Ewan ko ba kung bakit ganyan ang title pero komportable akong maging malungkot lagi, bakit? Ganito kasi yun. Di ako magaling magkwento pero I'll try. Nagsimula lahat nung junior high school ako, mahiyain kasi ako dahil marami akong pimples before. Syempre malaking epekto yun lalo na gr7 ako nun, walang friends dahil marami nandidiri sakin sa mukha ko. Nasa genes na kasi namin ang pimples. Masipag naman ako sa school, lagi ako nasa top students sa section namin.
Fast forward. At dahil malaking epekto sakin ang pagkawala ng confidence before, di ako natutung magsocialize up to days kahit kaunti na lng ang mga pimples ko dahil may daily facial routine na ko. May friends naman ako pero mostly plastik ganern, ung magchachat lng kapag may kailangan. Then eto na, syempre dahil wala kang matinong friends, lagi lng ako nasa bahay. Walang gala with friends ganern. Lagi lang ako nasa bahay, taga hugas, taga iwan, taga bantay sa bunso, taga linis etc. Kaya naman lagi kng ako nagcecellphone all the time, nuod youtube at tiktok kasi sa social media, walng mag ju-judge sayo unlike sa reality.
Then my family, lagi nila ako ginajudge, di daw ako marunong makisalamuha sa ibang tao kasi lagi lang ako nasa bahay ganern. Lagi nila ako hinuhusgahan kasi lagi na lang ako nakahilata at nagcecellphone lng buong araw, cellphone daw dahilan kung bkt d ako marunong makipag socialize. Then wala clang tiwala sakin like magtatanong muna cla sa iba bago cla maniwala sakin. Ayuko maging masaya kasi expected na magiging malungkot ako. I mean like sa school masaya kasi syempre highschool life yun eh, pero pag uwi mo naman sa bahay, back to normal ulit.
Ang point ko lang about all of this ay di ba dapat ang family ung magsusuport at maguunawa sayo like tatanungin ka nila bakit ka lagi malungkot pero sakin hindi eh, imbes na unawain k nila ay i-jujudge ka agad nila, parang kapit bahay lang. Sisigawan ka agad imbes na unawain ka. Eto pa masakit, "makasarili" daw ako. Pero di ba nila alam bakit ako naging makasarili? Kasi ako lang ang tanging nagpapasaya sa sarili ko, wala akong friends. Lagi ako jinajudge ng sarili kong family tapos magiging malungkot ka ulit kasi bakit ako lang nagpapasaya sa sarili ko, dapat masaya din dapat yung family ko sakin kasi masipag ako, di ako nangbabarkada, di ako lasinggero at naninigarilyo. Pero hindi eh. Lagi nila nakikita ang mali ko kaysa sa mga maganda kung nagawa. Mabait naman ako, ihahawig sa sarili ko sa nerd. Nagsasalita naman ako sa family ko pero ung side lng nila lagi tama at ako lagi mali. Masakit lng kasi syempre family mo un eh.
Natutunan ko sa sarili ko na WALANG MAGTITIWALA SAYO KUNG DI ANG SARILI MO LAMANG. Wala akong tiwala sa ibang tao kasi natatakot ako na di sila mapagkatiwalaan kasi family ko walang tiwala sakin, ibang tao pa kaya. Masaya maging malungkot kasi ang saya panandalian lang, unlike sa pagiging malungkot na araw araw. I mean nakakapagod maging masaya tas lungkot parin ang nangingibabaw sa lahat dahil sa mga pinagdaanan mo.
Bakla
2020
Others
Caloocan
No comments:
Post a Comment