Hello admins, I'm not expecting na mapo-post to pero gusto ko lang maglabas ng sama at bigat ng loob ko.
Two years graduate na ako at hindi pa po ako nakakapagsimulang mag-ipon para sa mga pangarap ko. Sobrang dami ng problema since nagkaroon ng pandemic. Lovelife. Family Problem. Financial. Health problem. Sobrang sakit sa ulo lalo na kapag nagsasabay-sabay sila. Pero pinakaproblema ko is my lovelife.
May boyfriend ako, four years na kami. Sa four years na yun may nangyari na sa amin. Okay naman flow ng relationship namin not until na diagnosed ako na may cyst ako sa ovary.
Nire-remind ko yung boyfriend ko na hangga't maaari wala munang mangyari sa amin. Pero everytime na tina-topic ko sa kanya yun, nag-aaway kami, hindi niya ko maintindihang ayoko munang gawin yun kasi baka ma-trigger lalo cyst ko.
Everytime na magkasama kami nagagalit siya kapag hindi ko siya pinagbigyan.
Ilang beses na rin kami nag-break, mababaw na dahilan, minsan nagkakasakitan na, nagmumurahan pa. Sa kanya umiikot mundo ko dahil na rin sa tagal namin. Mas pinili ko siya kesa sa mga kaibigan ko. Kaya pag may away kami hirap ako mag-open kung kanino.
Sinasabi niya mahal niya ako. May mga pangarap naman siya sa akin. Pero nakakalimutan niya yun kapag nag-aaway kami.
Kapag mag-aaway kami lagi niya ko sinisisi na kasalanan ko, ako lagi may mali. Hindi niya nakikita mali niya. Pagtatawanan niya lang ako kapag nagkabati kami kase iyakin daw ako, habol daw ako ng habol.
Sabi pa niya ako lang naman daw naghahabol sa relationship namin. Matagal na daw tong wala kung hindi ako naghahabol. Hindi naman daw niya habol katawan ko, kasi mas marami pa raw mas sexy at mas maganda sakin (which is totoo naman). Kaya nga raw niya akong palitan ng ibang babae kung gugustuhin niya lang daw.
Hirap bitawan lalo na ilang taon na kami, siya kasama ko sa lahat ng achievements ko. Lahat ng memories hirap kalimutan. Sa tingin mo/niyo itutuloy pa ba o susuko na? Paano? Kung itutuloy ko naman, paano ko ipaintindi sa kanya na sana wala munang mangyari sa amin? Hindi ko na alam kung anong klaseng approach ang gagawin ko sa kanya.
Bhabiee
2019
Unknown
No comments:
Post a Comment