Five years ago, December 2015. I met him sa isang kasalan sa lugar nila. Wala talaga akong balak sumama that time sa mga tita at pinsan kong nagaaya kasi tinatamad ako dahil nga malamig. Pero napilit nila ako kasi minsan lang naman sila umuwi dito sa amin. Wala akong pakealam sa suot ko non. Naka jogging pants ng green at plain white shirt with jacket. At first naiilang ako kasi mukha siyang manyak nung mga panahong yun. (Gangsters??) Naka whole black e, black pants, black shirt and yung asset niyang lahat makakapansin don. May mga barkada akong taga don kaya mabilis niyang nalaman ang pangalan ko. Ultimo Facebook account at cellphone number ko nakuha niya. Masyado pa akong bata that time kaya hindi pa ako nagseseryoso. Hanggang lumipas ang mga araw na naguusap na kami because of my friends na tinutulungan siya para mapalapit sakin. One time nung sinundo ako ng papa ko sa school, napansin kong may sumusunod samin hanggang sa bahay. It was him. At first, nakakairita siya. Pero habang tumatagal nagugustuhan ko na siya.
Tuesday, November 3, 2020
MAHAL PARIN KITA KAHIT MASAKIT NA
Nagligawan kami, hanggang sa sinagot ko na siya. And nalaman ko ding ako pala ang first GIRLFRIEND niya. Pinakilala niya agad ako sa magulang niya. I ask him "Ipapakilala agad? Ang bata pa natin nakakahiya."
"Ano naman ngayon? Ikaw unang girlfriend ko, gusto ko makilala ka nila."
"Kahit na. Grade 8 palang tayo."
"Ikaw? Hindi mo ako ipapakilala?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Ipapakilala ko lang sa magulang ko yung taong sure akong makakatuluyan ko. Bat ikaw? Pinakilala mo ba ako dahil sure kana sakin?"
"Oo. Someday. Ipapakilala mo rin ako."
That was our conversation back then. Days passed, sobrang saya ko. Sobrang daming alaala ng nagawa namin sa loob ng 4 months. It feels like a year na sa akin yon. Kaso wala. Maghihiwalay parin talaga. Nagbreak kami nung 2016 and after break up, ang dami kong naging boyfriend but still, siya parin laman ng puso ko. Maybe because hindi na puppy love yung nararamdaman ko sa kanya nung time na yun. 2 years. 2 years had passed since we broke up. But I'm still into him. Naging stalker ako. Nagseselos ng palihim. Kinikilig Everytime na nakikita siya. Sa 2 years na yon, lagi kong hinihiling na sana magbalikan kami. And finally, 2018. Nagbalikan kami because of her mom. Umuwi yung mama niya galing sa ibang bansa and niyaya ako sa bahay nila. Dun kami nagusap ng maayos at onti onti nanaman kaming bumabalik sa dati. Ang funny nga e, kasi kung paano ako kiligin sa kanya noon ganun parin hanggang ngayon.
Two years na kami until now. And sa 2 years na yan, ang dami naming pinagdaanan. Pinakilala ko na rin siya sa family ko kasi sure na ako sa kanya e. Mahal ko. Sobra. Travel travel, kwentuhan about life and enjoying the company of each other. Pero sa isang relasyon hindi talaga mawawala ang away, sakit at pagloloko. Sa loob ng 2 years na yan. Ilang beses kaming nagbreak pero nagbabalikan naman. Naranasan ko na ring mabaliwala, umiyak ng umiyak, masaktan, magmakaawa and sobrang dami pang iba. Ang daming nabago sa akin na pinabago niya. Tinanggap niya yung bad side ko but at the end of the day, sinumbat din. Ilang ulit ko siyang nahuling may kausap na iba, kalandian habang kami pa. You know what's funnier? Tumira kami sa iisang bahay pero nagagawa paring magloko. Galit ako sa mga babaeng nilalandi niya. Pero mas galit ako sa kanya at sa sarili ko. Kasi kahit anong panloloko ang gawin niya sa akin hindi ko siya maiwan iwan.
Tanga? Siguro oo. Nawalan ako ng kaibigan, lumayo loob ko sa kanila kasi sinusunod ko lahat ng utos niya. Nung panahong nagkakalabuan kami? Ako ang walang malapitan. Lumuhod ako sa harapan niya para di niya ako iwan. Nagmakaawa akong hintuan na niya ang paglalandi sa iba. Umiiyak ako sa harapan niya. Pero alam niyo kung anong ginagawa niya? WALA. Never siyang naawa sakin. Dumating yung point na nawalan na ako ng gana sa lahat. Pag galit ako, nagseselos or kahit ano. Nananahimik nalang ako. Tapos isusumbat niya saking paano namin maayos kung hindi ako magsasalita. Gustong gusto ko sabihin sa kanya na nung panahong gusto kong pag usapan namin lahat binabaliwala niya ako. Nung panahong nag oopen ako sa kanya sasabihan niya akong OA. Pero hindi ko magawa. Kasi sobrang sakit na. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan. Pag galit ako at bumabanat siya kinikilig parin ako. Yung pagmamahal ko sa kanya hindi mababawasan. Pero mas lamang yung sakit ngayon kesa pagmamahal niya. Oo kami parin, tanga na kung tanga. Pero hindi ko kayang mawala siya sakin. Sinanay niya akong lagi kaming magkasama sa lahat ng bagay.
Ngayon? Ako tong nahihirapan mag adjust. At this moment, tinitiis ko lang lahat ng sakit alam kong dadating ako sa point na mapapagod rin akong mahalin siya. Na magiging matatag ako at kakayanin na wala siya. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Mawawala rin to. Sa mga babae jan, piliin niyo yung taong mas mahal KAYO. Hindi yung taong mahal kalang sa umpisa. Para wala kayong pagsisihann gaya ko.
Babae
2020
Nursing
Others
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment