakapansin don. May mga barkada akong taga don kaya mabilis niyang nalaman ang pangalan ko. Ultimo Facebook account at cellphone number ko nakuha niya. Masyado pa akong bata that time kaya hindi pa ako nagseseryoso. Hanggang lumipas ang mga araw na naguusap na kami because of my friends na tinutulungan siya para mapalapit sakin. One time nung sinundo ako ng papa ko sa school, napansin kong may sumusunod samin hanggang sa bahay. It was him. At first, nakakairita siya. Pero habang tumatagal nagugustuhan ko na siya.
RESORT
Isang araw nag ka ayaan kami ng mga tropa ko na mag swimming. Sila Zoe, Aldana, Lester, Joshua at marami pa. Yung mga pangalan lang na sinabi ko yung sumama. Gusto nyo pa ba malamaan ano dinahilan nila sa magulang nila? Hahahahaha ok. Si Zoe sabi niya kay Papa nya (kasi mgalitin si mama nya kaya kay papa nya nalang sinabi na mag oover night kami sa bahay nila Joshua kasama ako si Lester at Aldana. Tapos yon na nga PROJECT ang pinaka magandang dahilan nyan hahahhaah. Kay Aldana naman (masungit dalawa nyang magulang pero mayaman sila) sabi nya pupunta daw syang mall (kaya wala ng pake mga magulang nya sakanya) at kaming lahat ang nag pa bayad ng cottage sa kanya pati na rin entrance fee Hehe. About kay Lester, wala papayag na agad magulang nya mabait ehhhhhh. Sanaollll !! Sabi nya mag swi-swimming daw kami at booom "oo" na daw tapos na. Kay Joshua naman mag pinsan kami kaya alam na nila yon.
MASAYANG MAGING MALUNGKOT
Ewan ko ba kung bakit ganyan ang title pero komportable akong maging malungkot lagi, bakit? Ganito kasi yun. Di ako magaling magkwento pero I'll try. Nagsimula lahat nung junior high school ako, mahiyain kasi ako dahil marami akong pimples before. Syempre malaking epekto yun lalo na gr7 ako nun, walang friends dahil marami nandidiri sakin sa mukha ko. Nasa genes na kasi namin ang pimples. Masipag naman ako sa school, lagi ako nasa top students sa section namin.
GAME
Hoy sa taga FEU na toh galit ako sayo. Biro lang, di ako galit. Naalala lang kita nanaman.