Thursday, May 13, 2021

IYAK (Part 1)

May naalala ko nung Grade 8 ako. Share ko lang.

Bale ako yung panganay na babae, pero may kuya ako na dalawa tapos tatlo pang nakababatang kapatid. Syempre bilang panganay na babae, ikaw yung gagawa ng ibang gawaing bahay.
Yung papa at mama ko non busy rin sa work. So ako lang talaga yung inaasahan nila, yung dalawa kong kuya parehas tamad tsaka iba ko pang kapatid. Kain, gala, tapos tulog lang yung ginagawa. Syempre hindi naman ako robot, tao lang din naman ako at napapagod din naman ako.
Tapos one time nagsabay sabay na lahat, yung gawaing bahay (lalo na kapag galing school tapos maglalaba pa), assignments or projects tapos yung sariling problema ko pa.
Maaga akong pumasok ng school, na gigil na gigil tapos pagod na pagod. Recess time, tamang kwentuhan tsaka chikahan lang kasama mga classmates ko. Nang biglang dumating yung buraot ko na classmate na lalaki, pinaglalaruan niya ako na at sabi pa niya crush niya raw ako. Pero hindi ako naniniwala kasi hindi naman talaga kapani-paniwala.
Usapang pamilya ang topic namin, tapos nung turn ko na magchika, bigla akong naiyak kasi punong puno na talaga ako that time. Yun na lang talaga yung magagawa ko para mailabas ko yung gigil ko.
Nagulat ako kase nataranta yung buraot tsaka iba kong kaibigan. Kesyo ba't daw ako umiiyak, so sinabi ko naman yung dahilan.
Narinig ko na lang yung sinabi ng buraot na,
"Sino nagpaiyak sayo? Yung mga kapatid mo? Asan sila? Nasa kabilang room ba? Nang mabigyan ko ng tig-isang uppercut, ako nga hindi kita pinapaiyak tapos sila ginaganon ganon ka lang!"
Biglang hiyawan yung mga kaibigan tsaka classmate ko. Nagulat rin siguro sila sa sinabi nung buraot kong classmate.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak, kasi kahit papaano pala may taong kaya pa rin akong ipaglaban.
Tumahan din lang naman ako kasi next period na namin. Pero hindi na ako tinantanan ng buraot, kinukulit niya na lang ako ng kinulit hanggang sa maging okay ako.
Acil
2018
Unknown
Unknown

No comments:

Post a Comment