Sunday, June 6, 2021

KILAY IS LIFE

Ganito kasi yun, nanunuod kami ng volleyball ng boyfriend tapos naghaharutan, tawanan pa kami nung una pero after ilang minutes habang nanunuod kami biglang wala na siyang kibo, tahimik na siya, hindi na niya ako pinapansin.

Tapos eh ako hindi ako sanay na ganun siya kaya ginaya ko na rin. Nawala na rin ako sa mood sa kinilos niya kaya hindi na rin ako kumibo at tahimik na lang ako sa tabi niya habang nanunuod kami. Pero after ng ilang minuto na hindi ako nagsasalita at napansin niya siguro yung pagkatahimik ko, bigla naman niya akong inakbayan at hinawakan kamay ko.
Dahil mataas pride ko tinatanggal ko yung kamay niya sa balikat ko. Kaya tinigil niyang umakbay sa akin. Alam na warla na this!
The whole game tahimik na kami parehas walang kibuan, walang pansinan. Kilala ko to, kung mataas pride ko mas mataas naman pride niya. Bahala siya!
Hanggang sa napagdesisyonan ko ng umuwi kahit hindi pa tapos yung game. Sinabi ko sa kanya na umuwi na kami in a cold way at hanep sumagot din siya in a cold way. Umuwi kami ng walang pansinan at hindi pa kami magkatabi sa jeep. Mga ma-pride talaga.
Hanggang sa sumakay na kami ng tricycle may batang lumapit tapos nanlimos, sinabi niya sa akin na bigyan ko raw yung bata kasi wala raw siyang barya. Kaso hindi ko siya pinansin kaya nakipag-agawan siya sa wallet ko at biglang,
NALAGLAG yung EYEBROW PENCIL mula sa wallet ko!!!
Too late na para pulutin yun kasi umandar na yung tricycle nang mabilis. Nakakahiya naman kung papahinto ko pa kasi may mga ibang pasahero pa bukod sa amin.
Wala na akong nagawa kundi titigan na lang yun. Doon talaga sobrang sama ng loob ko at napaiyak pa ako. Bes, eyebrow pencil ko yun na water proof! Nag-iisa lang yun sakin. I believe na "kilay is life!" OA na kung OA pero tumutulo talaga luha ko nun haha. Nakakahiya boset!
"Babe tahan na papalitan ko yun, wag ka ng umiyak jan" panunuyo niya.
"Waag na! di na kailangan!" padabog na sagot ko sa kanya.
Nung pababa na kami, sabi niya may bibilhin daw muna siya doon sa may maliit na mall sa amin. May pinapautos daw sa kanya. Sabi ko sa kanya bahala siya. Ano? Pag-aantayin pa ba niya ko. Masama pa nga loob ko eh.
Hinayaan ko siya, pero nagulat ko paglingon ko, pumasok talaga siya sa mall. Sir*ulo talaga!
Aalis na sana ko kaso wala eh, kahit masama loob ko, ayoko naman siyang iwan at uuwi akong mag-isa. Kaya ending hinintay ko pa rin siya. Karupukan!
Pagbalik niya bigla niyang kinuha yung bag ko at doon pinasok yung paper bag na binili niya then sabay sabi,
"Mamaya mo na sa bahay niyo buksan pag uwi mo at tignan yung laman” sabay ngiti.
Eh? Para pala sa akin lahat ng pinamili niya.
Tumango na lang ako bilang sagot kase nahiya ako sa inasta ko sa kanya. Hanggang sa malapit na kami pero siya yung mauunang bababa ng tricycle then nung pababa na siya, hinalikan nya ko sa cheeks then said,
“Sorry babe ah, mahal na mahal kita" huhu ang pusooo koo.
Binabaan ko na rin yung pride ko at nag-response sa kanya. We bid goodbye to each other. Pag-uwi ko binuksan ko yung paper bag and napangiti na lang ako sa nakita kong laman nun, naglalaman siya ng tatlong dark goya chocolates and panalitan niyo yung eyebrow pencil ko.
Naiiyak na naman tuloy ako.
Hindi man yun katulad ng pangkilay ko na nalaglag pero sa lahat ng naging pangkilay ko, yung binili nya yung pinaka-favorite ko. It’s very special to me at hanggang ngayon ginagamit ko pa rin siya. Tama naman yung color ng eyebrow pencil na pinili niya.
Kilala niya talaga ako. Alam niyang sumama talaga loob ko nung nalaglag pangkilay ko dahil kilay is life ako. Siya pa nga minsan nagkikilay sa akin para raw mas pantay. I am so blessed talaga na kahit nagkatampuhan kami mas pinili niya pa rin kaming magkaayos at the end of the day.
~~~
Alam niyo girls, hindi man lahat ng lalaki katulad sa boyfriend ko. Pero never ever settle for less. Yes, ma-attitude at ma-pride rin talaga sila minsan pero kung mahal ka niyan walang pride pride. Kung sa tingin mo hindi ka kayang i-handle ng boyfriend mo sa tuwing nagtatampo ka, then maybe it’s a red flag? Maniwala kayo sa akin, lahat ng lalaki alam kung paano manuyo. Nasa sa kaniya lang talaga yan kung gusto niyang manuyo o hindi.
Queen
20**
Unknown

No comments:

Post a Comment