Familiar ba kayo sa kanta na nauso ngayon sa tiktok na may lyrics na,
"I’ll never forget you.
They said we’d never make it.
My sweet joy.
Always remember meeeee …"
Dahil doon may naalala akong nangyari sa akin before mag-pandemic. Nasa may tapat ako ng SM MOA nun at naghihintay ng jeep pauwi. Punuan na yung jeep at medyo humahaba na rin ang pila. Kaya hindi talaga ako basta-basta makaalis sa pila. Dagdag na rin yung siksikan talaga dahil andaming pasahero.
Nung nakasakay na ako, karamihan sa mga nakasabay ko ay mga studyante. Sa kaliwa ko ay may nakaupong isang high school student ng Pasay East nakita ko sa id lace niya. While sa right side ko is a student from FEU based on his id lace too. I think he’s a college student na. Yung pormahan kase and yung bag na gamit niya ay hindi na pang-high school tsaka may dala siyang kulay blue na pahaba yung nilalagyan ng mga sketches ba tawag dun? Basta yung parang ginagamit yata ng mga engineering na sinasabit sa balikat.
Maputi siya, makinis, nakasalamin at halatang may kaya. May katangkaran din siya kase nakayuko na siya sa tabi ko. Napatitig ako sa kanya. Dahil maliit lang ako, parang nakadungaw tuloy siya sa akin. Imagine nasa jeep lang kami ha.
Nahuli niya akong nakatitig sa kanya, I mean nahuli ko rin naman siya nakatingin sa akin, basta nagkatitigan kaming dalawa. Kaya nagkahiyaan tuloy kami at parang nawala ako sa sarili ko pansamantala.
Hanggang sa hindi ko napansin, inaantay na pala nung taga-singil ng bayad yung pamasahe ko pero hindi ako nakapag-prepare dahil mas inuna ko pang makipagtitigan sa katabi ko.
Hiyang-hiyang ako dahil nakatingin din yung ibang pasahero sa akin. Syempre hindi naman yun aalis hangga’t hindi kumpleto. Nagmadali akong kunin yung wallet ko sa bag ko, and to my surprise kulang ng 2 pesos yung barya ko!!! May buo man, pero buong isang libo.
Panic mode na ako nun kase hindi naman pwedeng ibayad ang isang libo. Naghalungkat ako sa bag ko pero limang 25 cents lang ang nakita ko. Pinagsisihan ko tuloy na iniwan ko yung cents sa sukli ko kanina.
Ako nalang inaantay para makaalis na. Parang gusto ko na lang bumaba kase hiyang hiya na ako. Tapos tinitignan pa ako ni kuyang katabi ko kaya mas na-pressure ako.
Ilang ulit ko ng binilang yung barya ko, kulang talaga ng piso. Mukha akong tanga habang nagbibilang ng paulit-ulit, nagbabakasakali na madagdagan, p*nyeta!
Naiiyak na ko nun, tapos biglang nagsalita yung katabi ko,
"Magkano kulang?" parang natatawa pa niyang tanong.
"Piso lang …" malambing ko pang sabi doon kay kuya. Naiiyak na kase talaga ako sa hiya.
"Oh eto oh" sabay abot niya ng piso.
Nginitian ko lang siya pagkatapos nun tapos hindi na ko kumibo. Kunwari nalang natutulog ako sa byahe kase alam kong pinagtitinginan ako ng ibang pasahero.
Pag-uwi ko sa bahy doon na ako nanghihinayang kase hindi man lang ako nagsabi ng ‘thank you’ kay kuya poging katabi ko. Tapos naalala ko pa na sobra pa ng 25 cents yung binayad ko kay kuyang naniningil.
Shout out kay kuyang taga-FEU na nakasakay ko at ni-libre ako ng piso. I’ll never forget you!
CL
2019
SHS
ADMU
No comments:
Post a Comment