Tuesday, November 3, 2020

GAME

Hoy sa taga FEU na toh galit ako sayo. Biro lang, di ako galit. Naalala lang kita nanaman.

Sige simulan natin sa isang laro. Bata pa tayo nito eh. Pagselosin mo siya, pagselosin ko siya. Ang ending, nagpanggap tayo na tayo talaga. Laro lang. Walang iba. Walang feelings. Sinubukan natin mga pagpapanggap natin, syempre di sila nagselos. Wala namang pake satin yong gusto natin nun eh. Walang nangyari. Failed HAHAHAHAHAHA. Pero bakit ganon? Makalipas ang ilang buwan, ako na yung nagseselos kada babanggitin mo siya. Ako na yung nagseselos kada titignan mo siya. Binalewala ko, kasi akala ko hindi magtatagal. We became good friends na. At yun nga, baka nasanay lang ako na kausap kita, na ako kasama mo. Na sa mga panahong nagpapanggap tayo, sakin ka nakatitig. Ako kasama mo tumawa. Ikaw kakulitan ko, pero tama ba yun? Selos as a friend? HAHAHAHAHA
Isang araw, sinabi ko na
"Sige pabilisin na natin yung laro". Nagtaka ka. Sabi ko huwag na tayo magusap. Nagtaka ka ulit. Tinanong mo ko kung bakit, anong problema. Akala mo ayos tayo. Akala mo ayos tayo na magkaibigan tayo.
Ayos naman laro natin eh. Ayos din naman na magkaibigan tayo. Kaso nahuhulog nako sayo. Pero diko sinabi lahat yan sayo. Ang sabi ko nalang gusto na kita layuan, ayaw na kitang makita. Naiirita ako sayo. Kailangan ko umalis para sa sarili ko. Mali eh. May mahal kang iba. Hindi ko nga alam bakit ako nahulog sayo. Dahil ba mabait kang tao kahit mahilig ka mang asar? Dahil ba sa nakikita ko na pursigido ka sa gusto mo? Dahil ba gwapo ka? Chinito? Hinanap ko naman yung sagot, bakit walang ni isang rason para don? Akala ko ba lilipas din. Akala ko mawawala din. Akala ko lang pala.
Makalipas ilang taon, naka graduate na ako. Ngayon may trabaho na rin at may lisensya na. Pero bakit ganun, sa larong pinili kong laruin kasama ka, bakit ako yung natalo?
Ako yung natalo dahil kayo na, habang ako, inaantay kong mawala nararamdaman ko para sayo. Ako yung natalo dahil sa loob ng ilang taon, mas lumalim lang ang nararamdaman ko para sayo. Bakit, bakit pa ako nakipaglaro sayo? Sana hindi ko nalang ginawa, sana hindi na kita pinagbigyan na maging kaibigan ko. Pero nangyari na, at hindi ka dapat sisihin dahil wala ka namang ginawang mali.
Para sayo ang liham na to, at sana nag aaral kang mabuti. Kaya mo yan, doc. Alam kong inaalagaan mo sya ng mabuti, sobrang caring mong tao, kahit hindi halata ng iba sayo hahahahaha. Sige ayon lang. Palalayain na kita paunti unti. Hindi pa pala tapos ang laro, at ako mismo tatapos ng larong to.
Stay safe everyone, don't hurt yourselves! Salamat din sa admin/s.
Eyes
2012-2016
Nursing
TUA

No comments:

Post a Comment