You know what's more painful than a break up? yon yung walang tumuturing sayong kaibigan.
Maraming nagsasabi na sobrang bait ko raw, one call away friend, ika nga, and sa totoo lang sobrang nakaka-flatter masabihan non kasi sa bahay hindi naman ganon tingin sa'kin “pakiramdam ko ako yung black sheep ng pamilya.” Halos lahat ng classmate ko nung grade 7 ka-close ko and I thought of them as a friend. May mga nagpapasama sa'kin sa cr, sa canteen, and kasama rin tuwing uwian, simpleng bagay pero sobrang saya ko na. Until nag-grade-8 na kami, same scenario pa rin hanggang one day biglang may pinagawa ESP teacher namin,
“in a ¼ sheet of paper, gusto kong ilagay niyo yung pangalan ng taong tinuturing niyong kaibigan sa room.”
SOBRANG DAMI kong naisip that time, like kung pwede lang silang ilagay lahat gagawin ko, pero I still choose that one friend of mine na mas close ko and medyo crush ko rin kasi AHAHAHA! May tinuturing naman akong bestfriend kaso ibang section siya, after namin magsulat, sabi ng teacher namin,
“ngayon ibigay niyo ang papel sa name na nilagay niyo”
Sa sobrang excitement, binigay ko agad yung papel sa kaibigan ko and bumalik sa upuan, pretending na hindi nag-eexpect maabutan HAHA, kaso nagkatotoo nga, NI ISA sa 50 kong kaklase wala man lang ni isang nagbigay sa'kin. I felt like crying that time then sabi pa ng teacher namin,
“Siguro naman lahat kayo nakatanggap, KUNG HINDI, MAGBAGO-BAGO NA KAYO, itaas nga ang kamay ng mga nakatanggap..!”
Then nakita kong nagtaasan nga ng kamay mga classmates ko, sa sobrang kahihiyan nagkunwari na lang akong may pinupulot sa ilalim ng upuan ko and dama ko talaga sa pagyuko ko may tumulo mula sa mata ko AHAHA, tumatak sa'kin yung pangyayaring yon and simula non lagi na 'kong tumatanggi sa kahit sino, there nakita ko na.
What's funnier is that same scenario pa rin nung grade 9, nagpasulat ulit yung teacher namin sa ESP but this time confident na 'ko since yung bestfriend ko sa ibang section last year, naging kaklase ko na, THEN AGAIN AHAHAHA, wala na naman akong na-receive na papel, nakakatawa pa ron, yung bestfriend ko, nakakuha ng dalawang papel, isa mula sa'kin at isa mula roon sa taong inabutan din niya. SIMULA NON NATRAUMA NA'KO, NAISIP KO NA BAKA NGA TAMA YUNG PAMILYA KO, first of all, sila na rin nagsabing “ Kaya wala kang nagiging kaibigan, kasi ganyan ka, gusto mo ikaw lagi matalino, magaling”
That day I realized na baka ganon yung tingin ng iba sa'kin, nagmamagaling. That's why nag-take advantage sila. Grade 10 ako, last year, medyo dumistansya na rin ako, this time may naging kaibigan na 'ko UNEXPECTED FRIENDSHIP, magwa-one-year na kaming bestfriend and sorry to say, pero ambabaw ng tiwala ko pakiramdam ko one day tatalikod din siya sa'kin, and I hope HINDI.
KUNG TUTUUSIN WALA NAMANG MALALA SA NANGYARI, SIMPLENG PANGYAYARI PERO NAKAKATRAUMA.
PS. Idk kung may mapagtitripang basahin to. I know medyo mababaw pero si-send ko pa rin pampagaan lang, wala kasi akong mapagsabihan HAHA
bam
2020
KVSHS
Others
No comments:
Post a Comment