May pinsan akong nagkaroon ng kalive in. Yung ka live in nya may 3 years old son na. Nakatira sila doon sa apartment na pinapaupahan ng tita namin. Actually kaming magkakamag anak nakatira sa iisang compound. Kaya malapit lang ang bawat isa. Pamana kasi ng Lolo at lola ko sa 4 na magkakapatid yung lupa. So back to the story, yung pinsan ko maiinit dugo lagi dun sa anak ni Ate Ara, yung kinakasama nya. Paano ko nasabi yun? Palagi nya pinapagalitan, pinapalo, pinipingot, at kinukurot. Kaya minsan ilap yung bata sa kanya. Close naman nung bata yung mga kapwa nya bata dito sa amin. Most of them mga pinsan at pamangkin ko. Palagi ko din nililibre yung bata since naaawa nga ko pag pinapalo o sinisigawan sya ni kuya John.
One time nun nag-away si Ate Ara at Kuya John. Sigawan sila sa apartment nila. Tapos maririnig namin nun yung mga tumutunog na kaldero, kaserola, isama mo pa yung tunog ng iyak ng anak ni Ate Ara. Ako, ayaw kong makarinig ng batang umiiyak lalo na sa ganun age. Yung iyak ng bata that time halos di na makahinga sa kaiiyak tapos may kasamang ubo ubo. Nag ce-cellphobe ako nun sa terrace namin kaya narinig ko. Noong una, hindi ako nakikialam pero deep inside nun iniisip ko na yung bata. Kinakabahan na ako na hindi mapakakali. Paano ba naman pinag aagawan na yung bata. Rinig ko na yung sobrang iyak nung bata plus sigawan nilang dalawa. Kinausap ko yung isang pinsan ko pa nun na magsumbong sa mga Tito at tita namin para awatin na. Tapos kunin ko yung bata. Nagkakagulo na kami sa labas nun kasi yung bata nga. (Grabe! Till now habang tinatype ko to nanginginig ako na naiiyak)
Wala si tita nun, mama ni kuya John. May pinuntahan. Si Tito naman ofw sa Saudi. Good thing that time, umuwi yung isang Tito namin na seaman. Sya ang umawat. Kinalapag nya ng kinalampag yung pinto ng apartment para bumukas. Kaso ayaw. Si Tito nun nakikisigaw na like "Kapag hindi mo binuksan to lagot ka sa akin. Yang anak mo umiiyak na."
Honestly, naiiyak na talaga ako nun. Naaalarma kami sa iyak nung bata at that time pati si Ate Aira umiiyak na. Hanggang sa nabuksan nga yung pinto. Tapos na sila mag away pero yung mag ina umiiyak pa din. Kinuha namin ng isa kong pinsan yung bata tapos pinainom ng tubig, pinakain, at pinatahan.
"Ano ba pinag-awayan nyo ha? Nakakabulabog kayo. Yung bata halos mamatay na kakaiyak." Tanong ni Tito.
Yun pala naglalaba sa likod ng bahay si ate Ara, Inutusan nya daw si kuya John na bantayan si Dave, yung bata. Kaso naglalaro ng mL si kuya. Edi ending nag away. Hanggang sa nakikipag sigawan pa si kuya kay Tito. Sabay sabi nun "BAKIT KO AALAGAAN YAN HINDI KO NAMAN ANAK YAN."
Pagkarinig ko nun napaisip ako, kaya pala nya palaging pinapalo, kinukurot na kulang na lang mamatay na yung bata. KASI NGA HINDI NYA ANAK.
Fast forward, kinausap ng mga tita ko at tito si ate Ara habang andun kami nagbabantay sa bata.
NV:
Tito: Iha wag kang tanga. Huwag kang martyr. Iwan mo yang pamangkin ko. Wala kang mapapala dyan. Bumalik ka na lang sa inyo. Tignan mo lumalabas na ugali nya.
Ate Ara: (umiiyak) kaya nga po. Hindi naman po sya ganyan dati. Sabi nya sakin tanggap nya anak ko. Hindi ko naman maiwan po kasi mahal ko.
Tito: Sabi nya lang yun para makuha ka. Pero ang totoo walang pakialam sa bata yan. Ito advice ko sayo, tutal bago pa lang naman kayo bumalik ka muna sa inyo. Mag- isip ka. Isipin mo yung bata. Wag lang yung sarili mo. Wag puro puso. Lalo na may anak ka na. Nagkamali ka na noong una, wag mo na dagdagan.
Marami pang advice si Tito nun. Like, Kapag naghanap ka ng lalaking mapapangasawa, pwede kang advance mag-isip. Hindi masamang maging advance mag isip lalo na kung para sa ikabubuti mo in the future. Hindi pagiging choosy ang tawag doon. Pagiging wais sa pagpili. Kapag pumili ka isipin mo yung kung may bisyo sya. Kung masama trato sa magulang mo, kung madamot sa pera at iba pa.
Pwede maging advance mag-isip..
"Ay mabisyo to, sakit sa ulo lang sa akin at sa magiging anak ko."
"Ay batugan, mahihirapan lang ako."
"Ay bastos sa magulang. Hindi tama"
Hindi yung dahil mahal mo at mahal ka, tanggap mo na. Parang tanggap mo na, na okay lang magiging bastos sa mga magulang mo yung mapapangasawa mo. Okay lang maging batugan, mahal ka naman.
In short, ang payo ni Tito pumili ka ng lalaki na hindi ka sasaktan. Isipin mo din pamilya mo. Masakit sa magulang na makita yung anak nilang sinasaktan ng asawa tapos wala silang magawa. Wala eh, mali yung napili ng anak nila.
Babae tayo, huwag lang puso mo yung isipin mo kapag nagmahal ka. Kapag hindi na tama, itigil na.
Ngayon, bumalik si ate Ara sa kanila. Iniwan nya si kuya John. Si kuya John naman hindi nya mapuntahan si ate Ara till now kasi malayo tapos lockdown pa.
Last advice nun ni Tito Kay Ate Ara, "Humanap ka ng lalaki na hindi sasaktan yung anak mo. Anak mo isipin mo hindi ikaw. Hindi yung dahil mahal mo pamangkin ko, ayos lang sayo na sinasaktan yung bata kahit di naman nya anak kasi mahal ka naman.
Yung anak mo at sa magiging anak mo pa in the future, hindi makakapili ng tatay yan. Kaya kung yung napili mo, hindi kapili-pili, sakit sa ulo, barumbado, tamad, bastos, walang magagawa ang magiging anak mo. Kailangan tanggapin, eh sa ganun pinili ng ina eh. Ganun yung napili nyang buhay para sa mga magiging anak nya.
Kung gusto mo bigyan ng masayang pamilya, at matiwasay na isip yung mga anak mo, ikaw ang pumili ng matinong at responsableng ama para sa kanila.
Carmela
2020
12-HUMSS
OTHERS
No comments:
Post a Comment