Hi, I just wanted to share my story here. Matagal na kasi din akong nagbabasa ng mga story dito pero ngayon lang ako naglakas ng loob para ishare toh. Nobody knows this hidden story of mine except from my friends nung Grade 11 ako.
Nangyari ito nung pauwi kami ng mga kamag-anak ko galing sa kasal ng pinsan ko. Sa ibang lugar kasi ginanap yung kasal kaya halos 12 hrs kaming na loob ng sasakyan. Bale taltong layer kasi ng upuan yung sasakyan at naka-upo ako nun sa pinakalikuran ng sasakyan sa may tabi ng bintana. Bale apat kaming nakaupo sa likuran at katabi ko yung pinsan kong lalaki.
Natutulog ako nun mga bandang hapon ng bigla akong magising dahil nauuntog ako sa bintana dahil nga dumaan kami sa malubak na daan pero di ko pa rin binubuksan yung mata ko kasi sobra ako nagulat at natakot kasi nakakaramdam ako na may nakahawak sa hita ko at dibdib ko.
Nakakatrauma kasi naalala ko yung time na nahipuan din ako sa tricycle, gusto kong umiiyak at sumigaw that time pero hindi ko magawa. Di ko alam kung ilang minuto din akong di makagalaw, pero di ko alam kung saan ako humugot ng lakas para imulat yung mata ko at igalaw yung katawan ko. After that tinignan ko yung pinsan kong lalaki, nakita ko sya na nagtutulugtulugan like there's nothing happened without any regrets.
Pinaglagpas ko yun kasi he was younger than me, 13 yrs old pa lang sya nun and I was 16 that time pero mas matangkad sya saken. Pinalagpas ko yun pero di ako natulog and night came but we are still in the car. And he keep asking and checking me kung tulog na ko, kaya sabi ko nun, di ako matutulog pero dinaya yata ako ng katawan ko kasi nakatulog ulit, dala na rin siguro ng pagod. Naulit ulit yun, di ko na din alam kung paano nawala yung kamay nya nakapatong sa dibdib ko at sa hita ko. Sobra ako natakot na halos laman ng utak ko nung mga oras na yun, pano nya nagawa sakin yun, ate nya ko, leader nya ko sa church. Hindi ba ko desenteng tignan,hindi ba ko karesperespeto? maayos naman yung damit ko di naman nakakabastos, di naman kalakihan yung dibdib ko, pero bakit? Bakit nya nagawa yun? And I was also asking kung ilang oras nya kong ginaganun at kung wala bang nakapansin nun?
Fears and regret was eating me, regret kasi dapat di na lang ako sumama, regret kasi di ko man lang sya nasaway sa takot na baka mawala sya sa church, sa takot na kapag gumawa ako ng eksena sa loob ng sasakyan walang maniwala saken. And sa sobrang trauma ko, galit, regret naging cause yun para maglie-low ako sa church. Nagkaroon din ako ng trust issue sa mga lalaki, halos lahat ng kachat kong lalaki at kakilala ko di ko na kinakausap at lumalayo ako sa kanila. At mabilis din akong magalit kapag may nakikita o naririnig ako na sinisi nila yung pananamit ng babae kaya sila nababastos, umiikot talagah yung mata ko ng 360°. Tapos bigla pang nagquarantine, mas lalo nakakadepress kasi halos gabi-gabi akong umiiyak pati sa panaginip ko andun yun. Nakakasuffocate kasi wala akong mapagsabihan that time.
Ps. I am okay now, I am okay but it doesn't mean na I am completely heal from the wound it cause me. Because deep wounds will never heal that fast, it will take time to heal in God's perfect time and it is never been easy to build your ownself again but for now, I am in the process of learning how to forgive and forget, forget na hindi literal na makakalimutan mo talaga yung nangyari but the pain itself. And forgive without waiting for him to ask for forgiveness.
Arc
2020
12-HUMSS
Unknown
No comments:
Post a Comment