Thursday, May 13, 2021

IYAK (Part 3)

Grade 10 na kami, nagkamuwang muwang na ako ng mga panahong ito. Dito na nangyari yung lahat lahat.

Ilang weeks hindi kami nagpansinan nung pasukan, kung hindi pa dahil sa isa naming kaibigan hindi pa kami magkakausap ulit.
Napaka-jolly at masiyahin ko kasing tao pero ewan ko nung nag-grade 10 ako. Parang nailang na ako sa lahat, tinamaan na ng maturity ika nga. Kaya palagi niyang sinasabi sakin "nagbago kana talaga, hindi na ikaw yung kilala ko". Pero kinukulit pa rin niya ako, hindi na nga lang ganon kalala na kailangan ipagsigawan pa, yung lowkey na pangungulit na lang, pero sweet.
Hindi pa rin ako umaamin sa kaniya, yung 45 percent na crush ko sa kanya naging 85 percent na, syempre magtira rin para sa sarili. Pero feeling ko alam niya naman na crush ko siya, kasi kita naman ata sa galaw ko kahit hindi ako umaamin.
Takot ako sa commitment, inaamin ko. Kapag naiisip ko kasi yung sarili ko na may boyfriend sa ganong edad. Feeling ko ang landi ko, mas nauna pa ako kila kuya tsaka pumasok rin sa isip ko, syempre ako yung panganay na babae kailangan maging modelo ako sa mga kapatid kong babae.
Yung katanungan pa na, kaya ko bang mapag sabay sabay lahat kung sakaling yung pag-aaral, pamilya, kaibigan tapos siya? Napakadaming what ifs talaga. Alam niyo naman kung saan nagsimula diba? Dahil sa problema ko sa mga tamad kung kuya.
December nagchachatan na kami, wala pa akong sariling phone kaya nakikihiram lang ako kay papa.
Dito na namin napaguusapan yung about sa pangarap niya sa buhay, pangarap ko at pangaral namin.
Gusto niya kasing maging chef, tapos pangarap ko din magkaroon ng sariling restaurant. Kaya sabi niya kami na lang daw na dalawa magbusiness partner. Halos ganon yung naging routine namin gabi-gabi.
Kapag nasa school kami inaasar niya ako lagi sa kung anong naging topic namin kagabi. Kaya hindi ko siya pinapansin minsan, hindi pa rin mawala yung away namin na dalawa. Normal yata sa aming magbangayan.
Naalala ko, nagbibiruan kami nun sa room kase nag-iisip siya ng endearment namin. Ang corny ng mga suggestion niya, may choco joy, chubby, potchi tapos yung iba name ng mga candy tsaka biscuit. Ang landi ah!
December 24, may program na naganap sa plaza at isa sa mag peperform ay yung kuya ko. Kaya pumunta ako si mama at papa, yung iba kong kapatid naiwan sa bahay kasi may party.
Nasabi ko sa kaniya na nasa plaza ako (may pa update update pa na nalalaman) sabi niya punta rin daw siya, mag ba-bike lang siya. Malapit lang kasi yung bahay niya sa plaza.
So ayun nga pumunta siya pero hindi siya lumapit samin kasi nahihiya raw siya. Kaya nagchat chat na lang kami, pero may agwat yung pagitan namin.
Umuwi na kami pagkatapos magperform ni kuya, tapos bago kami umuwi nag kaway-kaway muna siya tapos umuwi na rin sila. Para kaming mag-jowang nagtatago.
Sabay kaming nagcelebrate ng Christmas at New Year. Pero again sa chat chat lang, may lsm pa nga ang buraot. Yun yung time na mas naging malapit kami sa isa't isa.
Pero yung nangyayari samin nung December, wala akong pinagkwentuhan o pinagsabihan kahit sa mga kaibigan ko, sinarili ko lahat ng kilig.
Sa araw ng birthday ko, nilibre niya ako sa canteen ng cream-o choco chips. Tuwang tuwa ako kasi minsan lang ako bumili sa canteen, kasi dollar talaga yung halaga ng mga pagkain. Talagang pinaparanas ni buraot sakin ang mga bagay na hindi ko ginagawa sa sarili ko. Buraot siya pero pagdating sa akin hindi nagdadalawang isip maglabas ng pera.
Around last week of January, may bali-balita na may nililigawan na siya. Syempre magkaklase lang kami, mabilis yung balita. Dagdag na rin na walang alam yung mga kaklase ko sa landiang naganap sa amin.
Nalilito ako kasi hindi ko alam yung totoo at kung sino yung paniniwalaan ko. Kaya dumistansiya na ako sa kaniya, hindi ko na siya pinansin nun. Alam niyo yun? Yung takot ka na nga sa commitment tapos ganung balita pa maririnig mo.
Kaya napagdesisyonan kong iwasan na talaga siya. Kahit sa chat or kahit tumabi siya sakin sa upuan hindi ko na talaga pinapansin. Pero wala siyang sinabi sa akin na kahit ano about dun. Nakakagulat na pagkatapos nun, hindi siya nanggulo. Hindi na niya ko ginulo.
May program sa school non, mga hapon nasa loob ako ng classroom kasi nakakabagot sa labas. Konti lang yung tao kasi yung iba nagikot ikot.
Tinawag niya ako, may pag-uusapan daw kami. So lumapit ako sa kaniya tapos naupo sa katabing upuan. May hawak ako nun na ribbon, napunit ko na nga sa sobrang kaba, tapos doon na siya nag salita siya about dun sa nililigawan niya.
Totoo nga yung balita, muntik pa akong maluha non pero pinigilan ko na lang. Feeling ko pinaasa ako pero kasalanan ko naman kase umasa ako. Tawa na lang ako ng tawa para hindi halatang naapektuhan ako tapos nicongratulate ko siya. Hanggang iniwan ko siya mag-isa dun kasi hindi ko pa pala kayang pag usapan. Sabi ko may gagawin lang.
Hanggang sa dumating yung araw ng mga puso, busy lahat ng may boyfriend/girlfriend. Syempre siya busy rin kasi may nililigawan na.
Bago mag-end yung day na yun, may natanggap ako na letter galing sa kaniya. Hindi siya yung nag abot sakin yung kaibigan niya. Hindi ko muna binasa kasi sa bahay ko babasahin.
Gabi na nung nag decide ako na basahin, siguro yung ibang tao na nakatanggap ng letter ng araw na yon ay masaya. Pero ako hindi, hindi love letter yung laman parang closure letter kumbaga. Wish ko pa man din na sana may mag bigay ng love letter sa akin, pero bakit ganon klaseng letter ang ibibigay.
Dun sa letter niya nilabas lahat ng hinanaing tsaka nararamdaman niya sakin. "Sana kung sinabi mo ng maaga, edi masaya na sana tayo ngayon. Sana matupad yung sinabi ko, hindi man ngayon sana may tamang oras at tamang panahon para sa atin."
Grabe yung iyak ko nung nabasa ko yung letter, sising sisi talaga ako sa sarili ko, na dapat pala umamin ako dapat pala sinabi ko yung nararamdaman ko.
Ang duwag duwag ko kasi dapat nagtake na ako ng risk. Nakampante kasi ako na anjan lang siya, pero hindi ko inisip yung kasiguraduhan na kung hanggang kailan siya andiyan para sa
akin.
Nagalit rin ako sa kaniya kasi, bakit hindi niya sinabi? Bakit parang wala lang sa kanya lahat, bakit ang bilis naman ata makahanap. Nakakita lang ng mas okay niligawan niya na agad? Ang sakit talaga sobra, gabi gabi napapaisip na lang ako. Bakit pala hindi ko sinabi? Bakit hinayaan ko na magkaganon.
Masakit pala lalo na yung ako lang yung may alam. Sariling kilig, sariling sakit. Kasi wala namang alam yung mga kaibigan ko sa mga nangyayari.
Hindi ako galit sa kanila ng nililigawan niya. Support nalang din sa kaniya. Ano bang magagawa ko eto yung ginusto ko, so panindigan ko.
At totoo nga yung mga sinasabi nila na, mararamdaman mo yung halaga ng isang tao kapag wala na o hindi na ito sayo.
Pumasok ako ng parang walang nangyari, ang sakit pala lalo na kung walang mapagsabihan. Oo, andiyan yung mga kaibigan ko pero nahihiya ako mag-open sa kanila. Kaya sinarili at kinimiim ko na lang lahat ng sakit. Wala pa kaming formal na naging pag-uusap, yung harap harapan mismo.
Last week of February na kami nagkausap ng masinsinan, hapon nun walang teacher na pumasok.
Tumabi siya sakin sa upuan, tinanong ko lang sa kaniya,
"Bakit hindi mo sinabi sakin na may nililigawan kana pala?"
"Bakit hindi ka umamin? Bakit hindi mo sakin sinabi na may nararamdaman kana pala?"
Naluha na lang ako ng time ng yun, tapos ganon rin siya. Sabi niya baka pwede magback out pa dun sa nililigawan niya.
Nabatukan ko na lang siya kasi umasa na yung isa eh.
"Oo, nagsisi ako ng sobra sa mga nangyari pero baka may plano para sa atin kaya ganito, kung tayo yung para sa isa't isa tayo talaga" sabi ko.
"Kung tayo yung para sa isa't isa tayo talaga" nakangiti niyang sabi.
Naging okay na kami. Sinabihan ko siya na wag na sabihin kahit kanino yung nangyari samin. Siguro yung dalawang kaibigan niya lang lalaki ang may alam sa amin.
Mahirap at sobrang sakit man, may natutunan naman ako kaya sana maapply niyo rin sa sarili niyo. Appreciate niyo yung mga taong andiyan lagi para sa inyo, wag niyo silang balewalain habang hindi pa huli ang lahat.
Tsaka wag matakot mag take ng risk, wala kang matututunan kung hindi mo susubukan.
Masaya na sila ngayon at masaya na rin ako.
Naalala ko yung uso na kanta nun sakto pa sa nangyari samin, yung "SANA" ng I belong to the Zoo.
Relate rin ako sa kanta ng 6 Part Invention na Time Machine mapapakanta kana lang talaga bigla eh "I wanna go back to the way we used to beeeeee!"
Pero yung halik talaga ng Kamikazee yung matindi,
"Ika'y biglang natauhan
Umalis kaagad ng hindi nagpapaalam
Ang sabi ko hindi kita mamimiss
Hanggang kelan ito matitiis."
Ang saklap. Kapag naririnig ko yang mga kanta na yan, naaalala ko yung mga nangyari tsaka siya. Maganda nga diba boses niya tapos marunong pa siyang maggitara at kinakantahan pa ako palagi.
Acil
Unknown
Unknown
Unknown

No comments:

Post a Comment