Hi, I just wanted to share my story here. Matagal na kasi din akong nagbabasa ng mga story dito pero ngayon lang ako naglakas ng loob para ishare toh. Nobody knows this hidden story of mine except from my friends nung Grade 11 ako.
Wednesday, January 20, 2021
FORGIVE AND FORGET
Nangyari ito nung pauwi kami ng mga kamag-anak ko galing sa kasal ng pinsan ko. Sa ibang lugar kasi ginanap yung kasal kaya halos 12 hrs kaming na loob ng sasakyan. Bale taltong layer kasi ng upuan yung sasakyan at naka-upo ako nun sa pinakalikuran ng sasakyan sa may tabi ng bintana. Bale apat kaming nakaupo sa likuran at katabi ko yung pinsan kong lalaki.
Natutulog ako nun mga bandang hapon ng bigla akong magising dahil nauuntog ako sa bintana dahil nga dumaan kami sa malubak na daan pero di ko pa rin binubuksan yung mata ko kasi sobra ako nagulat at natakot kasi nakakaramdam ako na may nakahawak sa hita ko at dibdib ko.
Nakakatrauma kasi naalala ko yung time na nahipuan din ako sa tricycle, gusto kong umiiyak at sumigaw that time pero hindi ko magawa. Di ko alam kung ilang minuto din akong di makagalaw, pero di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para imulat yung mata ko at igalaw yung katawan ko. After that tinignan ko yung pinsan kong lalaki, nakita ko sya na nagtutulugtulugan like there's nothing happened without any regrets.
Pinaglagpas ko yun kasi he was younger than me, 13 yrs old pa lang sya nun and I was 16 that time pero mas matangkad sya saken. Pinalagpas ko yun pero di ako natulog and night came but we are still in the car. And he keep asking and checking me kung tulog na ko, kaya sabi ko nun, di ako matutulog pero dinaya yata ako ng katawan ko kasi nakatulog ulit, dala na rin siguro ng pagod. Naulit ulit yun, di ko na din alam kung paano nawala yung kamay nya nakapatong sa dibdib ko at sa hita ko. Sobra ako natakot na halos laman ng utak ko nung mga oras na yun, pano nya nagawa sakin yun, ate nya ko, leader nya ko sa church. Hindi ba ko desenteng tignan,hindi ba ko karesperespeto? maayos naman yung damit ko di naman nakakabastos, di naman kalakihan yung dibdib ko, pero bakit? Bakit nya nagawa yun? And I was also asking kung ilang oras nya kong ginaganun at kung wala bang nakapansin nun?
Fears and regret was eating me, regret kasi dapat di na lang ako sumama, regret kasi di ko man lang sya nasaway sa takot na baka mawala sya sa church, sa takot na kapag gumawa ako ng eksena sa loob ng sasakyan walang maniwala saken. And sa sobrang trauma ko, galit, regret naging cause yun para maglie-low ako sa church. Nagkaroon din ako ng trust issue sa mga lalaki, halos lahat ng kachat kong lalaki at kakilala ko di ko na kinakausap at lumalayo ako sa kanila. At mabilis din akong magalit kapag may nakikita o naririnig ako na sinisi nila yung pananamit ng babae kaya sila nababastos, umiikot talagah yung mata ko ng 360°. Tapos bigla pang nagquarantine, mas lalo nakakadepress kasi halos gabi-gabi akong umiiyak pati sa panaginip ko andun yun. Nakakasuffocate kasi wala akong mapagsabihan that time.
Ps. I am okay now, I am okay but it doesn't mean na I am completely heal from the wound it cause me. Because deep wounds will never heal that fast, it will take time to heal in God's perfect time and it is never been easy to build your ownself again but for now, I am in the process of learning how to forgive and forget, forget na hindi literal na makakalimutan mo talaga yung nangyari but the pain itself. And forgive without waiting for him to ask for forgiveness.
Arc
2020
12-HUMSS
Unknown
UNFAITHFUL MANYAK (WARNING! MEDYO SPG)
Wala ng intro intro dahil nahighblood talaga ako

One time inopen ko yung account ng boyfriend ko para mag scroll scroll lang dahil hindi ko ma online yung account ko.So pumunta ako dun sa watch, nagulat ako ung mga videos suggestion nya puro bastos and may mahahalay na content. Out of curiosity pumunta ako sa watch history nya and puro babaeng malalaswa talaga yung laman ng pinapanood nya. Graaaabeeee. Nakaka turn off. Tapos kinagabihan non matutulog na sana ako, chinarge ko na yung phone nya nagtalukbong nako sa kumot at tumagilid dun sa side na kaharap yung cp nya(bale nakatalikod ako sa kanya) Niyakap nya ko pero yung kamay nya unti unting hinugot ung charge ng cp nya. Edi hinayaan ko.
Pinakiramdaman ko lang sya habang nakatalikod ako sa kanya na nagtutulog-tulugan, tas tumihaya ako. Nakita ko nakatalukbong sya sa kumot, so ako hinila ko yung kumot nya. Bigla syang pumikit at nilapag ung cp sa tyan nya akala nya di ko sya nakita, hinablot ko yung phone nya and yun nakita ko nanonood nanaman ng mga babaeng malaki ang dyoga na nagpapa cute habang sumasayaw, hinawakan ko yung alaga nya to check what's goin on at ayun na nga matigas.
Kinompronta ko sya pero wala lang, binatukan pako 

Ano ba dapat kong gawin?
BabaengSawi
2020
Unknown
Unknown
NABUNTIS ANG MAGIGING GF KO SANA PERO HINDI AKO ANG AMA
Gusto ko lang sana ishare to dito kase wala na akong ibang magpagsabihan at alam kong di nila maiintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.
Bigla nalang ako inignore nung last relationship ko bago pa sumapit ang pandemnia. Sobra kong dinamdam yung pangyayaring yun kase mahal na mahal ko yung babae at ka batchmate ko sya sa school. 1 year nang sumasapit ng di nya nako kinausap at nakablocked nako sa lahat ng contacts nya. June 2020 – nagkaroon ako ulit ng bagong kausap sa messenger, una mahirap kung pano magwowork yung usapan namin kase mahal ko pa yung last relationship ko at alam kong galing din syang break up sa bf nya. Kinikwento nya sakin na ang dahilan ng hiwalayan nila ay third party na di nya kaya sikmurain. Sumapit ang Bermonths naging okay kame, yung tipong di ko na kaya lumipas ang maghapon na di ko sya nakakausap at ganun din para sa kanya. Mula umaga hanggang gabi nag-uusap kame at na handle naman namin yung pag-uusap sa buong araw kase kasagsagan ng covid at pareho lang kaming nasa bahay. Grade 12 student ako at sya naman ay Grade 11 so not bad para iwork diba hehehehe.
Hanggang nagpatuloy ng nagpatuloy ang pag-uusap namin. Sumapit ang November sumali sya sa isang online pageant nun kase ang ganda nya talaga kahit di sya ganun katangkaran pero sya ang naging title holder ng pageant. Biniro ko sya one time na ilibre nya ko tutal nanalo naman sya at para magkita kami in person. Di naman sya tumanggi kase mutual naman ang feelings namin sa isat isa. Pinapunta nya ko sa kanila then pinakilala ako sa ate nya at mama nya at doon ako nagdinner. Uminom din konti kasama ate nya. Lumipas ang oras pauwi nako around 11 na kase gabi na din yun at napaka layo pa ng bahay namin sa bahay nila. Nag effort lang ako pumunta kase gusto ko din sya makita. Hinatid nila ako kasama mama nya pauwi samin. Edi syempre kilig kilig ako kase hinatid ako kasama si tita hehehe dagdag points.
Sumapit naman ang December ininvite nya ko na pumunta sa binyag ng pamangkin nya so syempre ako si go lang, kala ko kakain lang ng lunch yun pala may inuman with their relatives. Napasobrahan ako kase napaka bait talaga ng mga tita,tito nya hanggang na ako so inaya ko na sya na bumalik na sakanila at para maka idlip ako bago umuwi. Pinatulog nya ako sa kwarto nya at pareho kaming naka-inom. Di naman totally lasing pero hilo na. Hanggang dumating yung hinalikan ko na sya sa lips. Akala ko magagalit sya pero gusto din nya at itinuloy namin hanggang naghalf body hanggang sa alam nyo na yun hehe. Natigil kami ng biglang nagwala ang mama nya dahil sa kalasingan at ako naman e biglang napatayo at tumulong sa pag-awat at nung nahimasmasan na mama nya e umuwi na ako.
Kinabukasan nung pareho na kaming wala ng amats ng alak, di namin ma-open up sa isa't isa yung nangyari samin kinagabihan kasi di kami makapaniwala na nangyare yun. Sa part ko sa nangyareng yun, lalo akong na attached sa kanya. Gusto kong panindigan kung ano man yung nangyare samin at lalo akong napamahal na tipong gusto ko na ulit pumasok sa new relationship. Balak ko pa sana sa kapaskuhan e sya naman ang papuntahin ko dito sa bahay at ipakilala sa family ko pero pumasok ang pinaka masakit na part para sakin. 5 days before Christmas nang mag message sya sakin ng pagkanda haba-haba at nag send ng PT na positive result. 3 months na pala syang delay at 3 months na din buhat ng may nangyare sa kanila ng ex nya. It was September at June palang magkausap na kami at kinikwento nya sakin nun na halos wala na silang communication nung ex nya. Tapos bermonths din yung maging mutual ang feelings namin.
Halos pagsukluban ako ng langit at lupa sa pag-iyak ko magdamag at di ko makuhang magalit sa kanya. Ayokong magsabi ng masasamang salita sakanya kasi ganun ko sya kamahal. Napakapasakit talaga ng 2020. Patapos na nga pero may pahabol pa. Pinanindigan din naman sya ng ex nya at masaya ako dun pero ako di ko na alam pano ulit sisimulan muli ang isang araw na di na sya ang kausap at kasama. Iniwan nalang ako ng walang pag-asa.
P.S: Tulungan nyo ko to let go and to move on pleaseee. 

SPIDERBLACK
2021
ACCOUNTING
BNAHS
HOW TO IMPROVE MYSELF?
Paano ba? HAHAHA
Almost 2 years na kami ng boyfriend ko, and for the past months we've been together- madami kaming napag awayan and mostly, ako yung rason. Bakit? Kasi alam ko kasalanan ko lagi and I know we both know that. I am a very sensitive person, ako yung taong sobrang babaw lang, I am so hyper and laging over-reacting even in simplest and shallow things. Kadalasan literal ako mag isip, hindi ko nga alam kung bakit naging top 1 ako way back highschool non e. Tingin sakin ng mga kaklase ko- masayahin,yung iba oo tama naman sila na OA raw ako. And yes, I am. I am a certified overthinker, actually noong hindi pa kami ng boyfriend ko, hindi naman e. Hindi naman ako overthinker non, I've always had a positive and simple outlook in life. Not until I met my man, doon kasi alam ko may masasandalan ako, he brings out the best and the worst in me. Pero alam niyo yon? I've never had a chance to change those worst of me,never. Kaya everytime we argue, sinisisi ko sarili ko kasi I overthink like "puro nalang ako sorry, kelan ba ko magbabago?" Yung nasa punto ka lagi na kinukuwestyon mo yung sarili mo na kapag mag aaway kayo, lagi nalang "Sorry, sorry". And there are times I told myself to change, to grow, to improve. Pero paano ba? How to be better? Can someone tell me how?
Everytime na mag aaway kami sasabihin niya (not the exact but shortly it means) "Sinabi mo na yan last time na nag away tayo, pero ayan naulit na naman" , "Nakakasawa nalang, ulit ulit nalang."
Madalas, isip bata ako, oo inaamin ko. Parang hindi pa ko naka-alis sa phase ng buhay ko na I'm already a college student. I should be matured enough to handle things better, I should think wiser and way more matured than I did when I was highschool, pero alam niyo yon? May part naman sa akin na matured ako mag isip, pero mostly and literal, mababaw at isip bata. I don't know how to specify the right word for me pero siguro Childish.
I'm having a confession here kasi I don't know what to do to myself anymore. Ayokong maghiwalay kami, pero pakiramdam ko ilang punto nalang mawawalan na ng kami. Kasalanan ko lagi, kadalasan kasi makulit ako, kasi mababaw ako, kasi hindi ako nagbabago, kasi ulit ulit nalang, kasi pasaway ako.
Sabi niya ako daw yung deserving na girlfriend sa kanya, pero I can't help myself overthinking na the best yung nauna niyang niligawan. Hindi naging sila, hindi na niya mahal- oo. Pero pag nag aaway kami, nakukuwestyon ko rin sa sarili ko, "Paano kung sya nakatuluyan mo? Paano kaya kung sinagot ka nya?
Madami akong kasalanan, pagkukulang bilang girlfriend at bilang tao para sa kanya at para sa sarili ko. Noong nakilala ako ng mama niya, mas gusto nila yung niligawan nya before and until now I don't know if I already had their side. Pero alam ko kulang pa, I need to court them more, to make more effort pero pati yon hindi ko magawa. I don't know how to handle and reach his parents’ expectations.
Can someone tell me how to be the best? Kung paano ba baguhin yung pag uugali kong to? Kasi ako mismo, pagod na din sa sarili ko, pagod na din akong kwestyunin yung sarili ko na bakit ba kasi hindi ko magawang magbago? Ano ba kasi yong dapat kong gawin?
I want to be the best, not just a better person.
I want to be the best for him.
I want to be the worth it one.
I want to be.the.best.future.manugang.
So I'm reaching out to all people out there who've been in my shoes before and currently experiencing the same right now. Kasi ako? Hindi ko talaga alam. Pinapatatag ko naman yung sarili ko e, ayoko lang din lumapit sa mga kaibigan ko-kasi may kanya kanya silang buhay at kaibigan na inaalalayan.
Kaya ko naman to mag isa, pero ang hirap pag mismong sarili mo yong kalaban mo.
Hanggang dito nalang muna.
Lucy
2021
Unknown
Unknown
$Ä’× IN DREAMS
IMPORTANT NOTE FROM ADMIN: This confession is quite serious and not for fun neither a malicious post for you to comment malicious things. The sender needs a serious help. So we hope we can read comments that are making sense. Thank you.
---
Hindi ko na maalala kung kailan nangyare ito.
Ilang beses na kaseng nangyare sakin pero hindi ko alam kung bakit ganito.
Una, nanaginip ako na nakikipag $Ä“× ako sa isang lalaking walang muka, nakikita ko lang buhok nya. (kinikilabutan ako now idk why.) Then natakot ako kase may mga nagsasabi na demon raw or incubus na tinatawag. Tapos naulit nanaman – Nanaginip ako non and then dalawa sila. Bale yung isa binata at yung isa ay nasa edad 30's na tapos bigla nalang naging artista.
And then naulit ulit ilang beses. Nanaginip ako madalas nasa TV, boytrends at yung sa palabas dati ni Barbie Forteza. Sorry kung magulo. Hindi ko kase alam kung anong nangyare. Basta lagi akong nakakapanaginip ng ganon. Pero ito ang pinaka malala. Nasa isang bus ako, marami kami. Lahat namatay kase lahat kaming nasa bus non e may mga kasalanan. At yung pinapalabas na kasalanan sakin don was $Ä“×. Idk kung anong nangyayare. Ang ikinamatay ko ron ay pinukpok ako sa ulo hanggang sa namatay nga ako. Naiiyak na din talaga ako 

Sana mahelp nyo ko. Lagi naman akong nagpi-pray gabi gabi bago matulog. Ano pong dapat kong gawin? Naiiyak ako at natatakot:'(((( sana mahelp nyo ko.
R
2020
Unknown
Unknown
Subscribe to:
Posts (Atom)