Sunday, June 6, 2021

RELATIONSHIT (SPG)

Hello admins, I'm not expecting na mapo-post to pero gusto ko lang maglabas ng sama at bigat ng loob ko.

Two years graduate na ako at hindi pa po ako nakakapagsimulang mag-ipon para sa mga pangarap ko. Sobrang dami ng problema since nagkaroon ng pandemic. Lovelife. Family Problem. Financial. Health problem. Sobrang sakit sa ulo lalo na kapag nagsasabay-sabay sila. Pero pinakaproblema ko is my lovelife.
May boyfriend ako, four years na kami. Sa four years na yun may nangyari na sa amin. Okay naman flow ng relationship namin not until na diagnosed ako na may cyst ako sa ovary.
Nire-remind ko yung boyfriend ko na hangga't maaari wala munang mangyari sa amin. Pero everytime na tina-topic ko sa kanya yun, nag-aaway kami, hindi niya ko maintindihang ayoko munang gawin yun kasi baka ma-trigger lalo cyst ko.
Everytime na magkasama kami nagagalit siya kapag hindi ko siya pinagbigyan.
Ilang beses na rin kami nag-break, mababaw na dahilan, minsan nagkakasakitan na, nagmumurahan pa. Sa kanya umiikot mundo ko dahil na rin sa tagal namin. Mas pinili ko siya kesa sa mga kaibigan ko. Kaya pag may away kami hirap ako mag-open kung kanino.
Sinasabi niya mahal niya ako. May mga pangarap naman siya sa akin. Pero nakakalimutan niya yun kapag nag-aaway kami.
Kapag mag-aaway kami lagi niya ko sinisisi na kasalanan ko, ako lagi may mali. Hindi niya nakikita mali niya. Pagtatawanan niya lang ako kapag nagkabati kami kase iyakin daw ako, habol daw ako ng habol.
Sabi pa niya ako lang naman daw naghahabol sa relationship namin. Matagal na daw tong wala kung hindi ako naghahabol. Hindi naman daw niya habol katawan ko, kasi mas marami pa raw mas sexy at mas maganda sakin (which is totoo naman). Kaya nga raw niya akong palitan ng ibang babae kung gugustuhin niya lang daw.
Hirap bitawan lalo na ilang taon na kami, siya kasama ko sa lahat ng achievements ko. Lahat ng memories hirap kalimutan. Sa tingin mo/niyo itutuloy pa ba o susuko na? Paano? Kung itutuloy ko naman, paano ko ipaintindi sa kanya na sana wala munang mangyari sa amin? Hindi ko na alam kung anong klaseng approach ang gagawin ko sa kanya.
Bhabiee
2019
Unknown

THE ONE

Hi. I'm Hannah. May boyfriend ako around 8 months na. Okay naman kami, legal kami both sides at hindi rin kami masyadong nag-aaway. Maraming beses na rin akong nakapunta sa kanila.

Last week pumunta ako sa kanila kase birthday ng mama niya. Bumili na rin ako ng regalo para kay tita. Pagdating ko doon medyo okay naman parang tulad lang ng nakaugalian. Nginitian ako ng mama niya at papa niya. Nag-hi rin mga kapatid niya.
Hindi naman sa pag-iinarte pero parang may nararamdaman akong kakaiba sa kanila. Yes, pinansin ako kase lagi akong nagpupunta sa kanila pero hindi talaga tulad ng iba na excited sila na makita ako. Iniiwasan ko lang isipin na parang may mali kase baka ganyan lang talaga sa kanila. Sa bahay kase namin, kahit sinong bisita man yan, talagang welcome na welcome. Sa kanila ngiti lang tapos maya-maya pasok na sa kwarto o di kaya'y sa tindahan.
Hindi rin uso sa kanila ang ayain kang kumain. Tipong ikaw na lang mahihiya kase kumakain na sila. Ibang-iba ang pagtatrato nila sa bisita kumpara sa amin. Hindi ko alam kung ganyan talaga sila sa lahat o sa akin lang.
But just last last week, i think my instinct was right.
Tapos na ang celebration ng bithday ng mama niya. Nagsiuwian na ang mga bisita. Ako naman nakikipaglaro sa pamangkin ng boyfriend ko. Nasa seven years old pa lang yung bata. Sobrang awkward kase ako kapag andoon ako sa kanila kaya nakikipaglaro na lang ako sa bata. Medyo busy din kase yung boyfriend ko dahil maraming inaasikaso.
Habang naglalaro kami ng isang game sa cellphone, dumaan boyfriend ko. Tapos nakita ng pamangkin niya. Nagulat ako biglang nagtanong yung pamangkin niya ng,
"Kuya, kelan po babalik si Ate Stella? Sabi niya nung nakaraang araw babalik siya, sabi niya sabay daw ulit kami magluluto ng adobo."
Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa tanong ng bata. Halata ring nagulat yung boyfriend ko kase hindi siya nakasagot kaagad.
"Ikaw talagang bata ka kung anu-ano pinagsasabi mo ha.ha.ha" kabadong sagot ng boyfriend ko. Nakikita ko ang pekeng tawa niya habang papalapit sa pamangkin niya.
Tinaponan ko siya ng malalim na tingin. Wala akong pake kahit nasa pamamahay nila ako. Alam kong hindi nagsisinungaling ang bata. Alam kong totoo ang tinatanong ng bata.
Stella was his ex-girlfriend. Long-term girlfriend. The core cause of my insecurities. The one who triggered my self-confidence.
It's been eight months simula naging kami ng boyfriend ko pero ano pang kelangan niyang gagawin sa pamamahay na yun. She was an ex. Bakit may pagbisita. Bakit wala man lang nabanggit sa'kin yung boyfriend ko tungkol sa pangyayaring to.
Kung alam ng bata, impossibleng hindi alam ng pamilya niya. Nakapagluto pa kasama ang bata? Tapos hinayaan lang nila? Alam naman nila na may jowa ng bago yung anak nila.
Gusto kong umiyak pero alam kong magmumukha lang akong kawawa. Kaya tumayo ako at agad na umalis. Hindi ko hinahayaan ang sarili kong magmukhang tanga sa harap nila kahit alam kong pinagmumukha nila akong tanga.
Hannah
2021
Unknown

Wednesday, June 2, 2021

FLAGS REVIEWER (Part 2)

Hi FEUSF! Nawili ako sa mga comments so eto part 2!

Actually parang wala namang kasunod yun kasi lockdown and nagka-pandemic kaya walang face-to-face. Ikwe-kwento ko na lang yung mga moments namin sa school noong face-to-face pa. Nakakamiss na kasi pumasok sa school at gumawa ng kalandian chour.
By the way grade 11 and HUMSS strand na po kami pareho. This story was happened last year.
Third grading after ng earthquake nagkaroon kami ng klase pero hindi sa room namin kundi sa gym kami ini-stay dahil may crack yung room namin dahil sa earthquake so delikado.
One week siyang absent. I don't know why baka sakit siguro kasi first time nag-absent eh tapos one week pa so nakakabahala na.
Nakaupo lang ako sa floor dahil nagc-cellphone ako na itinatago ko sa libro kunwari nags-study nagbabasa lang pala ng Project Loki. Nakakaintense yung binabasa ko kasi nga more on crime solving, so yun habang nagbabasa napasulyap ako sa harapan ko nakita ko sya na nakatitig saakin!
Mas intense pa ata yung titig niya kesa sa binabasa ko mars, tumibok bigla yung puso ko ng mabilis na akala mo naman huminto sa pagtibok. Absent siya kaninang umaga ah? Kaloka hindi siya nagparamdam ng one week and half day tapos biglang susulpot.
Nagkakatitigan lang kami ng may kumuha sa phone ko nilingon ko ito bata-bata pala ni guard kino-confiscate phone ko. Sinabi ng bata na sumunod ako papuntang admin office para sa record tumango na lang ako dahil medyo sanay na dahil sa cellphone dami ko ng record sa admin.
Pumunta nga akong admin kasama yung friend ko todo explain pa ako na nagc-cellphone lang naman ako dahil nag r-review hindi sana pakikinggan yung reason ko ng binigay sakin nung classmate ko ang reviewer sa quiz bee para sa United Nations program dahil dun nakalusot ako.
After nang nangyari may chika sakin yung friend ko,
"Kanina pa sunod ng sunod sila Ken sa atin a? Since nung papuntang admin office, nag-alala ata."
Ako naman hindi pinansin yung sinabi niya kunwari walang pakialam but deep inside umaasa. So lumilinga ako para mahanap siya then nahanap ko nga siya sa likod kasama mga kaibigan niya na mga classmates namin.
***
Dumating ang third grading examination wala pa rin kaming room kaya sa computer lab kami pina-exam dahil maingay sa gym and since specialization naman namin ang computer so ayos lang na doon kami.
Maingay kami sa pagpasok palang sa loob ng lab parang walang exam kung mag-ingay. Kahit sa paghahanap ng pwesto at pag upo maingay pa rin kaya naririndi na sa amin yung adviser and subject teacher namin sa computer but walang pake ingay pa rin ng ingay section namin.
Hindi pa rin sadya na magkatapat kami ng upuan ako sa left siya sa right kaya naman mas lalo akong hindi makafocus sa test tapos wala pang review hindi kasi uso sakin yun sakit lang sa ulo sa stock knowledge lang ako nakadepende paano na 'to?
Medyo nakayanan ko pa sa ibang subject kahit papaano marami akong nai-stock na knowledge hindi ko lang talaga madadala sa stock knowledge yung math at computer eh kaya mga iilan lang mga sagot ko.
Lumingon ako sa gawi ni Ken, yung lolo niyo focus na focus sa test halatang naka-review para ata sa future namin.
Bumalik ulit ako sa papel ko pero wala pa rin akong maisagot mangongopya sana ako sa mga katabi ko pero malas mga kalahi ko sila na hindi nagr-review.
Nang nakaisip ako ng kalokohan na ako lang ang nakakaalam nag susulat ako sa scratch,
'KEN PAHINGI SAGOT SA NUMBER 7, BILIS!'
Binilog-bilog ko yung papel lumingon ako kay Ken at hindi nadalawang isip na binato sa kanya yung scratch sakto naman tumama sa ulo niya.
After kong gawin yun tumalikod ako at yumuko sa desk dahil naramdaman ko na ang kahihiyan na ginawa ko. Tiningala ko lang yung ulo ko nang may bumato din saking papel binasa ko ito,
'WALA AKONG SAGOT'
Nang binasa ko yun tawang tawa ako pero walang sound kasi nakakahiya naman sa mga kaklase ko. Nagreply uli ako,
'SINUNGALING IKAW PA WALANG SAGOT'
Binilog-bilog ko ulit yung scratch at binato sa kanya saka tumalikod at yumuko uli sa desk naghihintay sa reply nya.
Minutes passed wala pa rin yung reply niya kaya naman sumulat ulit ako,
'KEN KUNG WALA KANG SAGOT SAGUTIN MO NA LANG AKO HAHAHA'
Ganon pa rin ang ginawa ko binato ko sa kanya yun at tumama sa tenga niya, this time pinanood ko siyang basahin yun, nakita ko pang napailing siya binibilog niya yung papel after basahin saka umalis sa upuan niya para magpasa na ng test paper sa math.
Napakagat labi lang ako habang pinagmamasdan siyang umalis at magpasa ng papel.
Hanggang sa time na kunti pa rin yung sagot ko kaya pinasa ko nalang. Hindi naman ako nanghinayang na walang sagot sa test nanghihinayang lang dahil walang sagot galing kay crush.
Zariyah
2019
Unknown

INUMAN

Hi FEUSF! I'm Kyra. Let me share my story here kase wala na talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob.

I'm in a 2-year relationship with my boyfriend. Like others, masasabi kong normal naman relationship namin, feeling ko pang-stable na kase mature na kami pareho. Not until this night came.
Birthday ng tropa ng boyfriend ko kaya in-invite niya kami ng jowa ko sa place nila. Inuman daw kasama ang ibang tropa na kasama rin mga girlfriends nila.
Since weekend, free kami ng boyfriend ko kaya pumunta kami. Kilala ko na rin naman yung mga tropa niya.
Pagdating namin doon, andoon na lahat ng tropa niya sa may labas nag-iinuman habang yung mga babae nasa may sala. Hiwalay yata yung inuman ng mga babae kaya hinatid ako ng jowa ko doon sa mga babae.
Kalagitnaan, medyo nakainom na ang karamihan and i think yung jowa ko malapit na talagang malasing. Natatanaw ko kase siyang patawa-tawa na.
Maya-maya umalis muna ko sa may salas para puntahan sana yung jowa ko. Baka kase lasing na. Pero bago pa ko makarating ng labas narinig ko yung jowa ko na nagsasalita,
"Oo pre, sobrang bait talaga, ang swerte ko na sa ganoong babae."
Alam kong ako tinutukoy niya kase syempre ako yung jowa eh.
"Kaya nga pre eh, naka-jackpot ka! Alagang-alaga ka na wala ka pang gastos kase may kaya" sabi ni Paolo na isa sa tropa niya.
Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya kaya nanatili akong nakatayo sa may gilid at pinapakinggan sila. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at na-intriga akong makinig.
"Oo, sagana nga ako sa pagkain at luho ko eh, tapos kapag date namin, laging hati kami sa bayad o hindi kaya'y siya na magbabayad. Kabaliktaran kay Nicole pre."
Lasing na nga kase nabanggit na si Nicole na ex-girlfriend niya. 2-year relationship din yun pero pinagpalit siya sa lalaking may kaya. Kaya ramdam ko yung hinanakit niya. Noong bago pa lang kami nalaman ko na pineperahan lang siya nung babae kaya sabi ko sa sarili ko, never akong manghihingi kahit piso sa kanya. Kaya ko namang bilhin lahat ng gusto ko kase may trabaho naman ako.
"Pero pre, pansin ko lang sa tagal niyo ni Kyra, parang hindi ko nakikita na fine-flex mo siya sa social media" sabi pa nung isa niyang tropa.
Doon ako mas lalong na-intriga. Alam kong ang sagot niya ay dahil gusto niya ng lowkey relationship. Kase yan ang palagi niyang sinasagot sa akin everytime sinasabi kong i-upload mga pictures namin.
"Alam niyo pre, in-unblock na kase ako ni Nicole. Alam mo namang yun, stalker. Nahihiya lang ako na baka sabihin niya na pinagpalit ko siya sa mas pangit sa kanya..."
Hindi ako malungkot nung gabing yun, pero nakakagulat na yung luha ko tuloy-tuloy na tumulo. Parang sumisikip ang dibdib ko sa narinig ko. Hindi ko alam kong anong maramdaman ko. Iba ang sagot niya sa inaasahan kong 'lowkey' lang.
"... simple lang kase si Kyra diba? Hindi nagme-make up tulad ni Nicole na palaging naka-ayos. Okay sana kung simple na maganda HAHHAHA..."
Hindi ko na kinaya ang susunod na sasabihin niya. Rinig ko nalang tawanan nila. Umalis na ako at tumungo papuntang banyo. Dahil lasing na ang iba naming kasama, hindi nila napansin ang mukha kong namumula na.
Inayos ko ang sarili ko. Naghilamos na rin ako para hindi masyadong halata. Hindi ko bahay to para mag-eskandalo.
Nagpaalam ako sa kanila na may kailangan lang ako gawin sa bahay. Hindi naman sila nagtanong pa. Nakiusap na rin ako na paalagaan muna ng boyfriend ko dahil sobrang lasing talaga at hindi na kayang umuwi. Sinamahan ko lang silang ihatid yung boyfriend ko sa kwarto at nagpaalam na agad akong umalis.
Namumuo ang luha ko noong mga oras na tinitigan ko yung boyfriend. Isa lang alam ko sa gabing yun, kelangan ko umalis.
Gusto ko man manatili pero pakiramdam ko hindi ako belong sa lugar na yun. Nahihiya ako. Nahihiya akong tumingin sa tropa niya. Nai-insecure ako sa mga babaeng nasa sala.
Alam kong hindi ako maganda. Pero mas masakit marinig dahil narinig ko mismo galing sa kanya Hindi niya ako sinasabihang ganun. Everytime na feeling ko pangit ako, lagi niyang sinasabi na akala ko lang daw yun.
Lagi niya akong sinasabihan simple lang, maayos tignan, bagay yung suot ko, kaya na-build ko self-confidence ko simula nakilala ko siya.
But all this time, sugar coated words lang pala. I thought gusto lang ng lowkey relationship kaya ayaw mag-flex pero ngayong nagsink in lahat sa akin mga dahilan niya, ang sakit. Parang wala akong maramdaman kundi sama ng loob sa kanya.
It's been days simula nangyari yun. Normal kaming nag-uusap sa call. That night i decided to pretend na wala akong alam, kase ayokong pag-usapan. Ayokong marinig sa kanya yung katotohanang hindi naman talaga ako maganda sa pangalawang pagkakataon.
Hindi ko na mababago ang itsura ko. Totoo yun eh. Yun ang tunay na ako. Ngayon pinipilit kong maging maayos ang sarili ko at boses ko everytime na tatawag siya. Kahit out of a sudden na lang tumutulo ang luha ko kapag naririnig ko ang boses niya.
Ang sakit magtiis. Ang hirap magpanggap na okay lang ako. Naaapektuhan na ako. These past few days, gusto ko lang matulog. Tinatamad na rin akong kumain. Wala akong gana kumilos. Sinasabi ko lang na medyo masama pakiramdam ko, but deep inside sobrang nasasaktan talaga ako. Wala eh, mahal ko yung tao at ayoko ng gulo.
Kye
2021
Unknown

AGE GAP

Hi FEUSF! I'm Meca. I just want to release this burden in my heart. It feels so heavy lalo na at hindi ko mailabas kahit sa mga friends ko dahil i can't find the courage to do so.

Nahuhulog ako sa taong way older than me. As in really, really old guy. He's 35 while I'm 19. See the gap? And first time nangyari sa akin 'to.
Falling for a guy whose age is way apart to mine? Yes, I prefer older guy but i didn't saw this one coming. And hindi n'ya alam. Wala s'yang ideya na nahuhulog nako sa kanya. He's clueless. Naging stress reliever n'ya ako sa hectic nyang schedule.
We always talk. Palagi rin syang natawag. Akala ko yun lang yon pero ako tong na-attach eh. Nasanay ako lintek. Alam ko ang age gap namin before i admitted to myself that I like him no, I like him even more that it's too close to love.
I have a bunch of reasons kung bakit ko s'ya nagustuhan. I'm really in love with his personality. On how he carry himself, how he compose himself, on how he perceives things. The way he sort things out, the way he explain something na kahit ang babaw yes, pero ang lakas ng impact sakin.
I'm in love with his 'aspects of maturity' since yeah he's old kaya ganon na s'ya ka-matured. Pero 'yon ba talaga? Am i infatuated? Am I just admiring him? Puppy love? Sana, pero paano kung hindi?
Mayaman s'ya, nagtatrabaho sa VXI, so pwedeng pwede syang makahanap ng mas better. Sa age nya? Pang seryosohan na ang hanap nya. Alam ko kahit hindi nya pa sabihin. Nasanay na ako sa kanya e tang'na talaga.
Kabisado ko na s'ya. May nagugustuhan na syang babae that's what I know. What's worst? Kahawig ko pa! Great.
Ang hirap lang, tinatry ko naman syang hindi isipin. Kapag nakikita nga ni ate na may kausap ako thru phonecall sinasabi ko "ah si Ron to yung manliligaw ko" kahit ang totoo sya naman talaga. I'm afraid of what they might think.
Takot akong i-judge nila ako. Kase kahit naman maging negative or positive tayo palagi pa rin silang may masasabi. And now, hindi na kami palaging nag-uusap. Nagtu-turn off chat ako every time na makikita kong online s'ya.
Umiiwas ako baka kase lumala? Natatakot ako. Lintek naman kase self! Mahuhulog na nga lang, sa taong mas matanda pa sa akin! Ano nang gagawin ko? I miss him so much.
Tho hindi lang naman sya ang nakakausap ko palagi since busy nga s'ya. Si Ron din, minsan may iba pa pero sya talaga e, yung tipong 'd@mn, nagchat siya!'
Ganon. Masaya ako. Tipong kahit walang certain topic? Bigla na lang kayong magju-jump into something na mapag-uusapan, minsan nauuwi pa sa pagdidibatehan dahil meron s'yang sariling preference sa certain topic na yon, so do I. Meron din ako and i don't filter my words. Kaya nga may freedom of speech. But at the end of the day, mas nahuhulog lang ako.
Hindi ko man s'ya pagtuunan ng pansin pero ganon parin e. Hindi ko naman iniisip promise, pero pumapasok talaga. Naiisip ko talaga s'ya. Sa sobrang frustrate ko gusto ko nang umiyak bwiset. Lintik kasing matandang yon! Mangkukulam. Tang'na puppy love paba to? Infatuation?
And I remember, we set a friendly date this coming first week of june. I suddenly felt the urge na gusto ko s'yang lutuan. Hindi ako palaging laman ng kusina alam ng familya ko yan. Infact i barely cook.
Hindi hassle since may bahay sila dito sa village kahit na hindi s'ya nakatira dito and marami rin syang kamag-anak dito sa place namin. But the question is, itutuloy ko pa ba? Tang*na. Gulong-gulo ako.
Ibo-block ko ba? Eh lagi ko ngang hinihintay na magpop up yung message nya sa messenger. Nafu- frustrate ako na gusto ko nalang magshutdown, literally.
For you my happiness,
Hey, kamusta ka? I hope you’re doing good. Stay healthy so please iwasan na ang magpuyat. You're not getting younger anymore. You want early libing? And please ingat sa mga nae-encounter since pandemic, prone ka to get infected. Although, we don't talk that much or not really? Kase hindi na ako nagparamdam, pero iniisip pa rin kita. I always pray for your health. I wish you find what you are looking for.
I just wanna say that ever since I met you, I no longer desire anything more than spending my precious time with you. You mean a lot to me. You're my comfort. You're my kind of safe haven in this chaotic world.
Eca
2021
Unknown