Thursday, May 13, 2021

Multo (SPG)

This happen year last 2019.

Tawagin niyo nalang ako sa pangalang Mae. Ako kase yung tipo ng babaeng may magulang na sobrang istrikto.
Pwede mag-boyfriend pero dapat ikaw dadalawin sa bahay. May oras ang pagdalaw at bawal pumunta ang jowa kapag wala ang parents sa bahay.
Dahil isa ako sa suwail na anak, ikukwento ko sa inyo kung paano ako at ang ex ko muntik mahuli ni erpat.
Ayan na ha alam niyo na kung tungkol saan. Oo be ex ko na ngayon. Minalas yata at hindi nakatuluyan haha.
Yung ex ko moreno pero gwapo, kaya nga ako napaibig e. Malakas appeal niya. Basta marami-rami ring nagkagusto sa kanya, kaya na-adik ako sa presence niya.
May sarili akong kwarto dati, ako lang mag-isa doon kahit pangmaghirap lang bahay namin. Yung kusina namin nasa labas ng bahay. Tapos may dalawang pinto. Yung unang pinto sala namin, dun natutulog buong pamilya ko. Tapos yung pangalawang pinto dun kwarto ko, maliit lang naman siya pero ako lang doon mag-isa.
Kapag hating-gabi na cha-chat ko jowa ko. Mga 11pm ganurn kapag tulog na sila. Sinabihan kong pumunta sa sa kwarto ko. Pero minsan lang yun ha mga thrice a week siguro. Edi punta agad siya madali lang naman makapunta sa kwarto ko kase hiwalay naman sa kanila nasa labas lang.
Lagi na naming ginawa yun, but not until one night muntikan ng mahuli.
Naka-white t-shirt siya at grabe ang bango halatang prepared haha!
Chukchakan tudamaks mga mami, syempre sa sobrang pagod nagpahinga kami. Hindi na namin namalayan yung oras dahil nakatulog pala kami.
Gulat nalang ako bigla akong nagising, wala na siya sa tabi ko. Tapos nasinag ako kase may liwanag.
Si erpat pala nag fa-flashlight papasok sa kwarto ko. Ako naman si kabado, hinanap ko agad jowa ko.
Buti nakatago siya sa kurtina atako naman si taranta dumikit sa ex ko na nakatago sa kurtina nung pa-ikotin ng erpat ko ang liwanag sa kwarto ko.
Sabi ni erpat sino daw kasama ko. Buti nagtago yung ex ko sa kurtina at medyo natatakpan ko kya hindi nakita. Kahit kabado bente sinagot ko erpat ko na,
"Huh? wala naman baliw" kabado kong sagot sabay lapit sa kanya at tinulak paalis.
Buti lumabas na si erpat at pumasok na sa isang pinto. Naniwala naman kaya bumalik agad sa kwarto nila.
Tinanong ko si ex bakit siya andun nagtago sa may kurtina. Sagot niya, nagising daw siya kase may pumasok sa pinto kaya nagtago agad siya sa kurtina. Pero bago daw pala yun may naramdaman siyang humawak sa kanya. Eh kaso madilim kaya hindi niya nakita kung sino.
Kinabukasan eto na mga seswang, kinakabahan ako. Buti pagpunta ko sa sala wala si papa kase namalengke. Pag-uwi niya nadatnan niya kong nagaalmusal.
Sinabi nya sakin na wag na raw ako matutulog dun sa kwarto. Kasi raw pagpunta niya dun para icheck ako kung andoon ako sa kwarto (lagi kasi akong tumatakas kapag hating gabi kaya chine-check niya ko), parang may multo.
Nung pagpasok daw niya parang may nakalutang daw na damit sa tabi ko at nung lumapit siya may nahawakan daw siyang mabuhok.
Kaya nagpunta raw agad siya sa sala para kumuha ng flashlight, malabo kase mata ng papa ko. Pero nagtaka siya kase wala naman daw ibang tao dun baka daw minumulto na ako.
May nakalutang daw kase na damit sa tabi ko. Tapos naalala ko white nga pala damit nung ex ko.
Eto pa malala sasapakin niya daw dapat yun kase akala niya may lalaki akong katabi. Pero kumuha muna siya ng flashlight tapos pagbalik niya wala na. Hindi niya alam na meron naman talaga at totoo talaga yung nahawakan niya.
P.S. Walang ilaw dun kase di pa napapaayos yung daloy ng kuryente.
Mae
2021
Unknown
Unknown

IYAK (Part 3)

Grade 10 na kami, nagkamuwang muwang na ako ng mga panahong ito. Dito na nangyari yung lahat lahat.

Ilang weeks hindi kami nagpansinan nung pasukan, kung hindi pa dahil sa isa naming kaibigan hindi pa kami magkakausap ulit.
Napaka-jolly at masiyahin ko kasing tao pero ewan ko nung nag-grade 10 ako. Parang nailang na ako sa lahat, tinamaan na ng maturity ika nga. Kaya palagi niyang sinasabi sakin "nagbago kana talaga, hindi na ikaw yung kilala ko". Pero kinukulit pa rin niya ako, hindi na nga lang ganon kalala na kailangan ipagsigawan pa, yung lowkey na pangungulit na lang, pero sweet.
Hindi pa rin ako umaamin sa kaniya, yung 45 percent na crush ko sa kanya naging 85 percent na, syempre magtira rin para sa sarili. Pero feeling ko alam niya naman na crush ko siya, kasi kita naman ata sa galaw ko kahit hindi ako umaamin.
Takot ako sa commitment, inaamin ko. Kapag naiisip ko kasi yung sarili ko na may boyfriend sa ganong edad. Feeling ko ang landi ko, mas nauna pa ako kila kuya tsaka pumasok rin sa isip ko, syempre ako yung panganay na babae kailangan maging modelo ako sa mga kapatid kong babae.
Yung katanungan pa na, kaya ko bang mapag sabay sabay lahat kung sakaling yung pag-aaral, pamilya, kaibigan tapos siya? Napakadaming what ifs talaga. Alam niyo naman kung saan nagsimula diba? Dahil sa problema ko sa mga tamad kung kuya.
December nagchachatan na kami, wala pa akong sariling phone kaya nakikihiram lang ako kay papa.
Dito na namin napaguusapan yung about sa pangarap niya sa buhay, pangarap ko at pangaral namin.
Gusto niya kasing maging chef, tapos pangarap ko din magkaroon ng sariling restaurant. Kaya sabi niya kami na lang daw na dalawa magbusiness partner. Halos ganon yung naging routine namin gabi-gabi.
Kapag nasa school kami inaasar niya ako lagi sa kung anong naging topic namin kagabi. Kaya hindi ko siya pinapansin minsan, hindi pa rin mawala yung away namin na dalawa. Normal yata sa aming magbangayan.
Naalala ko, nagbibiruan kami nun sa room kase nag-iisip siya ng endearment namin. Ang corny ng mga suggestion niya, may choco joy, chubby, potchi tapos yung iba name ng mga candy tsaka biscuit. Ang landi ah!
December 24, may program na naganap sa plaza at isa sa mag peperform ay yung kuya ko. Kaya pumunta ako si mama at papa, yung iba kong kapatid naiwan sa bahay kasi may party.
Nasabi ko sa kaniya na nasa plaza ako (may pa update update pa na nalalaman) sabi niya punta rin daw siya, mag ba-bike lang siya. Malapit lang kasi yung bahay niya sa plaza.
So ayun nga pumunta siya pero hindi siya lumapit samin kasi nahihiya raw siya. Kaya nagchat chat na lang kami, pero may agwat yung pagitan namin.
Umuwi na kami pagkatapos magperform ni kuya, tapos bago kami umuwi nag kaway-kaway muna siya tapos umuwi na rin sila. Para kaming mag-jowang nagtatago.
Sabay kaming nagcelebrate ng Christmas at New Year. Pero again sa chat chat lang, may lsm pa nga ang buraot. Yun yung time na mas naging malapit kami sa isa't isa.
Pero yung nangyayari samin nung December, wala akong pinagkwentuhan o pinagsabihan kahit sa mga kaibigan ko, sinarili ko lahat ng kilig.
Sa araw ng birthday ko, nilibre niya ako sa canteen ng cream-o choco chips. Tuwang tuwa ako kasi minsan lang ako bumili sa canteen, kasi dollar talaga yung halaga ng mga pagkain. Talagang pinaparanas ni buraot sakin ang mga bagay na hindi ko ginagawa sa sarili ko. Buraot siya pero pagdating sa akin hindi nagdadalawang isip maglabas ng pera.
Around last week of January, may bali-balita na may nililigawan na siya. Syempre magkaklase lang kami, mabilis yung balita. Dagdag na rin na walang alam yung mga kaklase ko sa landiang naganap sa amin.
Nalilito ako kasi hindi ko alam yung totoo at kung sino yung paniniwalaan ko. Kaya dumistansiya na ako sa kaniya, hindi ko na siya pinansin nun. Alam niyo yun? Yung takot ka na nga sa commitment tapos ganung balita pa maririnig mo.
Kaya napagdesisyonan kong iwasan na talaga siya. Kahit sa chat or kahit tumabi siya sakin sa upuan hindi ko na talaga pinapansin. Pero wala siyang sinabi sa akin na kahit ano about dun. Nakakagulat na pagkatapos nun, hindi siya nanggulo. Hindi na niya ko ginulo.
May program sa school non, mga hapon nasa loob ako ng classroom kasi nakakabagot sa labas. Konti lang yung tao kasi yung iba nagikot ikot.
Tinawag niya ako, may pag-uusapan daw kami. So lumapit ako sa kaniya tapos naupo sa katabing upuan. May hawak ako nun na ribbon, napunit ko na nga sa sobrang kaba, tapos doon na siya nag salita siya about dun sa nililigawan niya.
Totoo nga yung balita, muntik pa akong maluha non pero pinigilan ko na lang. Feeling ko pinaasa ako pero kasalanan ko naman kase umasa ako. Tawa na lang ako ng tawa para hindi halatang naapektuhan ako tapos nicongratulate ko siya. Hanggang iniwan ko siya mag-isa dun kasi hindi ko pa pala kayang pag usapan. Sabi ko may gagawin lang.
Hanggang sa dumating yung araw ng mga puso, busy lahat ng may boyfriend/girlfriend. Syempre siya busy rin kasi may nililigawan na.
Bago mag-end yung day na yun, may natanggap ako na letter galing sa kaniya. Hindi siya yung nag abot sakin yung kaibigan niya. Hindi ko muna binasa kasi sa bahay ko babasahin.
Gabi na nung nag decide ako na basahin, siguro yung ibang tao na nakatanggap ng letter ng araw na yon ay masaya. Pero ako hindi, hindi love letter yung laman parang closure letter kumbaga. Wish ko pa man din na sana may mag bigay ng love letter sa akin, pero bakit ganon klaseng letter ang ibibigay.
Dun sa letter niya nilabas lahat ng hinanaing tsaka nararamdaman niya sakin. "Sana kung sinabi mo ng maaga, edi masaya na sana tayo ngayon. Sana matupad yung sinabi ko, hindi man ngayon sana may tamang oras at tamang panahon para sa atin."
Grabe yung iyak ko nung nabasa ko yung letter, sising sisi talaga ako sa sarili ko, na dapat pala umamin ako dapat pala sinabi ko yung nararamdaman ko.
Ang duwag duwag ko kasi dapat nagtake na ako ng risk. Nakampante kasi ako na anjan lang siya, pero hindi ko inisip yung kasiguraduhan na kung hanggang kailan siya andiyan para sa
akin.
Nagalit rin ako sa kaniya kasi, bakit hindi niya sinabi? Bakit parang wala lang sa kanya lahat, bakit ang bilis naman ata makahanap. Nakakita lang ng mas okay niligawan niya na agad? Ang sakit talaga sobra, gabi gabi napapaisip na lang ako. Bakit pala hindi ko sinabi? Bakit hinayaan ko na magkaganon.
Masakit pala lalo na yung ako lang yung may alam. Sariling kilig, sariling sakit. Kasi wala namang alam yung mga kaibigan ko sa mga nangyayari.
Hindi ako galit sa kanila ng nililigawan niya. Support nalang din sa kaniya. Ano bang magagawa ko eto yung ginusto ko, so panindigan ko.
At totoo nga yung mga sinasabi nila na, mararamdaman mo yung halaga ng isang tao kapag wala na o hindi na ito sayo.
Pumasok ako ng parang walang nangyari, ang sakit pala lalo na kung walang mapagsabihan. Oo, andiyan yung mga kaibigan ko pero nahihiya ako mag-open sa kanila. Kaya sinarili at kinimiim ko na lang lahat ng sakit. Wala pa kaming formal na naging pag-uusap, yung harap harapan mismo.
Last week of February na kami nagkausap ng masinsinan, hapon nun walang teacher na pumasok.
Tumabi siya sakin sa upuan, tinanong ko lang sa kaniya,
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may nililigawan kana pala?"
"Bakit hindi ka umamin? Bakit hindi mo sakin sinabi na may nararamdaman kana pala?"
Naluha na lang ako ng time ng yun, tapos ganon rin siya. Sabi niya baka pwede magback out pa dun sa nililigawan niya.
Nabatukan ko na lang siya kasi umasa na yung isa eh.
"Oo, nagsisi ako ng sobra sa mga nangyari pero baka may plano para sa atin kaya ganito, kung tayo yung para sa isa't isa tayo talaga" sabi ko.
"Kung tayo yung para sa isa't isa tayo talaga" nakangiti niyang sabi.
Naging okay na kami. Sinabihan ko siya na wag na sabihin kahit kanino yung nangyari samin. Siguro yung dalawang kaibigan niya lang lalaki ang may alam sa amin.
Mahirap at sobrang sakit man, may natutunan naman ako kaya sana maapply niyo rin sa sarili niyo. Appreciate niyo yung mga taong andiyan lagi para sa inyo, wag niyo silang balewalain habang hindi pa huli ang lahat.
Tsaka wag matakot mag take ng risk, wala kang matututunan kung hindi mo susubukan.
Masaya na sila ngayon at masaya na rin ako.
Naalala ko yung uso na kanta nun sakto pa sa nangyari samin, yung "SANA" ng I belong to the Zoo.
Relate rin ako sa kanta ng 6 Part Invention na Time Machine mapapakanta kana lang talaga bigla eh "I wanna go back to the way we used to beeeeee!"
Pero yung halik talaga ng Kamikazee yung matindi,
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Ang saklap. Kapag naririnig ko yang mga kanta na yan, naaalala ko yung mga nangyari tsaka siya. Maganda nga diba boses niya tapos marunong pa siyang maggitara at kinakantahan pa ako palagi.
Acil
Unknown
Unknown
Unknown

IYAK (Part 2)

Grabe natatawa ako sa mga comments niyo, so nag-decide ako na gumawa ng part 2. Kwento ko na yung nangyari samin (hindi nangyari na nasa isip niyo ha).

So ayon na nga, nagsimula yung pangungulit niya sakin grade 7 pa lang kami. Lahat ata ng teacher alam na crush niya ako pero hindi talaga ako naniniwala kasi napakalabong mangyari. Pero minsan kinikilig din naman ako pero yung patago lang, mahirap na baka mahalata eh. Baka matauhan bigla haha!
Siya kasi yung tipo na kung anong gustong sasabihin niya, sasabihin niya talaga. Yung tipong pasaway na matalino sa klase. Kahit nga nag-lelesson kami tapos may patalastas lang na nangyari, magdadaldal na yan hanggang sa masita nila ma'am. Hanggang sa kami na naman yung pinagtitripan ng lahat dahil tiklop siya pagdating sa'kin. Kalalaking tao napakadaldal pero infairness ang ganda ng penmanship niya. Ey!
Kaya rin hindi ako naniniwala na crush niya ako, kasi may iba pa siyang crush sa campus. Sino ba naman kasi maniniwala sa ganon? Umaamin ka na crush mo ako, tapos may crush ka palang iba. Pero okay lang din yun, kasi may crush din ako sa room namin pero hindi naman ganon kalalim. Patas patas lang hindi naman ako magpapatalo, charot lang.
So umabot hanggang grade 9 yung pangungulit ni buraot. Pero may crush na ako sa kaniya ng time na to siguro 45/100 HAHAHA pero hindi pa rin ako umamin, sinarili ko lang muna.
Naalala ko nung grade 9 ako, birthday ko non. Hindi ko alam na may surprise pala sa akin mga kaibigan ko. Binigyan nila ako ng libro, nag ambag ambag sila para mabili lang yun. Tapos nakalagay yun sa box, then yung takip ng box may mga sulat sila dun para saakin.
Nakakagulat dahil nag ambag din yung buraot. Naalala ko sabi ng kaibigan ko 50 pesos daw yung binigay niya. So tuwang tuwa naman ako. Ang cute pa ng sinulat niya,
"Happy Birthday _____ ! Thank you for everything." may pa-heart emoji pa sa dulo. Tapos name niya na may heart ulit sa dulo. Eh diba nga sabi ko ang ganda ng sulat niya? Kaya andito pa rin yung box sakin, tinatago ko.
Tsaka nung Valentine's day naman, binigyan niya ako ng lollipop na hugis rose na nabibili na tig 5 pesos lang sa tindahan. Dahil sa sobrang saya at tuwa ko hindi ko kinain yun. Kasi feeling ko masasayang. May pagkasira yata ako hahaha!. Kaya tinago ko na lang sa box yung lollipop na binigay niya sakin nung birthday ko. Ngayon stick na lang yung natira kasi nilanggam na. HAHAHA!
Pero minsan lang talaga kami magkaintindihan. Kapag nag-aaway kami parang may world war lang eh. Para kaming aso at pusa, hindi talaga kasi siya nagpapatalo pero minsan kapag pikon na pikon na ako, hindi ko siya pinapansin. Kaya todo suyo na siya tapos may pakanta kanta pa yan na nalalaman na,
"Sorrry na kung nagalit ka, hindi naman sinasadya" tapos sabay sundot ng tiyan ko or sa may bandang tagiliran. Takte!
Alam niya kasi na dun yung kiliti ko, ang ending natatawa ako tapos nakukurot ko siya. Edi bati na kami! Pero may time rin na ilang araw bago kami magkabati.
Wala rin pala akong sariling cellphone nakikihiram lang ako kay papa. Kaya bihira lang din kami mag chat.
Minsan magchachat siya para mangamusta, parang hindi kami nagkikita sa room eh. Chat niya minsan,
"Madami ka bang gagawin? Ginagawa ng mga kuya mo? Patulungin mo rin yang mga kuya mong tamad, hindi puro ikaw na lang yung kumikilos. Tsaka andito lang ako ha ..." chuchu ganyan. Medyo nakakakilig, slight lang ha.
Pero minsan magchachat siya para mang away lang, kaya hindi ko na lang nirereplyan tsaka pinapansin. Kinaumagahan niyan pagdating ko sa room, tinatadtad niya na ako ng tanong. Kesyo bakit hindi ko daw siya nirereplyan. Napakadrama!
Tapos nung nag grade 10 na kami, nagkamuwang muwang na ako ng mga panahong ito. Dito na nangyari yung lahat lahat. Dito na yata nagsimula rurupok ang puso ko dahil unti-onti ng lumalakas ang tibok neto.
Acil
2018
Unknown
Unknown

IYAK (Part 1)

May naalala ko nung Grade 8 ako. Share ko lang.

Bale ako yung panganay na babae, pero may kuya ako na dalawa tapos tatlo pang nakababatang kapatid. Syempre bilang panganay na babae, ikaw yung gagawa ng ibang gawaing bahay.
Yung papa at mama ko non busy rin sa work. So ako lang talaga yung inaasahan nila, yung dalawa kong kuya parehas tamad tsaka iba ko pang kapatid. Kain, gala, tapos tulog lang yung ginagawa. Syempre hindi naman ako robot, tao lang din naman ako at napapagod din naman ako.
Tapos one time nagsabay sabay na lahat, yung gawaing bahay (lalo na kapag galing school tapos maglalaba pa), assignments or projects tapos yung sariling problema ko pa.
Maaga akong pumasok ng school, na gigil na gigil tapos pagod na pagod. Recess time, tamang kwentuhan tsaka chikahan lang kasama mga classmates ko. Nang biglang dumating yung buraot ko na classmate na lalaki, pinaglalaruan niya ako na at sabi pa niya crush niya raw ako. Pero hindi ako naniniwala kasi hindi naman talaga kapani-paniwala.
Usapang pamilya ang topic namin, tapos nung turn ko na magchika, bigla akong naiyak kasi punong puno na talaga ako that time. Yun na lang talaga yung magagawa ko para mailabas ko yung gigil ko.
Nagulat ako kase nataranta yung buraot tsaka iba kong kaibigan. Kesyo ba't daw ako umiiyak, so sinabi ko naman yung dahilan.
Narinig ko na lang yung sinabi ng buraot na,
"Sino nagpaiyak sayo? Yung mga kapatid mo? Asan sila? Nasa kabilang room ba? Nang mabigyan ko ng tig-isang uppercut, ako nga hindi kita pinapaiyak tapos sila ginaganon ganon ka lang!"
Biglang hiyawan yung mga kaibigan tsaka classmate ko. Nagulat rin siguro sila sa sinabi nung buraot kong classmate.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak, kasi kahit papaano pala may taong kaya pa rin akong ipaglaban.
Tumahan din lang naman ako kasi next period na namin. Pero hindi na ako tinantanan ng buraot, kinukulit niya na lang ako ng kinulit hanggang sa maging okay ako.
Acil
2018
Unknown
Unknown

FIRST BOYFRIEND

Hi! Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Rose.

First year college ako noong makilala ko ang first boyfriend ko na itago na lang natin sa pangalang Jack.
Bago ko siya sagutin, marami muna akong inalam sa kanya, like his past.
Sinagot ko siya dahil kakaiba siya sa lahat. Sweet siya na hindi. Mataray siya na hindi. Magulo siya na hindi. Basta kakaiba sya sa lahat ng nakam.u at naging manliligaw ko.
Pinaramdam niya sa akin yung saya at sakit sa umpisa pa lang.
Naramdaman ko yung alaga niya at pagmamahal. But at the same time sa tuwing nagagalit siya ay nakakalimutan niya na mahal niya ako.
Napakaseloso niya na kahit mga kaibigan kong lalaki na hindi niya pa nakikita at nakilala ay pinagseselosan niya. Pero intindi ko na yon, natural lang yon, mahal niya ako eh. Kaya i chose him over my friends.
Nalulungkot ako kasi nakakamiss din sila. Nilalayo ko yung sarili ko sa mga kaibigan kong lalaki na ang turing lang namin sa isa't-isa ay magkakapatid. Pero napaisip ako sa sinabi ng boyfie ko,
"Kung totoong kaibigan mo sila, maiintindihan ka nila, mananatili sila."
kinakamusta nila ako, nagtatanong sila kung bakit, pero hindi ko lang sinasagot, dahil ayaw kong malaman nila. One friend lang namin ang nakakaalam, my girl best friend.
At ayon na nga, tuluyan kaming nawalan ng communication, pero nagkakalat pa rin sila sa newsfeed ko hehe.
Tapos ayon, naging okay kami ng boyfriend ko. Pero ganon pa rin, kapag galit siya, nakakalimutan niyang mahal niya ako. Sa tuwing magkaaway kami, lagi niya akong bina-block sa messenger. Kapag sa personal naman kami nag-aaway, yung dapat ba sabay kaming umuwi, nauuna sya maglakad tapos diretso uwi, ako, di na niya inihatid.
Hinahabol ko pa siya nung time na yun, kaso mabilis siya maglakad, kaya nawala na sya sa paningin ko. Nangyari ulit, tinry kong habulin siya ulit pero nawala na naman siya sa paningin ko, kaya umuwi na naman ako mag isa.
At noong nangyari ulit, this time, hindi ko na siya hinabol, hinayaan ko na lang siya mawala ulit sa paningin ko.
Ang sakit sakit lang, habang nasa jeep ako, umiiyak ako, may hiya pa naman ako kaya todo takip pa rin ako ng mukha ko habang umiiyak.
Sa school din nangyari ang iwanan, nagka-misunderstanding ulit kami, matapos niya sa last exam, diretso labas at uwi na agad siya.
Noong time na yon, tinapos ko rin agad yung exam ko, para habulin siya, pero wala na, umuwi na naman mag-isa, sumakay na kami ng friend ko sa jeep, para umuwi na rin sana, pero may isang classmate ako na nagsabi sa akin na yung boyfie ko naglalakad don, kaya dali dali ako bumaba at nagpaalam sa friend ko na mauna na siya.
Pumunta ako sa itunuro ng classmate ko, pero di ko sya makita, tinawagan ko siya pero di niya sinasagot, hanggang sa sagutin niya.
" Asan ka na, Jack?" tanong ko.
"Umuwi ka na, umuwi na ako." Sagot niya.
Sumakay na ako sa jeep na walang pasahero dahil hindi ko na mapigilan yung luha ko, at ayaw kong may makakita na umiiyak ako.
Pero, inintindi ko pa rin, besides, alam kong may ugali rin ako na iniintindi niya, pero bakit ganon? Ang sakit naman.
Ang kagandahan lang ay sa kabila ng pag-aaway namin, walang nagbabago, masaya pa rin kami tulad nung umpisa.
Pero narealize ko,
"Mahal mo lang ako kapag masaya tayo, pero pag hindi tayo okay, nakakalimutan mong mahal mo ako."
Pauulit ulit na away at bati, iiwan niya ako sa ere sa tuwing hindi kami okay kaya one time nung iwan niya ulit ako, sinabi kong,
"Ayaw ko na, pagod na ako, lagi mo na lang ako iniiwan sa ere sa tuwing nag-aaway tayo, mahal mo ba talaga ako?"
Matagal bago ulit hindi kami mag-chat, masakit pero tiniis ko. Ayaw kong, bumalik ulit sa kanya kahit ako na yung nasasaktan, inignore ko ang text at tawag niya for a while, pero dahil marupok ako, nung basahin ko na nag-message na "Sorry" napatawad ko na siya.
Ayaw niya raw na mag-break kami, at hindi niya kaya, kaya pinaliwanag ko yung nararamdaman ko sa kanya, kung bakit napagod ako. Nag-usap kami ng matino.
Nagsabi pa nga ako na,
"Hindi naman ako nakikipagbreak, ang ibig sabihin ng ayaw ko na ay ayaw ko na maramdaman yung sakit na pinaparamdam mo. Napagod lang ako. Nakakapagod naman talaga kaya magpapahinga muna ako pero sayo pa rin ako, at tsaka gusto ko lang din naman talaga malaman kung mahalaga at mahal mo ba talaga ako.”
Since that day, hindi na niya ginagawa yung iiwan ako sa ere sa tuwing hindi kami okay. At mas naramdaman ko pa yung pagmamahal niya.
Medyo mahirap siya i-handle sa umpisa, pero nagkaintindihan at nasolusyunan ang isang challenge sa love story namin noong sabihin namin ang problema sa isa't-isa.
Rose
2021
Unknown
Unknown