Grabe natatawa ako sa mga comments niyo, so nag-decide ako na gumawa ng part 2. Kwento ko na yung nangyari samin (hindi nangyari na nasa isip niyo ha).
Thursday, May 13, 2021
IYAK (Part 2)
So ayon na nga, nagsimula yung pangungulit niya sakin grade 7 pa lang kami. Lahat ata ng teacher alam na crush niya ako pero hindi talaga ako naniniwala kasi napakalabong mangyari. Pero minsan kinikilig din naman ako pero yung patago lang, mahirap na baka mahalata eh. Baka matauhan bigla haha!
Siya kasi yung tipo na kung anong gustong sasabihin niya, sasabihin niya talaga. Yung tipong pasaway na matalino sa klase. Kahit nga nag-lelesson kami tapos may patalastas lang na nangyari, magdadaldal na yan hanggang sa masita nila ma'am. Hanggang sa kami na naman yung pinagtitripan ng lahat dahil tiklop siya pagdating sa'kin. Kalalaking tao napakadaldal pero infairness ang ganda ng penmanship niya. Ey!
Kaya rin hindi ako naniniwala na crush niya ako, kasi may iba pa siyang crush sa campus. Sino ba naman kasi maniniwala sa ganon? Umaamin ka na crush mo ako, tapos may crush ka palang iba. Pero okay lang din yun, kasi may crush din ako sa room namin pero hindi naman ganon kalalim. Patas patas lang hindi naman ako magpapatalo, charot lang.
So umabot hanggang grade 9 yung pangungulit ni buraot. Pero may crush na ako sa kaniya ng time na to siguro 45/100 HAHAHA pero hindi pa rin ako umamin, sinarili ko lang muna.
Naalala ko nung grade 9 ako, birthday ko non. Hindi ko alam na may surprise pala sa akin mga kaibigan ko. Binigyan nila ako ng libro, nag ambag ambag sila para mabili lang yun. Tapos nakalagay yun sa box, then yung takip ng box may mga sulat sila dun para saakin.
Nakakagulat dahil nag ambag din yung buraot. Naalala ko sabi ng kaibigan ko 50 pesos daw yung binigay niya. So tuwang tuwa naman ako. Ang cute pa ng sinulat niya,
"Happy Birthday _____ ! Thank you for everything." may pa-heart emoji pa sa dulo. Tapos name niya na may heart ulit sa dulo. Eh diba nga sabi ko ang ganda ng sulat niya? Kaya andito pa rin yung box sakin, tinatago ko.
Tsaka nung Valentine's day naman, binigyan niya ako ng lollipop na hugis rose na nabibili na tig 5 pesos lang sa tindahan. Dahil sa sobrang saya at tuwa ko hindi ko kinain yun. Kasi feeling ko masasayang. May pagkasira yata ako hahaha!. Kaya tinago ko na lang sa box yung lollipop na binigay niya sakin nung birthday ko. Ngayon stick na lang yung natira kasi nilanggam na. HAHAHA!
Pero minsan lang talaga kami magkaintindihan. Kapag nag-aaway kami parang may world war lang eh. Para kaming aso at pusa, hindi talaga kasi siya nagpapatalo pero minsan kapag pikon na pikon na ako, hindi ko siya pinapansin. Kaya todo suyo na siya tapos may pakanta kanta pa yan na nalalaman na,
"Sorrry na kung nagalit ka, hindi naman sinasadya" tapos sabay sundot ng tiyan ko or sa may bandang tagiliran. Takte!
Alam niya kasi na dun yung kiliti ko, ang ending natatawa ako tapos nakukurot ko siya. Edi bati na kami! Pero may time rin na ilang araw bago kami magkabati.
Wala rin pala akong sariling cellphone nakikihiram lang ako kay papa. Kaya bihira lang din kami mag chat.
Minsan magchachat siya para mangamusta, parang hindi kami nagkikita sa room eh. Chat niya minsan,
"Madami ka bang gagawin? Ginagawa ng mga kuya mo? Patulungin mo rin yang mga kuya mong tamad, hindi puro ikaw na lang yung kumikilos. Tsaka andito lang ako ha ..." chuchu ganyan. Medyo nakakakilig, slight lang ha.
Pero minsan magchachat siya para mang away lang, kaya hindi ko na lang nirereplyan tsaka pinapansin. Kinaumagahan niyan pagdating ko sa room, tinatadtad niya na ako ng tanong. Kesyo bakit hindi ko daw siya nirereplyan. Napakadrama!
Tapos nung nag grade 10 na kami, nagkamuwang muwang na ako ng mga panahong ito. Dito na nangyari yung lahat lahat. Dito na yata nagsimula rurupok ang puso ko dahil unti-onti ng lumalakas ang tibok neto.
Acil
2018
Unknown
Unknown
IYAK (Part 1)
May naalala ko nung Grade 8 ako. Share ko lang.
Bale ako yung panganay na babae, pero may kuya ako na dalawa tapos tatlo pang nakababatang kapatid. Syempre bilang panganay na babae, ikaw yung gagawa ng ibang gawaing bahay.
Yung papa at mama ko non busy rin sa work. So ako lang talaga yung inaasahan nila, yung dalawa kong kuya parehas tamad tsaka iba ko pang kapatid. Kain, gala, tapos tulog lang yung ginagawa. Syempre hindi naman ako robot, tao lang din naman ako at napapagod din naman ako.
Tapos one time nagsabay sabay na lahat, yung gawaing bahay (lalo na kapag galing school tapos maglalaba pa), assignments or projects tapos yung sariling problema ko pa.
Maaga akong pumasok ng school, na gigil na gigil tapos pagod na pagod. Recess time, tamang kwentuhan tsaka chikahan lang kasama mga classmates ko. Nang biglang dumating yung buraot ko na classmate na lalaki, pinaglalaruan niya ako na at sabi pa niya crush niya raw ako. Pero hindi ako naniniwala kasi hindi naman talaga kapani-paniwala.
Usapang pamilya ang topic namin, tapos nung turn ko na magchika, bigla akong naiyak kasi punong puno na talaga ako that time. Yun na lang talaga yung magagawa ko para mailabas ko yung gigil ko.
Nagulat ako kase nataranta yung buraot tsaka iba kong kaibigan. Kesyo ba't daw ako umiiyak, so sinabi ko naman yung dahilan.
Narinig ko na lang yung sinabi ng buraot na,
"Sino nagpaiyak sayo? Yung mga kapatid mo? Asan sila? Nasa kabilang room ba? Nang mabigyan ko ng tig-isang uppercut, ako nga hindi kita pinapaiyak tapos sila ginaganon ganon ka lang!"
Biglang hiyawan yung mga kaibigan tsaka classmate ko. Nagulat rin siguro sila sa sinabi nung buraot kong classmate.
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiiyak, kasi kahit papaano pala may taong kaya pa rin akong ipaglaban.
Tumahan din lang naman ako kasi next period na namin. Pero hindi na ako tinantanan ng buraot, kinukulit niya na lang ako ng kinulit hanggang sa maging okay ako.
Acil
2018
Unknown
Unknown
FIRST BOYFRIEND
Hi! Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Rose.
First year college ako noong makilala ko ang first boyfriend ko na itago na lang natin sa pangalang Jack.
Bago ko siya sagutin, marami muna akong inalam sa kanya, like his past.
Sinagot ko siya dahil kakaiba siya sa lahat. Sweet siya na hindi. Mataray siya na hindi. Magulo siya na hindi. Basta kakaiba sya sa lahat ng nakam.u at naging manliligaw ko.
Pinaramdam niya sa akin yung saya at sakit sa umpisa pa lang.
Naramdaman ko yung alaga niya at pagmamahal. But at the same time sa tuwing nagagalit siya ay nakakalimutan niya na mahal niya ako.
Napakaseloso niya na kahit mga kaibigan kong lalaki na hindi niya pa nakikita at nakilala ay pinagseselosan niya. Pero intindi ko na yon, natural lang yon, mahal niya ako eh. Kaya i chose him over my friends.
Nalulungkot ako kasi nakakamiss din sila. Nilalayo ko yung sarili ko sa mga kaibigan kong lalaki na ang turing lang namin sa isa't-isa ay magkakapatid. Pero napaisip ako sa sinabi ng boyfie ko,
"Kung totoong kaibigan mo sila, maiintindihan ka nila, mananatili sila."
kinakamusta nila ako, nagtatanong sila kung bakit, pero hindi ko lang sinasagot, dahil ayaw kong malaman nila. One friend lang namin ang nakakaalam, my girl best friend.
At ayon na nga, tuluyan kaming nawalan ng communication, pero nagkakalat pa rin sila sa newsfeed ko hehe.
Tapos ayon, naging okay kami ng boyfriend ko. Pero ganon pa rin, kapag galit siya, nakakalimutan niyang mahal niya ako. Sa tuwing magkaaway kami, lagi niya akong bina-block sa messenger. Kapag sa personal naman kami nag-aaway, yung dapat ba sabay kaming umuwi, nauuna sya maglakad tapos diretso uwi, ako, di na niya inihatid.
Hinahabol ko pa siya nung time na yun, kaso mabilis siya maglakad, kaya nawala na sya sa paningin ko. Nangyari ulit, tinry kong habulin siya ulit pero nawala na naman siya sa paningin ko, kaya umuwi na naman ako mag isa.
At noong nangyari ulit, this time, hindi ko na siya hinabol, hinayaan ko na lang siya mawala ulit sa paningin ko.
Ang sakit sakit lang, habang nasa jeep ako, umiiyak ako, may hiya pa naman ako kaya todo takip pa rin ako ng mukha ko habang umiiyak.
Sa school din nangyari ang iwanan, nagka-misunderstanding ulit kami, matapos niya sa last exam, diretso labas at uwi na agad siya.
Noong time na yon, tinapos ko rin agad yung exam ko, para habulin siya, pero wala na, umuwi na naman mag-isa, sumakay na kami ng friend ko sa jeep, para umuwi na rin sana, pero may isang classmate ako na nagsabi sa akin na yung boyfie ko naglalakad don, kaya dali dali ako bumaba at nagpaalam sa friend ko na mauna na siya.
Pumunta ako sa itunuro ng classmate ko, pero di ko sya makita, tinawagan ko siya pero di niya sinasagot, hanggang sa sagutin niya.
" Asan ka na, Jack?" tanong ko.
"Umuwi ka na, umuwi na ako." Sagot niya.
Sumakay na ako sa jeep na walang pasahero dahil hindi ko na mapigilan yung luha ko, at ayaw kong may makakita na umiiyak ako.
Pero, inintindi ko pa rin, besides, alam kong may ugali rin ako na iniintindi niya, pero bakit ganon? Ang sakit naman.
Ang kagandahan lang ay sa kabila ng pag-aaway namin, walang nagbabago, masaya pa rin kami tulad nung umpisa.
Pero narealize ko,
"Mahal mo lang ako kapag masaya tayo, pero pag hindi tayo okay, nakakalimutan mong mahal mo ako."
Pauulit ulit na away at bati, iiwan niya ako sa ere sa tuwing hindi kami okay kaya one time nung iwan niya ulit ako, sinabi kong,
"Ayaw ko na, pagod na ako, lagi mo na lang ako iniiwan sa ere sa tuwing nag-aaway tayo, mahal mo ba talaga ako?"
Matagal bago ulit hindi kami mag-chat, masakit pero tiniis ko. Ayaw kong, bumalik ulit sa kanya kahit ako na yung nasasaktan, inignore ko ang text at tawag niya for a while, pero dahil marupok ako, nung basahin ko na nag-message na "Sorry" napatawad ko na siya.
Ayaw niya raw na mag-break kami, at hindi niya kaya, kaya pinaliwanag ko yung nararamdaman ko sa kanya, kung bakit napagod ako. Nag-usap kami ng matino.
Nagsabi pa nga ako na,
"Hindi naman ako nakikipagbreak, ang ibig sabihin ng ayaw ko na ay ayaw ko na maramdaman yung sakit na pinaparamdam mo. Napagod lang ako. Nakakapagod naman talaga kaya magpapahinga muna ako pero sayo pa rin ako, at tsaka gusto ko lang din naman talaga malaman kung mahalaga at mahal mo ba talaga ako.”
Since that day, hindi na niya ginagawa yung iiwan ako sa ere sa tuwing hindi kami okay. At mas naramdaman ko pa yung pagmamahal niya.
Medyo mahirap siya i-handle sa umpisa, pero nagkaintindihan at nasolusyunan ang isang challenge sa love story namin noong sabihin namin ang problema sa isa't-isa.
Rose
2021
Unknown
Unknown
MCDO SERYE (Part 5)
Bago ako magsimula, shout out muna sa nag-tag sa mga managers ko. Tama nga sila wala kayong kwenta ka-bonding. Alam na tuloy nila 'yung kasunod na mga parts. Buti hindi ako pinagalitan at buti konti lang ang may alam. Hay nako! Hindi sana masarap ang inyong mga ulam.
But anyway, here's the next part. Shut up nalang sa mga kaibigan kong taga-McDonalds P**** na may alam neto. Wag kayong spoiler at kahit anong mangyayari huwag kayong aamin na ako ang sender neto.
So ayun na nga, napapansin na namin yung closeness ni Angel at ni Junior. Pero buong akala ng lahat tinuturuan lang ni Junior si Angel dahil crew chief nga si Junior. Lahat ng station alam ni Junior kaya hindi nakakagulat kung isa siya sa nagtuturo kay Angel.
Kaming dalawa naman ni John, hindi na nagpapansinan. Hindi ko alam kung worth it ba yung pag-sacrifice ko ng friendship dahil lang sa babae.
Pero dahil dakilang competitive kami parehas ni John, walang nagpapatalo sa amin kahit na magkasiraan pa. Hindi na rin kami sabay umuuwi ni John. Nag-uunahan kase kaming maghatid kay Angel.
At dumaan ang friday-payday. Alam naming disaster ang shift na'to. Aware kaming lahat dahil pinaalala naman ng managers namin kaya kumain na ako agad bago pumasok kase matik break-out na naman kaming lahat.
Tulad ng inaasahan marami ngang costumers. So counter, sa drive-thru, lalo na sa MDS (delivery). Hindi kami magkanda ugaga sa mga orders. Call dito, call doon. Dahil nga nagpapabida kami at hindi kami okay ni John, isama mo na rin si Junior, medyo naging awkward ang shift.
Kung dati, nakakapagod na masaya ngayon nakakapagod na lang. Nawalan ako ng ganang kumilos. At halatang nawawalan din ng ganang kumilos si John.
Wala rin yung inspiration namin dahil si Angel nilagay sa drive-thru cashier. Nasa bandang likod yun, at hindi talaga makikita at makausap ng mga taga-kitchen.
Kalagitnaan, biglang sumigaw si ma'am.
" Mark John Junior !!! Ano ba? Bat puro waiting na lang mga orders? Ang babagal niyo yata ngayon?"
Halatang nagagalit na yung managers namin. Tumulong na sila sa counters pero wala pa ring nangyayari dahil wala naman silang mase-serve dahil tambak mismo sa kitchen palang.
Kahit anong bilis ko tinatamad talaga ako. May oras na naubos na ni John ang mga pending na orders sa kanya. Tinulungan na rin kase siya ng isang manager namin dahil nga ang daming large order ng burgers.
Pero hindi man lang ako tinulungan ni tängä noong nakaraos na siya. May huhugasan lang daw siya. Pwede naman niyang iutos yun pero siya pa talaga mismo pumuntang back sink. Panigurado, sumisilay lang yun kay Angel.
Nakakatampo pero ayokong namang masabihang kamote kaya hinayaan ko na. Tinapos ko lang yung mga naka-pending na walang katapusan.
Out na sana namin, pero pinatawag kaming dalawa ni John sa office. Hindi ko alam kung bakit pero pinapapunta kami bago mag-out.
"Mark John, ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" panimulang sermon ni ma'am.
"Wala naman po ma'am." Si John ang sumagot.
Ewan ko. Tinatamad lang din talaga ako magsalita at hindi ko rin kase alam ang isasagot. Buti nalang nagsalita si John.
"Hindi naman kayo ganyan dati. Dati kahit kayong dalawa lang nasa kitchen, hindi tayo nagkaka-problema. Pero ngayon tatlo o apat na nga kayong andun, ang bigat bigat pa rin. May problema ba kayong dalawa?"
Walang sumagot sa amin ni John. Si tängä tumahimik rin.
"Ayusin niyo yan. Mark, siya nga pala, antayin mong makapasok yung isa sa kitchen bago ka mag-out nagpaalam kase si John kanina na may emergency sa kanila kaya hindi siya pwedeng mag overtime."
Biglang uminit ulo ko sa sinabi ni ma'am nun. Pagod ka na nga mag-overtime pa. Tapos si John out is out? Ang walanghîya sasabay lang yan kay Angel.
Habang nagbibihis si John sa crew room, pumuntang ako kay manong guard at sinabing,
"Chief, padouble check ako ng mga bag ng mga mag-out pati na rin yung mga dala nilang helmet, may napapansin kase akong kakaiba sa iba."
Sa asar ko nasa isip ko noon, walang mag-out ng maaga. At wala munang sasabay kay Angel. Mag-iingat kayo paglabas mga tängä.
Mark
2021
Unknown
MCDO SERYE (Part 4)
Simula nga nung nalaman ko na medyo tinatraydor na ko netong si John. Medyo nagkailangan na rin kami sa isa't isa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam no’n.
Pagkatapos nung araw na sinumbong niya ko kay ma'am na pumuntang freezer, nagkakalabuan na kami. Nung gabing yun, hindi kami sabay umuwi. Sabi niya mauna na raw siya kase may dadaanan pa siya.
Sa tagal naming sabay na umuuwi, ngayon lang 'tong unang beses na hindi ko alam kung saan siya pupunta. Lagi kase kaming sabay at hinahatid ko siya sa bahay nila dahil nadadaanan ko lang naman bahay nila.
Nagkataon rin kase sa araw na yun at na-late yung kapalitan ko kaya hindi muna ako pwede mag-out. At himalang hindi na ako naantay ni John.
Nakakalungkot lang dahil day-off rin ni Angel sa araw na yun. Kaya wala rin akong inspirasyon.
Dumaan ang ilang araw at ganun kami ni John. Kapag magka-shift kami, parang may mga bisitang darating dahil sa sobrang seryoso namin. Halos lahat yata ng standard na tinuro sa amin, ginagawa na namin.
Hindi pa rin mawala ang kulitan sa kitchen, pero medyo nabawasan lang dahil nga nagkakailangan kami ni John. Tulad na lang kagabi, isa sa amin pinagbreak ni Junior.
Si Junior, yung crew chief na kasama namin sa night shift. Kumbaga siya yung kanang kamay ng manager, pero hindi kami takot sa kanya dahil mas maloko pa 'to sa amin. Siya pa nga ang nagturo sa amin kung saan banda pwedeng kumain, o gumawa ng kababalaghan ng hindi nakikita sa CCTV. Kaya nung natutunan namin yun, hindi talaga kami mahuhuli.
Yun nga, pina-break na ang isa sa amin. Sabi ko kay John siya na mauna at medyo busog pa ako. Himala diba? Pinauna ko siya haha. Pero sagot niya,
"Busog pa rin ako eh, kumain ako bago pumasok, ikaw muna."
"Ikaw na muna, ako na bahala jan." sagot ko pabalik na tinanggihan rin naman niya.
Mukha kaming tanga doon sa kitchen at halatang naninibago sa amin si Junior dahil lagi nga kaming nag-aagawan kung sinong unang mag-break.
Maya-maya, sumigaw si Angel.
"Break po POS 1 ..." ibig sabihin nun magbe-break na si Angel
Rinig yun ng lahat ng nasa kitchen, at kitang kita ko kung paano umaayos ng tayo si John. Bago pa ako maunahan ni John nagsalita agad ako,
"Junior! Erp break muna ko ha!"
Hindi ko na sila inantay na tumanggi pa. Inayos ko kaagad yung apron ko, at pumuntang counter para kunin yung break ko.
Halatang badtrip si John sa inasta ko, pero Angel na yun eh. Palag na palag na.
Magkasabay kaming kumain ni Angel. Syempre kwentuhan na rin. Inspired ako kumain. Binigay ko pa nga kay Angel yung balat ko ng chicken. Kahit favorite ko yun, pero dahil narinig kong favorite niya rin yun kaya binigay ko na.
Sa ilang minuto marami na kaming napagkwentuhan ni Angel. Kita ko kung paano siya ngumiti, kumain at lumunok. Feeling ko nakalutang ako habang tinitignan ko siyang kumakain.
Kalagitnaan ng break, napansin ko si John na pasimpleng sumisilip. Haha walang maggawa si tängä, bagal eh. Nung nakita ko siya, agad akong lumapit ka Angel, at hinawakan yung konting hibla ng buhok niya. May nakita kase akong isang butil ng kanin doon. Kaya pasimple kong kinuha, para na rin asarin si John.
Kitang-kita ko kung paano nagdamog pabalik si John.
Hindi pa tapos ang break namin at nag-eenjoy pa kaming mag-kwentuhan ni Angel, biglang pumasok ng crew room si Junior.
"Mark, bumalik ka muna, andaming pending orders."
Wala akong nagawa sa sinabi ni Junior, kaya bumalik kaagad ako. Crew chief yun eh.
Pagtingin ko sa pending orders tatatlo lang!!! Alam kong kayang-kaya nila yun, pero bakit pa nila ko kailangan madaliin? Dahil dun tinignan ko si John, napansin kong ang bagal niyang mag-assemble ng orders.
Gumaganti na naman yata si tängä kaya binabagalan. Pagkatapos kong gawin yung nga pending orders, naisipan kong bumalik sa crew room, para sana tignan sana kung andun pa si Angel dahil hindi ko pa siya nakikita sa may counter.
Pero pagdating ko sa may crew room laking gulat ko, dahil nagkukulitan si Junior at Angel. May pinapanuod silang video sa phone ni Angel at ang lapit nila sa isa't isa.
Kailan pa sila nagkasundong dalawa?
Mark
2021
Unknown
Unknown
Subscribe to:
Posts (Atom)