Hi FEUSF! Nawili ako sa mga comments so eto part 2!
Actually parang wala namang kasunod yun kasi lockdown and nagka-pandemic kaya walang face-to-face. Ikwe-kwento ko na lang yung mga moments namin sa school noong face-to-face pa. Nakakamiss na kasi pumasok sa school at gumawa ng kalandian chour.
By the way grade 11 and HUMSS strand na po kami pareho. This story was happened last year.
Third grading after ng earthquake nagkaroon kami ng klase pero hindi sa room namin kundi sa gym kami ini-stay dahil may crack yung room namin dahil sa earthquake so delikado.
One week siyang absent. I don't know why baka sakit siguro kasi first time nag-absent eh tapos one week pa so nakakabahala na.
Nakaupo lang ako sa floor dahil nagc-cellphone ako na itinatago ko sa libro kunwari nags-study nagbabasa lang pala ng Project Loki. Nakakaintense yung binabasa ko kasi nga more on crime solving, so yun habang nagbabasa napasulyap ako sa harapan ko nakita ko sya na nakatitig saakin!
Mas intense pa ata yung titig niya kesa sa binabasa ko mars, tumibok bigla yung puso ko ng mabilis na akala mo naman huminto sa pagtibok. Absent siya kaninang umaga ah? Kaloka hindi siya nagparamdam ng one week and half day tapos biglang susulpot.
Nagkakatitigan lang kami ng may kumuha sa phone ko nilingon ko ito bata-bata pala ni guard kino-confiscate phone ko. Sinabi ng bata na sumunod ako papuntang admin office para sa record tumango na lang ako dahil medyo sanay na dahil sa cellphone dami ko ng record sa admin.
Pumunta nga akong admin kasama yung friend ko todo explain pa ako na nagc-cellphone lang naman ako dahil nag r-review hindi sana pakikinggan yung reason ko ng binigay sakin nung classmate ko ang reviewer sa quiz bee para sa United Nations program dahil dun nakalusot ako.
After nang nangyari may chika sakin yung friend ko,
"Kanina pa sunod ng sunod sila Ken sa atin a? Since nung papuntang admin office, nag-alala ata."
Ako naman hindi pinansin yung sinabi niya kunwari walang pakialam but deep inside umaasa. So lumilinga ako para mahanap siya then nahanap ko nga siya sa likod kasama mga kaibigan niya na mga classmates namin.
***
Dumating ang third grading examination wala pa rin kaming room kaya sa computer lab kami pina-exam dahil maingay sa gym and since specialization naman namin ang computer so ayos lang na doon kami.
Maingay kami sa pagpasok palang sa loob ng lab parang walang exam kung mag-ingay. Kahit sa paghahanap ng pwesto at pag upo maingay pa rin kaya naririndi na sa amin yung adviser and subject teacher namin sa computer but walang pake ingay pa rin ng ingay section namin.
Hindi pa rin sadya na magkatapat kami ng upuan ako sa left siya sa right kaya naman mas lalo akong hindi makafocus sa test tapos wala pang review hindi kasi uso sakin yun sakit lang sa ulo sa stock knowledge lang ako nakadepende paano na 'to?
Medyo nakayanan ko pa sa ibang subject kahit papaano marami akong nai-stock na knowledge hindi ko lang talaga madadala sa stock knowledge yung math at computer eh kaya mga iilan lang mga sagot ko.
Lumingon ako sa gawi ni Ken, yung lolo niyo focus na focus sa test halatang naka-review para ata sa future namin.
Bumalik ulit ako sa papel ko pero wala pa rin akong maisagot mangongopya sana ako sa mga katabi ko pero malas mga kalahi ko sila na hindi nagr-review.
Nang nakaisip ako ng kalokohan na ako lang ang nakakaalam nag susulat ako sa scratch,
'KEN PAHINGI SAGOT SA NUMBER 7, BILIS!'
Binilog-bilog ko yung papel lumingon ako kay Ken at hindi nadalawang isip na binato sa kanya yung scratch sakto naman tumama sa ulo niya.
After kong gawin yun tumalikod ako at yumuko sa desk dahil naramdaman ko na ang kahihiyan na ginawa ko. Tiningala ko lang yung ulo ko nang may bumato din saking papel binasa ko ito,
'WALA AKONG SAGOT'
Nang binasa ko yun tawang tawa ako pero walang sound kasi nakakahiya naman sa mga kaklase ko. Nagreply uli ako,
'SINUNGALING IKAW PA WALANG SAGOT'
Binilog-bilog ko ulit yung scratch at binato sa kanya saka tumalikod at yumuko uli sa desk naghihintay sa reply nya.
Minutes passed wala pa rin yung reply niya kaya naman sumulat ulit ako,
'KEN KUNG WALA KANG SAGOT SAGUTIN MO NA LANG AKO HAHAHA'
Ganon pa rin ang ginawa ko binato ko sa kanya yun at tumama sa tenga niya, this time pinanood ko siyang basahin yun, nakita ko pang napailing siya binibilog niya yung papel after basahin saka umalis sa upuan niya para magpasa na ng test paper sa math.
Napakagat labi lang ako habang pinagmamasdan siyang umalis at magpasa ng papel.
Hanggang sa time na kunti pa rin yung sagot ko kaya pinasa ko nalang. Hindi naman ako nanghinayang na walang sagot sa test nanghihinayang lang dahil walang sagot galing kay crush.
Zariyah
2019
Unknown
No comments:
Post a Comment